webnovel

FLOWER 1:HYACINT

Rain_1984 · Urban
Zu wenig Bewertungen
23 Chs

CHAPTER VII: FOLLOW ME

Napag kasunduan ni Amiel at Hyacint na sa bahay na ng binata sila magkita bago dumiretso sa opisina ng binata. Ibinilin nya na dito sila magkita dahil may ilang instructions pa syang ibibigay dito bago sila magsimula. Alas otso ang usapan nila pero alas siete palang dumating na ang dalaga. Ibang iba sa itsura nya ng nakaraang gabi, pormal ngayon ang itsura ng dalaga, malayong malayo sa itsura nito ng nakaraang gabi. Kung kahapon astigin ang itsura nito, ngayon naman ay tila di mo gugustuhin tumabi dito dahil mukha itong masungit sa ayos nito ngayon.

Amazing,... komento ni Hyacint habang pinagmamasdan ang dalaga, Hindi nya alam kung dahil sa damit o talagang kakaiba ang awra nito, o sadyang ibinabagay nito ang character nya depende sa kung anong sitwasyon. Wearing a black high waist formal slacks and a peach polo blouse. And a simple flat close shoes. Naka lugay ang buhok na marahang nililipad ng hangin. Mukhang mas masarap syang almusalin kesa sa kape ko.

Good morning. Bati ng dalaga na nakaputol sa iniisip ni Hyacint.

Good morning, your early, sabay ngiti nya sa dalaga,

Yeah, ayoko kasing na lelate, lalo na kung humihingi lang ako ng favor, sagot ng dalaga.

So I guess I need to prepare now.

No take your time, Ill wait for ninang anyway, may usapan kasi kami. Wag muna, hindi pa ko busog ih,bulong ng dalaga sa sarili. titig na titig sya sa binatang nagkakape, naka shorts lang to, na mukhang suot nito sa pagtulog kagabi, at simpleng white sando na nagpapakita ng maganda nitong katawan. Nakalugay din ang buhok nito na medyo kulot, na nakapag padagdag pa kagwapuhan nitong pormal na brusko.

Hungry? Tanong ng binata na ikinagulat nya, kitang kita nya ang pilyong ngiti nito. Habang nakataas ang kilay.

Hindi nya alam kung guilty lang sya o sadyang double meaning ang tanong ng binata. Pero base sa nakikita nyang ngiti nito, mukhang nahuli sya nito na nilalantakan sa isip ang katawan nya.

Ahh. No im okey,maagap na sagot nya... di nya alam kung bakit bigla syang nag buckle sa pag sasalita pero alam nyang masama ang epekto sa kanya ng lalake.

So if your done eye wrapping my body, I will cover It now, baka kasi maubos mo na ko. Sabay talikod ng binata, pero di nakaligtas sa kanya ang pilyong ngiti nito.

F*ck Amiel ang aga mo maglaway. Mura ng dalaga sa sarili.

Naka convoy silang pumunta sa opisina, gusto sana ni Hyacint na sabay nalang sila, pero todo tanggi sya at baka maulit na naman ang nangyaring pagkatulala nya kanina.

Pagkababa palang ng sasakyan sinalubong na agad si Hyacint ng kanyang assistant. Ibinilin nalang nito sa lalake na ipark ang kotse ng dalaga.

Jorge this is Amiel, she will be working with us for the next I dont know how long, but make sure to park her car next to mine. And advice the facilities to add another table and equipment inside my office. Mahabang biling ng binata sa lalaking nagngangalang Jorge. Magiikot muna kami sa buong building she needs to familiarize the area.

This is one thing that Amiel is well trained she can seperate her personal interest whenever she have a mission. Just like now, nagsisimula nang magikot ang mata nya sa buong perimeter ng building, tinitignan ang mga possible entry at dead spot ng building, though napag aralan nya na ang blue print ng building ahead of time gusto parin nyang makita ang paligid ng personal, Isa ito sa ibinilin ng mga daddy nila ng nakaraang gabi.

