webnovel

From Enemies to Lovers?

"From Enemies To Lovers?" tells the story of Kenneth, a teenager who hides his true identity from his family. His life revolves around his family, friends, and studies. But all of it change when he meets Luke, the man who shakes his heart surrounded by high walls. By certain incident and circumstances they went from having a cat-and-dog relationship to being friends. Join Kenneth as he tells you the story of his youth!

introvert_wizard · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
21 Chs

Chapter 12 : Napkin

Kenneth's PoV

"Shota ko tol!" mayabang na ani ni Luke na ikinakuyom nang kamao ko.

"Nagjojoke lang siya, pinagsasabi mo?" malakas kong siniko si Luke dahilan para mapaatras siya.

"I know. Kilala ko tong gagong to, loko loko to plus babaero." natatawang ani ni Troy habang nilalapitan si Luke. "But you got me their for a second. I thought you were serious"

"Ulol! Hindi ako papatol diyan" napataas ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Luke.

"Che! As if naman type kita" sambit ko sa sarili ko.

"By the way how's Leah?" nagsimula silang maglakad paalis ng airport. Habang ako ay nasa likod nila at abala sa pakikinig sa pinaguusapan nila.

"Hiwalay na kami" kaswal na sagot ni Luke. Napailing nalang ako sa isipan ko habang nakikinig sa pinaguusapan nila.

"Bakit naging two timer ka na naman? Tng ina mo tol! Kailangan ka ba magbabago? Babaero ka parin?" pangangaral ni Troy. Paano ba kasi naging kaibigan ni Troy yang gagong lalaking yan. Ang lakas na ngang manigarilyo tapos babaero pa pala! Jusme! Bad influence!

"Bakit gusto mo manlalaki ako?" pabirong sambit ni Luke dahilan para mapatigil sila sa paglalakad at napatingin sa gawi ko si Luke.

"Gago ka talaga" mura ni Troy.

"Nga pala Kenneth, may girlfriend kana?" tanong ni Troy out of nowhere.

"I'm gay" walang pagaalinlangan kong ani. Napatango tango naman si Troy. I guess hindi na nakakagulat sa kaniya ang sinabi ko since baklang bakla talaga ko kahit noong bata pa. Hindi ko lang gets kung bakit hindi parin alam nila Nanay. Curious nga ako. Do they really not know that I'm gay? or are they pretending to not know? Napabuntong hininga ako sa biglaang pagsulpot ng mga tanong na iyon sa isipan ko.

"Tinatanong niya kung may girlfriend ka, hindi kung bakla ka" I rolled my eyes after Luke butt in.

"Kaya nga, naging bakla pa ako kung babae din jojowain ko" mataray kong sambit.

"Malay ko ba sa trip mo."

"Anong akala mo sa pagiging bakla trip trip lang? Natripan ko lang maging bakla, yun ba ang ibig mong sabihin? Trip mo rin bang maging lalaki?" sarkastiko kong sanggit.

"Hindi ikaw lang trip ko" nakangising sambit ni Luke na ikinakuyom ng kamao ko. Nakangiti akong bumaling kay Troy.

"I'm really glad to meet you again Troy but I can't stand another minute with this man. Goodbye, I'll just tell Au about this." paalam ko at walang pagaalinlangang linampasan sila.

"Wait. Can I get your number?" napahinto ako sa sinabi ni Troy.

"Next time" hindi ko siya nilingon sa halip ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Big applause with standing ovation for me. Sa wakas nagtagumpay ang pagiging dalagang pilipina ko */wink.

Napapikit ako at napahinto sa paglalakad. "Just ask Au for my phone number" nilingon ko si Troy at ngumiti ng mataas. Sorry, marupok lang! */wink

©introvert_wizard

"Au!" masigla kong sigaw sa pangalang ni Au at inilingkis ang kamay ko sa braso niya.

"Bakit parang good mood ka?" nagtataka niyang tanong.

"Si Troy--I mean yung kapatid mo." pigil ang ngiti kong ani.

"You like my brother" direktang lintaya ni Au. " Tama ako? Kenny, I know kuya is attractive but please not him. I don't want you to be hurt. Sobrang babaero ni Kuya, tapos nalaman ko pang magkakilala sila ni Luke. Apparently they are close friends. I never expected na babaero din pala si Luke." tila natahimik ako sa isiniwalat ni Au.

