webnovel

Finding Sehria

"You're not a human." "Then what am I?" "You're just like us, a Sehir." Lorelei Avila was just an ordinary girl, with an ordinary life — or so she thought. Everything becomes 'not so ordinary' when she crossed paths with two strangers, a guy who owned a blue flaming eyes and a guy with golden hair. Learning about the new world she never knew that existed, Lorelei accepted her fate and was entrust with a mission: find the lost princess of their kingdom. Troubles soon followed her when she started her quest of Finding Sehria.

Nekohime · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
27 Chs

Chapter 23 - Green-eyed

A/N: Green-eyed ang title ng chapter na 'to kasi meaning nun jealousy. Nangangamoy selosan sa chapter na 'to. Lo

Lei

"The coast is clear. Sa ngayon, wala pa naman akong nababalitaan ulit na may nabiktima na naman si Afea." Andrea informed us. She was whispering so nobody could hear her, sobrang ingat namin kahit pa kami-kami lang naman ang nasa rooftop ngayon.

Bumalik na kami ulit sa school, back to our college life. Nakakamiss din pumasok sa school, nakakamiss si Sir Hidalgo. Sayang, wala na siya. Sobrang ramdam ko ang malaking puwang na naiwan niya. Everyone's been looking for him after the accident. Wala sa kanilang nakakaalam ng totoong nangyari sa kanya. They thought he just transfered to another school, nobody knows that he left this world and he will never come back.

Azure and Azval are busy guarding the whole city, secretly. Samantalang ang mga magulang naman ni Austin ay abala sa paghahanap ng paraan para maibalik sa normal ang mga taong naging bato. Normal. I do hope everything would turn back to normal.

"What were you thinking?" I curiously asked Janus. Nakasandal siya sa may railing, kanina niya pa pinagmamasdan ang mga estudyante sa baba. 

"I have a feeling that Afea is one of the student here," seryosong saad nito. Parang siguradong sigurado siya. Kung tutuusin, pwedeng tama siya. Wala namang imposible dun lalo't kayang magpalit-balat nitong kalaban namin. Kaya nitong magpanggap at magpalit-palit ng anyo.

"Most of the victims, schoolmate natin. So malaki ang chance na nasa paligid lang natin siya," Austin added. Kung ganun, mas kailangan namin ng dobleng pag-iingat.

"Pero kung nasa paligid lang siya, hindi ba dapat inatake na niya tayo? Alam na ng mga Galur ang katauhan natin."

Napatango-tango ako sa mga sinabi ni Elliot. He has a point. Nakakapagtaka na hanggang ngayon wala pa din silang ginagawa. Minsan nakakatakot na kapag masyadong payapa ang lahat, baka kasi ang kapalit ng kapayapaan na ito ay isang malaking delubyo. 

Saglit kong tinapunan ng tingin si Glessy, nakatingin lang ito sa kawalan at mukhang malalim na naman ang iniisip. Napakurap kurap ako nang mapansin ko ang panlalabo niya, para siyang nagiging transparent sa paningin ko. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya sinalubong niya ang tingin ko. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi niya. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, malinaw ko na siyang nakikita ulit. Namamalik-mata lang ata ako.

"Hala. May bagong bukas palang amusement park? Nawala lang tayo saglit, may ganito na pala dito," Fina suddenly gasped. She's browsing on her phone. Pinakita niya sa amin yung isang post ng friend niya sa facebook.

"Tara, punta tayo this weekend!" Naeexcite na yaya nito. 

"Magsasaya ka pa! Alam mo na ngang may nagbabadyang panganib!" kontra naman ni Elliot bago kumagat sa hotdog sandwich niya. Lamon na naman siya ng lamon.

"Eh di huwag kang sumama," Fina retorted. Magtatalo na naman ata sila.

"Gusto ko din! Punta tayo!"

"O, tignan mo? Gusto din ni Glessy. Sige na guys, kahit saglit lang tayo," Fina keeps on insisting. Kulang na lang lumuhod pa siya sa harap namin. 

"Please? I want to spend time with you guys...bago ako umuwi," pagsusumamo pa ni Glessy. Pabulong na yung huling sinabi niya pero narinig ko pa din.

Uuwi? Uuwi siya sa kanila? Miss na niya siguro parents niya. Pansamantala kasi sa amin siya nakatira para nababantayan ko siya. We can't leave her alone. Medyo malayo pa naman din ang bahay niya sa school. Kahit pa 24/7 siyang binabantayan ng kambal, mas mabuti na rin yung nasa malapit lang siya.

"Game ako, basta hindi tayo magpapaabot ng gabi dun," pagpayag ko. Agad na nagningning naman ang mata nung dalawa. 

"Hindi pa ko nakakapunta sa amusement park so count me in," sabi naman ni Andrea. No choice ang mga boys kundi pumayag na lang. Majority wins.

