webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Teenager
Zu wenig Bewertungen
36 Chs

Chapter 20

Chapter 20

Gus

"Ano'ng gagawin natin ngayon?" Namomroblema ako dahil sa sinabi ng guidance counselor namin. Dumaan muna kami sa malapit na Café. Hindi pumayag ang mga kaibigan namin na iwan kaming dalawa ni Chan.

"Ang hindi ko maintindihan, yakap lang naman 'yon. Overacting naman si Bb. Joyce. Ipapatawag agad ang mga parents n'yo," ani Vaneza. Magkakaharap kaming naka-upo sa mesa habang umiinom ng milk tea.

"Prohibited nga raw. Bawal ang PDA sa school," wika naman ni Rochel.

"Puntahan kaya natin si Ma'am. Sabihin natin sa kanya na mali ang iniisip niya." Donna suggested.

"Sa tingin mo maniniwala siya sa atin?"

"We're here. Witness tayo."

"Nakita niya mismo na nagyayakapan silang dalawa. Hindi lang iisang beses kundi tatlo o apat na beses pa."

"Hindi sila nagyayakapan. Si Nickolas lang naman ang yumakap kay Gus."

"Parehas na rin 'yon! Sweet silang tingnan. Gumawa sila ng ipinagbabawal ng eskwelahan."

"I think I should try to talk to her. I'll explain everything," ani Chan pagkaraan ng mahabang katahimikan.

"Paano kung hindi siya maniwala? Or e-insist pa rin niyang kausapin ang mga magulang n'yo?"

"My parents are not here. It's impossible for them to attend and talk to her. Baka next year pa ang balik ng mga iyon." Napatingin kaming lahat kay Chan. Hindi na lingid sa kaalaman ko kung bakit hindi makakarating ang mga magulang niya. I looked at him because of his voice. Malungkot siya.

Nakikita ko sa mga kaibigan namin na gusto nilang magtanong kay Chan kung bakit. Subalit nirerespeto nila ang desisyon ni Chan. Hindi na ito muling nagsalita pa kaya hindi na rin sila nagtanong.

"We should try to talk to her. Maiintindihan naman siguro ni Ma'am."

"Yes, we should do that. Paniguradong magagalit ang Daddy mo kapag nalaman niya," Rochel looked at me with sympathy.

"Knowing Tito Thomas, I'm sure na magagalit 'yon."

Iyon rin ang ikinatatakot ko. Baka isipin ni Daddy na si Chan ang lalaking sinasabi ni Marky. Siguradong magagalit siya sa akin lalo na at pinapapunta ko pa si Chan sa bahay. I can see my father's anger at ayokong mangyari iyon. Nakakatakot si Daddy kapag nagagalit siya. He may not be hurting us physically but he will see to it na masasaktan kami emotionally. Ganoon siya kalupit.

"Pupuntahan ko siya first thing in the morning. Ako na ang bahala ng kumausap sa kanya. Don't worry, Gus. It's my fault kaya ako rin ang bahalang lumutas nito."

"No. Wala kang kasalanan. Tinulungan mo lang ako kaya huwag mong isipin na may kasalanan ka. Sasama ako sa'yo bukas ng umaga. I will help you explain to her everything."

"Ano'ng sasabihin n'yo?" Vaneza asked us.

"Sasabihin n'yo bang kaya ginagawa ni Nickolas iyon ay dahil nasasaktan siya sa mga ginagawa ni Hector?" Sinabi ko na sa kanila ang nangyari sa library. Ang ginawang pagtulak sa akin ni Hec. Sinabi ko rin sa kanila na humingi agad siya ng tawad sa akin.

I told them everything excluding the kissing part. Wala pa akong lakas na loob para sabihin sa kanila. That my baby is my first kiss. Kaya naman maging sila ay galit sa baby ko. Ayaw raw nilang ipagpatuloy ko pa ang pagkahumaling ko sa kanya. Which is impossible to do, I thought.

"I don't think so. Maybe I should tell her na may problema lang si Gus and it's personal. Siguro naman ay hindi na nais na malaman pa ni ma'am iyon," ani Chan. He is cool while saying those.

"That's a good idea. Sana ikaw na lang ang mahalin ni Gus at hindi na si Hector." Napabaling ako kay Donna ng sabihin niya iyon.