"Don't worry, wala akong balak jowain si Troy. As if I have a chance." awkward kong sambit.

"I heard you're friends with kuya back then?" para akong nacorner sa biglaang tanong ni Au.

"Ah--Oo--We're childhood friends. Teka bakit ni minsan ay hindi kita nakitang kasama ni Troy?"

"Stepsiblings--He's my stepbrother. My Dad remarried with his Mom last year. And then viola! May instant kapatid na ako plus a Mom" mahihinuha sa tono ng pananalita ni Au ang pagtutol niya sa kasal ng ama niya at ina ni Troy.

"Hindi ba kayo close ni Troy? But the way he talks about you yesterday, parang close na close kayo." nagtataka kong tanong.

" I won't say that we aren't, hindi ko rin masasabing close kami. We just acknowledge each other as siblings--that he's my kuya as he's a year older than me." sagot niya at sabay kaming napahinto nang makarating kami sa tapat ng room namin.

"Morning Au" bungad ni Troy kay Au. Ngumiti naman si Au at saglit na niyakap si Troy. "Morning din kuya"

"Oh Morning Kenneth" nakangiting bati ni Troy sa akin. Ngayon ko lang napagtantong sa school na pala namin siya magaaral.

"Kenny, hurry up" biglang tawag ni Au sa akin. What's up with her? Bakit parang ang init ng ulo niya?

"Anyare Au?" tanong ko sa kaniya ng makaupo kami.

"Nothing" pilit ang ngiti niyang ani. Hindi ako yung tipo ng taong makikialam sa problema ng iba. Hindi rin ako yung tipo ng tao na kukulitin ang isang taong may itinatago. But--- I now consider Au as my close friend. I care about her-a lot. I can't bear to see her suffering. I make look nosy but I really want to help her.

"Spill it Au" napalingon sa akin si Au at tumango naman ako telling her that I can listen to any of her problem she want to share.

"It's nothing Kenny. Wala lang to" napakunot ang noo ko dahil sagot ni Au.

"Au sabihin mo na! Aren't we friends? Didn't we promise each other to treat each other like how real friend does? Sige na Au, ready ako. May it be about your pregnancy--"

"Medyo OA" natatawa niyang ani at lumapit sa akin. "May mens ako" nahihiya niyang sambit.

"Shuta yun lang pala! Akala ko kung napano ka." I said in relief. "So that explain why you have mood swings"

"Not only that Kenny. I ran out of napkins and I badly need it now" pabulong niyang ani sa akin.

"Seryoso? Naka iphone ka pero hindi nakabili ng napkin? Ayos na ayos ka wala ka palang napkin" mapagbiro kong ani na ikinatawa niya.

"Can you buy it for me Kenny? Medyo sumasakit kasi yung puson ko. I don't know if I would be able to walk"

"Tinatamad ka lang" Kilalang kilala kona to si Au. Napangisi naman siya at nagpeace sign. "Kung suntukin ko kaya yang puson mo para realistic yung sakit?" biro ko dahilan para umalingawngaw ang tawa niya sa buong room.

"Gosh this ain't a public market what's with the noise" parinig ni Helli.

"Tigil tigilan mo ako impyerno! Wala ako sa mood makipagsagutan sayo baka punitin ko yang labi mo."

"Geez what a warfreak" mataray na ani ni Helli at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Nagkatinginan kami ni Au at napatawa.

"Kenny, bilhan mona ako please" pamimilit ni Au.

"Okay fine. Pero saan ako makakabili nun?" tukoy ko sa napkin.

"Sa labas" nakangiting ani ni Au.

"Wa--What?" hindi makapaniwala kong lintaya. "Wait lang. So you're suggesting na lumabas ako ng Uni?" mas malapad na ngiti lang ang isinagot ni Au sa akin.

"No! No Au! No!" madiin kong pagtanggi.

"But Kenny--Masakit na talaga yung puson ko" pagdadahilan niya.

"Au, sinasabi mong lalabas ako ng Uni ngayon? Class hours ngayon, never ako nagcut class Au alam mo yan."

"I know Kenny pero kasi kailangang kailangan ko ngayon ng napkin. Can't you do it? It's another experience for you Kenny. You aren't doing a crime." pangungumbinsi niya sa akin.

