webnovel

Falling in love with a rival

Ayaw man ni Yesha na maging kontrabida ay gumawa pa rin siya ng paraan upang umeksena sa buhay ng dalawang gwapo at matchong beki. Sa kabila ng pagkakaroon ng love story ng kababata at first love niyang si Kalix at sa isa pang beki na bigla na lang umeksena sa buhay nila na si Ken, hindi pa rin siya makapapayag na maagaw sa huli si Kalix sa kanya. Pero sa pagsasama-sama nilang tatlo, bigla na lang dumating ang oras na naramdaman niyang nagsisimulana ring mahulog ang loob niya kay Ken. Kung kailan, paano at bakit iyon nangyari, hindi niya alam. Magtagumpay pa kaya siyang putulin ang pagtitinginan ng dalawang beki o siya ang mamroblema kung kaninong beki mapupunta ang puso niya

Kaneza · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
20 Chs

Chapter 10

"It's okay, Yesha. Gusto kong maging komportable ka sa aking kagaya ng pagkakomportable mo kapag si Kalix ang kasama mo." Muli niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi nang magsalubong ang mga tingin nilang dalawa kasunod ang kakaibang pagtibok ng puso niya. Ano ba'ng mayroon sa mga mata at ngiti ni Ken at gano'n na lang siya kabahan?

"Ken? Apo, ikaw nga!" Napalingon sina Yesha at Ken sa pinanggalingan ng boses na 'yon. At isang nakangiting babae na may kaedaran na at nakasuot ng gown ang bumungad sa kanila.

"Mamita!" Agad na bumitaw si Ken sa kanya, lumapit sa matanda at saka hinagkan ang pisngi.

"Apo na miss kita ng sobra!" naiiyak na sabi ni Mamita at saka pinaghahalikan sa pisngi ang apo. Kinakabahan siyang nanood sa dalawa. Sa likuran ni Mamita ay nakatayo ang ilang ginang na nakasuot din ng mamahaling alahas at gown. Naiilang na tuloy siya.

"I miss you too, Mamita. By the way, I want you to meet the very special girl in my life," sabi ni Ken nang sa wakas ay mabitawan na ng matanda na bakas na bakas ang kasabikan. "My one and only Yesha Aragaki". Parang may spotlight na tumapat sa kinatatayuan niya nang banggitin ni Ken ang pangalan niya at lumingon sa kanya ang kausap nito pati na rin ang mga ginang na nasa likuran ng matanda. Kabado lang ba talaga siya o talagang nakatuon sa kanya ang tingin ng halos lahat ng tao sa hotel?

"Yesha! Hija! At last! Ang dalagang magdadala ng apelyido ng Refariz," nakangiting sabi ni Mamita bago lumapit kay Yesha. Pagkatapos, niyakap siya nito nang mahigpit. "Kailan mo ba ako mabibigyan ng mga apo sa tuhod? Alam mo, hindi naman kami masyadong conservative kaya ayos lang kung mauuna nang magkaroon ako ng apo bago ang kasal ninyo."

"P-Po?" sambit niya sa sinabing iyon ni Mamita. At bago pa mahalata ng iba na nagulat siya ay kaagad na siyang pasimpleng sinenyasan ni Ken na sumakay na lang. Wala naman kasi sa usapan nila na hindi lang pala girlfriend ang magiging papel niya ngayong gabi. "Palabiro pala kayo. Yesha na lang po ang itawag niyo sa akin, Ma'am—."

"Mamita, Yesha. Please call me, Mamita. You have no idea how glad i am to meet you, hija," sabi ni Mamita habang hawak nang mahigpit ang mga kamay niya.

"A-Ako rin po, Mamita. I-Ikinagagalak ko po kayong makilala."

Nag practice naman siya buong gabi sa mga sasabihin niya pero bakit nabubulol pa rin siya?

