webnovel

Gloom Series#1:Someday, I'll Be Gone

Blurb: Arthea Primero and Dr.Lervin de Cervantes is just arranged marriage. Love is not involved. She never thought that she fall for her husband and she knew better. Her husband is in love with someone else, who are married already. Art caught her husband cheating on her, he bought a condo unit and later on? He bought a mansion too, next to their home. That really hurts for Arthea's part, and she even witness her husband kneeling in front of his mistress, for what? Her husband crying and pleading for Jillian's illness to undergo the therapy. Her husband said, Jillian needs him and his mistress wanted to be choosen between his wife and Jillian. Then, he choose Jillian over his wife and divorce her after that. But what if Arthea is the one who needed her husband the most? What if his wife has a sick too? Take note, it's a rare case of illness. Without knowing of her husband, she secretly went to hospital for her check-up together with her bestfriend and after a week, her MRT and CT scan's result. She is diagnosed of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia known as SPA. It's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk walk, write or even eat. And according to her doctor's research, there is no known cure. And the worst is, there's no survivor from that SPA. They are ended up dying. Makaka-survive kaya si Art? Malalaman kaya ng kanyang asawa na may sakit siya? May pag-asa bang maigamot siya? O malalaman nito kung kailan huli na ang lahat? And she will ended up dying too?

Lyn_Hadjiri · Teenager
Zu wenig Bewertungen
60 Chs

Chapter 32

Chapter 32:Just You

ARTHEA PRIMERO-DE CERVANTES' POV

"Eh, Drim?" tawag ko kay Drim nang bigla niya akong binuhat at maingat na pinapasok sa loob ng sasakyan niya.

"Kaya ko naman, eh," sabi ko at umiling lang siya.

"I insist. Simula ngayon ay hatid sundo na kita. Lalo pa na alam na ng gagong iyon ang tungkol sa sakit mo," he said in a tone of cold.

Naalala ko naman ang nangyari sa amin ni Lervin. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa mga oras na 'yon.

Galak? Pero bakit imbis na matutuwa pa ako dahil umiyak siya mismo sa harapan ko pero hindi ko ramdam ang kasiyahan na 'yon?

He wanted to stay with me, but I push him away. Baka kasi naaawa lang siya sa akin. Baka guilty lang siya dahil may sakit ako?

Hindi naman ako umasa na ako na ang pinili niya. Dahil alam kong hindi. Mahal na mahal niya ang ahas na 'yon kaya bakit nagmamaakawa pa siya sa akin?

Inaamin ko na muntik na, muntik ko na siyang mapatawad. Muntik na ako madala, muntik na akong mahulog ulit sa patibong niya.

Pero naalala ko ang sarili ko. I want to love myself first before him. Dahil nga ubos na ubos na ako kay Lervin.

Second chance? Alam kong deserve iyon lahat ng mga taong nagkasala. Pero kami? Tayong nasaktan na? Ay takot ng mag-risk pa ng second chance.

Takot na tayong masaktan pa. Takot na tayong umiyak ng dahil lang sa isang tao.

Ang mga taong minsan ng nasaktan ay natatakot ng magtiwala. Magtiwala sa mga taong minahal mo pero nasaktan ka lang niya.

Kaya sa ngayon, sarili ko muna ang uunahin ko. Sarili ko lamang ang aalalahanin ko.

Dahil balang araw ay mawawala rin naman ako. Balang araw ay maglalaho rin ako sa mundong ito.

Kaya habang buhay pa ako ay gusto kong pagtuunan muna ang sarili ko. Gusto kong maging masaya kahit hindi ko na kasama pa si Lervin.

Tanggap ko na nga 'di ba? Tanggap ko na ang kapalaran ko. At kami ni Lervin ay tapos na.

Saka sa kalagayan ko, kung sakali man na mabigyan ko siya ng second chance ay alam kong wala ng oras.

I will die... not now but soon.

"But I still hate you," sabi ko sa kanya.

Naalala ko na naman kasi ang pangbubugbog nila kay Lervin.

