webnovel

Chapter 19

CHAPTER 19 : Hawaii

Matapos ang halik na iyon ay nabalot ng awkwardness ang buong condo. Pagkatapos noon ay tahimik siyang nag-walk out habang naiwan akong tulala sa kawalan at lutang parin sa nangyari.

Nabalik ako sa aking huwisyo nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Troy. Sinagot ko ito para ibaling ang sarili sa kakaisip sa nangyari kanina.

"Scarlette!." bati niya agad.

"Oh." tipid kong sagot dahil kahit na anong gawin ko ay ang halik parin ni Caden ang nasa isip.

"Damn it. Ano ba kasi talagang nasa lalaking iyon at ganito ang nararamdaman ko?."

"Sinong lalaki?." napakurap ako ng maalalang kausap ko nga pala si Troy.

"A-ah. W-wala."

Sandali itong natahimik at alam kong nakataas na ang dalawang kilay ng lalaking iyon ngayon.

"Ewan ko sayo pero ngayon ko lang pala nabalitaan na nag-away pala kayo ni Cassey dahilan para maisugod siya sa hospital."

"Kung tumawag ka para ipaalala sa akin yan.  You shouldn't have called."

"Hindi naman ako tumawag para roon. I just want to check of your okay. Ang sabi pa naman nila ay nagpunta ka sa America nang mag-isa. Hindi ka sanay mag-isa kaya nag-aalala lang ako at baka may masamang mangyari sayo."

"Concerned huh?."

He chuckled at the other line. "Nope. I just want to check too kung buhay ka pa. Buhay ka pa naman siguro. Naghanda na sana ako ng pang-kape. Sayang."

"Idiot!." Tumawa lang ito. "Anong klaseng kaibigan ka?."

"Hindi mo naman ako kailangan."

"Paano mo nasabi? Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko rito and I am all alone. Hindi mo man lang ako dinamayan."

"I maybe your only friend left but I'm not the only man."

"What do you mean?."

"As if hindi mo kasama si Caden ngayon."

"At paano mo nalaman na kasama ko siya?."

"I don't."

"Troy Maximus Laurel. Maghanap ka na nga ng lovelife at mukhang malapit ka nang mapunta sa mental. Ang weird mo masyado."

Ewan ko ba talaga kung bakit sa tuwing kausap ko o kaharap si Troy parang ang iba ng aura. Parang nasa harap ako ng future teller o di kaya iyong mga taong napapaginipan ang mga masasamang bagay na mangyayari pa lang. As if he can see the future. Sobrang weird.

Pinutol ko na ang tawag dahil wala rin namang matinong patutunguhab ang pag-uusap namin.

Maghapon akong hindi lumabas. Kahit hindi pa ako kumain ng lunch ay hindi parin ako lumabas. Parang hindi ko kayang harapin si Caden. Kaso nang makaramdam ako ng gutom ay napilitan na rin akong bumangon at lumabas.

Dahan dahan ang mga hakbang ko. Sisilipin ko na muna kong nasaan si Caden. Hindi ko parin siya natatanong kung paano siya napunta rito. Sinundan ba niya talaga ako?

Walang tao sa loob ng condo maliban sa akin. I can't feel his presence. Baka ay umalis. Saan naman kaya siya nagpunta? Pagkatapos kumain ay naisip kong tawagan si Zach at tanungin sa kung sumunod ba talaga sa akin si Caden rito o may iba lang siyang inasikaso though I'm hoping the most that he followed me here just to make sure I'm fine.

Nakadalawang tawag ako dahil hindi agad ito sumagot. Mabuti na lang at may number nila Zarah at Zach pati na rin si Mang Rene.

"Zachary speaking."

"Zach?."

"Avery?."

"Hi." I'm still not used to talking to them this casual but I'm dying to know.

"Napatawag ka. May problema ba?."

"W-wala naman. May tanong lang sana ako."

"What is it?."

"Sumunod ba sa akin si Caden rito?."

"Oo." Nagulat ako sa deretsahang sagot niya. Hindi man lang siya nagsinunggaling.

"Why?."

"What why?."

"Bakit niya  iyon gagawin?."

