♡♡♡♡♡
"Sabi ko sa iyo Carla, tama ang hinala ko. Matagal ka nang ginagago nina Alfred at Nikki. Ayaw mo kasing maniwala sa akin," nagngingitngit na sabi ni Irish sabay baling nang tingin sa kanya. Umiigting din ang panga nito at kulang na lamang ay makipag away ito sa kung sino man ang gusto nitong awayin.
Tinatanawan kasi nila nang tingin ang dalawang tao na nakatayo malapit sa harapan ng isang mamahalin at kilalang restaurant. Nagyayakapan ang mga ito at pasimpleng ninakawan pa ng halik ng lalaki ang babaeng kayakap nito. Tila kilig na kilig naman ang babae dahil sa ginagawa ng lalaking kasama nito. Kilala niya ang dalawang iyon. Sa sobrang kilala ay halos ayaw niyang maniwala na magagawa siyang traydorin ng mga ito.
Sa restaurant din na iyon madalas siyang dalhin ng kasintahan niya kapag may date sila pero ngayon nga ay iba ang kasama nito sa halip na siya. Halos hindi siya makapagsalita. Nakatingin lamang siya sa dalawang tao na tinutukoy ng kaibigan niya sapagkat hindi niya mawari kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon. Tila ba namamanhid na ang kanyang puso.
"O, ano na ba Carla? Wala man lang ba tayong gagawin sa mga hinayupak na iyon?" Muli siyang tinanong ng kaibigan niyang si Irish. Napapabuka ang labi niya ngunit walang salitang lumalabas mula sa kanyang bibig.
Bahagya pa siyang napaigtad ng bigla siyang yakapin ni Irish. Akala niya kasi hindi na siya makakaramdam ng sakit, hindi pa rin pala. Napaluha na ulit siya at hindi unang beses iyon nangyari sa kanya. Marami na rin beses siyang napaiyak nang dahil sa pagmamahal ng mga maling tao. Hindi pa rin siya natututo kahit ilan beses na siyang nagkamali at nasaktan.
Akala rin niya si Alfred na ang sagot sa matagal na niyang hinihiling na masayang buhay PAG-IBIG. Hindi pa rin pala.
"Sorry, Beshie! Hindi ko naman intensyon na masaktan ka pero hindi na kasi kaya ng konsensya ko na makita kang niloloko ng dalawang iyon," saad ni Irish. Medyo nanginginig pa ang boses nito habang nagsasalita. Pinipigilan din nitong maiyak. Palaging nakasuporta sa kanya si Irish sa tuwing nagkakaroon siya ng problema.
"Umuwi na tayo. Sa bahay na lang natin pag-usapan ang lahat," suhestiyon pa ni Irish sa kanya. Umalis siya mula sa pagkakayakap ni Irish at nagtungo sila sa kotseng dala-dala niya. Nakita rin niyang sumakay sa kotse ang dalawang tao na kani-kanina lamang ay minamanmanan nila.
"Irish, gusto ko silang sundan," saad niya sabay tingin kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse niya.
Bahagyang natulala si Irish nang dahil sa tinuran niya ngunit pamaya-maya ay muli itong nagsalita.
"Wala naman akong tutol sa balak mong gawin, pero sigurado ka na ba riyan sa gagawin mo?" may pag-aalangan na sabi ni Irish sa kanya. Halos tumaas ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"Oo, may gusto lamang ako malaman. Tatapusin ko na rin ang pakikipag-ugnayan ko sa kanilang dalawa," tugon niya. Buo na ang loob at pasya niya. Sapat na ang mga nasaksihan niya para magdesisyong tapusin na ang pakikipagrelasyon niya kay Alfred at ang pakikipagkaibigan kay Nikki.
"Okay, masusunod boss! Kung kailangan mo ng resbak, nandito lang ako para makipagsabunutan. Sisiguraduhin kong makukulot ang mga unat nilang buhok," nakangising sabi ni Irish ngunit may pagbabanta ang tono ng pananalita nito.
Minamaniobra na niya ang manibela para umandar ang kotse at umalis sa lugar na iyon kung saan niya nahuli sina Alfred at Nikki na naglalampungan.
