webnovel

Gangster Jann (Cali White Gang)

Jannmr · Teenager
Zu wenig Bewertungen
18 Chs

Chapter 14 Off Limits

Author's Pov

Nakaupo ngayon ang tatlong lalaki sa loob ng isang kwarto. Oh wait hindi lang sya basta kwarto, tinatawag nila itong "Off Limits". Bakit nga ba ganun ang pangalan ng kwartong yun? Una, exclusive lamang sya sa TBH. Pangalawa, bawal pumasok sa kwartong ito ng walang pahintulot. Pangatlo, ito ang hideout nila sa campus.

Sa labas ordinary lang tignan ang kwartong to, pero pagpasok mo sa loob, makikita mong may modernong interior design, malalaking sofa, may tv, comfort room at pantry. Ang lawak nya ay binubuo ng dalawang classroom.

Pumayag naman ang mga parents nila na bigyan sila ng exclusive room, pero syempre may condition yun.

Nandito nalang sila tumambay dahil nawalan na sila ng ganang pasukan ang klase nila, maging si Collin ay nanatili na lamang sa Off Limits nanonood ng palabas sa tv.

Samantalang si Trigger ay nakaupo lamang, nakatulala. Madaming iniisip.

"X, sino iniisip mo?" Pukaw ni Ross sa pananahimik ni Trigger.

"What are you saying?" Kunot-noo tanong ni Trigger.

"Ang sabi ko, may iniisip ka ba?" Tanong ulit ni Ross.

"Pwede ba I, wag ka nga maingay. Nanonood ako oh?!" Reklamo ni Collin sa kaibigan.

"Wow ha! Grabe sya oh! Akala mo naman kung ano pinapanood eh naruto lang naman. Paulit ulit mo pa pinapanood. Haha. Adik!" Pang aasar ni Ross.

"I said shut up!" Bulalas ni Collin.

"Fine, fine. Sabi ko nga maingay ako. Ahhh X, pwede ba magdala ng chix dito?" Ngiting sabi ni Ross.

"Alam mo ang rules, bawal. Lahat ng nandito sa place natin ay dapat confidential. Exclusive lang sa TBH." Paliwanag ni Trigger na masamang nakatingin kay Ross.

"Ok ok. Sige" Tinaas pa ang dalawang kamay, na ang ibig sabihin ay sumusuko na sya sa pangungulit. "Kasi naman noh, ang boring na dito. Kanina pa kaya tayo nakakulong dito. Alas tres palang kaya oh?! Nagugutom na tuloy ako. X mag-utos ka naman na padalhan tayo ng merienda dito, please?!" Litanya ni Ross.

"Alam mo ang ingay-ingay mo! Umalis ka na nga dito, pumunta ka na lang kaya sa cafeteria kesa magpautos tayo!" Tugon ni Trigger.

Tumayo si Trigger mula sa sofa at lumapit sa isang desktop na kanina pa naka-stand by. Nakita nya may dalawang babae na nagtutulakan para kumatok siguro sa kanilang hideout. Nakikita nya ang mga ito dahil may CCTV sa tapat ng pintuan sa labas ng hideout nila tapos nakakonekta sa desktop. Naalala nya na sila yung mga kaibigan ni Janet.

Napaisip tuloy si Trigger kung anong kailangan nila at naglakas-loob na pumarito sa hideout samantalang alam ng mga estudyante dito na bawal at walang basta-basta nakakalapit dito. Marahil ay may importante silang sasabihin. O kung anuman yun hindi nya pagbabawalan ang mga ito na makapasok dito, mukhang mapagkakatiwalaan naman ang mga to.

Bubuksan na sana ni Trigger pero nagsalita si Ross.

"Saan ka pupunta X? Magpapautos ka ba na magpadala ng merienda dito?!" Makulit na tanong ni Ross.

"No. Im not. I told you ikaw ang pumunta sa cafeteria kung nagugutom ka."

"Eh bakit lalabas ka?"

"Hindi ako lalabas,may bisita lang tayo kaya ko bubuksan ang pintuan. Tabi nga! Nakaharang ka sa dadaanan ko." Pagpapaalis sa kanya ni Trigger. Umalis naman sya sa pagkaharang sa dadaanan ni Trigger pero nagtataka sya kung sino ang tinutukoy na bisita. Napakamot ulo nalang sya tuloy.

Binuksan na ni Trigger ang pintuan. Tumambad sa kanya ang dalawang babae. Ang dalawang babae naman ay nagulat nung bumukas ang pintuan.

"What are you two doing here? Do you need anything?" Masungit na tanong ni Trigger sa dalawang babae.

