webnovel

CHAPTER 9

Chapter 9

Hinintay kong dumating si Zane bago magtanong kay Aling Sheryl dahil gusto kong marinig nito ang isasagot ng babae.

Kinukutuban na rin kasi ako dahil sa nakita ko kanina.

"Ano nga pala ang pakay niyo sa pagbisita sa kabilang bansa?"

Nasaksihan ko kung paano siya magulat. Hindi niya ata inaasahan na ngayon pa ako nagtanong, kung kailan nakuha na niya ang loob ko.

"Isa akong manggagamot," nakangiting sabi niya.

Naghintay ako ng susunod niyang sasabihin pero wala na. Hindi ako satisfied sa sinabi niya. Ano ngayon kung doctor siya? Marami rin ang manggagamot sa kabilang empire.

May nag-anunsyo na malapit nang dumaong ang barko kaya napatingin kaming lahat sa harapan. Naramdaman kong hinawakan ako ni Zane sa siko kaya napatingin ako sa kanya.

"Wag kang lalayo sa tabi ko," bulong niya.

Pumikit ako. Kailangan kong alalahanin ang kaganapan sa libro habang may natitira pang oras.

Sheryl.

Wala talaga akong matandaan na naging parte siya ng Epiphany. Lalo akong nakaramdam ng taranta nang marinig kong pinapababa na ang mga tao. Na-pi-pressure ang utak ko. Lalo akong hindi makapag-isip ng maayos.

"Callista, tara na." Rinig kong tawag sa akin ni Zane.

Nang imulat ko ang mga mata ko, nagtama ang mga tingin namin.

"Ina, gusto kong makarating sa Palean." Napalingon ako nang batang may nagsalita. Sinundan ko siya ng tingin. Naglalakad siya papunta sa labasan ng barko, kasama ang isang babae.

"Nasaan si Aling Sheryl?" tanong ko habang nililibot ang paningin.

"Ayun siya." Tumuro si Zane sa kaliwa at doon ko nakita si Aling Sheryl at ang anak niyang binata na sinusundan ng tingin ang batang nakita ko kanina. Tapos ay nilapitan niya iyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya sa nanay niya rito pero alam kong hindi ito maganda.

Alam ko na kung anong klase itong si Aling Sheryl at kung ano ang tunay na pakay niya.

Hindi siya napangalanan sa libro, ngunit ang mga nangyayari ngayon ay akma sa eksena kung saan unang nagkita si Donovan at Callista.

"Sundan natin siya!" utos ko kay Zane. Nauna na akong maglakad. May mga nabunggo pa ako habang nagmamadaling maglakad pero hindi ko na pinansin.

Nang makalapit ako sakanila narinig kong sinabi ni Aling Sheryl, "Pagkarating na pagkarating natin doon ipapakilala ko kayo sa pinsan ko na pwedeng magpasok sa'yo sa magandang trabaho. Malaki ang kikitain mo."

Bullshit! Target niya ang mga taong mahihirap at hihikayatin na tutulungan niya para makaahon sa buhay pero ilalagay niya lamang sa kapahamakan!

Nakababa na sila sa tulay nang nakita kong may mga lalake ang nakaabang sa kanila na may dalang karwahe.

Bukod sa mag-ina, may iilan pang nahikayat si Aling Sheryl. Human trafficking also does exist in this era!

Lumapit ako sa kanila at marahang hinila ang bata.

"Anong meron dito, Aling Sheryl?" tanong ko sa kanya at tiningnan siya ng seryoso. "Bakit parang mayroon kayong pribadong sasakyan? Mayroong tren papunta sa kanluran, hindi ba?"

Napansin kong bigla siyang naging uneasy.

"Siya ang dahilan kung bakit kami nandito. Tinulungan niya kaming makipag-ugnayan sa palasyo para makahanap ng mas maayos na trabaho dito," sabi ng nanay ng bata.

"Wala yata akong nakuhang impormasyon tungkol doon?" Bumaling ako kay Aling Sheryl. "Sino ang nakausap mo sa palasyo?"

"A-ang mahal na hari at reyna."

"Talaga? Gaano kataas ang estado mo para magkaroon ng pribilehiyo upang makausap ang mahal na hari at reyna?"

Nag-iwas siya ng tingin. Kitang-kita na kinakabahan na siya at napansin kong nagsisimula na siyang pagpawisan. Proven she's guily with just a few interrogations.

Nakaramdam naman ang limang ni-recruit niya. Nagsipagtabihan sila sa gilid ko.