♡♡♡♡♡
"Kumusta! Mukhang ang saya-saya ninyong dalawa ah. May mahalaga bang okasyon? Share ninyo naman," mahinahon saad niya ngunit halos tumiim ang mga bagang niya. Napapakagat labi rin siya sapagkat pinipigilan ang sarili na makapagsalita ng masasakit sa dalawang taong nasa harapan niya.
Halos manlaki naman ang mga mata nila Alfred at Nikki nang bumungad sa kanilang harapan ang mukha ni Carla. Nakaramdam nang pangangatog si Nikki kung kaya naman napahawak ito sa braso ni Alfred.
"Ca… Carla, let me explain. Ga… ganito kasi iyon," pautal-utal na sagot ni Alfred at tangkang hahawakan siya nito sa bisig subalit tinabig niya ang kamay ni Alfred at sabay na nagpakawala ng malutong na sampal sa mukha ni Alfred na ikinagitla naman nito at ni Nikki.
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Sapat na ang mga nakita ko para itigil ko na ang pakikipagrelasyon ko sa iyo. Sinabi ko na rin ito sa iyo noon, na oras na niloko mo ako, wala ng 2nd o 3rd chances para maisalba pa ang relasyon natin," mariin pahayag niya sa harapan ng dalawa.
"At ikaw Nikki! Anong kasalanan ko sa iyo para gawin mo sa akin ito? Matalik tayong magkaibigan, bukod doon itinuring kitang tunay na kapatid, ngunit heto ka at nagawa mo pa akong traydorin," nanggagalaiti na saad niya habang dinuduro si Nikki. Tumutulo rin ang kanyang mga luha habang nagsasalita. Pumapagitna naman si Alfred sa kanilang dalawa.
"I'm sorry, Carla! Hindi ko sinasadyang saktan ka," may pagsusumamo na tugon ni Nikki sa kanya. Sa sobrang inis niya, nang magkaroon siya ng pagkakataon na mas makalapit kay Nikki, nagawa niyang mahablot ang ilan hibla ng mahaba nitong buhok dahilan para mapangiwi si Nikki.
Naitulak naman siya ni Alfred nang makita nito ang ginawa niya at dahil sa ginawa nito muntik na siyang matumba, mabuti na lamang nandoon din si Irish at nakaalalay sa kanya.
"Ano ba Carla, tama na!" pasinghal na saad ni Alfred.
"Aba't ang kakapal naman talaga ng mga pagmumukha ninyo. Kayo na nga ang nanloko at nanakit sa kaibigan ko, kayo pa ang mas nagagalit," sagot ni Irish. Hindi na ito nakatiis sa mga nakikita kung kaya't nakisali na rin ito para ipagtanggol siya.
"Please, Irish! Huwag ka nang makisali rito. Sa pagitan lamang naming tatlo ito," iritableng pag-awat ni Alfred kay Irish.
"At bakit hindi ako makikisali? Kaibigan ko ang inaagrabyado ninyo!" paangil na sagot naman ni Irish kay Alfred.
"Heto talaga siguro ang tunay mong pagkatao, Nikki! Ang maging mang-aagaw, dahil ang totoo, nagseselos ka sa akin sapagkat wala man lang nagkakagusto sa'yo, kaya ang gusto mo mapasaiyo si Alfred," sarkastikong saad niya nang sumingit siya sa usapan. Nadala na siya ng bugso ng damdamin kung kaya't nakapagbitaw na siya ng mga insulto sa harapan ni Nikki.
"Wala akong inaagaw sa iyo Carla! Pinahiram ko pa nga sa iyo si Alfred para lang maging masaya ka. Pero hindi ko kasalanan kung hindi ka niya kayang mahalin," pagdepensang saad ni Nikki sa kanya dahil sa mga sinabi niya rito.
"Nagkakamali ka rin kung akala mo walang nagkakagusto sa akin, dahil ang totoo, ako talaga ang mahal ni Alfred at hindi ikaw!" mariin saad ni Nikki dahilan para mapamaang siya ng tingin kay Nikki. Nagpapahid din ito ng mga luha at mataman siyang tinititigan.