"Ah kasi, kasi.." Si Flare ang unang nagsalita, pero hindi nya agad masabi ang gusto nyang itanong dito kay Trigger kinakabahan kasi sya eh.

"Ako na nga ang magtatanong." Agaw pansin ni Maia.

"What is it?" Masungit pa rin na tanong ni Trigger. Hindi naman sya galit pero pagseryoso sya. Ganyan talaga sya magsalita.

Samantalang si Ross naman ay nakikinig lang sa kanila. Naghihintay kung ano ang sasabihin ng mga babae.

"Gusto lang sana namin itanong kung alam nyo ba kung nasaan si Janet? Hindi kasi namin sya makontak. Kanina nagriring pa ang cellphone nya, ngayon cannot be reach na. May alam ba kayo? Yun lang tanong namin." Pagkatapos sabihin ni Maia yun ay bumukas ng bahagya ang pintuan andun na sila Ross at Collin. Si Trigger naman ay naka kunot ang noo. Nag iisip marahil.

"Cannot be reached ang phone ng kapatid ko?" Tanong ni Collin.

"Yes." Sagot ni Maia na nakatingala kay Collin.

"Hey, you two come in first." Anyaya ni Trigger.

"Ah hindi na X, okay lang." Tanggi ni Sonya. Kinakabahan kasi sya sa mga tingin nila. At saka alam nila wala pang nakakapasok dito sa Off Limits.

"No, I insist." Pamimilit ni Trigger.

"Sugurado ka ba X?!" Nababahalang tanong ni Ross.

"Yes, I see no problem with that. Nag-aalala sila kay Janet. Ayaw naman siguro nating lahat na pagtitinginan tayo ng mga estudyanteng mapapadaan dito. Pagtsismisan pa tayo. Kaya pumasok na kayong dalawa."

Wala nang nagawa ang dalawang babae hindi na sila tumanggi pa. Umalis sa may pintuan ang tatlong lalake at naupo sa may sofa sa kanang bahagi. Naupo naman ang dalawang babae sa kaliwang bahagi.

"Hindi nyo makontak si Janet?" Panimulang tanong ni Collin. Samantalang palinga-linga naman ang dalawang babae sa loob ng Off Limits. Namangha sila mga bagay na nakikita nila sa loob dahil unang beses palang naman sila nakapasok dito.

"Ehem." Agaw pansin ni Ross.

"Ah sorry, namangha lang kasi kami sa loob ng Off Limits. Ang ganda kasi ng mga design." Tugon ni Sonya.

"Then welcome to the Off Limits girls." Ngiting tugon ni Ross. Ngumiti lang din ang dalawang babae.

"Pero oo hindi namin makontak si Janet. Kanina kasi nagriring pa pero ngayon cannot be reached na." Si Maia.

"Alam nyo ba kung nasaan sya?!" Sambit ni Sonya.

"Teka try ko nga tawagan." Sabi ni Ross. Tapos kinuha ang cellphone nya sa bulsa ng pants nya. Then he dialled. Pero katulatd bg sabi ng mga babae cannot be reached nga. "Tama nga kayo, cannot be reached. Baka pinatay nya ang cellphone nya o baka nalowbat lang?"

Wag kayo mag-alala, walang masamang mangyayari dun. Malakas yun eh." Sabi ni Ross tapos kinindatan ang dalawa.

"I.." Saway ni Trigger. Napatingin naman ang dalawang babae kay Ross.

"Ahhj.. Kung ganun, aalis na kami. Basta kapag may balita kay Janet please tell us. Thank you." Tumayo na ang dalawang babae para umalis na pero tinawag sila ni Collin.

"Ahh.. Ano nga mga pangalan nyo?! Pasensya na pero hindi ko kasi maalala. Hindi ko natandaan na pinakilala kayo sa akin ni Janet." Sabay kamot ulo.

"Ahh ako nga pala si Maia Kim Corpuz." Pagpapakilala ni Maia. Half smiled.

"Ako naman si Sonya Flare Dominquez. Thank you nga pala sa pagpapasok sa amin dito. Ah sige aalis na kami, salamat ulit." Ngiting tugon ni Sonya sa tatlong lalake. Tumalikod na ang dalawang babae para lumabas na ng Off Limits.

Nang makaalis na ang dalawang babae ay naupo ulit ang tatlong lalake.

"Next time I, ingatan mo ang mga binibitiwan mong salita. We can't give any clues about Janet. You know that its a secret between us." Pagpapaalala ni Trigger.

"Anong wala. Tsk. Basta tigilan mo ang pagiging madladal."

"Okay, okay." Kamot ulo na naman nya. "Eh nasaan ba si Janet?"

