webnovel

Chapter 9

Chapter 9 : Getting To Know You

"We will be having a dinner later at the mansion." hayag ni Caden ng makabalik kami sa mansyon.

Hapon na ng makauwi kami dahil masyado akong nalibang sa pakikipag-usap sa mga tauhan roon. May ilang nakilala ko na.

Tipid akong tumango at naunang nagtungo sa kwarto. Alas tres ng hapon ng nagtungo kami sa mansyon nila. Dahil kaya namang lakarin ang distansya ng mga mansyon nila mas pinili naming maglakad ni Caden.

Sinalubong kami ni Brytte. I don't know if I got it right but he always seems to have his fake smile whenever Caden's around.

"Hi. Avery. Mabuti naman at nakapunta ka." he smiled. Not genuine enough.

"Let's go." Caden ignore him and held my hand as we walk  inside. Sinundan kami ng tingin ni Brytte pero hindi siya pinansin ni Caden. Mas lalong tumitindi ang paghihinala kong may away rin sila. Just like me and Cassey.

"Hija.." bati ni Tita Charlotte sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tawaging mom.

"Mabuti at nakarating kayo. Sad to say , your dad couldn't be with us." baling niya kay Caden. "May importante siyang nilakad sa Manila at bukas pa ito makakauwi."

Sinulyapan ako ni Caden. "A-ayos lang po.."

Nagpaalam si Caden sa amin. May pupuntahan lang daw ito. Sinundan ko siya ng tingin palabas ng bahay.

"How was your first day here?."

I smiled sweetly.

"It's good so far." she smiled back.

"Alam kong naninibago ka sa lahat ng mga nangyayari. To honestly tell you , kami ni Sebastian ganoon rin ang nangyari."

Napukol ang atensyon ko rito. Ganoon din ang nangyari sa kanila ng dad ni Caden? Hindi halata. They are such a lovely couple. Pakiramdam ko sobrang mahal nila ang isa't isa. Nakakagulat na arrange marraige lang rin sila.

"What happened?." curiously I asked.

Niyaya niya akong maupo sa sofa para mag-usap.

"Actually , hija." The excitement is visible in her eyes.

"Alam mo iyong daddy ni Caden. Napaka-bad boy niyan. Kung ano anong gulo ang kinasasangkutan. I never like him. Kaso biglang isang araw ay nalasing kami pareho ng umatend kami ng party sa reunion ng school namin. May nangyari sa amin and I can't tell why it happened. Galit na galit ako sa kaniya noon lalo na ng mabuntis ako. Wala pa naman akong balak matali sa kaniya. But since it happened , my parents want him to take responsibilities kaya naman kahit na anong ayaw ko , wala na akong magawa kung hindi ang magpakasal sa kaniya."

Sobrang tamis ng ngiti nito. Batid kung mahal na mahal niya ito ngayon.

"Noong una , puro talaga kami away at bangayan. Pero dahil nga buntis ako palaging siya ang nagpaparaya. Habang lumalaki ang tiyan ko pansin kong mas dumadalang ang pang-aaway niya sa akin. I can sense that he's avoiding it. Napapansin ko rin ang kaniyang pagbabago. Madalas tahimik ito , palagi akong pinagbibigyan. Kapag inaaway ko siya , siya ang nagso-sorry kahit kasalanan ko. Pagkauwi galing trabaho palagi niya akong dinadalhan ng mga prutas. At first I thought he was just doing that because of his son. But you know what happened next."

Maang akong umiling.

"I'm eight weeks pregnant that time when he suddenly confess he like me already. Akala ko talaga nagbibiro siya pero pinatunayan niya iyon. At kahit sa nangyari sa amin noong una , I am thankful that he is my husband."

Bumaling ito sa akin.

"I'm not saying it would happen to you and Caden. Honestly , I don't think it will work. Si Caden kasi. He never fall in love since. Magkaiba kayo and I know he's doing this to help you."

"Mukhang mabait naman si Caden." Ngumiti ito at yinakap ang braso ko.

"He's golden hearted lalo na kapag nakilala mo na siya. I'm not asking you to learn to love him , alam kong hindi rin kayo magtatagal but at least become his friend. He would be a great help to you."

