webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · Urban
Zu wenig Bewertungen
56 Chs

A Night to Remember

Pagkatapos nga nilang magligpit ay nagpaalam sila kay mang Liam na pupunta sa dalampasigan. Umupo sila sa di kalayuang parte ng beach kung saan hindi masyadong matao para ma-enjoy ng lubusan ang ganda ng paligid.

"Whoah! From the gleaming stars to the sound of the waves, this place is perfect," masayang saad ni Jei sa binata na naghahanda ng bonfire sa pagitan nila.

Sinindihan muna ni Wonhi ang pang- ilalim na kahoy na may gas bago sumagot. "Can't agree more! Know what's missing?"

"Ano, kuya?" kinakabahang tanong ni Jei ng makita ang pilyong ngiti ng binata.

"Wait for me!" sagot nito bago siya iniwang nagtataka. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito na may hawak na isang plastic bag.

"Ta- da!" masiglang saad ng binata habang inilalabas ang apat na bote ng beer.

"Seriously?" natatawang sabi ni Jei sa binata.

"Alcohol is always perfect in this mood," sagot ni Wonhi bago ibigay ang binuksang serbesa kay Jei.

"Thanks! Cheers then. Cheers to this romantic night!" masiglang saad ni Jei.

"Yeah! Cheers to your freedom!" biro ni Wonhi. May pinong kurot sa puso ni Jei ng marinig ang komento ng binata. Sa isang iglap ay nanumbalik ang masakit niyang karanasan sa pag- ibig.

Naging seryoso ang mukha ni Wonhi ng mapansing panay ang inom ni Jei sa kanyang alak kaya agad niya itong naubos at nagbukas ng isa pa.

"Hey, slow down!" saad ni Wonhi nang tinunggahin ni Jei ang pangalawang beer. "Ya! That's enough!" sigaw ni Wonhi ng buksan nito ang pangatlong beer. Medyo tamado na si Jei sa mga oras na iyon dulot ng mabilisang pag- inom kaya humahagikgik lang siya habang si Wonhi ay puno ng pag- aalala.

"Just lemme be, kuya! I wanna enjoy. As you've said, happy independence day to me!" malakas na sabi ni Jei sa binata. "Cheers to my freedom! Woooooooooooooo!"

"Jei... I am so sorry. I didn't mean to," hinging paumanhin nito kay Jei na inisang shot ang alak.

"Aaaah! I never thought beer would be this delicious," nakangiting saad ng dalaga.

Tinitigan ni Wonhi si Jei saka nagsalita, "Jei... it's okay to cry. If you're in pain, it's okay to let others know about it. Trust me... it would help you heal your wounds."

Sa mga oras na iyon ay biglang gumuho ang pader na pilit niyang itinatayo upang ikubli ang kanyang mapait na karanasan. Nag- unahang pumatak ang kanyang mga luha.

Animo'y nakikidalamhati ang dagat sa sakit na kanyang nararamdaman dahil biglang umihip ang hangin at lumakas ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Nanuuot ang malamig na hangin sa kanyang kamalnan kaya agad siyang napayakap sa sarili.

"You must've loved him to be in such pain," saad ni Wonhi ngunit laking gulat niya ng tanungin siya nito.

"How about you, kuya?" biglang tanong ni Jei sa nalilitong binata.

"What?" kaswal niyang tanong.

"Provided you're not my brother's friend, what would you think of me?" tanong ni Jei. Tahimik lang ang binata habang nakatingin sa kalangitan.

Tumawa si Wonhi sa tanong ni Jei pero agad din tumigil ng hindi man lang ngumiti ang dalaga. "You're crazy, but tolerable," biro ni Wonhi.

Napabuntong hininga si Jei bago tumingin kay Wonhi saka nagtanong, "Would you be attracted to me as a girlfriend? Or I am not even considered a girlfriend material."

Marahas na lumingon si Wonhi kay Jei dahil sa pagkabigla. Kunot ang noong sinalubong ang mga mata ni Jei na bumabalon sa luha.

"What?!"

"Just answer me honestly."

"W- what are you doing?" kinakabahang tanong ni Wonhi kay Jei ng walang sabi- sabi ay tumayo ito at naglakad patungo sa kinauupuan niya. "Jei, what are you doing?"

"Searching for answers~," mahinang sagot ng dalaga ng makaupo ito sa tabi niya.

Napakislot ang binata ng maramdaman ang mainit na braso ni Jei na dulot marahil ng alak na tinungga nito kanina. Huminga siya ng malalim ng biglang makaramdam ng kakaibang init sa kanyang katawan kaya bigla siyang tumayo.

"You're drunk, Jei. We should go home," saad nito sa dalaga. Hindi kumibo si Jei na nakatitig lamang sa nauupos na panggatong ng kanilang bonfire. Napabuga ng hangin si Wonhi dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"Wait for me, Jei," sabi ng binata bago ibinalik ang mga bote sa pinagbilhan niya at kinuha ang kanyang deposit.

Kumabog ang kanyang dibdib sa kaba ng bumalik siya ay wala ang dalaga sa kinauupuan nito. Malulutong na mura ang namutawi sa kanyang bibig.