"Bakit hindi niya gagawin?."

One thing I don't like about Zach is he always throws the question back to you. Kahit ikaw ang may hawak ng alas , he knows well how to turn the table.

"You're his wife.  Do you think he will just let you on your own knowing you're in danger?."

"We are just an arrange marriage."

"Arrange marriage is no reason. Malay mo..."

Nabitin ako ng hindi niya tinuloy ang sasabihin.

"Malay mo , ano?."

"I need to hang up now. May importanteng dokumento na dumating."

Hindi pa man ako naka-angal ay pinatay na niya agad ang tawag. Malay mo , ano?

Pinili kong mamalagi sa terasa para makapag-isip isip. Anong sinasabi ni Zach na malay ko? At talaga bang sumunod si Caden sa akin rito? I want to know the answers of all of that. Because it starting to bother me now. Simpleng mga bagay na hindi nagpapakampante sa akin.

Lumalalim ang gabi pero hindi parin bumabalik si Caden. Hindi naman sa inaantay ko ang pagbalik niya. I'm just wondering where he could be at this hour. Baka naman may binili siyang sariling condo. Napagod ako sa kakaisip kaya naman nagpasya na lang akong matulog. Pagod parin kasi ako sa mga lakwatsa na ginagawa ko nitong nakaraang linggo. At ayaw ko na rin isipin ang nangyari kagabi. Sakit lang sa ulo.

Mataas na ang araw ng magising ako kinabukasan. I felt more enlighten. The incident where I almost got raped is traumatic but I had enough of that trauma. Mas mabuti siguro kong kalimutan ko na lang iyon nang hindi na ako maging miserable pa. Maybe forgetting everything is the only hope remain in me to finally move on.

Naligo ako at naglagay ng kaunting make-up para mas malagyan ng buhay ang mukha ko. I don't need to be miserable to move on when I could do it the other way. The best way. The right way. I should have spend my days here trying the things I haven't tried. Explore and enjoy! Nakakatawa lang na kung hindi ako muntikang ma-rape ay hindi ko maiisip ang bagay na to.

Nagtungo ako sa kusina para maghanda ng makakain  humihilab na rin ang tiyan ko sa gutom.

"Gising ka na pala."

Muntikan na akong mapasigaw nang tumambad sa akin si Caden. May mga pagkain ng nakahanda sa mesa. Seeing the apron tied in his waist , he must have cook it himself. Anyway , he look damn hot while wearing it though he look hot every time and cold at the same  or a little bit of both. Sometimes he's sweet. Sometimes he's childish. He's arrogant. He's kind. He's caring. He's sweet. His soft....His soft lips.

Napasapo ako ng noo dahil roon. Really , Avery? Nakatulog ka ng lahat lahat ay hindi ka parin nakakamove-on sa bagay na iyon? Sheesssh!

"Ayos na lang ba?."

Ilang akong ngumiti at umupo. Dahil sa naisip ko ay bumalik  ang tagpo naming dalawa kahapon. Bumalik rin ang ilang it I sense it was just I having this awkward feeling. Parang hindi naman kasi siya naiilang. Or maybe it is I that only think that kiss would be awkward for us. Kiss lang naman iyon diba?

I gulp hard and prepare myself a food. Naupo narin si Caden at naghanda ng kaniya. Hindi siya umiimik kaya mas lalo akong hindi naging komportable. Halos hindi ko na manguya ng maayos ang mga pagkain ko dahil pakiramdam ko kahit kaunting galaw ko ay napapansin niya.

"You don't seem to be okay."

"I'm fine." dahilan ko at kung baka patuloy ang pangungulit niya ay hindi ko na kayaning magpanggap na ayos nga lang ako cause damn I'm not.

Mabuti na lang at hindi na siya nangulit pa.

"Pack your things." saad niya pagkatapos kong kumain.

"Bakit? Are we going back?."

"Just pack your things." huling bilin niya at lumabas. Nagtataka man ay sumunod na lang din ako at inimpake ang lahat ng mga gamit ko.

Nang mailabas ko ito sa kwarto ay naroon na ulit si Caden at nakapagpalit na ng damit.

