webnovel

Finally in Love

Blue Series presents: Book 1: Finally in Love (Seph and Lilac) Her vacation at Pariston Hotel was supposed to be the best vacation she could get so far. Until one guy ruined it all. Seph Leandro. This guy who was so full of himself. She's already got enough share of problems, one of which was finding Brian. Then this guy was suddenly in the picture and everything just didn't go as she planned.

Winowna_Sky · Urban
Zu wenig Bewertungen
14 Chs

The Kiss

UMAGA na. Alas seis pa lamang ay gising na siya. Napabuntong hininga siya. Nagbalik sa mga alaala niya ang nagdaang gabi. Napagkasunduan nila ni Joseph na bilang kabayaran sa pagtulong nito sa kanya ay magtatrabaho siyang personal assistant nito. Sa ganitong paraan ay mas malaki ang tsansa niyang makita si Brian.

Naroon siya sa comedor at tinulungan ang manang na maghanda ng umagahan.

"Aba'y mabuti na lamang at narito ka na Lilac. May makakausap na ako madalas. Ikaw na pala ang P.A ni Joseph." Isa isang ibinababa nito ang mga cubiertos.

"Oho Manang. Mainam din po at hindi ako maiinip." Nginitian niya ang babae. Kinuha niya ang mga baso at pitsel ng tubig at inilagay sa lamesa.

Nang matapos sila sa paghahain ay pinatawag na nito si Joseph.

"Hala. Tawagin mo na siya at maaari nang kumain." Pinaakyat na siya nito sa cuarto ng binata.

Tatlong katok ang ginawa niya. "Joseph?" Walang kumikibo sa loob. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Kailangan niya itong gisingin dahil alas nueve ay may guesting ito. Mabuti na lamang at malapit lang din sa Tagaytay ang location.

Saktong pagbukas niya ay siyang paglabas nito sa banyo at di sinasadyang nagkasalpukan sila. Animo siya tumama sa isang pader at nawalan ng balanse. Agad naman siyang nahawakan nito sa beywang. Ang mga kamay niya ay di sinasadyang mapunta sa dibdib nito. Mamasa-masa pa ang katawan ng binata na tanging tapis lamang ng tuwalya ang nasa beywang.

"I-I'm sorry Joseph. Hindi ko sinasadya. Akala ko tulog ka pa kaya pumasok sana ako para gisingin ka." Nauutal na wika niya rito. Hindi siya makatingin sa lalaki. Hindi pa rin siya binibitawan nito.

Bumuntong hininga ito.

"Are you okay?" Ilang mga patak ng tubig ang tumutulo pa mula sa buhok ng binata. "You're an accident magnet aren't you?" Taas ang mga kilay na itinayo siya nito.

"Sorry." Iniwas niya ang tingin sa lalaki. Hindi siya sanay sa ganitong tanawin. "Lalabas na ko. Nakahain na sa ibaba." Lumiko na siya upang bumalik na sana sa pinto subali't napigilan siya nito ng kanang brasong ipinatong nito sa dingding sa daraanan niya.

"Get ready by seven o'clock. We have to be there before nine." He said expressionless.

"O-oo." Yun lang ang nasabi niya at tuluyan na siyang lumabas. Napausal siya ng pasasalamat nang maisarado ang pinto. She should be more careful next time.

Mabilis silang kumain at gumayak. Ang mga gamit nito ay inilagay na niya agad sa likod ng sasakyan. Ngayo'y nakasakay na sila sa van nito patungo sa set kung saan ito lalabas sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwang pagkawala. Puno ang schedule ng binata sa maghapon ng mga meeting at conference para sa mga susunod nitong proyekto.

