webnovel

I Will Be Back- 1

PAST...

Lady I'm your knight and shining armor and I'm yours

My love..

There's so many ways I want to say I love you

Let me hold you in my arm and..

You have gone and made me such a fool

I'm so lost in your love

Lady your love is only what I need..

You're the love of my life, you're my lady

"You look gorgeous tonight Nicky. And I feel so lucky that I'm the lucky guy na pinayagan mong maisayaw ka."

"Should I take that as a compliment?"

"It's up to you."

"Should I compliment you back?"

Natawa lang ito.

I saw how his lips twitched into a smirked. He look so goddamn handsome even if the upper part of his face is covered of mask.

"Smile please. Mas bagay sa'yo na naka ngiti palagi. Kanina ka pa naka simangot oh. "

Isang masquerade ball ang naisipan na gawin ng mga magulang ko. Today is my 18th birthday. And yes, ang araw na pinaka hihintay ng lahat. Pero hindi ako. Dahil alam ko na pagkatapos ng gabing ito. Balik na naman sa dati nag lahat. Everything that you can see is nothing but a big façade.

"Excuse me , sir? Do I know you?"

"Tsk tsk tsk. Pumayag ka na maisayaw ng isang lalaki na hindi mo naman kilala?"

Napa maang siya.

"Actually, napilitan lang naman ako makipag sayaw sayo kasi nakakahiya namang tumanggi kung lahat ng mga katabi natin nakatingin sa ating dalawa kanina."

"Uhuh."

"You know what? I really don't know you mister. So if I were you, I'll better introduce myself before ka mag-

" Ouch." Nag kunwari pa itong parang nasaktan.

"Gusto ko ng umupo." Medyo kinakabahan na sya. Kahit kakasimula pa lang nilang magsayaw ay kinikilabutan na sya sa lalaking kasama nya. Baka naman nag gate-crash lang ito at hinid talaga ito invited. Pero imposible naman kasi sobrang higpit ng guard nila .

He sigh . "Ok , my lady. But in one condition?"

Nag tatakang napatingin ulit si Nicky sa lalaki. Pero hindi na sya umimik ng magsalita pa ulit ang lalaki.

"Promise me that you will wait for me. Give me five years and I'll go back into your arms."

"Ahmm. I'm sorry mister but I really don't understand what you're talking about."

Pero parang hindi man lang sya napansin ng lalaki. Nagpatuloy lng ito sa sinasabi nito.

"And if ever na may magawa man ako sa susnod na pag kikita natin, please. Accept my apology. As early as now, sinasabi ko na sa'yo. Na ginagawa ko lang 'to dahil sa'yo.I promise. Babalikan kita!"

Sobra na siyang kinikilabutan sa pinag sasabi ng lalaking 'to. Hindi naman nya 'to kilala pero kung mag salita 'to parang ang tanda tanda na nya.

Hanggang sa maihatid sya nito pabalik sa upuan nya ay nakatingin lang si Nicky.

Weird!

Sinundan lang nya ng tingin ang lalaki hanggang sa mawala ito ng lumiko ito papunta sa porch nila. Nang tiningnan naman niya ang mga magulang nya ay busy parin ang mga io sa pakikipag usap sa mga business partners ng mga ito.

She is the only child of Mr. Fontanilla and Mrs. Fontanilla.

Napa buntong hininga sya . Parang business party lang naman pala itong pinasukan nya at hindi isang debut party.

Naka simangot na nga siya sa buong party pero parang wala lang sa ito ang nararamdaman nya.

Naka simangot na tumayo siya at dumiretso na ng akyat papunta sa kwarto nya.

Yes, sa mansion ng Fontanilla ginanap ang debut party nya. Why not? Sobrang laki ng space ng bakuran nila. Maliban pa sa bakuran nila ay separate ang garage nila kaya ang mga sasakyan ng mga importateng tao na invited ngayong gabi ay naka parade sa garahe nila. Kasama ng mga sasakyan ng mama't papa niya.

Quarter to eleven na ng maka akyat sya sa kwarto nya. Wow. She wants to congratulate herself. She was able to make it! Naka tagal sya sa isang napaka boring na party ng more than six hours. Well! She doesn't have any choice, isn't she?

Pero ang pinaka nag bigay ng highlight ngayong gabi ay ang lalaking 'yon.

What's with him? He's so intriguing. Nagulat nalang sya kanina ng lumapit ito sa table nila at niyaya sya sumayaw. May sarili naman syang upuan sa harap as the debutante pero mas pinili nyang umupo katabi ng parents nya since nagugutom na rin sya.

She hate to pretend in front of many people. Kung gutom sya, gutom sya! Sarap na sarap pa naman sya sa pagkain ng fruit salad ng niyaya syang sumayaw ng kumag na 'yon.

Ni hindi man lang napansin ng magulang nya na nawala na pala sya sa tabi ng mga 'to. Kahit naka maskara ito kanina ay pansin pa rin niya ang matangos nitong ilong at natural na mamula-mulang labi. At ang kilay nito. Ang kapal na may korte.