May taxi na naghihintay sa labas ng gusali pagkalabas namin at dinala kami sa isang private air field. Isang private plane ang sinakyan namin. There's three attendants who served us with as VIP. Kami lang ni Caden ang sakay noon.

"Where are we going?." paulit-ulit na tanong ko sa kaniya.

"Wait and you'll see." tanging saad niya at inabala na ang sarili sa ibang bagay at hindi na ako pinapansin.

I just sigh and waited for us to get to where we are going. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at umidlip.

"Avery.." Ilang minuto lang ay ginising din ako ni Caden.

"Hmm."

"Wake up. We're here." Napamulat ako at nagkusot ng mga mata.

Parang ilang minuto pa lang ang naging tulog ko pero nandito na raw kami. Parang ang bilis naman. Sumilip ako sa labas at tumatakbo na ang eroplano palapag.

"Where are we?." baling ko kay Caden. Naghahanda na ito sa pagbaba.

"Hawaii."

Nagulantang ako sa naging sagot niya. Nasa Hawaii kami?

"Why are we here?." Hindi na siya nagsalita pa at nang bumaba ang hagdan palabas ay tumayo na siya. Ang ibang attendants ang nagdala ng ibang gamit namin. May kotse na naghihintay sa baba ng eroplano. Kahit takang taka ay tahimik akong sumunod kay Caden habang nililingon ang paligid.

I've hear how beautiful Hawaii is but I've never been in this island. 

"This will be good for you." ani Caden nang makasakay ako sa kotse.

Naging abala naman ako sa pagtanaw sa paligid. We reach the hotel we are booked  just a few minutes. Sobrang ganda ng lugar kung nasaan ito , overlooking through the vast blue ocean and the majestic white sand along the bay.

Naaliw ako sa pagtanaw sa mga tanawing abot sa paningin mula rito sa resort. The sea was just few meters away and my feet are starting to itch to run to it and enjoy the sand and the water.

Hindi na ako nakatiis at tinungo na ito. Nauna na sila Caden sa room namin sa resort. Pinasuyo ko na lang ang mga gamit ko sa isang attendant na naroon. I qas enjoying the sea breeze when someone pulled me. Kung hindi ko agad nakilala si Caden ay napasigaw na ako.

"You shouldn't be here alone." tiim bagang niyang saad.

"I'm just taking a walk. Sobrang ganda kasi."

"You could have told me.  Hindi ka pa ba nadadala sa nangyari sayo. Muntikan ka ng—

Tinakpan ko ang bibig nito nang matigil ito sa pangangaral sa akin."Oo na. Hindi mo na kailangang ipaalala."

Sobrang tagal na rin kasi mula ng makapunta ako sa beach. Sa Pilipinas pa iyon. Ibang iba rito.

"Kumain na muna tayo." aniya at hinila ako pabalik sa resort.

Parang isang maliit na bahay ang tinutuluyan namin na may mga kwarto at veranda na tanaw na tanaw ang paligid.

Hindi niya ako hinayaang magliwaliw nang mag-isa kaya hanggang tanaw lang ako sa dagat. Gusto ko na sanang maligo at magbabad sa dagat pero may gagawin pa raw ito kaya mamaya na lang.

"Kaya ko naman mag-isa." Kanina pa ako naghahanap ng dahilan para payagan lang ako. May ginagawa ito sa kaniyang laptop , business matter siguro.

"No." tanggi niya ulit. Kitang kita rin sa veranda nitong room namin ang dagat. Mas lalo akong na-eenganyo. Nagbihis na nga ako at naka-beach dress na lang.

"Hindi ako lalayo.  I'll just be there." turo ko sa baybayin na kitang kita mula rito. Makikita niya rin ako kahit papaano.

"No." Halos magdabog na ako sa pagkadismaya.

"Caden , please." pagmamakaawa ko. Para na akong tinatawag ng dagat.

Sumuko na ako sa kakakulit sa kaniya. Alam ko rin namang hindi talaga siya papayag. Nagtungo ako sa labas ng resort at tumanaw sa paligid. Marami ang mga turista sa paligid. They're all enjoying the view and the natures gift habang ako ay walang magawa kung hindi ang tumingin lang.