Nakasandal lamang ito katabi niya at nakapikit. Noon lang niya nakuhang titigan ito ng matagal. Sa maraming pagkakataon ay hindi niya magawang salubungin ang tingin ng lalaki. Pinagmasdan niya ang kalmanteng mukha nito. His face features were very well defined. He had long thick lashes. Ang sa kanya ay makapal din subalit hindi kasing haba ng pilik mata nito. How can a man have such luring eyes? Ang mga kilay nito ay makapal at sing-itim ng kape. Bumaba ang tingin niya sa ilong nito. He has that pointed nose na tiyak na kaiinggitan ng maraming kalalakihan. And his lips.

His lips. Pinamulahan siya ng mukha nang maalala niya ang araw na iyon sa beach kung saan siya hinalikan nito. Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya dapat na isipin iyon. Sa anumang dahilan ay 'di siya dapat maging konektado rito lalo na at ikakasal na ang lalaki't magkakaroon pa ng anak.

Tinignan niyang muli ang lalaki. Kung iisipin niya ay kahawig ito ni Chris Evans. Dangerously attractive. But this man was no Avenger. He was savage. He was the exact opposite of Captain America who was so tamed and every bit of a gentleman.

Nagdilat ito ng mga mata sa pagkabigla niya at lumingon sa kanya. "Did I pass?"

Pinamulahan siya ng mukha sa tinuran nito.

"D-do you want coffee? I can get you one along the way." She suddenly asked out of nowhere. Hindi niya alam kung paano ikukubli ang pagkapahiya sa ginawa. Foolish Lilac!

He was amused. Ngumiti ito. "Hindi ako inaantok Lilac. Sanay ako sa puyatan. I just want to have some peace of mind. Mamaya ay dire-diretso ang schedule natin kaya ihanda mo rin ang sarili mo."

Sa unang pagkakataon mula kagabi ay ngayon lamang ito ngumiti. "But that's a great idea."

"T-then, I'll buy for you. Manong pakihinto sa--" Napigilan ang sasabihin niya nang hawakan siya nito sa kamay. Nilingon niya ito. Ngunit muli ay nakapikit na ang lalaki.

"No. We can get going. I'm okay. Let's just stay like this Lilac." Pinisil nito ang palad niya. She tried to pull her hand from his grip but he wouldn't let go. Gusto niya sanang magalit dito subalit ayaw niyang gumawa ng eksena lalo na at naroon ang matandang driver.

Lumapit siya rito. "Don't get the wrong idea why I'm here, Seph Leandro." Though her voice was soft, she made sure he will not miss each word.

Hindi pa rin ito nagdidilat at nanatili sa ganoong posisyon. "Is it because of Brian or because I am getting married?"

"Both." She was sarcastic. She wouldn't dream of destroying a soon-to-be family.

He opened his eyes and looked at her. "You are believing too much in rumors, darling. At kay Brian, what kind of boyfriend is he to leave you for years? Get over him Lilac."

"Then why did you not deny it until now?" Hinahamon niya ito. At ano ba ang pakialam nito kay Brian?

"Do you think people will believe if I deny it while she was professing to the whole world we were engaged and she's pregnant?" That question was actually intended for her. Maniniwala nga ba siya sa lalaki kung sasabihin nitong hindi totoo ang mga balita tungkol dito?

"You could have tried." She answered.

"I hate explaining myself Lilac. I don't owe anyone an explanation for someone else's actions." He said plainly. "Just leave that boyfriend of yours Lilac. Hindi ka gustong makita ni Daniel." He spoke as if he was sure enough.

"You know nothing Joseph. Hindi mo kilala si Brian."

He smiled sarcastically. "Oh, really? And you do? I have known him for two years. And I know he wouldn't want to see you. Dahil kung gusto niya ay madali niya iyong gawin. Pero bakit nandito ka ngayon at hinahanap siya? Putulin mo na ang kaugnayan mo sa kanya."

"Not until I see him." Matigas niyang wika rito. "Kaya ako naririto ngayon ay para makita siya."

"So be it." Magkasalubong ang makapal na kilay nito. "But I am warning you young lady. Daniel is already involved with Lyka just in case you have no idea. And I wouldn't let you get in between them. Maaari mong makita si Daniel but I won't allow you to hurt Lyka. Don't be a bitch."