Despite the hesitation. I nod.

Naghapunan kami kasama si Brytte. Nag-uusap ang mga ito pero kapansin-pansin na malayo ang loob ng magkapatid.

"Kumusta ka kay Caden? Is he talking care of you?."

Tango at ngiti ang sagot ko sa mga tanong ni Brytte. Hindi ako komportable sa kaniya.

Nauna akong nagyayang umuwi. Ayos lang sana kung si Tita ang kausap namin pero dahil naroon si Brytte , I'm losing my stamina.

"I don't like Brytte." pag-amin ko kay Caden habang naglalakad kami pauwi. Bahagya siyang natawa.

I rarely see him smile or laugh. Mas madalas blanko ang mukha nito.

We we're both silent as we walk. Madilim na sa paligid pero maliwanag naman ang kalsada dahil sa mga light post sa gilid.

"Bakit hindi ka pa nagmahal?." Kuryuso kong tanong sa kaniya.

Napatigil ito sa paglalakad at sumulyap sa akin.

"What?."

"Bakit hindi ka pa nagmahal?." ulit ko.

Hindi kapani-paniwalang hindi pa siya nagmahal. He look like and expert in love.

"At bakit mo naman tinatanong?." tanong niya at muling naglakad.

"You said if I want to know something about you. I should ask you myself. Kuryuso lang ako kung bakit hindi ka pa nagmahal samantalang parang ang dami mo ng nalalaman."

Nagkibit balikat siya at hindi umimik. Sa huli hindi niya rin ako binigyan ng paliwanag o sagot.

"Ikaw?."

I raise my gaze at him after a few second of our silence.

"Anong ako?."

"Have you been in love?."

Tumigil ang mga paa ko sa paghakbang. Nagpatuloy ito sa paglalakad at naiwan ako sa kaniyang likuran. I stared at his back , mindless of the very nature of the situation I was in.

Of course I do. Minahal ko si Daniel. I love him with all my heart. That is why until now , I know I'm still bleeding. I'm still hurting. He've scorched my heart so much and he still does. Everytime... Every time I remember him and me that used to be us.

Uminit ang sulok ng aking mga mata , nagbabadya ang iyak.  I'm getting used to crying and crying. Pero ngayon parang ang sariwa pa ang lahat as if it just happened hours ago. I thought I can bare the pain this time , as I've been in different environment , away from him but I'm wrong. Its still the same kind of pain. Nasasanay akong umiiyak ng tahimik at patago sa takot na husgahan ako ng mga taong hindi nakakaintindi sa akin but I felt like crying out the pain will help kaya hinayaan ko ang sariling luha na tumulo.

Sa bawat luhang lumalabas , sana'y kasama noon ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon. I let all my tears flowed. Sumisikip ang dibdib ko pero hindi ko iyon alintana. Would be trying to cure the pain becomes a death? If it will , I do not care. It's look like I've been dead already.

"No matter how you regret. How hard you cary , how hard you try to move on. If it's not yet the time , it would not healed. And every time you forced yourself and think of it , the wound will go deeper. It will pained you more."

Sa kabila ng nanlalabong mga mata ay tumambad sa akin si Caden.

"If you set your mind to other things , it will help. But if your heart clings to the same thing , it's no use. Sometimes , our mind is just a mere slave to our heart. Our heart may be a fragile thing but it is your choice to broke it. You're in pain because you choose to."

Sinubukan kong pahiran ang mga luha ko na wala ring silbi dahil muli rin itong tutulo.

"At ano ang dapat kung gawin?." I ask in the middle of my cries. 

"It's your choice. It's your option."

Bigla akong nakaramdam ng irita. Nagawa kong punasan ang mga luha ko at sandaling napakalma ang sarili.

I sigh. "Let's go."

Inunahan ko siyang maglakad. Tahimik siyang sumunod.

"Do not talk about love anymore. "

Saglit ko siyang sinulyapan. "Why?."

"Nakita mo naman ang nangyari sayo. I know it's better to face the  truth , to get used to pain but it's not bad to let them go for now , you are not yet ready. Face them when you are."

