webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Teenager
Zu wenig Bewertungen
36 Chs

Chapter 16

Chapter 16

Gus

"What? Sumali ka sa basketball team?" Hindi naman sa hindi ako makapaniwala. Na excite lang ako na sasali si Chan sa basketball team. Why not? He's tall, his body is well toned and had a very attractive biceps. Siguradong pagkakaguluhan din siya ng mga babae dito sa school.

"Hobby ko ang maglaro ng basketball. Sumali ako sa try out. Nagustuhan nila ang laro ko kaya ayun, isinali nila ako sa team." Walang pagmamayabang sa tinig niya ng sabihin iyon. Hindi mayabang si Chan kahit maraming dapat ipagmayabang. He is so humble which suits him better.

"I am sure dadagsa ang mga fans mo n'yan."

"Haha! It's okay. Kahit na ayaw ko nang may nag-cheer sa akin."

"Huh? Bakit naman? Ang iba diyan ginaganahan kapag may nag-cheer sa kanila," wika kong hindi makapaniwala.

"Nadi-distract kasi ako. Lalo na siguro kapag ikaw ang mag-cheer sa akin." Bununtutan niya ng tawa kaya alam kong biro ang sinabi niya.

"Gagong 'to! Batuhin kita ng mura doon sa court."

"Hehehe! That's bad. Kababae mong tao nagmumura ka."

"Excuse me? Lalaki lang ba dapat ang magmura?"

"Hindi rin. It is not good to hear na may nagmumura. You see, lalo na kapag babae. Para sa akin."

"Cursing for me is just an expression. Parang nasanay na ako na kapag nagbibiro ay may kasamang mura."

"Uhuh? If possible bawas-bawasan mo. Turn off masyado."

"Hehehe! Feeling talaga nito." Malakas na tawa ang iginanti niya sa akin.

"Sabay na tayong umuwi mamaya. Dumaan muna tayo sa court kasi pinatawag kami ni coach."

"Okay." Napagkasunduan namin na sa kanila kami dumeretso pagkatapos dito sa school. Tuturuan pa kasi niya akong maggitara. Okay lang naman kasi may mga katulong daw naman sila doon. Hindi kami magsosolo. And besides I don't have a problem with that. I trust him. Kahit na bago pa lang kaming magkakilala. I could feel na hindi siya gagawa ng masama.

Nandito kami sa canteen ngayon. Dinala niya ako rito upang ilibre. Naaawa raw siya sa akin kaya naman sinamantala ko na. Hindi na namin pinag-usapan pa ang nangyari sa library. Para raw hindi ko na maalala. Iyon ang akala niya dahil sa bawat minuto na kausap ko si Chan ay palaging nagre-replay sa utak ko ang nangyaring pagtulak sa akin ni Hec.

Masakit, but this time ay hindi na ako naiiyak. Because my friend here, is still trying his best to make me laugh.

He bought me my favorite fresh lumpia, ensaymada and soda. Pampalubag loob daw. Kahit hindi naman niya kasalanan, hindi naman siya ang nagtulak sa akin.

Hindi ko na nakita si Hec sa library. Hindi ko na rin siya nakita sa paglabas namin. My eyes are roaming as we walked here just to see if he is around but none. Saan na naman kaya siya nagpunta?

Kahit na nasaktan na niya ako physically ay hindi pa rin tumitigil ang pasaway kong isip at puso. Sigurado akong hindi niya sinasadya ang pagtulak sa akin kanina. I forgive him. I can and I always will.

"They are here!" He is talking about our friends na nagpaiwan sa library. Hindi kasi alam ng mga ito ang totoong nangyari. Hindi ako nagpakita sa kanila dahil namumula pa ang mga mata ko kanina. So Chan talked to them na mauuna na kaming dalawa sa canteen.

They are smiling while looking at us. Nang makalapit sa amin ay hindi ko inaasahan ang sasabihin ng mga ito.

"You look good together!"

"Oo nga, bagay kayong dalawa."

"Para kayong meant to be," ani Vaneza na siyang pinakahuling nagsalita.

Ano raw? Meant to be? Mga loka-loka!

"Huwag nga kayong ganyan! Baka hindi na ako lapitan ni Chan dahil d'yan sa mga biro n'yo!"

"Who says that we are joking?"

"Yeah! Bagay kami pero hindi kami meant to be noh!"

"See! Narinig mo Chan? Inamin rin niyang bagay kayo," ani Donna.

"Inamin ko na lang para manahimik na kayo.  Baka abutin tayo ng umaga rito dahil d'yan sa mga bibig n'yo."

