Nagising ako nang walang Exael na nadatnan kaya naman inayos ko na ang sarili ko. Wala namang pasok ngayon kaya ayos lang na tinanghali ako nang gising.
Matapos kong makapag bihis agad ko namang hinanap ang aking cellphone para sana itext si Sairol at humingi ng pasensya dahil sa gulo kagabi.
pagbukas ko ng telepono ko mensahe kaagad ni Exael ang nakita ko.
'lock the door if ever you'll leave'
yun na yun? wala manlang sorry? sabagay ano pa nga bang aasahan ko sa kanya. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mensahe niya at nagpatuloy nalang sa paghanap ng pangalan ni Sairo sa contacts ko
'Sai, sorry for last night. Masyado na akong lasing, nadamay ka pa tuloy sa gulo namin ni Exael'
After typing my message I immediately hit send. Alam ko namang naiintindihan niya ang nararamdaman ko dahil bata palang kami alam na niya na sagad pa sa gusto and nararamdaman ko para kay Exael.
I heard my phone ring and when I checked ito ay reply ni Sairo ang nakita ko
'I know but don't tease me like that. I was so tempted to kiss you last night, Ly.'
Natawa naman ako sa reply niya. Same old Sairo Parr, maloko parin
'What a waste, gusto ko pa namang maranasan ang halik ng isang Sairo Parr'
After sending that ay pinatay ko na muna ang aking telepono, inayos ang aking suot bago lumabas sa kwarto ni Exael.
Napag desisyunan kong umuwi sa bahay namin dahil matagal na din akong hindi nakakauwi.
Nag taxi nalang ako pauwi dahil medyo malapit lang naman ang bahay namin. when I came home agad naman akong sinunggaban ng yakap ni mommy
"Bakit namamayat ka anak?" bakas na bakas sa muka ni mommy ang pag aalala, I felt guilty dahil doon, so I huggd her tight and just like that my tears started to fall again
"what's wrong baby?" himas himas ni mommy ang likod ko habang marahas akong umiiling.
I can't tell them what happened dahil sigurado akong ititigil nila ang engagement namin ni Exael at ayokong mangyari yun. yun nalang ang tanging pinaghahawakan ko kaya hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal
"Nothing's wrong mommy. I just feel guilty that I made you worry. Naging busy po kasi ako sa school works ko kaya nakakalimutan ko na din po kumain minsan" I hate lying to my mom but what other choice do I have?
"That's okay baby pero please magtext ka naman. At kung pwedeng dalasan mo ang pag dalaw dito" mommy said then kissed my forehead, tumango naman ako bilang sagot.
After our heartfelt reunion, she asked me to eat lunch with her dahil hindi daw siya makakain dahi sa pag aalala sakin at wala siyang kasabay dahil wala si kuya at si daddy.
We talked about a lot of things dahil minsan lang kami magkasama, she's often on a business trip with daddy and I understand that, kahit naman wala sila lagi ay hindi parin naman sila nagkukulang at talaga namang bumabawi sila kapag nandito sila sa bahay.
After having lunch with mommy ay umakyat na ako sa kwarto para maligo at para magbihis.
I wonder what he's doing right now dahil hanggang ngayon ay hindi parin niya ako tinetext. Usually naman kapag hindi ako nagrereply sa kanya nagagalit siya, but he has no reaction this time.
Monday came at wala parin akong narinig mula kay Exael. I tried calling him a couple of times pero hindi niya sinasagot kaya sobra akong nag alala.
Nang nasa uni na ako'y kaagad ko siyang hinanap sa usual na tinatambayan nilang magkakaibigan, I smiled upon seeing him. Agad naman akong lumapit sa kanya para tanungin kung anong nangyari at bakit wala siyang paramdam, ni hindi siya umuuwi.
"Exael" sabay naming tawag ng isang babae. Agad naman akong napalingon dito, she's all smiles while looking at him at ganun din si Exael.
"Aiah" ngiting tawag rin ni Exael bago niya hinapit ang baywang ng babae at hinalikan ito sa noo
"sino siya?" takang tanong ko, he looked at me and his smile instantly faded
nakangiting bumaling din sakin si Aiah, "I'm Aiah, his girlfriend" nakangiting sagot naman nito sakin.
Girlfriend? pilit akong ngumiti sa huli, pigil pigil ang luhang gusto nang kumawala
"I didn't know" nakangiti ko paring sagot "I'm Lyris, nice meeting you" pagkasabi ko'y agad din naman akong tumakbo palayo sa dalawa.