"I don't have any intentions of butting in to any of his relationships, Mr. Leandro. Mind your own business." She said with an equal sarcastic voice.

"You are my business now Lilac. By the time you stepped into my house." Binitiwan nito ang mga kamay niya. Hindi na siya nakakibo. Walang sinuman sa kanila ang umimik hanggang sa makarating sila sa destinasyon.

BUONG maghapon siyang napagod sa pagbiyahe at pag-aasikaso sa mga kailangan ng binata. Isama pa rito ang pagtawag at pagtanggap ng tawag mula sa iba't ibang tao na konektado sa lalaki tulad ng mga manager, producer, staff at higit sa lahat, mga media na nais makapanayam ang kontrobersyal na lalaki. Subali't mahigpit ang bilin ng lalaki na hindi ito magpapa-interview sa media.

Hindi na siya nagulat nang makita ang ilan sa mga beteranong aktor at aktres na makakatrabaho ng binata. Ang leading lady ng aktor na si Abigail ay naroon rin. Sa itsura ng aktres ay hindi ito basta-basta. Napaka-eleganteng tignan ng babae. Isa sa mga pinakamagandang mukha na nakita niya sa buong buhay niya. Katulad din ito ni Jassie. Maputi, balingkinitan, maganda at makinis. Napapailing na lamang siya. And there, only a stupid like her will think na totoong may pagtingin sa kanya ang lalaki. Imposible iyon gayong ganito kagaganda ang mga nakakasalamuha nitong babae sa araw-araw. Ayon sa mga balita ay ito ang pumalit kay Jassie bilang lead actress dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis nito.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa kanya kung ano na ba talaga ang relasyon sa pagitan ni Jassie at Seph. Wala itong anumang interview na tinanggap mula nang mapabalitang nakipaghiwalay ito sa babae matapos mabuntis. Ni hindi nito dinepensahan sa media ang sarili at basta na lamang nawala.

Tinignan niya ang wrist watch na suot. Ten thirty na ng gabi at hindi pa sila naghahapunan. Ngayon pa lamang sila bumibiyahe pauwi. Pagod, gutom at antok na ang nararamdaman niya. Hindi niya nagawang kumain kanina sa dami ng kanyang ginagawa.

Si Seph ay nakaupo lang sa tabi niya. Gising pa din ito at abala sa kandong nitong laptop. Hindi na niya namalayan ang pagpikit ng mga mata.

PASADO alas dies na ng gabi nang makaalis sila mula sa huling meeting niya sa araw na iyon. Dahil ito ang unang araw ng pagbabalik niya sa trabaho ay puno ang schedule niya ng mga meeting at appearances sa maghapon.

Ngayon ay kailangan naman niyang asikasuhin ang ilang bagay sa pagmamay-ari nilang hotel sa Isla Azul, isang isla malapit sa Puerto Galera. Ang islang ito ay halos nahahati lamang sa dalawa. Ang isang parte ay pagmamay-ari ng pamilya nila at ang kalahati naman ay sa pamilya nila Lyka. Halos ang bayan lamang ang hindi nasakop ng mga lupain nila. Ang ama niyang si Don Benjamin at inang si Doña Neri ay kasalukuyang nasa business trip nito sa Europe kung kaya't kailangan nito ng makakahalili.

Natatandaan niyang ilang beses na siyang niyakag ng ama na simulang pamahalaan ang hotel subalit mas pinili niyang sundin muna ang hilig, ang pagmumusika. Pinangakuan niya itong kapag dumating ang tamang pagkakataon ay aakuin na niya ang responsibilidad sa pamilya. Ang nakatatandang kapatid, si Jonathan na isang doktor ang kasalukuyan namang namamahala sa isang malaking ospital na pagmamay-ari ng pamilya sa Maynila. Ang bunsong kapatid ay nasa Amerika sa huling taon nito sa kursong pag-aabogasya. Siya ay tapos rin ng kolehiyo sa kursong Business Administration kung kaya't siya ang inaasahan ng ama na mamahala sa Blue Coral Hotels. Ang isla ay nakilala at tinawag na Isla Azul pagkat dito lamang matatagpuan ang isang uri ng kulay bughaw na coral reef na pumapalibot sa halos kabuuan ng isla na siyang nagpapatingkad sa asul na kulay ng karagatan.

