webnovel

Fear The Unknown ( Cursed )

UNDER REVISION

Dazz_Trea · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
50 Chs

Chapter 31

Yuan PoV (Guys ito yung time na nawalan ng malay ang ating bida)

Hindi ko maiwasang mapanguso habang nakikinig sa ipinagsasabi ng headmaster. Puro nalang misyon, wala na bang iba? >_<

Wala man lang ba silang balak bigyan kami ng bakasyon? Sunod sunod ang misyon na naaatang samin. Hindi naman kami robot, napapagod din kami. Geez this life sucks! Disadvantage for being one of omega!

"And this time you need to bring Stevenson Spielbem with you"- hmmm the president of beta section?

(Remember the first one who encounter of Xynthia? Balik kayo sa chapter 3 kung hindi niyo naaalala)

Napatingin ako kay Xynxyn na kanina pa tahimik at hindi ko maiwasang mapanguso dahil nakapikit ito. Pakiramdam ko natutulog siya at wala man lang pakealam sa kung ano ang sinasabi ng headmaster. Agad naman akong napaiwas at napayuko ng makita ang nagbabagang tingin sakin ni Zeke. Taena, bakit pakiramdam ko pinapatay na niya ko sa isip niya? Huhuhu tingin lang naman eh! Pati ba tingin ngayon bawal na? Napaka possessive niya talaga!

Akala ba niya hindi ko napapansin ang ginagawa niyang pagbabanta sa mga lalaking nagtatangkang lumapit kay Xynxyn? Huhuhu isusumbong ko talaga siya!

Nanlaki ang mga mata ko at napadako ang tingin sa biglaang pagkatumba ni Xyn na agad namang sinalo ni Zeke na nasa harapan niya.

Rinig sa buong kwarto ang malulutong na mura ni Zeke at gustuhin ko mang matawa dahil sa once in a blue moon lang may makikitang emosyon sa mukha at mga mata nito ay hindi ko magawa dahil baka batukan pa ko ng mga kasama ko pero syempre joke lang! Mas pinapangunahan parin ako ng kaba at pag aalala kung anong nangyayari kay Xynthia.

Hindi mapakali ang lahat habang ako ay agad tumayo at nanlaki ang mata ko ng muntik ng mabitawan ni Zeke si Xyn pero bago pa man ito mahulog sa sahig ay may lumitaw na bathtub na may lamang tubig at saktong dito ito nahulog.

Napatingin kami ng seryoso kay Zeke na may matatalim na tingin habang ito ay nananatiling tahimik at nakatingin kay Xynxyn.

"What the hell cayden!"- bulalas ni Clark sa pagkagulat at agad nilapitan si Xyn at ng hawakan nito ang babae ay agad itong napalayo.

"F*ck! She's d*mn hot! Literally hot!"- napailing na lamang ako sa mura nito. Ganyan siya kapag nag aalala. Dinadaan sa mura -,-

Agad niyang hinipan ang kamay niyang sobrang pula at hindi ko maiwasang kabahan sa nangyayari kay Xyn.

Balak ko na sanang lumapit sa kanila ng biglang mawala si Zeke dala-dala ang bathtub kung nasaan si Xyn.

WHERE DID THEY GO!?

~☆~

"She's fine"

"Seryoso doc!? May nakita ka na bang taong ayos lang kahit umaapoy na sa init!?"- bulalas ni Yuan ng marinig ang sinabi ng doctor sa kanila matapos obserbahan ang babae

"Actually this is the first time but I'm sure that she's alright"- saad nito sa seryosong tinig at walang pasabing lumabas at hindi maiwasan nitong mapa isip sa nangyari sa dalaga

Napapikit ang lahat ng biglang lumiwanag ngunit sandali lamang ito at agad nawala.

"What happens?"

"Where the light came from?"

"It's from Xynthia's body"- seryosong saad ni Lucas sa tanong ni Clark na para bang siguradong-sigurado ito sa sagot. Agad naman napatingin ang lahat sa dalaga at inobserbahan ang katawan ng dalaga kung maykakaiba ba. Agad naman silang napalapit sa dalaga ng makita na may lumiliwanag sa may gilid ng baywang nito. Nagkatinginan ang lahat at napagdesisyonang lumapit at alamin ito. Ginamit ni Yuan ang kapangyarihan niyang hangin upang maitaas ng kaunti ang damit ng babae na sapat lang upang makita nila ang pinanggagalingan ng liwanag.

At laking gulat nila ng makita ang isang bagay na napaka imposibleng pagkaroonan ng dalaga. Ang Tatoo ng matagal na nilang hinahanap.

"I-s this for real?"- gulat na sambit ni Clark habang nanlalaki ang matang nakatingin sa Tatoo ng dalaga. Nagkatinginan ang mga to

"Now, what are we going to do?"

Your votes and comments are really appreciated!