He's never had a girlfriend dahil ang sabi niya ay hindi niya kaya mag mahal pero bakit siya may Aiah?
I kept on walking fast, not minding other people's stare; nagpunta ako sa library kung saan wala masyadong pumupuntang estudyante and sat down at the farthest table still hurt sa nalamang balita when I felt a presence infront of me
"wala kang karapatang magalit" panimula niya, sinong may sabing galit ako? that is an understatement. dahil hindi lang galit ang nararamdaman ko.
"Hindi ako galit dahil alam ko namang wala akong karapatan" tatayo na sana ako para umalis nang pigilan niya ako
"What do you want? if you're feeling guilty about having a girlfriend then don't. Alam ko naman ang lugar ko sa buhay mo" galit kong sagot sa kanya, he looked at me na para bang siya pa ang nagagalit
"Hindi mo manlang ba ako papakinggan?" I only stared at him, tired. ayoko na
"What's the point?" pagod kong sagot sa kanya. Wala naman ding patutunguhan ang pag-uusap namin. He made it clear na wala akong karapatan sa kanya so, bakit pa?
"I don't want to hear anything from you anymore" tila ba'y nagulat pa siya sa sinabi ko, I looked at him straight in the eyes, ayoko na. Talagang ayoko na.
"Let's stop this Exael. May girlfriend ka naman na, siya na ang pakialaman mo. you don't need me anyway" malungot ko siyang nginitian, I guess this is gonna be the end of us, the end of me. Nakakatawa dahil hindi pa man kami nagsisimula't tapos na kaagad.
"You're giving up on me too?" malungkot niyang sagot
" You can't keep your fiance and your girlfriend at the same time Exael at alam ko namang hindi ako ang pipiliin mo. I love you, I still do pero may ibang tao nang involved at ayokong makasakit." tinitigan niya lang ako na para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"You can't do this to me" ang kaniang malungkot na ekspresyon ng muka niya, napalitan ng galit
"Hindi mo ako pwedeng bitawan dahil akin ka" gigil na sabi niya bago hinawakan nang mahigpit ang aking mga braso na nagpangiwi sakin "I don't want to be your sidechick" lakas loob kong sabi't nagpupumiglas sa hawak niya.
"Exael ano ba?! nasasaktan ako!" reklamo ko nang hindi parin niya bitawan ang aking braso. Sobrang higpit ng hawak niya, ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"Tama na please. Sobrang sakit na kasi, hayaan mo nalang ako" agad nag unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Natigilan naman siya sa sinabi ko't agad na binitawan ang aking braso
"Ayaw mo na ba talaga?" tanong niya,
" Mahal kita at hindi na ata magbabago yun, pero napapagod na ako. Nasasaktan na ako nang sobra sobra" sagot ko habang patuloy parin sa pag iyak. Gusto ko nalang na umalis pero hindi niya parin ako hinahayaang makaalis
"Sabi mo, hindi kita pipiliin, paano kung ikaw naman talaga ang pinipili ko?" napatingin naman ako sa kanya.
Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Imposible. Kung ako ang pinili niya, walang Aiah, walang iba. Kung ako ang pinili niya, hindi sana ako nasasaktan ngayon.
"But you're right. I will never choose you dahil basura ka lang naman. You don't deserve to be happy Lyris. You don't deserve love kaya dapat lang na masaktan ka. Tama lang sayo yan" ngayon ay nakangisi na siya habang nakatingin sakin.
This is the Exael that I grew up with. Ruthless, walang pakialam sa nararamdaman ng iba.
"I just came here to tell you na oo, itigil na natin to dahil hindi na ako nasisiyahan sayo. You're a lazy lay. So boring in bed and I am so tired sleeping with a dog na wala nang ibang ginawa kung hindi habulin at iyakan ako. Sayang, I was considering to keep you, but you just had to be this dramatic and it is fucking annoying" hinapit niya ako palapit sa kanya na para bang hindi pa sapat sa kanya ang distansya namin
"I am done toying with you kaya sana huwag ka nang lalapit sakin. You wanted this Lyris kaya panindigan mo. Gusto mo nang itigil ito hindi ba? fine with me." bulong niya matapos ay marahas niya akong itinulak palayo sakanya
it's finally over, muli akong napahagulgol. tama naman siya, tama lang ang ginawa ko. I don't deserve this at mali siya dahil alam kong may makikilala rin akong magmamahal at tatanggap sakin.