"Effective ba talaga yang mga payo mo? I didn't feel any better."

Hinarap ko ito.

"I'm not giving you advices so you will feel better. We just know each others name few weeks ago. We are still strangers and I don't have the responsibility to make you feel better. I'm just giving you advice and that's it. I can't guarantee if it will make you feel better. "

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. He could have tell me directly whether it is or not hindi iyong uulitin na naman niya ang sitwasyon naming dalawa. I know myself what we are.

"But if you want , I can try."

Mas lalong tumaas ang aking kilay.

"What does that suppose to mean?."

"It means , I can try making you feel better."

Tinitigan ko ito , sinusubukang kunin ang paliwanag sa kaniyang sinabi sa mga mata nito. Matapos ang ilang segundo ay umiling ako. Hindi ko alam kung bakit. Kusa na lang gumalaw ang ulo ko upang umiling.

"Ayaw mo?." muli akong umiling at naglakad na. Natatanaw ko na ang gate mula rito. Mas dumidilim ang paligid.

"Good. Ayoko rin naman." pagsasalita niya ng makasabay na kaming maglakad.

"What do you mean?."

"Its not my habit to make people feel better. I used to give them a hell of experience."

Saglit akong napatitig sa kaniya. He can't be serious.

He smirk. "I do. I'm evil in nature."

Muli siyang ngumisi bago ako iwan. Mukhang kailangan ko pang malaman ang mga bagay bagay tungkol sa kaniya. I feel like he is always a stranger to me. Gusto kong maka-move on at hindi nakakatulong kung pati siya ay aabalahin ako.

Si Mang Rene na lang ang gising ng dumating kami sa bahay. Hinintay niya lang din kami para maisara na ang pinto.

"Goodnight , Mang Rene."

"Kayo din hija."

Matapos makapag-paalam ay sumunod na ako sa kwarto. Nauna na roon si Caden. Hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang ginagawang kwarto para sa akin kaya sa kwarto pa rin ako nito natutulog. Nakapatay na ang lahat ng ilaw ng makapasok ako. Tanging pumapasok na lamang sa silid ay ang ilaw ng buwan na pumapasok sa loob dahil translucent naman ang glass na dingding nitong kwarto. Tila mahimbing na ang pagtulog ni Caden. Nahiga na rin ako sa kama habang nakatalikod rito at nakatitig sa buwan.

"Good night." From the defeating silence of the night , I heard him say.

"Good night." I answered and settled my eyes to sleep.

Kinumagahan , maaga akong nagising. Mas nauna pa ko kay Caden.

"Ang aga mo." nadatnan ko si Zach sa salas habang abala sa kaniyang laptop.

"Naninibago pa ako." Tipid siyang ngumiti at binalikan ang ginagawa.

Lumabas ako at agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Sariwang sariwa pa ang umaga. Pumikit ako at dinama ang hangin. Sa muling pagmulat ng aking mga mata ay nakaramdam ako ng kaginhawaa sa aking loob.

Ginala ko ang sarili sa paligid ng bahay. Sa malawak na gilid ng bahay ay ang outdoor pool at  garden. May lanai rin sa apat na magkabilang gilid ng pool. A few steps of stairs led you down , dinala ako roon sa malaking palaisdaan. May kalakihan ito. May mga water lily at ibang aquatic plant na naroon. May tulay na gawa sa kahoy na pwedeng daanan upang maabot ang kabila. Marami at iba iba rin ang mga isda na naroon , magkaiba rin ang kulay kaya napakagandang tingnan.

Sa di kalayuan ng palaisdaan ay ang isang balon. Nang dumungaw ako roon ay napakalalim. I never seen a well before. This kind of thing is a nature given blessings. You can't possibly you will see it in the middle of a modernized city. Dito , makikita mo ang mga bagay sa orihinal niyang anyo , without modernization or technology applied.

"Be careful—

"Oh my ghad!." Nagulat ako ng biglang magsalita sa aking gilid si Caden. Sa gulat ay muntik na akong madulas mula sa pagkakadungaw sa malalim na balon.