Hmmm? Nag papa ahit kaya sya sa bakla? Ang perfect kasi. Pero ang boses naman nya! Oh la la! Parang si Papa P!

Hanggang sa makatulog sya, ito parin ang iniisip nya. At ang mga salitang sinabi nito kanina sa kanya bago ito umalis...

Nicky's POV

PRESENT....

"Miss, may appointment po ba kayo?"

Inaawat ng dalawang guard na makapasok sa loob ng isang mataas na building ang babae.

Baliw ba 'tong dalawang 'to? Hindi ba nya 'ko kilala?

"Pasensya na miss. Pero kung ayaw mong mag salita at kung wala kang appointment ,mahigpit po na ipinag babawal ng may ari ng kumpanya na mag papasok ng ibang tao." Sabay kamot sa batok nito dahil napansin nito na lalong tumaas ang kilay ng babaeng kaharap nya.

"Bago ka lang ba dito manong guard?"

"Opo mam."

"Ah ganun ba? Kaya pala." Saka iililng iling na pumasok sya sa loob ng building.

May sensor ang entrance at exit ng building nila. Lahat lang ng makakapasok at makakalabas ay kung nasa system ng kumpanya ang finger print mo. Hindi na nila kaylangan pa ng ID.

Pagkapasok nya sa loob ng entrance ng building ay saka naman ang pagdating ng Senior Vice President ng kumpanyanila.

"Pasensya na Nicky at nahuli ako ang dating." Naka ngiti pa ito na nag mamadaling sumalubong sa kanya . " may tinapos lang kasi akong mga naiwang trabaho kagabi."

The best thing that she master is how to do the poker face. Tinalikuran nya lang ang lalaking katapat. Kilala nya ang ugali nito. Tapat naman ito sa pamilya niya. Pero mula ng sya ang mag take over ng kumpanya mas lalo nyang napatunayan na nasa kanya nya ang katapatan ng panahong nag sisimula palang sya sa negosyo.

At mas kilala din nito ang ugali nya . Alam na alam nito na pinaka ayaw nya sa lahat ay ang mga taong palaging late.

Dumiretso sya sa personal elevator nya. Kung saan iisang floor lang ang hinihintuan nito. Ang office nya.

"Alex. I want the documents that I'm asking for to be send in my office before this afternoon."

"Yes Nicky."

"And, by the way, Alex. Yung guard in entrance building. Is he new here?

"Ah, yes.? Siguro. Ewan. Di ko naman masyadong pinansin ang mga guards ditto. Bakit mo naman natanong ?"

"Weird. Hindi nya ako pinapa pasok kanina kasi hindi nya ata ako nakilala."

"Ha?" shock na nasabi nalang ng lalaki.

"But, it's ok. At least. Alam nya na pinaka ayaw ko ang may makapasok na kung sino-sino lang sa loob ng kumpanya ko. You keep him."

I can't blame that guard. Minsan lang naman sya pumunta sa kumpanya. Biglaan palagi. Palagi syang nag susurprise visit sa mga tauhan nya. Tinitingnan nya rin kung sino ang nag tatrabaho ng maayos sa hindi. Dahil palagi syang nagbibigay ng incentives every end of the month.

And that is the reason why her employees are always dedicated to their work. They are all aiming for those incentives.

Na wiwierduhan na napatingin sa kanya si Alex.

"Sige na, pwede ka ng bumalik sa opisina mo."

"are you sure? Wala ka na bang itatanong sa 'kin?"

"Wala na. Bye."

"Sige ."

Bata pa si Alex. Siguro mga nasa early or mid thirties lang ito. Pero dedicated at matalino ang lalaki. Isa sya mga asset ng kumpanya nya. Kaya naman ng nag apply ito bilang executive assistant nya nuon ay tinanggap niya 'to kaagad.

Nine years had gone too fast. Maraming nangyari. Maraming nag bago sa buhay nya. Sa pamilya nya . Even the way she thinks also changed. She's a very different person now than before.

After that day, nag bago ang pakikitungo ng magulang nya sa kanya.

Then one night she accidentally heard them talking inside the masters bedroom. Hindi siguro nila napansing hindi nila nasarado ang pinto ng kwarto.

"Dapat na nating sabihin sa kanya ang lahat,Gener."

"Pero hindi pa sya handa. Masasaktan lang si Nicky.Baka kung anong gawin ng bata!"

"Pero kung hindi nya pa malalaman ang totoo, kelan pa? Kung patay na tayo? Gener naman oh! You have to do something about this! Kung hindi mo sasabihin sa kanya 'to then ako ang kakausap sa kanya. Baka mas maintindihan nya ang lahat."

"Bigyan mo pa ako ng konti pang panahon."

" No! mas maigi na sabihin na natin sa kanya ng mas maaga. Marunong maka intindi si Nicky. Matanda na sya at matalino. Maiintindihan nya tayo. Kung bakit natin sa kanya ginagawa ito!"

"I understand your point Gina! But then, give me another time to talk to her. Naghahanap lang ako ng perfect timing!"