Nang balingan ko si Caden ay abalang abala parin sa kaniyang ginagawa. Ni hindi niya napansin ang pag-labas ko. Nang makakuha ng tiyempo ay agad akobg bumaba at nagtungo sa baybayin. Tinanggal ko ang sandal ko at ninamnam ang pinong buhangin. It feels so soft against my skin. Nakaka-relax.

Sobrang linaw ng tubig. Hindi mabato kaya hindi mo na kailangang mag-alala na magkakasugat ka. I eventually made my way to the water at ineenjoy ang lamig noon sa mga paa ko. Naupo ako sa kung saan abot ako ng tubig at doon nagbabad. Mabuti na lang at hindi rin masakit ang sikat ng araw.

"Ang tigas ng ulo mo." natigil ako sa pagnamnam sa tubig nang may magsalita sa likuran ko. Pagkalingon ko ay si Caden agad ang bumungad sa akin.

He stood there , cold eyes fixated on me. Halatang hindi nagustuhan ang pagtakas ko.

"Wala namang masamang nangyari sa akin."

"Wala pa."

Ba't ba ang advance niya mag-isip?

"Wala naman."

"Have you seen this place? Maraming taong hindi mo kilala. Who knows there is someone in them that is dangerous?—Shit!." mura niyang ng sabuyan ko ito ng tubig.

"How could this place be good to me if I'm  not allowed to enjoy? Wag ka na lang kill joy. Hindi rin naman kita pinipigilan sa mga ginagawa mo."

Tumayo ako at lumipat ng pwesto na mas malayo sa karamihan. Nakahanap ako ng tahimik na lugar malapit sa isang malaking rock formation. May mga malagong niyog na nakatayo roon kaya mas malimlim. Doon ko ipinagpatuloy ang pagnanamnam ko sa tubig. I enjoy the calm waves slowly rocking me. Naaliw rin ako sa pagdampot ng mga buhangin at mga maliliit na bato  na nasa paligid.

Matapos ang ilang saglit na pagbabad ay nagtungo ako sa mas malalim at sumisid. Masyado akong nag-enjoy sa paglangoy kaya hindi ko na rin namalayan ang oras. May mga nakasama na akong mga bata at ka-edad ko habang lumalangoy. Umahon lang ako sa dagat nang mas tumaas ang sikat ng araw. Masakit na sa balat. Mahapdi na rin ang mata ko sa kakalangoy. Dinampot ko ang sandal ko at bumalik sa resort. Hindi ko narin kasi nahanap si Caden roon. Baka bumalik na.

"Caden?." tawag ko rito pagkatapos makapagbihis. Hindi ko siya nahanap sa veranda maging sa kaniyang kwarto.

"Saan naman kaya siya nagpunta?."

Nagutom ako sa kakahanap sa kaniya kaya  naghanap na muna ako nang mabibilhan ng makakain. I spent the next hours walking around the place. May mga turistang Pilipino na nag-alok sa akin na makisakay sa yacht ng mga ito at pupunta daw sila sa laot. Dahil mga kalahi ay may tiwala naman ako kaya sumama na. I enjoyed taking a lot of photos at every scene we passed. May maliit rin silang salo salo.

We are known to be so hospitable even toward strangers kaya magaan ang loob ko at nakisalo na rin sa mga ito. Madilim na ng muli kaming makabalik sa resort.

"Thank you po." pasasalamat ko sa mga ito nang makababa kami sa yati. We exchange smiles and goodbyes before taking our different path.

Naabutan ko si Caden sa veranda , may hawak na baso ng alak habang nakatanaw sa may kadiliman nang labas.  Inaasahan kong magtatanong ito kung saan ako nagpunta pero hindi.  He didn't even gaze at me. Masyado akong umasa na mag-aalala na naman ito kaya nang hindi man lang siya na-intriga ay nadismaya ako.

Nag-aaway naman ang isip at non-logic self ko. Ako rin naman ang nagsabi sa kaniya na hayaan akong mag-enjoy tapos gusto kong pagalita niya ako? Kabobohan!