I know how to swim pero sa lalim ba naman ng balon na ito. Hindi ko alam kung kaya ko bang maka-ahon. Mabuti na lang at mabilis akong nahigit ni Caden palayo roon. Bahagya pa akong natulala dahil sa nangyari. I'm not a super fan of horror movies but I've seen some that involve a creepy well. Iyong tipong sa balon itinatapon ang mga bangkay ng kanilang pinapatay na biglang magmumulto at lulunurin ka rin sa balon. I suddenly felt goosebumps lalo pa at napakalamig ng hangin.

"You scared me!." singhal ko sa kaniya at hinampas ito.

"I didn't mean though."

Sunod sunod akong huminga ng malalim.

"Wala namang namatay diyan hindi ba?." sandaling kumunot ang kaniyang noo pero umiling din.

"Mabuti. Don't scared me again."

Iniwan ko siya roon. He scared me to death.

Ipinagpatuloy ko ang paglilibot sa paligid. Nakasunod sa akin si Caden.

"So you own this whole land?."

"Yes. Partly."

"Partly? Why?."

"My farm workers are owner of it too."

He sure has a kind heart. I wonder why he said he was evil in nature. What does he mean by that?

"I'm cruel to the one whose cruel to me." napalingon ako sa kaniya.

"Huh?."

"You're talking loud."

Nakagat ko ang aking labi. I didn't realize. Ilang akong napangiti. We were quite for a few seconds , staring into the abyss of green trees.

"Thank you."

"For what?." taka niyang tanong.

I shrug. "I don't know. I just felt thankful."

"Why?."

I sigh. "I think...I won't make it this far without getting sane if not of you."

"I never knew I am that helpful to you."

Tipid akong ngumiti. "Kung hindi dahil sayo , hindi ko alam kung ano ang buhay ko ngayon. Maybe , drowning myself in misery or.....dead."

"It's not me. It's the marriage."

I never thought I end up in an arrange marriage. Noong bata pa ako , marami kwento ang aking nababasa tungkol sa arrange marriage. But since , I never been a fan of romance novel. I mean , how lame it is to marry someone you do not love. It's like lying to the God itself. The two of you there standing in front of the altar exchanging vows and everything yet it was all fake and lies. I feel bad but look at me now , I am exactly at the very situation I don't want to. And it's because of Daniel. The her person I least expect to led me into this kind of situation.

"Are you regretting now?." Umiling ako.

" I wouldn't be thankful if I am."

Lumapit ako sa kaniya at magaan itong  yinakap. "Thank you."

Binigyan niya ako ng dalawang tapik sa likod. Ngumiti ako sa kaniya matapos ang yakap.

"We should go. Breakfast is waiting." nauna siyang naglakad.

"Caden.." tumigil siya at nilingon ako.

"I'm looking forward on getting to know you."

He smiled slyly. "Friends."

Pagkasabi ay tumalikod na ito.

"Friends.." napapatango kong ulit bago sumunod sa kaniya.

It's my first breakfast with all of them. Mas magaan ang naging pagkain namin kaysa sa nauna. I am also slowly getting used to the new environment and the different people. Tama si Caden , habang sariwa pa ang sugat na iniwan ni Daniel , hindi ko pa magagawang tanggapin at harapin ang mga nangyari. Sa ngayon kailangan kung ihanda ang sarili ko sa panahong iyon. For now , I must focus to other things. Get my new life started.

"Where are we going?."

Pinasama ako ni Caden sa pupuntahan nito ngayon. May dala siyang mga prutas na naroon sa likod ng kaniyang pick-up truck.

"We will meet some people." tanging sagot niya

Hindi malayo ang naging biyahe namin. Tumigil ito sa tapat ng isang bahay. Hindi ito kalakihan pero maayos kumpara sa ibang kabahayan. Bumaba si Caden at dinala ang isang kahon ng mga prutas at tinungo ang loob. Sumunod ako rito. Sinalubong siya ng isang babae na sa tantiya ko ay nasa edad 19 or 20 pa lang.

"Caden!." masayang bati nito at akmang yayakapin pa siya pero hindi natuloy dahil sa dala nito.

