webnovel

May Bagyong Nabubuo (Unang Bahagi)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa pagalis ni Jun Wu Xie, ang mga mukha nila Jun Xian at Jun Qing ay nagdilim.

"Totoo ba yung tungkol kay Lin Yue Yang?" Ipinagpatuloy ni Jun Qiang ang kanilang usapan bago dumating si Jun Wu Xie.

Tumango si Jun Xian "Hindi nga ito pangkaraniwan. Lagi namang tapat at mabuti si Lin Yue Yang, pero ang daming nagpapataluwag sa kanya, at nagpaimbestiga na ang emperador."

"Niligtas ni Lin Yue Yang ang buhay ng kapatid ko, at kung di dahil sa kanyang balita sa espiya sa loob ng sandatahan, maaring matalo ang kapatid ko sa labanan na iyon." Napabuntong hininga si Jun Qing sa utang na loob ng pamilya ng Jun kay Lin Yue Yang.

"Oo, tapat siyang maginoo at hindi rin siya tanga. Nang siya'y taasan ng rango sa imperial city, ilinayo niya ang sarili sa palasyo ng Lin. Nakaramdam siguro siya ng kakaiba at gumawa ng klarong linya sa pagitan natin. Lumipas ang ilang taon, ni hindi natin siya masyadong nakita kahit iisa tayo ng lungsod. Lagi namang siyang tahimik. Sino ba ang pwedeng magtanim ng sama ng loob sakanya?" Nagisip si Jun Xian. Para sa isang lalaking hindi naman kahalaga ang kanyang poste, at wala ring kapangyarihan para masangkot sa korte, sino ang naagrabyado niya?

"Mag iimbistiga ka ba, ama?" Tanong ni Jun Qing.

Huminga ng malalim si Jun Xian "Malaki ang utang na loob ng kapatid mo sakanya, at siya'y isang tapat na ginoo. Kung di dahil sa pangyayaring iyon sa pamilya natin, hindi naman magiisip ang emperador na ang tagapagbantay ng hangganan ng lungsod na nakikipagsabwatan sa pamilya natin. Tayo ang may kasalanan kung bakit siya nasangkot sa gulog ito."

Napaisip si Jun Qing sa nakaraan nung nasa tuktok ng kasaganaan ang palasyo ng Lin, bago mamatay ang kanyang kapatid para sa bansa, bago siya mabaldado, ang dangal at kadakilaan ay prumotekta sakanila. Magmula ng pagdalisdis, sa pagkawala ng naunang kadakilaan, ang mga tagong panganib ay nagsimulang lumitaw.

"Patignan mo iyan sa isang tauhan natin." Sabi ni Jun Xian, napapailing. Hindi niya kayang makakita ng tapat na lalaking masangkot sa sabwatan ng ganito.

May kumatok ng nagmamadali sa kanilang pinto at napapigil ang kanilang usapan.

"Pasok" Sagot ni Jun Xian

Isang guwardiya ng palasyo ang lumuhod sa may pinto, ang lamig ng simoy ng gabi'y pumasok sa silid.

"Naguulat po kay Lin Wang. Ang heneral Li Ran po ay humihingi ng iyong presensya."

"Ang heneral Li Ran? Ano ang gusto niya sakin ng ganitong oras ng gabi?" Tanong ni Jun Xian ng nakakunot ang nuo.

"Hindi ko po alam, pero may kasama pong mga sundalo ang general at mukha siyang nangangamba."

"Siga, pupunta ako at titignan ko." Tumayo si Jun Xian ng hawakan ni Jun Qing ang mangas ng kanyang kasuotan.

"Nagiging mayelo ang gabi, sa kalaliman ng gabi ama, magiingat po kayo." Sabi ni Jun Qing na may nakatagong kahulugan sa kanyang sinabi.

Tumango si Jun Xian.

Sa labas ng palasyo ng Lin, may dalawang sundalong may hawak ng ilaw pabalik sa gabi. Ang heneral ay nasa harap ng kanyang kabayo, mukhang nangangamba.

Nang makita si Jun Xian na lumabas ng palasyo, tumakbo si Li ran at nagpatirapa sa harapan nito.

"Ano ang lahat ng ito, Li Ran?"

"Lin Wang! Tulong!" Pakiusap ni Li Ran.

Nagtaas kilay si Jun Xian. "Ano nangyari para pumunta ka dito ng dies oras?"

"Ang bahay... ni opsiyal Lin…." Nagdalawang isip magsalita si Li Rin.

Kinabahan na si Jun Xian pero hindi niya ito ipinakita.

"Ano nangyari?"

"Sinusunod ko lamang ang utos ng kamahalan na dalhin si opisyal Lin para sa pagtanong tungkol sa mga akusa sa kurapsyon sakanya. Nang makarating kami sa bahay niya, nangyari na. Napatay na ni opisyal Lin ang tatlumpu't anim na tauhan niya. Pag datin ko, nakita ko siyang hawak ang patalim, nababaliw, nakasaksak sa dibdib ng kanyang asawa." Naliligo sa malamig na pawis si Li Ran, di makapaniwala sa kanyang nakita.