Kahit na galit ako kay Lervin ay ayaw ko naman siyang masaktan ng physically. Kahit na galit na galit ako sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.

Ang pag-ibig na napakasakit pala talaga.

"He deserve it," aniya at umismid pa siya.

Binuhay na niya ang makina ng kotse niya at nag-drive na siya.

"Wala ka bang work ngayon, Drim?" untag na tanong ko sa kanya.

"Meron. Pero gusto ko ngang ihatid ka. Ah, si Crim pala ang maghahatid sa 'yo pauwi. Tapos sa university niyo ay bantay sarado ka ng Lazallo na 'yon. Kahit na galit pa rin ako sa kanya dahil sa pambubuko niya ay mas kailangan ko ngayon ang isa pang g*g*."

Napapailing na lamang ako sa kanya. Para siyang kuya ko. Overprotective.

DAPAT MAGALIT ako kay Hillarus dahil sinabi niya kay Lervin ang tungkol sa sakit ko.

Pero hindi, hindi ako nagalit sa kanya. Parang wala lang sa akin kung malaman 'yon ni Lervin.

Sabihin ko man o hindi ay wala rin naman siyang pakels 'di ba?

Kahit nga noong una pa lang ay nasabi ko na sa kanya na may sakit ako ay wala rin naman. Nag-stay ba siya? Hindi naman.

"We're here," biglang sabi ni Hillarus.

Napakurap-kurap pa ako. Hindi ko namalayan na nasa school na pala kami.

Masyadong malalim yata ang pag-iisip ko.

Nauna nang bumababa si Drim at pinabuksan pa ako ng pintuan ng kotse niya.

"Don't come near him, Art. I know you still love him, but please... Forget him, hindi na niya deserve ang katulad mo. Ang dami na niyang kasalanan sa 'yo. Ayoko nang makita pa kitang nasasaktan sa pangalawang pagkakataon. Art, kalimutan mo na siya, huh?" saad niya sa mahinang boses at tumango na lang ako.

"Huwag maging marupok," he said.

Ginulo pa niya ang maikli kong buhok at nahawa ako sa ngiti niya.

Ang guwapo talaga ng bestfriend ko. Bakit kaya hindi ako na-inlove sa kanya dati? Dahil hindi ko naman siya type? Or playboy lang talaga siya noon kaya hindi ko siya nagustuhan bilang lalaki?

"Nandito lang kami, Art."

Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo ko. Magaan at may pag-iingat ang halik na 'yon.

Yumakap pa ako sa baiwang niya at tinukod ko ang chin ko sa dibdib niya.

"May girlfriend ka na ba ulit, Drim?" I asked him and by what I said, napaiwas siya nang tingin sa akin.

Yumakap naman siya sa akin sa baiwang kahit 'yong mga mata niya ay nasa malayo.

"Tapos na ang pakikipaglaro ko sa babae. Trabaho na lang muna, Art," seryosong sabi niya.

"Ah, talaga?" sabi ko at kunwari ay hindi ako naniniwala.

Sasagot pa sana siya nang may humila sa akin. Hindi naman 'yon malakas at may pag-iingat pa nga 'yon, eh.

Napasubsob ako sa matigas na dibdib sa kung sino man ang humila sa akin pero kaagad ko naman nakilala.

Naamoy ko kasi ang mabango niyang perfume. Sa dami na ng jacket niya ay alam ko na ang amoy ng perfume niya.

"Your time is over," malamig na sabi ni Hillarus at nakayakap na ako sa kanya.

Narinig ko pa ang mahihinang pagmumura ni Drim.

"Pasalamat ka at may silbi ka pa ngayon," malamig ding sabi niya.

Sa pangalawang pagkakataon ay may bigla na namang humila sa akin.

Sa mga oras na ito ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako napasubsob sa matigas niyang dibdib dahil nahawakan niya kaagad ang ulo ko. Pero mas lalo niya akong hinapit sa kanya kaya hayon napasubsob na ako sa dibdib niya.

"Careful with my wife..."

Damn you, Lervin! My heart still beating with you!

"Let go of me..." mahinang bulong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Mas humigpit pa nga ang pagkakayakap ng mga braso niya sa baiwang ko.