"Pssh, nasa Secret House nya. Baka tulog lang yun. O kaya naman ay may ibang ginagawa lang kaya baka pinatay nya ang cellphone nya. Iba yun eh pag may ginagawa sya ayaw nya magpa-istorbo." Paliwanag ni Collin.

"Ah ganun ba. Okay."

Hindi naman sila nag-aalala kung hindi makontak si Janet. Alam naman kasi nila kung nasaan ito, isa pa kayang-kaya nito ipagtanggol ang sarili kung kaya kampante sila.

Hinintay lang nila matapos ang klase sasabay nalang sila sa mga estudyanteng lalabas ng campus.

Trigger's P.O.V

Bukas magsisimula ang training namin dun sa secret house ni Janet. Hindi ko alam kung paano namin sisimulan ang sinasabi nyang training. Wala akong idea. Kinakabahan na kasi ako sa mga posibleng mangyari sa amin. Hindi na ako mapalagay sa kakaisip. Napasabunot na lang ako sa aking sariling buhok.

"What happen to you X?! Parang aligaga ka." Napansin ata ni C na hindi ako mapalagay.

"Naisip ko lang yung tungkol sa training natin kay Janet." Nakipagtitigan ako kay C ng ilang segundo.

"Ano naman ang naiisip mo tungkol dun?!" Nakafocus na ngayon sa akin si C. Samantalang si I, andun sa isang kwarto, inantok ata.

"Hindi natin alam kung anong klaseng training ba ang gagawin natin. Isang gangster ang kapatid mo, pero babae parin sya."

"I know." Nagkatitigan ulit kamo ni C. "Are you doubting her?"

"That's not what I'm thinking. Ang akin lang, ayaw ko lang mapahamak sya. Hindi naman natin alam anong kayang gawin ng kalaban."

"So.. Concerned ka sa kapatid ko?" Makahulugang sabi ni C na syang kinagulat ko.

"Ha?" Yan nalang tuloy ang nasabi ko. Nakakahalata na ba sya? Haist. Wag muna sana. Hindi ko pa alam kung paano magpaliwanag kay C. Tsk.

"Kilala kita, pero kung hindi ka pa handa sabihin sa akin yan. Okay lang. Darating din tayo dyan." Buti nakaintindi.

"May tiwala ako sa kapatid ko. Kung isa syang gangster ibig sabihin may kakayahan sya. Babae sya pero nakita mo naman yung mga kagamitan sa Training Room nya di ba?! Lahat tayo nagulat nung makita yun. Ibig sabihin alam nya paano gamitin lahat yun. Bukas malalaman natin kung gaano sya kalakas. Excited na nga ako pero kinakabahan din." Pinakitaan nya lang ako ng mababaw na ngiti.

"Ano yung narinig ko na sabi mo C?" Ayan na ang madaldal.

"Wala. Tungkol sa training bukas. Pagkatapos ng klase dun na tayo dederetso sa Secret House ng kapatid ko." Marunong din talaga makisama minsan tong si C. I feel relieved.

Jann's P.O.V

Halos dalawang oras din pala ako natulog, dinilat ko ang aking mata, hinagilap ko ang aking mobile phone, ayun nasa ilalim na pala ng aking unan pinindot ko ito para matignan kung may email ba ako o tawag pero nakapatay pala. Nalowbat? Madalas nalolowbat ang mobile phone ko kapag may tumatawag ng maraming beses. Hmm.. baka si Collin. Kinuha ko ang aking pantablay sa drawer ng side table, then I plug it on the outlet.

Tumayo na ako sa aking higaan, umakyat papuntang kusina. Yung alaga ko sa aking tyan ay nagrereklamo na. Ibig sabihin gutom na ako. Hmm.. ah alam ko na ang gagawin ko.

Kinuha ko ang loaf bread sa mesa, binukasan tapos kumuha ako ng anim na piraso, nilapag ko na magkapatong sa isang malaking plato na bilog ang hugis. Kumuha na din ako ng itlog na binili ko kanina. Binati ko ang itlog pagkatapos sinabuyan ko ng asin at paminta. Kinuha ko na rin ang frying pan at mantika, spatula. Ayan! Kompleto na! Ready to cook! I'm gonna cook a toasted bread with egg. Then I heat a small amount of oil in the pan. Next is ginawa kong coating ang binating itlog na may asin at paminta sa tinapay. First three pieces of bread muna ang niluto ko, less than 5 minutes lang naman ang pagluluto nito, both sides dapat ang coating, then I flip it to the other sides after a while, luto na, the last three pieces of bread ang sinunod ko, the same process.

