webnovel

Finally in Love

Blue Series presents: Book 1: Finally in Love (Seph and Lilac) Her vacation at Pariston Hotel was supposed to be the best vacation she could get so far. Until one guy ruined it all. Seph Leandro. This guy who was so full of himself. She's already got enough share of problems, one of which was finding Brian. Then this guy was suddenly in the picture and everything just didn't go as she planned.

Winowna_Sky · Urban
Zu wenig Bewertungen
14 Chs

Look Beyond What You See

TINAHAK nila ang kahabaan ng dalampasigan. Halos sampung minuto din silang tumakbo sakay ang isang stallion nang pahintuin nito iyon. Unti-unting bumagal ang takbo ng kabayo at tuluyang huminto.

"Nasaan tayo?" She asked him as soon as they have stopped.

"You were not able to go out yesterday so I brought you here. This is the best part of this beach." Bumaba ito. Pagtapos ay inilagay ang kamay sa beywang niya upang alalayan siyang bumaba. Ayaw niya sanang gawin nito iyon dahil naiilang siya subalit wala siyang mapagpipilian.

"Here we are princess." Pumuwesto ito sa kanan niya. She was suddenly in an awkward position. Ang braso nito ay nasa likod niya, hawak ng kaliwang kamay ang kaliwang braso niya upang alalayan siya sa paglalakad. If she only knew then she would have insisted on bringing her sling. She did not like this kind of closeness she had with him. They walked towards the shore.

Nawala bigla ang ilang na nadarama niya nang makalapit sila sa dagat at bumulaga sa kanya ang napakaraming stingray na nakahilera sa dalampasigan. She was so surprised!

"Wow! Ang ganda! Buhay na buhay sila. Tignan mo Joseph." Hindi niya mapigilan ang paghanga sa nakikitang gawa ng kalikasan. Sa isang bahagi naman ay mayroon ding gumagapang na sea creatures at starfishes sa buhangin.

"Tumingin ka sa banda roon, may mga naglalakad ding talangka at seashells!" Itinuro niya ng kanang daliri ang mga ito. Manghang mangha siya sa mga nakikita.

"I knew you'd like to see this." Nakangiti rin ito sa kanya. "Sa ganitong oras ay mas marami kang makikita dahil walang masyadong tao."

She was so happy she could not help but smile. Her eyes were sparkling with joy. "It is my first time to see them this close. I mean, na wala sila sa aquarium at malayang kumikilos." Tila siya isang bata na hindi mapigilan ang paglapad ng ngiti.

"You're beautiful Lilac." He said after a while. He was looking at her. And she stopped.

"Your hair is so black." He touched her hair with his right hand. Hinahaplos nito ang buhok niya. Then her face. Tila bolta-boltaheng kuryente naman ang gumapang sa buong katawan niya. Ano ba ang ginagawa nito?

"Did you dye it love?" His face was too close his soft breathing fans her small face.

What is this guy doing?

She pulled herself together. Tinaas niya ang tingin upang salubungin ang mga mata nito. "Stop flirting with me Joseph. I don't flirt with married men." Huminto siya upang itama iyon.

"Or soon to be married men." She looked at him straight in the eyes. She wanted to make it clear.

He stopped. Ngayo' y naglaho na ang ngiti nito at napalitan ng blangkong ekspresyon.

"You heard the news." He said blankly. His face unreadable. Tumayo ito ng diretso.

"Audrey told me. You're getting married. And--and you're having a baby." She looked down. Hindi ito nagsalita. He just looked out to the sea without saying anything.

"Is that the reason you are here? Are you running away from your bride?" Hindi na niya mapigilang magtanong rito.

Naramdaman niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. "It is not what you think it is and I am not obliged to answer any of your questions."

Hindi na siya kumibo. Pagdaka'y binitiwan nito ang pagkakahawak sa kanya. Nang sa akala niya'y iiwanan siya nito roon sa paglakad nito palayo ay bumalik rin ito hawak ang isang paper bag na nakasabit kanina sa kabayo.

Iniabot nito iyon sa kanya. "This is for you. I broke your lens so I bought you a new one."

"Thank you but you did not have to. You saved my life anyway." She was not moving an inch.

"I insist." Maikling sabi nito. Wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin na lamang iyon.

Inabot niya ito.

"Let us sit here for a while. We cannot go back yet." Hinawakan siya nitong muli upang alalayang umupo.

"Wait what? Why?" Naguguluhan siyang wala sa sariling napaupo sa tabi nito.

"I think you know Audrey and Kit have something between them?" Hindi siya makaimik para sagutin ito. Naningkit ang mga mata nito sa pananahimik niya. "Don't be a foolish Lilac like you didn't realize it at all."