"Fuck! Let her go moron!" Dinig kong sigaw ni Drim.

Hindi ko sila matingnan dahil nakasubsob nga ang mukha ko sa dibdib niya. Naaamoy ko tuloy ang mabangong perfume niya.

Gumalaw si Lervin at nahila na naman ako.

"What do you think are you doing?" kalmadong tanong naman ni Hillarus pero sa malamig na boses naman.

"Don't you know that her brain is sensitive? Paano kung nauntog siya? Mas magiging komplikado lang ang lahat!" sigaw ni Lervin sa dalawa.

Kumunot ang noo ko. Bakit naman siya nag-aalala? Bakit niya 'to sinasabi sa amin?

"And who are you?" tanong ni Drim, ngayon ay kalmado na ang boses niya.

"Hindi ba't siya ang asawa--oh, crap that! Ex-husband!" biglang saad naman ni Hillarus.

Sa himig ng mga boses nila ay tila pinaglalaruan nila lang si Lervin. May sarcastic pa kasi sa mga boses nila.

"Oh, really? Nakalimutan ko rin naman kasi ang mukha ng ex-husband ni Art. Wala naman kasing kuwenta," ani Drim.

"You okay, baby?" Sa halip na magalit o pagtuunan ang mga kaibigan ko ay ako na lang ang hinarap niya.

Napatingala ako sa kanya at sinapo niya pa ang mukha ko.

Parang walang nangyaring hindi maganda sa amin. Parang normal lang ang lahat sa amin.

"Did I tell you to leave me alone?" sabi ko.

Tipid na ngumiti siya pero sapat na para lumitaw ang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi niya.

"Hindi mo ako mauutusan. And baby, I will stay with you. Alam kong galit ka sa akin pero gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako," sincere niyang sabi.

Pero ang hirap na magtiwala sa kanya. Natatakot na ako. Kahit siya pa rin ang mahal ko ay takot na akong magtiwala sa kanya.

May pasa at sugat pa siya pero hindi man lang iyon nakabawas sa maamo niyang mukha.

May humila na naman sa akin but this time ay ibang tao na naman.

"We are gonna be late." Boses 'yon ni Shin.

Hinawakan na niya ako sa braso at parang hindi nag-e-exist ang tatlong lalaki.

"I'll be back, Art."

Napalingon ako kay Lervin nang magsalita siya.

"No...don't coming back. Bumalik ka na lang sa Jillian mo," masungit na sabi ko at inirapan ko pa siya.

"Okay, babalik ako. Babalikan kita, just you. Sa 'yo lang ako babalik."

"Take care, Art."

"Art, don't talk to stranger, remember that."

Hindi ko na pinansin ang tatlo at naglakad na lang kami ni Shin papasok sa klase namin.

"Hindi ko alam kung matutuwa ka ba sa balitang ito. Pero ako? Good news 'to sa akin," ani Shin.

Mabagal ang paglalakad namin ni Shin dahil nga nahihirapan akong maglakad. Paika-ika.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Narinig ko na...may ginawang team research sina Cervin. At tungkol 'yon sa sakit mo." Napahinto ako sa sinabi ni Shin.

Team research? B-bakit? Bakit naman sila magre-research sila? Nag-aaksaya lang sila ng panahon!

"Sino? Sino ang may ideya no'n?" tanong ko.

"Si Lervin at iyong mga kaibigan niyang doctor. Oo, galit pa rin ako sa ginawa ni Lervin sa 'yo. Pero Art, nagpapasalamat ako sa kanya ngayon dahil tutulungan ka niyang maipagamot. Naghahanap na sila ng lunas para sa sakit mo," aniya.

Sumikip ang dibdib ko at nag-init ang mga mata ko.

"No, ayoko."

_______

 

Theme songs:

1. A moment like this by Kelly Clarson

2.A thousand years by Christina Perri

3.Goodbye, my love by Ailee [English version]

4. Ako naman muna by Angelika Ken

5. Love is gone by Dylan Mattew.

#GS1:SIBG