Pagkatapos ko magluto, nagtimpla ako hot choco. Ayan! Perfect. Ready to eat na! Ngiting ngiti kong sabi. Oh teka! Bago ko kainin picturan ko lang muna, popost ko sa fb. I pick up my mobile phone then captured it. Binuksan ko ang fb ko through mobile fb. Then upload my picture of my meryenda with a caption of "who want some toasted bread with egg?" Uploaded.

10 minutes later while eating my meryenda, sunod-sunod ang notifications sa mobile phone ko.

Jann Han added a new photo.

10 mins ago. 🌎

Who want some toasted bread with egg? 😉

👍 Iron Ross Melendrez and 67 others 5 comments

👍 like | 💬 comment | ↪share

Iron Ross Melendrez

Penge naman Janet. Mamamatay na ako sa gutom. Huhuhu..

Like. Reply. Delete.

Jann Han

Sira ulo. Nasa campus ka di ba?! Ang lapit ng cafeteria. Tsss.

Like. Reply. Delete.

Iron Ross Melendrez

Ang sama naman nito. Waaaa.

Like. Reply. Delete.

Jann Han

Tsss. Pakialam ko. 😑

Like. Reply. Delete.

Iron Ross Melendrez

😭

Like. Reply. Delete.

Tsss kahit kelan tong si Ross walang kwenta kausap.

Off Limits Area.

Author's P.O.V

"X, tignan mo to oh.. Nakakagutom ang meryenda ni Janet. Shit. Inaway pa ako sa comment." Bahagyang lumapit si Ross kay Trigger para ipakita sa kanya ang post ni Janet sa fb nya.

Sila na lamang dalawa ang naiwan dito ngayon sa Off Limits. Nauna na kanina si Collin umuwi dahil nabagot na sya sa kahihintay ng oras para mag-uwian dahil ang plano nila ay sumabay sa oras ng uwian pero hindi nakatiis si Collin kung kaya nauna na lamang sya.

"Nakita ko na yan kanina pa." Sabi ni Trigger na may tono sa boses na naiirita kay Ross.

"Hanggang tingin ka na lang ba sa kanya?" Biglang seryoso na tanong ni Ross.

"What do you mean?"

"Hindi ka ba aamin na gusto mo sya?"

"Fuck, shut up."

"Alam ko naman na may gusto ka sa kanya X, kitang-kita naman paano mo sya tignan eh."

"Am I that obvious???"

"Yes, kahit hindi mo sabihin, at hindi halata sa galaw mo, yung pagtingin mo sa kanya ang makakabuko sayo. Totoo yun X. Tinititigan mo kasi sya kapag kasama natin sya. Hindi ko lang alam kay C o kay Janet kung nakikita ba nila yun. Ganyan ka rin noon kay.."

"Shut up! Don't ever mention that name to me." Galit na sambit ni Trigger.

"Nakamove on ka na ba sa kanya?"

"Do I look like a pathetic right now?"

"Pero naman kasi.."

"I have moved on Iron Ross, but I don't want to remember that person anymore." Medyo nagulat si Ross nang mabanggit ni Trigger ang buong pangalan nya. Kung ganun, seryoso nga talaga at walang halong pagkukunwari ang tinugon ni Trigger sa kaibigan nya.

Bumuntong hininga si Ross.

"Stop. Quit thinking about it. Let's go gusto ko na umuwi.

Lumabas na sila ng Off Limits tapos nilock ang main door, pero sa loob bukas parin ang CCTV nito. Palagi naman eh.

Naglalakad na sila papuntang parking area.

"Omg!!! Girls nandito pala ang TBH."

"Hi, X!"

"Hi, I!"

"Ahhhhhhhh TBH. Ang gwapo nyo talaga."

"Ay wala si C?!" Malungkot na sabi nung isang babae.

"I, date me please!" Sigaw nung babae.

"Hindi kayi ide-date ni I, kay China Bliss na yan eh." Sabi nung isa naman.

Sa mga dadaanan nilang classroom tumitili ang mga babae at tinatawag ang kanilang pangalan. Si Trigger walang imik at nakatingin lang sa mga babae. Si Ross naman ay panay kaway.

"Finally, parking area. I can't wait to come home." Sambit ni Trigger.

"Atat ka na ba umuwi? O baka naman pupuntahan mo lang si Janet sa kanila. Ay oo nga pala nasa Secret House sya ngayon." Ngising sabi ni Ross. Pagkatapos pumasok n agad sa sasakyan nya.

Hindi na lang umimik si Trigger tinignan nya ng sobrang sama si Ross kaya nagmadali itong pumasok sa sasakyan nya. Pinaandar na lang nya ang sasakyan nya ay humarurot na umalis ng parking area, naiwan si Ross dun na tumawa sa loob ng sasakyan nya. Alam nyang napikon yung kaibigan nya. Maya-maya umalis na rin si Ross.

To be continued..