"Si… sinungaling! Hindi totoo iyan! Sabihin mo Alfred, hindi totoo ang mga sinasabi ni Nikki, hindi ba? Sumagot ka!" Humiyaw na siya dahilan para aminin na lahat ni Alfred ang buong katotohanan.
♡♡♡♡♡
Nalaman niya na kapatid lang talaga ang turing sa kanya ni Alfred. Si Nikki talaga ang totoong mahal ni Alfred. Nakipaglapit lamang si Alfred sa kanya dahil suhestiyon ito ni Nikki at upang papagselosin na rin si Nikki, kaya ito pumayag.
Inamin din sa kanya ni Nikki na nakaramdam ito ng awa para sa kanya noong makita nitong devastated siya dahil sa pakikipaghiwalay niya kay Julius, ang una niyang naging kasintahan, kung kaya't noong mapansin ni Nikki na nadedevelop na ang feelings niya para kay Alfred, nagkaroon ng ideya si Nikki na paglapitin ang loob niya at ni Alfred. Para kay Nikki, ang intensyon nito noong una ay para matulungan siya na maka move on mula kay Julius.
Bago pa man dumating si Alfred sa buhay niya ay may nauna na siyang minahal. Si Julius. Trese anyos pa lang siya ay naging magkasintahan na sila ni Julius. First love niya ito at first boyfriend. On and Off ang naging relasyon nila pero kahit ganoon sobra niya itong minahal, ngunit sa kasamaang palad ay nakabuntis naman ito noon disi nueve anyos pa lang dahilan para makipaghiwalay na siya ng tuluyan kay Julius.
Bago rin naging magkasintahan sila ni Alfred ay naging magkaibigan muna sila. Nahulog ang loob niya kay Alfred at dahil naging sila ni Alfred, nagawa niyang kalimutan si Julius dahil nabaling na ang pagmamahal niya kay Alfred.
Sinabi rin ni Nikki na noong una ay wala talaga itong feelings para kay Alfred kahit umamin si Alfred nang nararamdaman nito para kay Nikki. Ang makatapos sa kolehiyo ang prayoridad ni Nikki pero dahil ang akala nito ay nahuhulog na rin ang loob ni Alfred kung kaya't napaamin na rin itong nagseselos ito at gusto talaga nito si Alfred. Palihim ang naging relasyon nina Alfred at Nikki dahil hindi pa alam ng dalawa kung papaano sasabihin sa kanya ang katotohanan.
Masakit para sa kanya na marinig ang buong katotohanan mula sa mga taong pinagkatiwalaan niya at minahal. Pakiramdam niya ay mag-isa lamang siya at walang kakampi.
♡♡♡♡♡
"Carla, anak, magpahinga ka muna rito sa bahay. Samahan mo muna ako, maaari ba?" nagsusumamo na saad ni Aling Ising sa kanya.
Bagamat pareho na nilang natatanggap ang pagkamatay ni Utoy, alam niyang makakaramdam nang pangungulila si Aling Ising. Buong buhay kasi nito ay inilaan para mahalin at alagaan si Utoy.
Minsan na rin niyang kinainggitan si Utoy sapagkat nagkaroon ito ng isang mapagmahal na ina, hindi kagaya niya na kahit nagmula siya sa isang mayaman pamilya, hindi naman buo ang pamilya niya. Minsan naiisip niya na sana hindi na lang siya ipinanganak. Sumagi na rin sa isipan niya na baka kaya siya madaling mahulog ang loob sa isang tao ay dahil salat siya sa pagmamahal at sabik siyang maranasan ito.
Kung bibilangin niya ang pagkabigo sa pag-ibig bago natagpuan ang kaligayahan, tatlong beses din ito. Akala niya iyon kay Alfred na ang pinakahuli, hindi pa rin pala. Iyon patatlong beses pa pala ang pinakamasakit para sa kanya.
All Rights Reserved.
No Copyright Infringement.
No to Plagiarism.
Thank You for reading my story. If you love or like it, you can vote, comment or add to your library.