"Well, I--" Hindi niya maapuhap ang sasabihin. Kung ganoon ay alam din nito ang tungkol sa kaibigan at kay Kit.

"Give them some time to talk. I will bring you back later." Pinal na wika nito. "Sa ngayon, wala tayong magagawa kundi i-enjoy ang company ng isa't isa. I won't be a lame acquaintance for you anyway."

She did not reply. Sa tono nito ay mukhang nagagalit ito ngayon.

May halos dalawampung minuto rin silang nakaupo roon. Walang gustong magsalita sa kanilang dalawa. Tanging mga hampas lamang ng alon ang pumapailanlang.

Siya na ang bumasag sa katahimikan. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" She cleared her throat. "I mean, why don't we just talk than sit here like mutes?" She tried to make her tone as friendly as possible.

He looked at her, weighing her sincerity. At sa wakas ay ngumiti na ito sa pagkakataong iyon. Isang ngiting umabot sa mga mata nito. Damn! I think I just made a bad move.

"I used to come here once in a while. Pamilya ni Kit ang may-ari ng hotel resort na ito." Sagot nito sa kanya.

"I see. So you are a friend?" She paused for a sec. "Uhmm..You don't have to answer that if you're uncomfortable."

"I am almost a family. We grew up together." Itinukod nito ang dalawang kamay sa mga buhangin at itinuon sa langit ang mukha. Para itong modelo sa mga nakikita niyang commercial. Well, technically he is!

"Audrey and you are good friends." He stated. Tila malalim ang iniisip nito.

"Yes. We've been friends since college." She confirmed.

"She told you about me. Do you believe her?" Now he turned to her. His eyes are waiting for her response.

"I trust Audrey." She said with confidence. Kung mayroon mang tao siyang pinagkakatiwalaan at pinaniniwalaan maliban sa pamilya niya ay si Audrey na iyon.

"And you don't trust me." He said it like it wasn't a question but a statement.

"I did not say that." Inilihis niya ang tingin rito.

"Sometimes, people trust media more than men." He said it with distaste.

"Aren't they saying the truth about you?" Matabang na sabi niya.

Sa pagkabigla niya ay hinapit siya nito. Tila bakal ang kamay nito sa kanya na para siyang makakawala.

"Sometimes you have to look beyond what you see, love." At walang anu-ano'y siniil siya nito ng halik.

Nanlaki ang mga mata niya. It took her a while before she got her senses back and push him but she was already too late. She tried to resist but it seemed impossible with his arms tied around her she can barely move.

He kissed her long and passionately. His tongue was seeking entrance. Ang isang kamay nito ay nasa batok niya at ang isa ay nasa beywang. Damn him!

When she thought she was going to lose her breath, he loosened his arms around her.

"You're paid." He whispered to her. His face only an inch from her. At tuluyan na siya nitong binitawan. Smile of satisfaction displayed on his face.

"Bastard." She hissed. Hinahabol niya ang paghinga. "I should never really trust you."

Tumayo na ito at pinagpag ang buhanging kumapit sa pantalon. Hindi napupunit ang ngiti sa mga labi nito. He extended his hand to her but she refused.

"I can stand on my own." Tumayo siya nang hindi ipinapakita rito ang kirot na nararamdaman sa biglaang pag-angat ng katawan. Alam nitong tatanggihan niyang muli ang pag-alalay papunta sa kabayo kaya't kinuha nito ang hayop at siyang inilapit sa kanya.

Wala na siyang nagawa nang iangat siya nito paakyat sa likod ng stallion.

"Don't be stubborn, sweetheart. Hold on to me or end up getting another broken limb." Hindi nito mapigil ang pagngiti.

"You are one despicable beast, Joseph Leandro."

ISANG linggo na ang nakakalipas mula nang makabalik siyang muli sa trabaho. She extended her office leave for a week to fully recover on her wounds. Marami ang nangyaring hindi niya inaasahan sa pagbabakasyon sa hotel. Mula ng araw na iyon ay hindi na sila nagkita pa ni Joseph. She did not know how to feel about it but somehow she was relieved their encounter already ended.

Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni muni nang isang tawag ang matanggap niya.

"Hi. Is this Lilac Montes?" Boses ito ng isang lalaki.

"Yes. Speaking. Who is this?" Tanong niya sa kabilang linya.

"I know the person you are looking for, Brian." Nanlaki ang mga mata niya at napatayo mula sa inuupuang desk chair.

"Are you sure?" Hindi niya mapigil ang pagtambol ng dibdib. Nanginginig ang mga kamay niyang hawak ang telepono.

"Yes. I'm pretty sure." Sagot nito sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang address kung saan niya pwedeng puntahan ang lalaki upang makausap.