Kasalukuyan siyang nagtitipa sa kandong na laptop nang biglang dumantay ang ulo ng katabing dalaga sa balikat niya. Si Lilac. Malamang ay napagod ito sa maghapon. Ito ang umasikaso sa kanya sa buong araw. Kanina ay hindi ito kumain ng hapunan kahit na sinabihan niya itong iwanan siya at kumain na sa malapit na restaurant sa labas. Hinawi niya ang buhok ng dalaga na tumabing sa mukha nito at tinitigan ito. She wasn't as pretty as Jassie but she was pretty in an attractive way. Her eyes were like magnets that can pull anyone towards her. And she was not even aware of that.

Kumislot ang dalaga sa kanyang tabi at inihilig pa nito lalo ang ulo sa balikat niya na tila humahanap ng komportableng pwesto. Mukhang tulog na talaga ito. Ibinaba niya nang kaunti ang backrest ng upuan nila upang maging komportable ang babae. Ilang saglit pa, sa pagkabigla niya ay yumakap ito sa kanya. "I'm cold."

Napadako ang tingin niya sa kamay nitong nakayakap sa kanya. Tinignan niya kung gising ito subali't nakapikit pa din ang dalaga. Tila nagsasalita ito nang tulog. Tiniklop niya ang kandong na laptop at bumuntong hininga. This woman is giving me a hard time.

Paano siyang makaka-focus sa trabaho kung ganito ang ginagawa ng babae? He wanted to kiss her right there and then. Damn!

Tumingin siya sa dinaraanan. "Manong Caloy, pakibilisan ninyo ng kaunti para makauwi na tayo."

"Opo, Sir." Sagot ng manong.

ISANG dampi ng halik sa noo ang nagpamulat ng mga mata niya. "Wake up princess. We're here." Bulong ni Seph sa kanya.

Tila naalimpungatan pa siyang nagdilat ng mata. Si Seph ay katabi niya. Ang masama rito, nakayakap siya sa lalaki at ang ulo niya ay nasa dibdib pa ng binata! What the hell!

Agad siyang napaupo ng diretso. Nahihiya siyang tumingin sa lalaki at nagpaumanhin. "I-I'm sorry Joseph I slept on you."

Nanunudyo ang ngiti nito sa pagkakita sa reaksyon niya. "I won't mind, sweetheart. I can actually get used to it."

Pinamulahan siya ng mukha.

"Mukhang napagod ka ng husto. Pinahirapan ba kita masyado?" He asked with concern in his voice.

"H-hindi naman. Siguro'y naninibago lang ako. Saka baka dahil din sa body clock ko."

Ngumiti ito. "Yeah. I guess so. Pumasok ka na sa loob. Dadalhan kita ng light snacks sa cuarto mo. Mukhang nalipasan ka na ng gutom. Think of it as my token of appreciation." Kumindat pa ito pagkasabi niyon.

Pakiramdam niya ay pati tainga niya ay namumula sa ginawa nito.

"O-okay." Iyon lang ang nasabi niya at mabilis siyang bumaba ng sasakyan.

NAKABIHIS na siya ng damit at tapos nang mag-shower nang may kumatok sa pinto. Nilapitan niya iyon at binuksan. Si Joseph. May hawak itong tray na may lamang gatas, isang clubhouse sandwich at green grapes.

"Special delivery." Nakangiti itong bumati sa kanya.

"Why thank you." Ginantihan niya ito ng ngiti at binuksan nang maluwang ang pintuan upang makapasok ito. Lumakad ito at ipinatong sa coffee table malapit sa bintana ang dala saka ito umupo sa dulo ng kanyang kama.