"Hahaha!" Natawa ako nang matawa na si Chan. Kanina ay sinabi niyang nakita raw niya ako dahil sa mga kaibigan kong maiingay na sinaway ng librarian. When he saw me walked at parang may hinahanap ay noon daw niya ako sinundan.

Ngunit hindi ko siya nakita nang luminga ako. Marahil ay paparating pa lang siya noong oras na 'yon.

"Hindi nga, puwera biro, bagay kayong dalawa."

"Talaga?" ani kong sinakyan ang kalokohan nila.

"Oo. Pero sayang at wala kayong feelings para sa isa't-isa."

"Tama ka! That's the main reason why at kung bakit kailangan mo nang tigilan 'yang bagay-bagay na iyan. Nakakahiya kay Chan."

"Yes, madamme!"

"Adik na 'to!" sabi kong inirapan si Vaneza na nakangisi lang sa akin.

Nagsimula na ang mga itong kumain. Libre din ni Chan ang pagkaing ibinigay ko sa kanila.

"Gusto lang naman kasi namin na tumigil ka na sa kakahabol kay babe."

"NBSB ka na dahil sa kanya," aniya.

"So, ano ang gusto n'yong mangyari? Na dapat magkanobyo na ako?"

"Bakit hindi?"

"Gaga ka ba? Eh, di lagot ako kay Daddy at Mommy."

"Sus! Kung mahulog na sa'yo si babe tapos ligawan ka. Siguradong sasagutin mo 'yon. Hindi ka takot sa parents mo?"

"Hindi! Ipaglalaban ko talaga siya."

"Pero ang problema ay ayaw niya talaga sa'yo," turan ni Rochel. Nalungkot ako. Naalala ko na naman ang ginawa ni Hec sa akin kanina.

"I think we need to go. Magsisimula na ang klase natin," saad ni Chan pagkaraan ng mahabang katahimikan.

"Oo nga," ani kong tiningnan ang oras. Magsisimula na ang last subject namin sa araw na ito.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa room. Nag-usap saglit hanggang sa dumating na ang teacher namin para sa panghuling klase.

Nag-discuss lang at wala namang masyadong ginawa. Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na kami ni Chan kina Donna, Rochel at Vaneza na mauna na sila at sabay na kaming uuwi.

Natural puro tukso ang inabot namin ni Chan sa tatlong mahadera. Na baka daw madevelop na kami sa isa't-isa kapag kami na lang palagi ang magsasama. Malabong mangyari. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Chan. Iba kasi ang itinitibok ng puso ko.

"Hindi ko dala ang motor ko kaya sa iyo na lang ako sasakay, okay?" aniya habang binabagtas namin ang daan papunta sa court.

"No problem," ani ko. Kung may meeting sila ngayon paniguradong pupunta rin sa court si Hec. Makikita ko siya doon. Ano kaya ang reaksyon niya kapag nagkita kami? Galit pa rin kaya siya?

"I heard na kasali rin ang pangarap mo sa basketball team," walang ano-ano ay tanong ni Chan sa akin.

"Yeah."

"I am sure naroon siya ngayon."

"Really sure," wika ko. Tiningnan niya ako at amuse na ngumiti.

"Maaari bang huwag ka munang tumingin sa kanya?"

"Bakit naman?" Why? Bakit hindi ako titingin sa baby ko? Kaya nga rin ako pumayag na samahan siya doon ay para makita ko ang baby ko.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya?" Nakakunot ang noo niya nang sabihin iyon.

"Hindi syempre."

"Kaya huwag ka munang tumingin sa kanya."

"Bakit nga?"

"Para isipin niyang galit ka sa kanya."

"I'm sure na hindi niya naman 'yon sinadya. Nabigla lang siya, Chan."

"What? Kung hindi niya iyon sinadya, sana tinulungan ka niyang tumayo. At sana doon pa lang ay humingi na siya ng paumanhin. Pero wala ni isa sa nabanggit ko ang ginawa niya."

"Ganoon kasi siya, Chan. He is kinda like that," pagtatanggol ko pa.

"Alin? Ang walang modo at walang respeto sa'yo? Kahit nilalandi mo siya, wala pa rin siyang karapatan na gawin iyon sa'yo. Lalo na at matalik na magkaibigan ang mga magulang niyo."

"Nasaktan ako, oo. Pero naiintindihan ko naman siya kung bakit niya nagawa 'yon." Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Kaya naman napatigil na rin ako.