"Thank you so much. I will be there." Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag.

Three years mula nang simulan niyang hanapin si Brian. Ito ang dahilan ng pagpunta niya sa Dubai.

Halos pitong taon na niya itong hindi nakikita mula nang umalis ito. Taun-taon ay may natatanggap silang sulat mula rito. Kailanman ay hindi ito kumontak gamit ang cellphone o social media account. Ayaw nitong malaman kung nasaan ito kaya't panay sulat lamang ang natatanggap nila. Ang huling sulat nito ay galing ng Dubai tatlong taon na ang nakararaan. Pagkatapos noon ay hindi pa ito nasundan. Nagpasya na siyang sundan ito sa Middle East. Subali't hindi niya ito matagpuan hanggang ngayon pagka't wala na ito sa address na pinanggalingan ng sulat. But she was determined. She vowed she will find him.

Kinabukasan ay nagtungo siya sa lokasyong ibinigay ng kausap sa telepono. Isang maliit na restobar iyon. Hinanap niya ang taong nagngangalang Mar Robles. Sa pagtatanong niya ay nalaman niyang isa itong bartender roon. Itinuro sa kanya ng isang staff ang hinahanap. Lumapit siya sa bar kung saan ito naroroon.

"Hi. I'm Lilac Montes." Inilahad niya ang kamay rito.

Tinanggap naman ito ng lalaki. "Mar. Please sit." Tinapos nito ang pagpupunas sa hawak na kopita. Hapon na noon at mukhang naghahanda na ito sa pagbubukas ng restobar.

Umupo siya sa katapat na barstool at inilapag ang shoulder bag sa katabing upuan.

"Drink?" alok nito sa kanya. Sa hinuha niya ay nasa late thirties ang lalaki. Malinis ang itsura nito bagamat may bigote.

"I think I'll pass." Magalang niyang pagtanggi rito. "You know Brian."

Umayos ito ng pagkakatayo sa likod ng bar counter.

"I knew him." He corrected her. "He used to work here but not as Brian. Daniel was his name. Daniel Santillan."

"Oh!" She gasped in surprised. She did not expect Brian will use that name. "N--now I see. Kaya pala hindi ko siya matagpu-tagpuan ay dahil hindi niya ginagamit ang buo niyang pangalan."

The man raised his eyebrows. "Alam kong may hindi siya sinasabi sa amin pero balewala sa akin iyon. He is a good guy anyway. Kahit kailan ay hindi siya gumawa ng gulo rito."

"Of course he is." Kahit paano ay nakaramdam siya ng kaginhawahan sa sinabi nito. Mabuting tao si Brian kahit na anong mangyari. Ito ang pinakamabait na lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Brian was the sincerest, kindest and sweetest person in the world for her.

"Nasaan na siya?" Gustung-gusto na niya itong makita.

"Wala na siya rito. Two years ago." Sagot nito sa kanya.

Nanlumo siya sa sinabi nito. Nais lumabas ng luha niya. Akala niya ay makikita na niya ang hinahanap dito.

"But don't worry. I think I have some clues of his whereabouts." Nginitian siya ng lalaki. Ibig nitong palakasin ang loob niya.

"He used to play sa live band dito sa bar. But two years ago, he decided to go back to Philippines. At first nagtataka ako kung bakit dahil maayos naman ang lagay niya rito. But then three months ago, nakita ko ito. Dala ito ng isang kaibigan ko galing Pinas."

Yumuko ito at may kinuha sa ilalim ng bar. Inilabas nito ang isang lumang magazine. Nagtataka man ay tinitigan niya pa rin ito.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Si Brian! Isa ito sa mga naroon. Halos hindi niya ito agad nakilala. Malaki ang pinagbago nito. Ang buhok ay mas mahaba kumpara sa naaalala niya noon. Medyo lumaki rin ang katawan nito at tumangkad. Ang may pagkasingkit nitong mata na noon pa ma'y maituturing niyang pinakamagandang asset nito maliban sa matangos na ilong ay tulad pa rin ng dati. Subali't sa kuha nito sa litrato ay hindi na niya nakikita ang dating ngiti na meron ito.

Napadako ang mga mata niya sa mga kasama nito sa litrato. Isang maganda at balingkinitang babae ang nasa gitna, tatlong matatangkad at may itsurang mga lalaki pa ang kasama nito. At ano ito? Ang lalaki sa kabilang gilid. Namumukhaan niya ang bulto ng lalaking iyon. Si Joseph!

IT has been almost three weeks since he came back from UAE. He still remembered the day he kissed a strange woman at a hotel. Maging siya ay hindi makapaniwala sa sarili. That strange woman.

Umuwi siya ng Pinas ilang araw matapos makatanggap ng long distance call.