"Kung nadidiktahan lang puso, Don. Noon ko pa ginawa pero mahirap."

"Yeah, yeah. Alam ko na ang sasabihin mo. Pero alam kong magbabago pa iyang nararamdaman mo sa kanya. He is not good for you."

"Kung ganyan ang palagi niyang pinapakita sa iyo, I'm sure mapapagod ka ring mahalin siya."

"Speaking of the devil, what's the real score between him and Andy?" Nakakunot ang noo ni Vaneza ng tanongin niya na kami. I felt a sudden pain in my chest pagkaalala sa mga narinig ko kanina.

Sabay raw na nag-lunch ang dalawa. Dinala pa ni Hec si Andy sa mamahaling restaurant. Ang mga pinangarap kong gawin sana niya sa akin ay ginawa na niya sa iba. Gustong kong umiyak nang umiyak sa isiping kumakain silang dalawa sa labas at sweet na sweet sa isa't-isa.

May lihim ba sila ni Andy? Bakit hindi ko alam iyon? Ngayon ko lang sila nakitang magkasama. At kung kailan nahalikan na niya ako saka naman niya ipinarada si Andy sa harapan ko, sa harapan ng maraming tao. Hindi ko alam kung anong rason niya. At iyon ang gustong gusto kong malaman.

"Kailangan pa ba talagang ipaalala?" I heard Rochel asked Vaneza na ikinatahimik lang ng huli.

"I'm sorry. I'm just curious," aniya pagkaraan ng ilang sandaling hindi umimik.

"It's okay," wika ko at nginitian siya despite the pain that I'm feeling right now.

Ilang sandali pa kaming nag-usap hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi. Eating dinner with my family is somehow great ngunit napakabigat ng dinadala ko sa dibdib. Hindi ko nakakalimutan ang mga eksenang kagabi at kanina sa school. May mga pagkakataong pa ngang halos hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko na tila umabot hanggang sa lalamunan. Bukod sa masikip ay tila may bumibikig pa sa lalamunan ko. Kinailangan ko pang uminom ng maraming tubig para lang malunok ang kinakain ko. Tuloy ay konti lang ang nakain ko.

Ang nakakainis pa, kahit na ibayong sakit na ang ipinalalasap sa akin ni Hector ay hindi pa rin siya mawaglit sa isipan ko lalong lalo na sa sistema ko. He brought so much pain in my inner self but the thought of him always made me excited every time I open my eyes in the morning.

Kinaumagahan, nagkita kami ni Chan sa parking lot. He brought his motorbike. Para siyang hindi high school student kung titingnan, just like my babe. Daig pa nila ang mga college students kung titingnan ang built ng mga katawan.

"Good morning!" Nakangiting bati niya sa akin. Para bang hindi siya kinakabahan katulad ko.

"Morning."

"Kanina ka pa?"

"Hindi. Ngayon lang din."

"Tara na?"

"Okay." Naglakad na kami papunta sa office ng guidance counselor. While walking ay panay ang tanong niya tungkol sa gabi ko. Kung ano ang ginawa ko. I told him the truth. Na madaling araw na ako nakatulog.

"Hindi healthy para sa atin ang ma-brokenhearted. We're still young para mapuyat lang sa mga pag-ibig na 'yan," aniya na ikinatahimik ko. Somehow he had a point. Tama naman siya. Subalit mali ba na umibig ako sa maling panahon at pagkakataon? Hindi ko naman inaasahan na agad kong maramdaman ang umibig na ganito kaaga. I didn't expect this too at a young age.

Tama man o mali ay huli na ang lahat. Nandito na, nagmamahal na ako, nahulog na ako, ang magagawa ko na lang ngayon ay ang turuan  ang sariling magpahalaga at mas higitan pa ang pagmamahal sa sarili kesa sa minamahal.

"Hindi ka pa kasi na-inlove. Isa pa, hindi ko naman inaasahan ito. Hindi ko tinuruan ang sarili na magmahal sa kanya.

Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko dahil nasa harap na kami ni Bb. Joyce. Tila hinihintay niya ang pagdating namin.

"Where are your parents?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Good morning, Ma'am. Can we talk inside?" ani Chan na ikinagulat niya. Marahil ay hindi niya inaasahan ang sinabi ng iyon ni Chan.