"Fine!" pikit mata kong ani.

"OMG! Thank you Kenny!" masiglang sigaw ni Au at niyakap ako.

"Huwag mong kalimutan na itext ako pagmatapos yung meeting nina Ma'am" paalala ko sa kaniya at nakangiti naman siyang tumango. Pinagmasdan ko muna ang mga kaklase ko at nang mapansin kong abala sila sa kanikanilang ginagawa ay mabilis akong lumabas ng room. Lakad takbo ang aking ginawa habang hinahanap ang likod na daanan na sinasabi ni Au. Sigurado kasi akong may mga guard na nagbabantay sa front gate kaya mahihirapan akong lumabas. Hindi na kasi pinapalabas ng school ang mga estudyante pagmagsimula na ang klase.

Pigil hininga akong naglakad nang makaabot ako sa tapunan ng mga nabubulok na basura. Bakit ko ba to ginagawa lahat para lang sa isang napkin? Nakatingala lang ako dahil nandidiri ako sa mga basura. Nagulat ako nang biglang may humila sa akin. Naramdaman ko nalang na tumama ako sa dibdib ng isang lalaki. Iniangat ko ang tingin ko at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Luke. Bahagya niya akong inilayo sa kaniya. Sobrang bilis ng nangyari at tanging pagtitig lang sa nagaalalang mukha ni Luke ang aking nagawa.

"Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? You're acting foolish again." inis na sambit sa akin Luke.

"Ano bang sinasabi mo?" inis akong humakbang paatras. Nagulat ako nang biglang hinatak ni Luke ang kamay ko at pilit inikot ito. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya dahil sa bilis nang pagkakaikot niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko sa likuran niya ang malawak na palayan. Nanginig ang tuhod ko ng makuha ng atensyon ko ang mangilanngilang linta na nasa paanan ng palayan.

"Now will you listen to me?" seryosong ani ni Luke mabilis naman akong tumango bilang sagot. May trauma ako sa mga linta dahil sa nangyari sa akin ng bata pa ako. Noong may pagaaring palayan ang pamilya namin na ibinenta namin pagkatapos maaksidente ni Tatay at Tito. Madalas akong isama ni Lolo sa palayan hanggang isang araw biglang may lintang dumikit sa paa. Naalala ko na sobrang takot ang naramdaman ko ng araw na iyon. Kaya hanggang ngayon ay takot na takot parin ako pagnakakita ng mga linta.

"Hop on" pumunta sa harapan ko si Luke at bahagyang lumuhod.

"Huh?" naguguluhan kong ani.

"Huwag kang matakot. Sakay" utos ni Luke sa akin. Nilunok ko nalang ang pride ko at pumaimbabaw sa likuran niya. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Tila nawala ang takot na bumabalot sa buong katawan ko nang tumayo si Luke at itinaas ako sa ere.

"Bakit ka pala napadpad dito? Akala ko ay nageensayo kayo?" mahina kong tanong kay Luke.

"Napadaan lang ako tapos may nakita akong estudyanteng hindi tumitingin sa dinadaanan niya." hindi ko na sinagot si Luke dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo.

"Salamat" ang tanging salitang lumabas sa bibig ko nang ibinaba ako ni Luke. Isang bahagi kasi nang palayan ang dapat kong tawirin para makapunta ako sa kaliwa nito na makikita ang sinasabi ni Au na lagusan palabas ng school. Hanggang sa makapunta kami sa isang supermarket ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Pasimple akong tumitingin kay Luke at palaging bumubungad sa akin ang nakakatakot niyang ekspresyon sa mukha. Naiilang ako sa pagtitig niya sa akin idagdag mo pa yung seryoso niyang mukha.

Mabilis akong naghanap ng napkin at pumunta sa counter. Nakangiting sumalubong sa akin ang isang baklang cashier. Pansin ko ang makahulugan niyang titig sa akin hudyat na nasense niya ang totoo kong kasarian.

"LQ?" intriga ni Bakla. Sabay naman kaming napalingon kay Luke na prenteng nakasandal habang nakatitig sa akin. Napapikit nalang ako sa hiya at hindi na sinagot ang tanong ng cashier.

"Naku bes magayos na kayo. Sayang yang si pogi kung pakakawalan mo lang." pilit akong ngumiti sa sinabi niya.