Katatapos lamang niyang maligo noon. Paglabas niya ay tumutunog ang cellphone sa ibabaw ng kama. Kinuha niya iyon at nang makilala ang pangalang rumehistro ay sinagot niya ang tawag. "Yes, Lyka."

"Hi Seph. How was feeling single and alone?" Nanunudyong wika nito sa kabilang linya.

"Get a life Lyka." He chuckled. This lady never really failed on teasing him. "I thought you have something else more important to say than that. Don't tell me nag-uubos ka lang ng pera kaya ka nag-long distance."

Tumawa ito. "Guilty."

"Ano ang balita?" He asked her with curiosity while he walked towards the closet. It wasn't normal for Lyka to call him given her situation.

"Well, your 'fiancee' already gave birth. I just want to be the one to break it to you for a record." Wika nito na tila balewala lang ang sinasabi. Binigyan nito ng diin ang salitang 'fiancee'.

"I see. Then I'll see you in few days." He said calmly.

"Looking forward to that amigo." At ibinaba na nito ang tawag.

Inalam niya ang balita tungkol dito. Ilang araw munang nanatili ang mag-ina sa ospital ayon sa mga artikulo. Hindi daw naging ganoon kadali ang pabubuntis at pagluluwal ni Jassie sa bata. As usual ay laman na naman ito ng mga balita sa dyaryo at social media.

The social media queen. He laughed at the thought. Sa siyam na buwang pagbubuntis nito ay hindi ito nawala sa spotlight. He still remembered that day when she announced her pregnancy. She tried to manipulate him by threatening him that she will make the people know about her being pregnant at siya ang ama.

"Go on Jassie. Do as you please." Hindi siya makapaniwala sa babae. Sa iilang buwan nilang paglabas-labas ay inisip na nitong kaya siya nitong hawakan sa leeg.

"Kapag hindi mo ako pinakasalan Seph, masisira ang career mo. Everybody knows na fiancee mo na ako." Sa inaakto nito ay akala mo na ito nakakasiguro sa sarili. "Sisiguruhin kong nasa akin ang simpatya ng mga tao."

"Are you trying to blackmail me?" Hindi niya alam kung awa o galit ang mararamdaman niya para sa babae. Desperado na ito sa gustong mangyari.

Lumambot naman bigla ang mukha nito at kumapit sa kanya. "Seph, you know I have loved you so much. Dalawang taon na tayong halos araw-araw na magkasama. Hindi mo ba nararamdaman kung gaano kita kagusto?" Pinalambing nito ang boses. Kung hindi pa niya alam ang itsura ni Jassie kapag umaarte ito sa palabas ay malamang na naniwala na siya rito.

"That child is not mine Jassie." Niyuko niya ito. Blangko ang mga mata niyang nakatitig rito.

Bigla itong kumalas sa pagkakakapit sa kanya. "Hindi totoo yan Seph! Ikaw ang tatay ng anak ko. Pakakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo! May nangyari sa atin ng gabing iyon. Hindi mo iyon maitatanggi." Nanlilisik ang mga mata nito. Galit na galit ito nang umalis at sumakay sa sariling sasakyan.

Ngayon ay nakabalik na siya sa Pilipinas. Tumuloy siya sa family house nila sa Tagaytay imbes na sa condo niya sa BGC.

He opened the bottle of beer in his hands and walked towards the bar. He sat there.

He clearly remembered that night Jassie was referring to. When she tried to seduce him. It was a farewell party of their teledrama. Ginanap iyon sa isang private resort.

Jassie was having the time of her life. Ilang baso na ng tequila ang nainom nito at ganoon rin siya. Naroon lahat ng artista at crew ng palabas. Nang sa pag-aakala niyang lasing na ito ay inakay na niya ito sa kwartong nakalaan para rito. She kept telling him she likes him sa sobrang kalasingan.

Pagdating nila ng silid nito ay bigla na lamang siya nitong tinulak pahiga sa kama. Tawa ito ng tawa.

"Seph, make love to me tonight." She was provocative. He thought she was no longer in her right mind. She untied the lace of her dress. Bumagsak iyon at nahantad sa kanya ang magandang katawan nito.

She kissed him with lustrous desire. She tied her arms around him. He could feel her body against him. Subali't ilang minuto lang ay napapikit din ito at nakatulog. He looked at her. Poor girl.

Sa ganda ni Jassie ay siguradong maraming lalaki ang gagamitin ang pagkakataong iyon upang pagsamantalahan ito lalo pa at kusa nitong ibinibigay ang sarili. But he wasn't that type of guy. He doesn't make out with unconscious women.

He stood up and put blanket on top of her. He locked the door and left.