Pabalik na kami sa room nang mapansin namin na parang nagkakagulo ang mga estudyante sa hallway, hindi kami makadaan dahil nakaharang sila. Nang mahawi ang kumpulan ng mga estudyante, nasa gitna pala nito si Cecilia. Siya pala ang pinagkakaguluhan dahil may pinamimigay siya, ewan ko kung ano. Daig pa niya ang nangangampanya. Ang dami namang pwedeng makita, siya pa. Nakakasira ng araw.

May malapad na ngiti sa labi niya nang mapansin niya kami. Agad niya kaming sinalubong. Rinig na rinig sa hallway ang ginagawang ingay ng takong ng red stilleto niya.

"Oh, hi there!" bati nito. Nakakaasiwa ang red lipstick niya. Pulang pula ba naman ang labi niya. Akala mo laging magpaparty dahil sa kolorete niya sa mukha. She's pretty, alright. Nasosobrahan lang sa make up.

"Feeling close," Fina muttered irritably. Mainit talaga ang dugo niya sa babaeng 'to. Tinignan lang siya ni Cecilia mula ulo hanggang paa bago inirapan. Nakita ko kung paano mamula ang mukha ni Fina sa inis kaya bago pa man niya masabunutan si Cecilia, hinawakan na siya ni Austin nang mahigpit sa braso.

"Uhm, Lei right?" she asked in a sweet manner. Hindi naaalis ang ngiti sa mapulang labi niya. Hindi ko malaman kung totoo ba ito o nakikipagplastikan lang siya sa akin.

"Franco's 'ex', right?" She asked again, emphasizing the word 'ex'. Sumulyap pa siya kay Janus nung sinabi niya yun. Okay, parang gusto kong tampalin ang bunganga niya. Pwede ba?

"Alam mo girl, kung wala ka namang sasabihin lumayas ka na lang sa harap namin," naiiritang sambit ni Fina. Tumawa lang ito.

"Chill! I'm just here to give this." May inabot siya sa amin. Ticket sa bagong bukas na amusement park. Ito pala yung pinamimigay niya kanina.

"You see, kaibigan ko kasi ang may-ari nung bagong bukas na amusement park. He's giving free tickets and asked for my help. Wala pa kasing masyadong nabisita dun. Punta kayo ha? Don't worry walang expiration date yan. You can go there anytime you want. Ayun lang naman, bye!" paliwanag nito bago tuluyang lumayas sa harap namin.

"Wow! Is that really Cecilia? Anong nakain niya at ang bait naman ata?" takang taka na tanong ni Andrea.

"I like free stuff kaya thankful ako sa free ticket, but that doesn't change the fact that she's a bitch and I still don't like her."

"Masyado kang highblood, alam mo yun?" natatawang suway ko kay Fina. She just rolled her eyes in the air. She really hates the girl.

******

"Usapan natin 11 a.m pero dumating 12 p.m? Ang galing!" Hindi maitago ni Elliot ang pagkairita niya sa amin habang nakahalukipkip ang mga braso niya. Salubong ang mga kilay niya at pawis na pawis. Maghintay ba naman sa initan. Pwede naman siyang sumilong muna.

It was Saturday. Ngayon namin napagkasunduan na magpunta sa amusement park. Matindi ang sikat ng araw ngayon. Mabuti na lang may baon kaming mga payong.

"Aayaw ayaw ka pa nung una tapos ikaw pa itong mauuna sa amin," pang-aasar pa ni Fina. Lalo tuloy bumusangot si Elliot. Badtrip si koya.

"Anong trip naman yan?" tanong ni Austin kay Elliot. He's wearing an orange headphones around his neck.

"Ang tawag dito, fashion! Ako si Yoh Azakura! Hahahaha!" Pagmamalaki nito. Feel na feel niya masyado. Pero inggit ako! I'm a big fan of Shaman King too!

"Hala! Pahiram ako!" 

"Mukha mo, Lei! Kakaorder ko lang nito. Bili ka din." Mabilis siyang lumayo sa akin. Ayaw man lang niya ipahawak sa akin. Damot nito.

"Susuot suot ka pa ng ganyan dito. Kapag yan nasira, iyak ka."

Oo nga. Shungabels.

"Walang basagan ng trip, Austin. Support lang."

Napailing-iling na lang kaming lahat. Mongoloid talaga itong si Elliot kahit kailan.

"Let's go," yaya ni Janus. Mukhang naiinip na si boy kidlat kaya pumasok na kami sa loob ng amusement park.

Bumungad agad sa harapan namin ang napakalaking carousel. Halos lumuwa ang mga mata namin dahil napakalawak pala ng loob niya.

"Ang gandaaaaaaaa!" Glessy exclaimed. I could feel the excitement in her voice.

"Where should we go first?" tanong ni Janus kay Glessy. Pansin ko kanina pa siya nakadikit dito.

"Hmm. Doon tayo!" Tinuro ni Glessy yung malaking bangka na nagsiswing, Anchor's Away sabi sa mapa na hawak ko. Rinig na rinig namin ang malalakas na sigawan ng mga taong nakasakay doon. Akala mo mga kukunin na ni kamatayan kung makasigaw. Mukhang hindi naman nakakatakot sa rides na yun.