"Hindi kami" maikli kong sagot.

"So ano kayo?" natigilan ako sa tanong ng cashier. Napatitig ako sa salamin kung saan makikita ang repleksyon ni Luke. Ano nga ba kami?

"Friends" nakangiti kong ani. Kinuha kona ang pinamili ko at umalis na. Muli akong isinakay ni Luke sa likod niya ng pabalik na kami sa school. Nang makalampas kami sa may palayan at sa compost pit ay napaupo ako sa isang malaking bato. Napatingin ako kay Luke na tila may iniinda. Nanlaki ang mata ko ng may lintang nakadikit sa binti niya.

"LINTA!" nagpapanic kong sigaw.

"Ssshhh Calm down!" pagpapahinahon niya sa akin habang tumitingin sa paligid namin kung may tao ba.

"Don't Panic! I'll do something! Promise tatanggalin natin yan Luke!" kinakabahan kong sambit. Nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib at pagbagal ng hininga. Iba't ibang larawan ang gumuguhit sa isipan ko. Isa na doon ang sinaryo kung saan sinipsip ng linta ang dugo ni Luke hanggang sa maging buto't balat nalang siya.

"HINDI! HINDI PWEDE TO! ILILIGTAS KITA LUKE! ILILIGTAS KITA!" parang baliw kong sigaw at pinagtatadyakan ang binti ni Luke. Sigurado akong pagmay makakita sa ginawa ko ay aakalain nilang may sira ako sa utak.

"Sht! Stop it!" huminto ako sa pagtadyak nang mapasigaw dahil sa sakit Luke. Gumuhit naman sa mukha ko ang labis na pagaalala.

"Sorry" nahihiya kong ani. "Wa--Wait! Anong gagawin mo Luke? Hoy! Teka! Huwag!" muli akong nagpanic nang hinawakan ni Luke ang linta at pinilit itong hinila. "Bitawan mo yan Luke!" sigaw ko. Marahas kong hinampas ng mga pinamili ko ang kamay ni Luke. Pikit mata kong paulit ulit na hinampas ang kamay niya. Tila wala ako sa sarili dahil kung ano ano nalang ang ginagawa ko. Nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang binti ni Luke na wala nang linta. Nakangiti akong tumingala sa kaniya nang may mapagtanto.

"Hindi band-aid yang napkin" seryoso niyang ani habang tinatanggal ang isang piraso nang napkin na itinapal ko sa kinagatan ng linta. Hindi ko alam kong kailan ko iyon itinapal dahil sa bilis ng pangyayari. Mabilis ba talaga? O talagang nagpanic lang ako.

JUSME!

Bakit humantong sa ganito ang pagbili ko ng napkin?

Humanda talaga si Au sa akin!

Tatapalan ko talaga siya ng sandamakmak na napkin.

©introvert_wizard

-Easter Egg/ Epilogue-

Third Person Point of View

Makikita sa gym na abala sa pageensayo ang mga manlalaro ng basketball ng paaralan ng Labrador. Ang isa sa magaling na bagong recruit ng team ay si Luke. Kasalukuyan siyang nakaupo sa bench nang biglang may natanggap siyang text message.

From: Aurora

Luke, may ginagawa ka? Pwede mo bang samahan si Kenny? Inutusan ko kasi siyang bumili ng napkin dahil may mens ako. Sinabihan ko siyang dumaan sa likod ng school baka kasi mapano siya doon. Please Luke help me. Thank you */heart emoji

Napakunot ang noo ng binata matapos niyang mabasa ang text message. Tumayo ito mula sa bench at nilapitan ang isang manlalaro.

"Tol! Alam mo ba kung saan yung daanan sa likod ng school?" tanong ni Luke.

"Bakit? Sa pagkakaalam ko ay nasa likuran yun ng junior high building. Pupunta kaba doon Tol? May palayan kang madadaanan doon magingat ka dahil maraming linta doon."

"Linta?" gulat na sambit ni Luke. Gumuhit sa kaniyang mukha ang labis na pagaalala.

"Sht! Takot siya sa linta." bulalas ni Luke sa sarili niya at tumakbo palabas ng gym. Pinilit siyang tawagin ng kapwa niya manlalaro ngunit mabilis ang pagtakbo ng binata.

©introvert_wizard

-End of Chapter 12 : Napkin-