"Ken, anak. Nand'yan na ang mga pinsan mo. Gusto ka raw makausap saglit," sabi ng Mommy ni Ken nang makalapit ito. Gumuhit naman ng malaking ngiti sa mga labi nito nang malingunan si Yesha. "Yesha, you're here! I'm so happy to see you again!" sabi nito at saka bumeso sa kanya. "Hihiramin ko muna saglit si Ken, ha? Sina Mamita muna bahala sa'yo."

"Pero—"

"I'll be back, baby. 'Wag mo akong mami-miss agad."

Napalunok siya nang biglang hawakan ni Ken ang baba niya upang magtama ang mga tingin nila. Para kasi silang nasa kissing scene ng isang romantic movie.

"O-Okay." Pagkatapos, napakurap siya. BABY?

"Napaka-sweet talaga ni Ken. Manang-mana sa lolo niya," nakangiting sabi ni Mamita.

"Sinabi mo pa, Amiga. Naalala ko tuloy noong kabataan natin. Kamukhang-kamukha ni Ken si Amigo," sabi ng isang matandang babae na kaedaran din ni Mamita.

"At kamukhang-kamukha ko naman ang batang ito," sabi ng isa pang matandang babae na kasama ni Mamita.

"Naku, magsitigil nga kayo dahil alam naman nating lahat na ako ang kamukha ni Yesha noong kabataan natin kaya ako ang niligawan ni Johnson noon," natatawang sagot ni Mamita na ang tinutukoy ay ang sariling asawa.

Pinilit niyang ngumiti sa pag-uusap na 'yon ng mga matatanda habang nag-iisip ng pwedeng maging topic.

"Nasaan po pala si Sir—"

"Papsy. Papsy ang tawag ni Ken sa lolo niya kaya dapat, masanay ka na ring Papsy ang itawag sa asawa ko," nakangiting sagot ni Mamita. Pero bigla rin nawala ang ngiti niya sa mga labi. "Naiwan siya sa probinsya. Naospital kasi siya dalawang linggo bago kami lumuwas ng Maynila. At hindi siya pinayagan ng doktor na sumama sa akin dito. Ang sabi ko nga, hindi ko na lang itutuloy ang celebration na 'to. But this celebration was prepared already eight months ago. As in bayad na ang lahat ng dapat bayaran kaya kaysa masayang ang lahat, pinilit na lang naming ituloy kahit wala siya rito sa tabi ko."

"I'm sorry to hear that, Mamita," bigla rin siyang nakaramdam ng lungkot. Para tuloy siya pa ang nagpalungkot kay Mamita.

"Alam mo, sobrang miss na miss na ni Papsy si Ken. It's almost five years mula nang huli niyang makita si Ken. Kung pwede lang sana na sumaglit kayo sa probinsya kahit isang linggo lang."

KEN, NASAAN KA NA BA?

Hindi niya na alam ang isasagot sa matanda na patuloy pa rin ang malungkot ba mukha.

"Hija," sabi ni Mamita at saka hinawakan ang mga kamay niya. "Papayag ka naman, 'di ba, kung sakaling magbakasyon kayo sa amin kahit isang linggo lang? Magkakaroon kasi ulit ako ng pangalawang selebrasyon ng kaarawan ko sa probinsya kasama si Papsy. Sana makasama ka... kayong dalawa ni Ken."

Mukhang hindi niya na ito matatanggihan lalo na nang mapansin niya ang pangingiligid ng luha sa mga mata nito. Paano ba niya tatanggihan ang matandang halos maiiyak na sa harap niya!?

"O-Opo naman, Mamita. Wala naman po sigurong magiging problema ro'n dahil may mga staff naman ako sa flower shop ko." Ang Rainbow Serenity's Flower Shop na pagmamay-ari niya ang tinutukoy niya.

"Talaga, hija?! Naku, siguradong matutuwa si Papsy!"

"Baby..."

Napalingon siya nang tawagin siya ni Ken. Gustong-gusto na niya itong batukan kanina pa kaya ginuhit niya ang sarkastikong ngiti na sigurado siyang ito lang ang nakakita.

.

.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)