"Pumasok kayo." Nauna siyang pumasok. Dahil ako ang huli ay ako na ang nagsara ng pinto.

"Take a sit."

"Thank you po," sabay na wika namin.

"Sinabihan ko kayo kahapon na dalhin niyo ang mga magulang niyo rito. Nasaan sila?"

"Nasa Africa ang parents ko dahil may medical mission sila. Next year pa po ang balik kaya hindi sila makakarating," ani Chan. Nagulat si Ma'am at nakatingin sa kanya.

"Kung ganoon, sino ang kasama mo sa bahay n'yo?"

"Ang mga katulong lang po namin." Nakikinig lang ako sa kanila at nakatingin kay Bb. Joyce. Para siyang hindi makapaniwala sa pinagsasabi ni Chan.

"Bakit hinahayaan ka nilang mag-isa? Kaya siguro hindi ka naturuan ng tamang asal dahil wala ang mga magulang mo sa tabi mo."

"Excuse me, Ma'am. Parehong doktor ang mga magulang ko. Pumupunta sila sa ibang lugar upang makatulong sa mga nangangailangan ng walang kapalit. Pero kahit ganoon ay hindi sila nagkulang sa akin sa pagpapaalala sa mga mabubuting asal. Hindi ako katulad ng iba na nagrerebelde para lang mapansin ng mga magulang. Naiintindihan ko po sila. Although minsan ay nakakalungkot dahil marami pa silang oras para sa ibang tao kesa sa akin. But I also learned from them that helping people is also helping yourself. Kung paano mo pinapahalagahan ang sarili mo. I value myself not just only for me but also for them. I grow up helping a lot of people and willing to help those who needed me. Isa na  roon si Ms. Marquez."

I am looking at him with full of admiration. Kakaiba talaga siya mag-isip. He is more mature than me, than people at his age. Sabay kaming napalingon sa pinto ng makarinig kami ng tatlong katok.

"Come in," wika ni Bb. Joyce.

Lalo pa akong nagulat ng makita ko si Andy at si Hec nang bumukas ang pinto. I saw him stiffened unlike Andy na ngumiti pa sa amin. My heart beat faster. Tila nagwawala pagkakita sa kanya.

"Pumasok kayo." Tumayo si Chan at lumipat sa katabing upuan ko. They sat in front of us. Kaharap ko si Andy habang kaharap naman ni Chan ang baby ko.

"Pinatawag ko kayo dahil may nakapagsumbong sa akin na maging kayo ay lumabag rin sa batas ng eskwelahang ito."

"Ho? Ano pong ibig n'yong sabihin?" ani Andy na lumingon pa kay Hec. Arte rin noh!

"May nakapagsabi sa akin na nagyayakapan raw kayo dito sa loob ng campus."

Ano raw?!

I heard it loud and clear. Kaya lang ay ayaw tanggapin ng sarili ko. Nagyayakapan sila? Kailan?

"Totoo ba? Bakit hindi kayo makasagot, Mr. Guzman?" Naghihintay rin ako sa sagot ni Hec. Nakatingin ako sa kanya habang malakas ang kabog ng dibdib ko. It's painful, parang mawawalan ako ng lakas kung patotohanan niya ang sinabi ng guidance counselor namin.

"Y-yes, Ma'am." Andy answered her instead of him. So totoo nga. Sabagay nakita ko nga sila kahapon na magka-akbay. Walang pakialam sa mga nanonood sa kanila. I felt my heart crumpled. Dinudurog lalo na nang mapansin kong ayaw niya akong tingnan.

"I'm sorry, Ma'am. Nabigla lang naman po si Hector nang gawin niya iyon kahapon. At saka isang beses lang po nangyari 'yon. Sa parking lot po."

"Ano?" Shit! Did I just I say it loud? Damn!!!

Tiningnan nila ako ngunit kay Andy lang ako nakatingin. Umirap siya sa akin pagkatapos niya akong taasan ng kilay. Akala ko ba ang pag-akbay ni Hec sa locker kahapon ang ibig nilang sabihin. Bakit mayroon pa sa parking lot? Nagyakapan talaga sila?