"Stop fighting for him. Magtira ka naman para sa sarili mo. Love yourself before anyone else, Gus. Dapat alam mo iyan at dapat iyan ang gawin mo." Hindi siya galit. He looks like my father giving advice to his daughter.

Ganitong-ganito rin ang itsura ni Daddy noong pagalitan niya ako. Pagalitan at pagsabihan.

"You're like my Dad," ani kong nakangiti.

"That old?" Hindi makapaniwalang ani niya.

"Excuse me? Hindi pa matanda ang Daddy ko."

"It's not that. Hindi siya matanda pero magkasing edad lang tayo, Gus."

"Yeah, yeah!"

"So I was saying na huwag ka munang lumapit o tumingin sa kanya. Let him think that he's wrong. Na hindi mo nagustuhan ang ginawa niya sa'yo."

"Should I do that?"

"You have to. Kailangan mong gawin iyon para sa sarili mo. Bukod sa sakit ano pang naramdaman mo nang itulak ka niya at basta na lang iniwan doon?"

"Sakit sa puwet?" Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Bukod sa sakit, Gus." Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Nag-isip ako. Bukod sa sakit na naramdaman ko kanina? Ano pa nga ba?

"Self pity."

"Exactly!"

"Pero sandali lang naman iyon. Kasi nga, di ba hindi maganda iyong nagse-self pity ka?"

"But you felt it. Naawa ka sa sarili mo. Not just you. Naawa rin sa'yo ang mga nakakita sa'yo. Naawa ako sa'yo kasi nakakaawa ka. That was too much, Gus. Huwag mong hintayin na baka mawalan ka na rin ng respeto sa sarili mo." Natahimik ako. He had a point.

"Paano kung makarating ang insedenteng iyon sa mga magulang mo? Ano sa palagay mo ang mararamdaman nila? Their daughter was pushed by someone she likes most? Kasi hindi rin siya gusto ng gusto niya? What do you think they will feel?" Nakatingin lang ako sa kanya. Iniisip na kung paano nga kung mangyari iyon? I never did anything crazy before like what I did to Hec now.

Kay Hec lang ako nagpakababa ng ganito. To the point na itinulak na nga niya ako, not only emotionally, orally but also physically. Ganoon na ba talaga ako nakakaawang tingnan?

"Hmm? I am concerned as f**k. Ayoko 'yong may nakikita akong babae na ipagtulakan ng gan'on ng isang lalaki. Lalo na at kaibigan ko."

Why is he that good? Ang cool niyang tingnan at pakinggan.

"I wanted a baby sister but I never had one. When I saw you, talked to you and finally know the real you, nahiling ko na sana kapatid na lang kita. You're cute, lovable, etc." Ngumiti siya sa akin showing his perfect white teeth. "Don't settle for someone who doesn't like you. Who doesn't see the best in you. Marami pang lalaki na darating sa buhay mo. Huwag kang magpakababa sa kanya."

"Saan galing ang mga 'yon, ha? You sound different. Para kang Daddy ko talaga d'yan sa mga pinagsasabi mo."

"I'm serious." Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Aside from Marky ay may isa na naman akong lalaking kaibigan na magtatanggol at mangangaral sa akin. I am so much glad hearing those from him. Seeing how he really mean every word he said.

"Thank you, for showing how concerned you are to me. Don't worry, hindi ko kakalimutan ang mga pangaral mo sa akin. Lagi kong tatandaan ang mga iyon. Thank you so much, Chan." I hugged him, really tight. Appreciate everything he did to me. He is a friend but he sounds like my father. Walang pinagkaiba kay Marky.

"O-okay. That's so tight. I can't breathe."

"Oh, hehehe! Sorry," wika ko na agad siyang pinakawalan.

"Don't worry, I'm just a call away if you need me."

"Aww.. so sweet of you," natatawa ako sa kanya. Pero kahit ganoon ay tumatak sa isip ko ang bawat salitang binitawan niya. My brother will be like that too kung malaman rin nito ang mga nangyayari sa buhay ko with Hec in it.

Loving Hec is so tiring, hurt and at the same time enticing. But with my friends around made me feel that I am not alone. Tumimo sa aking pagkatao ang sinabi ni Chan. Sana lang ay tumatak rin sa puso ko ang bawat salitang ibinato niya sa akin.

Author's Note:

Ahh.. It is good to have Chan as her friend. Sana nga si Chan na lang ang minahal ni Gus, noh? Pero hindi talaga natuturuan ni Gus ang puso niya. Bumabalik pa rin siya sa baby niya kahit na walang ibang ginawi si Hector kundi ang pasakitan siya. 😢