Napansin iyon ng anak ni Aling Sheryl kaya nagalit ito. "Maniwala ka sa hindi, ang mahal na hari at reyna ang nagbigay oportunidad nito sa amin dahil wala siyang maipangakong magandang hanap-buhay sa aming bayan!"

Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. "Hindi na nakakapagpahinga ang mahal na hari at reyna sa kakaresolba ng problema sa palasyo kaya wag na wag mong maidadahilan yan!" singhal ko sa kanya. "May sakit ka, diba? Bakit ang tapang mo ngayon? Baka umaarte ka lang?"

He was taken aback by my words.

"What are you guys doing back there? Let's go!" tawag ng lalakeng nasa isang karwahe. Ang isang driver naman sa kabilang karwahe ay nakatingin lang sa kawalan, walang pake sa nangyayari dahil hindi naman niya naiintindihan ang pinag-uusapan namin.

"Tara na kayo, wala tayong mapapala sa babaeng iyan," panghihikayat ni Sheryl.

I stepped forward to stop her. "Alam ko kung anong pinaplano mo. Hindi ka manggagamot," mariing sabi ko. "Binayaran ka para magdala ng mga inosentent tao na kukuhanan niyo ng lamang loob at ibebenta."

Napasinghap ang mga na-recruit niya at lalong lumayo sa kanya.

Narinig kong tinawag ako ni Zane.

"Manahimik ka! Sinungaling!" Nilapitan niya ang dalawa at hinila. "Tara na, wag na tayong mag-aksaya ng oras dito."

Lumapit ako at hinila ang braso ng dalawang inosente. Nagsimula na kaming magtalo, nakisali na ang anak niya. Nagkakasakitan na kami. Umaawat si Zane at kumikilos para hindi ako masaktan. May oras na hinarang niya ang braso niya.

Biglang bumaba ang dalawang lalake na kanina ay nasa karwahe.

"Just hop the fuck on y'all!"

Sinuntok ni Zane ang isang lalake nang hawakan ako nito ng mariin sa braso.

Di ko na kinaya. Tinapon ko ang wig na suot ko at eyeglass. I'm gonna use my card as a princess as last resort. This is the only way I know para makinig sila sa akin.

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga bata nila nang bumagsak ang natural kong buhok. Napatakip ng bibig ang dalawang babae.

"Prinsesa Callista!"

"These are my people and they will go back to our home!" I demanded.

Wala silang imik.

Kung sa libro, hindi napigilan ang insidenteng ito, gagawin ko ang abot ng makakaya ko para mailigtas ang mga inosenteng tao.

"Zane, iuwi mo sila sa kaharian nang ligtas."

"Pero Prinsesa Callista paano ka?"

"Kaya ko na." Humarap ako kay Aling Sheryl at sa anak niya. "Gusto kong igapos mo ang dalawang ito at dapat silang managot sa ginagawa nila. Kasama ang mga lalakeng ito. Humingi ka ng tulong sa mga tao sa barko."

Mabilis kong inagaw kay Zane ang pana niya dahil nakita kong tatakas ang isang lalake. "You dare to escape and I will hit you skull out," matapang na sabi ko habang nakatutok ang pana sakanya. Nagtaas siya ng kamay at tumabi malapit sa mga kasamahan niya.

Sandali kong pinasadahan ng tingin si Aling Sheryl at ang anak niyang best actor.

Hindi man ako makabalik sa kaharian kung sakaling magtagumpay ako sa misyon ko sa Puquio, sisiguraduhin kong pagsisisihan ni Aling Sheryl ang ginawa niya. May balak pa siyang idamay ang bata?

"Anak mo ba talaga yan, Sheryl?" tanong ko sakanya nang hindi inaalis ang tingin sa mga foreigners.

"Hindi po, Prinsesa Callista."

"Paano mo nasisikmurang pumatay ng kalahi mo? Iisang bansa tayo, Sheryl!"

"Dahil sa kahirapan!"

Sandali akong napatingin sa kanya. Hindi ko pwede ialis ang tingin ko sa mga lalake dahil tatakas sila.

"Walang ibinibigay na suporta ang palasyo sa amin. Wala akong ibang magawa para mabuhay." Umiyak siya.

Nahabag ang loob ko. Hindi totoong hindi nagbibigay ng suporta ang palasyo dahil minsan ay nakikita ko ang mga dokumentong pinipirmahan ng hari para aprubahan ang nire-request nilang budget.

Fuck.

Naramdaman kong nagkaroon ako ng responsibilidad bilang prinsesa.

Dapat ko bang ayusin muna ito bago gumawa ng hakbang para umuwi sa realidad?

♕ ♕ ♕