"Shit!" mura niya ng marinig ang ringtone ng dalaga. Napagtanto niyang iniwan nito ang kanyang cellphone kaya lalo siyang kinabahan. Malalagim na senaryo ang nag- flash sa kanyang utak sa mga oras na iyon.

Lakad- takbo ang ginawa niya habang hinahanap ang dalaga. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakita niya si Jei na masayang nakikipagkwentuhan sa isang binata sa di- kalayuan. Nakasandal ang lalaki sa isang puno ng niyog habang nasa harapan niya ang dalaga na namumula sa kalasingan. Habang papalapit ay naririnig niya ang kwentuhan ng mga ito.

"Why is a pretty girl like you walking alone in this beautiful beach?" tanong ng binata.

Natawa si Jei. "Coz no one wants to walk with me," sagot niya.

Lumuwang ang ngiti ng binata sa sagot niya. "That's unbeliavable. You don't have friends, family, or a boyfriend with you?"

"My ex- boyfriend is a jerk! And I don't wanna bother my family," malakas na sabi ni Jei. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata bago bumuga ng marahas.

"Whoa! Easy there. Calm down," saad ng estrangherong binata.

"Bout you? Why are you drinking here alone?" biglang tanong ni Jei.

Nagkibit- balikat lang ito bago uminom. "My wife's cheating on me," malungkot niyang sabi. "Well... what can I do? She isn't happy with me anymore. I don't think it's fair for me to keep the relationship."

"Oh! I am sorry to hear that. Why are there people who don't value the love and trust that you invest in them?" mapait na komento ng dalaga.

"Well, that's life. Some people are just plain jerks. Don't you think it's our destiny to meet? You know... two lonely people meeting in paradise," saad nito.

"Yeah, right!"

"Destiny, my ass!" nang- uuyam na sabi ni Wonhi sa di- kalayuan habang patuloy pa ring nakamasid.

"Anyway, name's Rico. And you are?"

"Jei."

"Pleasure to meet you, Jei."

"Same here."

Nahigit ni Wonhi ang kanyang hininga ng nakangiting hinawakan ni Jei ang nakalahad na kamay ni Rico. Habang pinagmamasdan ni Wonhi ang matamis na ngiti ni Jei sa binata ay nakaramdam siya ng pinong kurot sa kaibuturan ng kanyang puso.

"Wanna join me to my cottage?" nakangiting aya ni Rico sa dalaga. Laking gulat ni Wonhi ng sumang- ayon ito sa imbitasyon ng estrangherong binata.

"Jei!" sigaw ni Wonhi sa dalaga ng makitang naglalakad ang mga ito palayo. Lumingon si Jei at biglang sumimangot ng makita si Wonhi na naglalakad palapit sa kanila.

"Do you know him?" tanong ni Rico kay Jei.

Hindi naman pinansin ni Wonhi si Rico at dumiretso siya kay Jei na nakasimangot pa rin sa kanya. "Let's go home!"

Tinitigan lang siya ng dalaga na parang hindi sila magkakilala.

"Jei, do you know this guy?" tanong ni Rico.

Nanlaki ang mga mata ni Wonhi ng itanggi ni Jei na magkakilala sila. Confused na tumingin si Wonhi sa dalaga na agad namang nag- iwas ng tingin.

"Jei...," mariing saad ni Wonhi.

"Hey, stop bugging her!" saad ni Rico kay Wonhi na tinabig pa ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ni Jei.

"Jei, let's go home," sabi ulit ni Wonhi na hindi pinansin si Rico. "What do you think you're doing?"

"Let's go, Rico!" saad ng dalaga na hinatak pa kamay ng binata.

"Jei! What the fuck is wrong with you?!" inis na sigaw ni Wonhi sa dalaga. "Let's go home!"

"Hey! Fuck off!" sabat ni Rico ng hatakin ni Wonhi ang kamay ni Jei.

Sa unang pagkakataon ay hinarap ni Wonhi si Rico. Nagkasubukan sila ng tingin. "What did you say?"

"I said, Fuck off!"

"What if I won't? What will you do?"

"Hah! You don't even wanna know!"

Nagkasubukan ng tingin ang dalawang lalaki. Magkasingtangkad man ay di hamak na mas malaki ang katawan ni Rico ngunit di ito naging dahilan upang maduwag si Wonhi sa kanya.

"Look how pathetic you are right now--- insisting yourself to her," nang- uuyam na saad ni Rico.

"Pathetic? Me? Why don't you look at yourself--- taking advantage of a woman's misery!" mariing sagot ni Wonhi bago hatakin si Jei palayo. "If you touch MY girl once more, you'll regret it!"

Sa gilid ay parang nabuhusan ng malamig na tubig si Jei ng marinig ang sinabi ni Wonhi.

"Girl? I'm NOT your girl!" sigaw nito sa binata.

"No, you are!" mariing saad ni Wonhi. Nabaliw ang sistema ni Jei ng walang sabi- sabi ay dumampi ang mga labi ni Wonhi sa kanyang bibig.