"I can't believe you!"

"Ok, ganito nalang. Bigyan mo ako kahit hanggang ngayong linggo na 'to. Then sasasbihin ko na sa kanya ang totoo."

"Fine!"

Nalilito na dahan-dahan syang umalis sa harap ng pinto ng kwarto ng magulang. Anong ibig nilang sabihin na dapat nyang malaman? May mga utang ba sila na dapat bayaran at sya ang ipang babayad? Kagaya ng nababsa nya sa mga novels? Pero imposible dahil minsang naghalungkat sya sa kwarto ng magulang nya para sa photo album nya ay nakita na ang papa nya na binuksan ang safe box nito at nakita dun ang mga malalaking gold bars.

And she knows that it causes a thousand dollars. So impossible ang iniisip nya!

Baka naman may sakit ang mama nya? Or ang papa nya? Or sya? Or baka naman ampon sya?

Sumasakit na ang ulo nya kakaisip!

Hinayaan ang mga narinig nya at mas nag focus pa sya sa pag aaral. Graduating na sya at hindi sya dapat nag papa apekto sa mga naririnig nya. Mas dapat pa nga siyang mag focus sa pag aaral dahil ilang buwan nalang mula ngayon ay gagraduate nya sya.

Graduation day....

Walang mama or papa na pumunta sa graduation day niya. As expected. Wala na naman sila. Buti pa ang mga classmates nya. Simple nga lang ang buhay pero buo at kumpleto naman ang pamilya ng mga ito. Unlike sa kanya. They came from a well-off family but then, she never experience the love of a mother nor a father that she's been longing for!

After ng graduation ay umuwi kaagad sya ng bahay.

Pero ng dumaan sya sa tapat ng kwarto ng magulang nya ay nagulat sya na mapansing bukas ang pinto. Wala namang tao.

So she just proceed to her room and just sleeps the whole afternoon.

She woke up around ten in the evening thinking that her parents might be home by that time.

But then , to her dismay. The are not there. Madilim ang kwarto ng magulang nya.

Mga kasambahay lang ang napansin nya kanina at hanggang ngayon na nasa bahay nila.

Sinilip nya ulit ang kwarto ng parents nya ng mapansin nya ang sobre na nasa gilid ng kama . And that is for her.

Nickola ,

Hija, sa oras na mabasa mo ang sulat na ito ay malayo na kami ng Mommy mo. Ni Jessica. Nicky, dapat ong malaman na minahal ka naming ng Mommy mo kahit hindi ka naming tunay na anak. Oo, totoo ang nababasa mo . We are not your real parents. But nevertheless, we still love as our own. I know that we never show you most of the time that we care for you. But I know, that deep in your heart. You can feel it. That we really care for you. Hija, ang mga magulang mo. Ay matagal ng patay. Pinatay sila ng isang lalaki na nag ngangalang Antonio Hernandez. Pero matagal na syang naka kulong. Now, that you are at the right and legal age. Iiwan na naming ang kumpanya na talaga namang para sa iyo. Gusto na naming mag asawa na lumayo at magpahinga. Sana maintindihan mo kami. Take care of your self hija. We love you. So much.

Dad

Hanggang ngayon, kapag naaalala ko kung paano ako naiwang mag isa ng mga panahon na 'yon. Para parin akong bata na gustong magwala. Gusto kong umiyak ng sobrang lakas at mag basag ng mga gamit.

Pero anong mapapala ko kung gagawin ko 'yun?

All along, I thought that the reason why they are not that close to me ay dahil sobrang busy lang sila sa kumpanya. Yun pala, hindi naman kasi nila ako talaga kadugo.

Kaya pala

Kaya pala kahit weekend nasa company pa rin sila. Kaya pala ni minsan hindi nya naramdaman na minahal sya ng mga ito.

Because I am not their own child.

I am not their own

But they worked too hard for me. For my own sake. I owe them a lot.

Dahil kung ibang tao ang nasa posisyon nila. Matagal na nilang pinag nakawan ang kumpanya na binuo ng sariling kong mga magulang.

Buti nalang.

Kahit papano, gusto ko pa ring mag pasalamat sa kanila.

Pero mas nangingibabaw ang galit at tampo dahil pakiramdam nya ay bigla na lang syang iniwanan sa ere ng mga ito. Nine years na mula ng sinimulan nyang pag aralan ang pasikot-sikot ng kumpanya.

Kapag may mga business gatherings naman ay isinasama siya ng Dad nya. Well, ng foster father nya. Kaya pala palagi nyang pinipilit ng Mommy at Daddy nya na palaging pumunta ng company.

Dati hindi nya maintindihan kung bakit nya kaylangan pumunta sa company palagi. Samantalang ang boring dun. Now, she finally understand the reason why.

Hi folks. This is my first time writing through an online webpage. Been thinking of doing this for quite sometime . I am afraid to take a risk. Until now, I'm still hesitant. So please support newbie writers like me. Ciao.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it? Add to library!

Have some ideas about my story? Comment it and let me know.

NickolaDcreators' thoughts