"Come. Kumain ka na muna. Alam kong nalipasan ka na ng gutom kaya ito na lang ang dinala ko." Lumapit siya at umupo sa silya.

Kinuha niya ang baso ng maligamgam na gatas at uminom. Hindi niya alintana ang kaunting gatas sa itaas na labi. "Salamat, Joseph. I appreciate it."

Joseph was just looking at her. Then his eyes turned to her lips. "You know what? I've been wanting to do this since earlier." Sa ilang hakbang lang ay nakalapit na sa kanya ang binata. Hinawakan nito ang batok niya. Even before she was able to react, his lips already sealed hers. He was kissing her thoroughly. His tongue was tasting her mouth. Nang akma niyang itutulak ito sa dibdib ay hinawakan nito ang dalawang kamay niya.

Nanghihina ang mga tuhod niya sa ginagawa ng lalaki. Her body definitely wanted it pero hindi ng isip niya. His warm lips was sending thousands of volts through her body.

When she thought it has been ages, he finally released her. "I never thought milk would be this intoxicating." Tumayo ang lalaki mula sa pagkakayuko nito.

Tumaas baba ang dibdib niya sa paghabol ng hininga. She was fuming with fired eyes. "I think you owe me an explanation Mr. Leandro." Hindi niya maintindihan ang lalaki. Lagi na lamang itong ganoon. He changes moods whenever he wanted.

"You're the first girl who got angry at me for kissing you." He said amused and just smiled at her sexily. Damn this man!

"Save it for yourself, Joseph Leandro. You're despicable!" She said with anger. "I'm not one of those women."

Tumaas ang isang kilay nito. "I never treated you like any other woman."

Naglabas siya ng marahas na paghinga. Hindi siya papayag na maging isa sa mga laruan nito.

"How can you say that when you are already engaged and now a father?" She couldn't believe this guy! Kung wala lang itong responsibilidad sa iba ay baka maisip pa niyang posible nga ang sinasabi nito. This guy is playing on her at hindi niya hahayaan ito.

"It wasn't me who said I'm getting married. That child is not even mine." Biglang naging seryoso ang tinig nito.

"But--" Hindi niya maapuhap ang sasabihin sa binata. She was suddenly lost for words.

"Siguro ay masamang lalaki ang tingin mo sa akin Lilac but I never fathered a child to anyone. Jassie only made it all. We're running on a DNA test anyway ngayong nakapanganak na siya. Few weeks from now ay lalabas na ang resulta." Wika nitong hinalukipkip ang mga braso.

"T-totoo ba ang sinasabi mo?" Bakit naman iyon gagawin ng babae? Kaya ba nito hinintay na manganak si Jassie bago ito magpakita ulit sa publiko?

"There is no point in lying Lilac. Kung anak ko ang batang iyon ay hindi ko siya itatanggi."

Tinitigan niya lamang ang binata. She was trying to process everything he just said.

Kung tutuusin, itanggi man nito ang bata ay hindi nito maitatago iyon dahil madali na ngayong mapatunayan kung anak nga nito iyon o hindi.

"W-well, I'm sorry if I have judged you that easily." Nagyuko siya ng ulo. Ayaw man niyang maniwala rito subali't ang mga sinasabi nito ay may punto.

Lumapit ito sa kanya at itinaas ang baba niya. "You were always sorry."

Umiwas siya ng tingin rito.

"It's late Lilac. Sinarado ko ang schedule ko bukas. Kailangan mo ding maghanda. Pupunta tayo sa Isla Azul bukas ng hapon. I need to do some business there."

"Isla Azul? Seriously?" Isla Azul, the famous bluest sea na matatagpuan lang sa Pilipinas. Not everyone gets to go there. Para sa marami ay isa itong bucket list. "Pero anong gagawin natin don?"

"You'll know tomorrow, love." At lumabas na ang binata.