Konting-konti na lang. Dudukutin ko na talaga ang puso ko dahil sa sakit. Masakit na masakit pero ayaw kong umiyak lalo na at nasa harapan ko sila.

"I will give you two a warning! Palalagpasin ko kayo dahil isang beses lang nangyari. Sa susunod na makita ko ulit kayo, I will be the one to call your parents. Understood?!" Tumaas ang boses niya. Tila nauubusan na ng pasensya.

"Mr. Padilla? You were saying.."

"As I was saying, I hugged Ms. Marquez multiple times because she needed me. She was in pain kaya kailangan ko siyang yakapin."

"At ang pagyakap sa kanya ang solusyon? Bakit?" Nakataas ang kilay na tanong niya kay Chan.

"Ang taong nasasaktan ay nakakaramdam ng pag-iisa, Ma'am. Kahit nasa paligid lang kami ay hindi niya iyon namamalayan. Kailangan ko siyang yakapin para malaman niyang hindi siya nag-iisa, na may karamay siya.

She's important to me pero hindi ko po siya girlfriend. Magkaibigan lang po kami. Hugging her was the only way of helping her ease the pain. May mga tao kasing manhid at bulag. Hindi nila nararamdaman na may labis na nasasaktan dahil sa ginagawa nila. It's either they're numb or nagbubulag-bulagan lang."

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Nakatingin lang sila kay Chan. Bb. Joyce is full of admiration, Andy's envy while Hec is.. angry? Masama ang tingin niya kay Chan. His jaw is clenching. Lumipat ang nagbabaga niyang tingin sa akin.

Why are you looking at me like that?

"Very well said, Mr. Padilla. I am impressed by what you've said. Naniniwala akong magkaibigan lang kayo. Hearing you saying those made me realized. That love of a friend is very important. Mapalad si Ms. Marquez at naging kaibigan ka niya. So, ang paalala ko lang sa inyo, tapping your friend's shoulder is also a way to make her feel that she's not alone. Lalo na kung lalaki ka at babae ang kaibigan mo. Tapping is more decent than hugging lalo na at narito kayo sa paaralan. Next time kung masaktan man o may problema man ulit si Ms. Marquez, na hindi ko alam kung ano ang pinoproblema niya, just please no hugging.. please? Nakuha?" aniyang nakatingin sa amin. Nag-iinit ang mukha ko dahil sa hiya.

"I'm sorry, Ma'am. Hindi na po mauulit."

"Mabuti kung gan'on! Siya sige, you may leave at may mga pasok pa kayo. Remember, ayaw ko nang may makita o marinig na nagyayakapan kayo! Ang babata n'yo pa. Hala, lumabas na kayo!"

"Maraming salamat po, Ma'am."

"Sige ho."

Naunang lumabas si Hec kasunod si Andy. Pinauna ko naman si Chan bago ako sumunod sa kanya. Sa labas ay nakita kong nakasandal ang baby ko sa pader. Wala na si Andy.

"Can we talk?" Sa akin siya nakatingin, nakakunot ang noo niya.

"W-why?" ani kong kinakabahan.

"Can you leave us alone?" aniyang kay Chan nakatingin. He's angry.

Gusto ko siyang kausapin. Kaya naman hinarap ko muna si Chan.

"Are you sure?" ani ng kaibigan ko. Nakikita kong ayaw niya akong iwan.

"Yeah. Okay lang ako. I'll talk to him."

"I'll wait for you."

"Sa room na lang tayo magkita. Baka ma-late ka na. Okay lang ako. Kaya ko 'to."

"Gus?" Tinawag ako ni Hec. He's impatiently waiting for me.

"Ang kapal talaga ng mukha!" Naalarma ako ng sabihin iyon ni Chan. Sana lang ay hindi narinig nang isa.

"Please? Sandali lang."

"Okay. Mag-iingat ka."

"Yes, I will. Thanks. Ikaw din." Tumango lang siya at iniwan na kami. Lumingon pa muna siya sa akin na tila ayaw akong iwan. I smiled at him assuring him that it's fine.

Nang hindi ko na siya matanaw ay mas lalong bumilis ang tahip ng dibdib ko. Dumadagundong ng malakas dahil sa taong nasa likuran ko. I could feel his stare behind me.

It's time for us to talk. I'll ask him about the kiss. Tama!