Dumeretso na lang ako sa room ko at nagbihis. Nabasa rin kasi ako kanina kaya pangalawang beses ko na itong pagpapalit ng damit. Marami rin naman akong damit dahil sa mga nabili ko nitong nakaraan. Pagkalabas ko ay wala si Caden. Natanaw ko ito sa baybayin kaya sumunod ako roon. Nakasuot na ako ng makapal na jacket dahil lumalamig ang gabi.

"Hindi ka ba naligo?." I ask trying to start a casual conversation with him. Nanatili siyang tahimik.

Umupo ako sa tabi nito at nakitanaw sa dagat na unti-unting nagwawala. Lumalakas ang alon at tumataas ang antas ng tubig.

"Hindi ka nilalamig?." tanong ko ng mapansin na manipis ang suot niyang polo. Pero hindi parin siya umimik. Nakatitig lang siya sa kawalan at parang hindi ako napapansin sa tabi niya o mas pinili akong huwag pansinin.

Kuryuso man ako sa inasal niya ay hindi na ako nagtanong pa. Tahimik lang din akong naupo habang pinagnilalayan ang mga pangyayari sa buhay ko. Ilang saglit pa ay nakaramdam na ako ng antok pero ayokong iwan si Caden rito nang mag-isa. Paano na lang kapag may masamang tao rito at mapag-diskitahan siya.

"Hindi ka ba talaga nilalamig?." pag-aalalang tanong ko dahil mas lumalamig ang hangin. Baka biglang sumakit ang tiyan niya.

Hindi niya parin ako sinasagot o iniimikan man lang. Sa totoo lang nagsimula na akong mainis sa hindi niya pagpansin akin. Hindi ko alam pero parang may tampo siya sa akin. Baka kasi dahil kanina. Bigla na lang akong umalis at hindi nagpaalam sa kaniya. Nag-aalala lang siguro ito sa akin at akala niya ay hindi ko na-aappreciate. I do. Pwede naman sigurong bumawi.

Tinanggal ko ang jacket ko at binigay sa kaniya.

"Take it. Baka magkasakit ka pa." sinulyapan lang niya ako.

He didn't accept my jacket. Ako na lang mismo ang nagsuot nito sa kaniya. Napayakap naman ako sa sarili ko nang umihip ang malakas na hangin. Doon ko lang rin napansin na manipis rin pala ang suot ko.

Napatingin ako sa kaniya nang ilahad niya pabalik sa akin ang jacket ko.

"You need it more than I do." mas malamig pa sa gabi ang kaniyang boses.

"Wag na. Sayo na lang. Kanina ka pa nilalamig." ibinalik ko ito sa kaniya pero binalik niya ulit sa akin.

"Sayo na lang."

"Take it back." mariin niyang saad. Hindi ko alam kong galit siya o disappointed o kung ano man.

"Galit ka ba?." tanong ko rito.

"Let's go back." aniya at tumayo. Pero hindi ko siya hinayaang maka-alis at hinila dahilan para muli itong mapaupo.

"Galit ka ba talaga?." masuyo kong tanong. I hate him being like this.

"Malalim na ang gabi. Bumalik na tayo sa resort." tinanggal niya ang kamay kong nakahawak  sa kaniyang braso at  sumubok na tumayo pero hinila ko ulit ito.

"If you're mad. I'm sorry , then." 

Unti unting naging mahinahon ang kaniyang mukha.

"Sorry na."

Sa kabila ng dilim ay kitang kita ko ang pagpungay ng kaniyang mga mata. Nang mapansin ang  titig ko roon ay umiwas siya.

"Caden?." hinawakan ko ang kaniyang mukha at hinuli ang kaniyang mga mata.

"Sorry na."

Nagkagat siya ng labi at kinuha ang kamay ko na nasa kaniyang pisngi at saka pinagsiklop iyon. Nawala ang lamig na naramdaman ko nang maramdaman ang kaniyang kamay sa akin. Sinandal niya ang kaniyang noo sa aking balikat. Kinuha ko ang jacket ko at isinuot sa kaniya saka ito yinakap.

"Hindi ka na galit?."

Binitawan niya ang kamay ko at gumanti ng yakap sa akin.

"I can't be mad at you."