webnovel

Forever's Curse (tagalog)

Isang daang taong selebrasyon sa Huyenbi. Isang malaking pagsasalo na makikita ang ngiti sa bawat isa. Mga alaala ng nakaraan ang bumalot sa kapaligiran. Mga buhay na itinakdang magkita at mga sikretong pilit na nagpaparamdam. Hanggang kailan nga ba ang panghabangbuhay?

donzmojiri · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
22 Chs

2 Katleya at Mon

Maagang nagising si Katleya dahil sa sumisilip na sinag ng araw sa kanyang maliit na apartment. Hindi naman siya kumilos agat at minasdan lang ang kanyang paligid. Kaunti lamang ang kanyang mga gamit, light packing kumbaga.

*Ding*

Tumunog ang kanyang cellphone.

[Mon: I can't wait to see you tomorrow.]

Napangiti naman ang dalaga dahil sa saya. Minsan lang niya makita ang kapatid dahil magkalayo sila ng lugar.

Tumayo na siya sa kinahihigaan niya at nagtimpla ng kape. Magiimpake na siya ng gamit para bumyahe pauwi sa kanilang bayan. Ano kaya ang nagbago sa lugar? Naisip niya. Naaalala niya pa nung unang beses niyang nasilayan ang lugar, napakaraming halaman at halos magkakalayo ang mga bahay. Magkakakilala halos ang mga tao at laging handang tumulong sa kapwa. Nakaka-miss ang ganoong panahon.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang repleksyon ng isang matandang babae. Ang mahaba at maputing buhok nito na halos umabot sa kanyang bewang, ang kupas na balat na nilipasan na ng panahon, ang mga mata na tila nakangiti dahil naabot niya ang rurok ng kanyang buhay.

Napahinga nalamang siya ng malalim.

"C'mon Katleya, wake up. That's not gonna happen." sabi niya sa sarili.

Ilang minuto pa ay naghanda na siya para bumyahe. Anim na oras ang biyahe niya kaya naman minabuti niyang agahan. Siguradong mauuna nanamang dumating ang kanyang kapatid at magmamaktol sa bagal niya.

... Samantala sa lugar kung asaan si Mon

Hindi siya mapakali dahil uuwi nanaman siya sa kanilang bayan. Huling uwi niya doon ay kamuntik na siyang mapaaway. Iniisip niya kung andoon pa ang mga binatang iyon at kung mamumukaan pa nila siya.

Sa kanyang apartment naman ay parang dinaanan ng bagyo. Mga bote ng alak ang nagkalat sa sahig, mga damit na nakakalat sa kung saan, basura na ilang araw nang hindi nailabas. Wala siyang pakealam sa hitsura ng kanyang lugar, halos hindi niya rin tignan ang repleksyon sa salamin. Sa katunayan, nakakailang basag na siya ng salamin dahil hindi parin siya sanay makita ang repleksyon niya.

*Ding*

[I took the bus going home. See you there.]

Mensahe ng kapatid. Wala na ang kanilang mga magulang, at bunsong kapatid. Silang dalawa nalamang ang natitira kaya naman talagang inaalagaan at binabantayan nila ang isa't isa.

Kahit magkalayo ay lagi silang may komunikasyon. Walang araw na di sila nagtawagan at nagasaran sa telepono. Minsan pa ay napagkamalan silang magkasintahan dahil sa galaw nila.

Natawa nalamang siya dahil ang totoo'y gusto niyang magkanobya, hindi niya nasubukang magkaroon ng long-term relationship dahil lagi niyang pinuputol ang relasyon, hindi dahil sa sawa na siya o kaya naman ay ayaw niyang ikassal. Takot siyang malaman nila ang sikreto niya at takot siyang hindi ito matanggap ng taong mahal niya.

Nawala ang kanyang iniisip ng may kumatok sa kanyang pinto.

"Ano po yun?" tanong niya ng binuksan niya ang pinto.

"Balita ko aalis ka na?" sabi ng kanyang landlord na may dalang basket ng prutas.

"Ah opo, aalis po ako mamayang hapon maglilinis lang po ako." sagot nito.

"Naku, kung saan ka man mapadpad, nawa'y gabayan ka ng Diyos." sabi niya at inabot ang basket. Nagpasalamat naman ang binata sa kanyang landlord.

Meron nga bang Diyos... Tanong ni Mon sa sarili niya.

Makalipas ang dalawang oras ay parang ibang bahay na ang loob ng kwarto, malinis at walang bahid na tumira siya doon. Napabuntong hininga naman siya at sinara ang pinto sa huling pagkakataon.