Make sure to make Amiel familiar with your building para naman pag busy ka at hindi mo sya puedeng isama sa meeting di sya ma bored, bilin ni Millard kay Hyacint. Para na rin maikot nya ang ibang department kung wala naman kayong ginagawa, for her to familiarized the work of each department.

Pero dahilan lang ito ni Millard, Isa ito sa ibinilin ni Arman sa kanya, para madaling magawa ni Amiel ang trabaho nya.

The building have 12 floors, basement1 and 2 and the 1st floor is the parking area,2nd floor is the reception and main entrance, the building is elevated kaya di mapapansin ang 1st floor. 3rd floor is for marketing and advertising department, 4th is the pantry, there is several concessionaire for employee to have option. 5th is sleeping quarters for employee if ever they have to spend night at work and whenever they have to render overtime, recreational room, rooms for videoke and billiard, there is also room for gaming console, there is also a small stage where employee meetings are held. 6th is for facilities, securities and clinic, 7th floors are for customer service, chat, email and call center, 8th to 9th are for clerical work,

10th is for board members and the 11th is for accounting department, the 12th floor is Hyacint domain, the meeting room and his pad.

Amiel is so empress on how the building was designed and manage, nalaman din nya na si Hyacint mismo ang nag ayos nito simula ng ilipat dito ng ama ang pamamahala ng kumpanya. Gusto nitong nasa iisang lugar ang mga dapat nakakausap nya from time to time.

Makalipas ang halos 3 oras na pag iikot narating nila ang 12th floor.Tahimik lang syang nakikinig kay Hyacint habang nagiikot sila sa building. Gusto nyang mafamiliarized ang kabuoan nito, nagtagal sila sa security department, tanong sya nga tanong sa mga guard, kinukulit nya lang ito kunwari kung nasaan ang mga cctv para alam nya kung saan dapat sya kakaway o iiwas kung may gagawin syang kababalaghan libang na libang naman ang mga security officer dahil sa pagiging kwela nya kanina.

Tired? Tanong sa kanya ni Hyacint. Habang nasa elevator na sila papunta sa opisina nito

No, Im okey, sagot nya sa binata na sinamahan pa nya ng matamis na ngiti. Tuloy tuloy naman itong lumabas ng elevator at dumiretso sa isang pinto, pag pasok nila saka nya lang nalaman na ito ang opisina ng binata, sa unang pinto makikita ang maliit na recieving area, kung nasaan din ang mesa ng kanyang sekretarya, mayroon din mini bar sa isang sulok nito, simple at elegante ang disenyo nito, sa bandang dulo ang isa pang pinto kung saan naroon ang private office ng binata, nakaset up na rito ang magiging lamesa nya habang binabantayan ang binata, may sarili rin syang computer at file organizer, sa bandang kanan ay isang mini pantry at personal ref.

Nag lunch muna sila, nag padeliver nalang ang binata para di na sila lumabas, dahil marami daw itong irereview project na kaylangan i approve ng board ngayong linggo,

Naging busy sila sa mga sumunod na oras, walang masyadong ganap sa side ni Amiel, kung palaging ganito ang schedule ni Hyacint madali lang ang trabaho nya.

Marami syang natutunan sa binata, at nakita nya kung gaano ito kadedicated sa trabaho, marami syang narinig sa mga empleyado kung gaano ito ka higpit at ka perfectionist.

Ala singko na ng sumilip ang sekretarya nito at nagpaalam na mauuna nang umuwi.

How about you, do you wanna go ahead? Tanong sa kanya ng binata,

No, ill just wait for you, sagot nya dito habang nakangiti,

Are you sure, its pass office hour, baka pagod ka na, ulit ng binata.

No, Im good, if you want I can help you reviewing these documents. Para matapos ka kaagad.

No, im fine, gusto ko kasing personal na binabasa ang mga proposal, lalo ng yung part na involve ang budget.

Then anong maitutulong ko para mapadala ang trabaho mo. Tanong nya sa binata.

Just Follow me. Maiksing sagot nito.