Tinago niya ang ilang sa pag-ngiti at yumakap sa braso nito at magkasabay na pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok ako ay may kausap na ang mga ito na babae. Napatingin ang dalawang babae sa akin.

"Kakilala mo?." tanong noong sumalubong sa kaniya sa labas.

Caden motioned for me to come closer. Sumunod ako at tumayo sa kaniyang gilid. Nanatili sa akin ang titig ng babae. Matamang sinuyod ang aking kabuuan. Tumaas ang kaniyang kilay ng magtama ang mga mata namin.

"She's my wife actually."  Malinaw kung nakita ang gulat sa kaniyang mukha ng ihayag ni Caden ang mga salita iton. Palipat-lipat pa ang tingin nito sa aming dalawa.

"Narinig ko ngang ikinasal ka na. Hindi mo man lang kami inembita."

Mas lalo lamang umasim ang tingin sa akin noong babae. Sino ba sila?

"I'm sorry. It was private." nilingon ako ni Caden. "This is Scarlette. Scarlette , this is Letty. She's the barangay captain." pakilala niya sa akin sa kausap niyang babae na medyo may edad na.

"Nakakatuwang makilala ka Scar—

"Please call me Avery. It's my second name. I prefer it." napapatango ito.

"Saan mo ba nabingwit ang babaeng yan Caden? Mas maganda naman ako sa kaniya no." She flip her hair and rolled her eyes at me.

"Erika!." saway ni Letty sa kaniya. "Pasensya ka na sa anak kong ito , hija."

So , she is her daughter.

"Totoo naman. Parang ang boring niya kasama. Bakit ba kasi hindi ako ang pinakasalan mo.." nakanguso niyang saad at muling pumulupot sa braso ni Caden.

May mga babae ba talagang ganito ka landi na kahit alam nilang may nagmamay-ari sa isang tao , nilalandi pa rin nila. Mas matapang pa ang mga kabit ngayon at harap harapan ka rin na talagang niloloko. Minsan , sarili mo pang kadugo. Naalala ko sa kaniya si Cassey.

She glance at me and smirk. Maganda? Saang banda? She doesn't even have a quarter of my beauty. She is the one without a class. So cheap!

I rolled my eye at her and without a word marched toward the door. I heard Letty's call but I never dare mind her. Akala ko ay sa mga ganitong lugar ay iba ang mga tao. Hindi naman pala.

Hindi nagtagal ang pag-iisa ko sa loob ng sasakyan dahil sumunod din agad si Caden sa paglabas.

"You okay?." umiling ako. I'm not.

"You're jealous?."

Tiningnan ko ito habang salubong ang dalawang kilay.

"Of course not! Nakakainis lang ang mg kagaya niyang alam mong hindi sa kaniya pero pilit naninira ng relasyon."

"Erika is not like your sister."

"She is. Nakita mo naman kanina diba? Kung makahawak siya sayo parang wala ako ano?. Sobrang proud pa niya talaga?."

"Walang namang masama roon."

"Wala? Come on. Kakasabi mo lang asawa mo ako , tapos akap parin siya ng akap sayo. Ghad! They're such a flirt."

Bumuga ako ng hangin at sumandalsa kinauupuan ko. Bakit ba may mga kagaya nila?

"You're my wife but we are merely just friends in reality." his voice sounds a notice for me of what really we are. Saglit akong napatitig sa kaniya bago binaling ang tingin sa labas.

Nasanay ako na walang kahati sa mga bagay na pagmamay-ari ko. At nakalimutan kung hindi pala siya akin.

"Sorry. I don't mean to interfere in your personal matters. Nadala lang ako. Pasensya na." She's just too nerve cracking bitch. Hindi naman maganda.

Napairap ako. I heard him chuckle. Narinig na naman kaya niya ang sinabi ko sa isip ko? Is he a mind reader?

"Mas maganda ka sa kaniya." aniya at nilingon ako."So don't be jealous anymore."

Ngumisi ito. Muli naman akong napairap.

"Hindi ako nagseselos and I don't care if you flirt with other girl. Just please not in front of me , it reminds me a lot."

"Do not worry. I won't cheat."

Nang lumingon ako sa kaniya ay walang pagbibiro sa kaniyang mukha.