"Are you sure about that?" tanong pang muli ni Janus kay Glessy. Sunod sunod na tumango ito. Kumikislap ang mga mata niya sa labis na kasiyahan. Nakasunod lang kami sa kanila nang hinila siya ni Glessy at nagtatakbo sila papunta doon sa Anchor's Away.

Wala naman siguro akong dapat ipagselos? I shake my head violently, pushing the thoughts away. We're going to have fun today, and I won't spoil it. Huwag kang immature, Lei.

Mahaba ang pila sa Anchor's Away pero mabilis naman kaming umuusad. Kanina pa ako walang imik. Napansin na din siguro ni Janus ang katahimikan ko kaya lumapit na siya sa akin.

'Buti naman naisipan niya ding lapitan ako,' pagtatampo ko, but I couldn't voice it out. He looked like he was having so much fun too. 

"Are you okay?" He asked. Kinuha niya yung panyong hawak ko. He was wiping the sweat on my forehead. With his sweet gesture, mabilis na natunaw ang tampo ko sa kanya. Marupok.

"Sorry, Sehria asked me a favor. You won't mind if I accompany her today, right?" nag-aalangang tanong niya. 

Kumunot ang noo ko. "Anong favor?"

"I can't tell you," tipid na sagot nito at umiwas ng tingin sa akin.

Eh di wow! Sila na ang may secret.

"Gawin mo ang gusto mo. Malaki ka na," I said bitterly.

"Okay." He nodded then he went back to Glessy's side. Manhid. Hindi niya ba napansin sa tono ng boses ko na nagseselos ako?

"Someone's not happy," pang-aasar ni Andrea. Sinusundot sundot niya pa ang tagiliran ko. Sarap niyang sikuhin.

"Pagbigyan mo na si Glessy, kahit ngayon lang, Lei. Ipaubaya mo muna sa kanya si Janus," makahulugang saad nito.

Nang makasakay na kami sa Anchor's Away, idinaan ko sa malalakas na tili ang inis na nararamdaman ko.

*****

"Ano? Buhay pa kayo?" Panay tawa ni Austin sa amin habang pinagmamasdan niya ang mga itsura namin. Para na kaming papanawan ng ulirat. Hindi pa namin magawang makapagsalita. We are really dead as a doornail.

Nakaupo kaming dalawa ni Fina sa isang bench. Hilong hilo pa din kami. Pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at hindi pa rin ito nakakabalik.

Sinusumpa ko na ang Anchor's Away na yan. Hinding hindi na ako sasakay diyan kahit kailan. Magkamatayan na. Narinig ko ang pagsuka ni Elliot malapit sa may basurahan kaya pakiramdam ko nasusuka na din ako. Hayup na 'to. Manghahawa pa. Hinimas himas ko na lang ang tiyan ko. Huwag kang susuka, Lei. Strong ka!

"Here," Inabutan ako ni Janus ng isang bote ng tubig. Hindi ko yun tinanggap dahil feeling ko lalo lang akong masusuka kapag nalamanan ang tiyan ko.

"Candy, baka gusto niyo?" Dumukot si Glessy ng candy sa bulsa ng suot niyang jumper at binigay sa amin yun. White rabbit. Nice! Tagal ko nang hindi nakakakita ng candy na 'to.

"Isang ride palang tayo, suko na agad kayo," pang-aalaska ni Austin kaya sinamaan siya ng tingin ng girlfriend niya. Tinikom niya ang bibig niya at nagpeace sign sa amin. Tadyakan ko siya diyan eh.

Kaming tatlo lang ata nila Fina at Elliot ang mahina sa rides. Silang apat matibay. Mga demonyo ata 'tong mga 'to. Nagyayaya na agad sila na sumakay sa iba pang extreme rides. Ayoko na. Baka ito pa ang pumatay sa akin.

"Pass muna ko. Naisuka ko na din ata ang bituka ko," nanghihinang saad ni Elliot. Napangiwi na lang kami. Umupo siya sa tabi namin, sinandal niya ang ulo niya sa sandalan ng upuan. Putlang putla siya.

"Ayoko na din. Feeling ko hindi na ko makakalakad. Nanginginig pa din ang tuhod ko," wika ni Fina na namumutla din. Gulo gulo pa ang buhok niya.

"Hintayin na lang namin kayo dito," saad ko.

"Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Janus. Tumango na lang ako at nag-thumbs up sa kanila.

"Roller coaster tayooooo!" Muli siyang hinila ni Glessy papunta sa may roller coaster. Ang hyper niya. Para siyang may lakas ng sampung libong bata. Walang alinlangan na sumunod naman sa kanya si Janus.

"Diyan lang kayo. Huwag kayong aalis. Hoy, Elliot! Bantayan mo sila," bilin pa ni Austin bago sila tumakbo ni Andrea para sundan na sina Janus.