webnovel

Elemental Nation: City of Elements

Adiya King is a simple girl but she belongs to an extraordinary family. Everything was normal until she discovers who she is, and what she is capable of. Will she be able to accept who she is or she'll turn her back from all the responsibilities?

thumanoid · Andere
Zu wenig Bewertungen
29 Chs

Chapter 20. Back at the Academy

Zephy's POV

"No. Ehzcy!" rinig kong sigaw ni tita Ellaine saka tatakbo na sana siya ng pigilan ni Pyrrhos.

"No. It's too dangerous" pigil nito kay tita Ellaine.

"Are you fucking serious?" galit nanamang sigaw ni Elgorth. "My sister is inside that house" tiim bagang niyang turan habang karga ang wala paring malay na si Adiya.

"No. She's with Elle" sagot ni Pyrrhos. Ngayon lang din namin napansin na wala si Elle dito.

"Where are they?" nag aalalang tanong ni tito Emmanuel.

"Do you have a tunnel or basement in the house?" biglang tanong ni Pyrrhos sa mag asawa. Nakakunot ang noong tumingin ako sakanya gayun din ang mag asawa at si Elgorth.

"Yes. We have a tunnel that leads outside the house. How'd you know?" tanong ni tita Ellaine.

"Where does that tunnel lead to?" hindi pagpansin ni Pyrrhos sa tanong ni tita Ellaine.

"The tunnel leads to the back of the house" si Elgorth ang sumagot. The back of the house? So nandito lang. Sasabihin ko na sanang maghanap na kami ng biglang may bumukas na lagusan sa lupa at bumungad doon ang humahangos na si Elle, may sugat ito sa balikat habang karga karga ang umiiyak na si Ehzcy. Ng makaakyat sila sa nagsisilbing hagdan ng tunnel ay kaagad na niyakap ni tita Ellaine ang dalawa.

"Thank god, you're alright. Wala bang masakit sa inyong dalawa?" nag aalalang tanong nito sa kanyang mga anak habang sinisigurado kung walang tama ang mga ito maliban sa sugat ni Elle na mukhang gawa ng apoy.

"How did you escape?" nagtatakang tanong ni tito Emmanuel kay Elle ngunit bago pa ito makasagot ay nagsalita na si Pyrrhos.

"You're the one who blew the house down" hindi nagtatanong ang boses ni Pyrrhos, it's like he's stating a fact. Napanganga nalang kami sa sinabi niya. What the hell is wrong with this guy?

"Why the hell would she do that?" tanong ni Elgorth.

"How did you know?" tanong naman ni Elle kay Pyrrhos. Mas lalong kumunot ang noo naming lahat. Elle asks as if he's right or something. Hindi ba niya ito itatanggi?

"I smelled the gas" simpleng sagot naman ng isa. That's why he's acting weird earlier.

"Teka, hindi ko maintindihan" tanong naman ni Storm.

"I went back to the house to check on Ehzcy, baka kasi magising at hanapin si mama. Nang dumating ako sa bahay gising siya at umiiyak, hinahanap si mama. We're about to leave the house when seven people entered. Mabuti nalang at nakapagtago kami malapit sa may kusina kung saan nakatago ang tunnel. Plano ko sanang tumakas nalang gamit ang tunnel, but if I do that, hahabulin lang nila kami at siguradong mahahanap nila kayo rito. So pinauna ko si Ehzcy sa tunnel and I told her to run away as fast as she could para hindi siya mahabol kung sakali. Then the idea of blowing the whole house came to my mind. I know it's a big risk but I had to do it, so I did" kwento niya.

"Do you know who they are?" tanong ni Pyyrhos.

"No, but their cape is similar to those who attacked us in the house" sagot nito. Nakita kong nilapitan ni Firth si Elle para gamutin ito.

"Fire magers?" tanong ni Storm.

"I don't think so" napakunot noo kami sa sinagot niya.

"What? Why?" tanong ulit ni Storm.

"Their cape is not maroon, it's blue" nagtataka ring sagot ni Elle. Blue? From the academy? Mukhang hindi lang ako ang nalilito kaya nagtanong na rin si Pyrrhos dahil alam naming imposibleng magpapadala ang academy ng mga tao rito because we're already here.

"What type of blue?" tanong ni Pyrrhos.

"Royal blue" sagot ni Elle. Royal blue? Water fortress?

"Shit" biglang mura ni Pyrrhos. "Get in the portal now!" pasigaw na utos ni Pyrrhos.

"What? Why?" naguguluhang tanong ni Elle.

"Those are from the water fortress. There's a chance that they are still alive. Get in" utos rin ni Trevet. Sinunod naming lahat ang sinabi nito at pumasok kami sa may portal, ngunit bago tuluyang sumara ang portal ay may nakita akong bulto ng tao sa loob ng nasusunog na bahay. Hindi ko masyadong maaning ito dahil sa usok at apoy na tumutupok sa buong kabahayan. Ganun nalang ang pangungunot ng noo ko ng biglang lumabas ang bulto sa nasusunog na bahay at isang babae na napapaligiran ng tubig ang naroon. My forehead creased and my curiosity gets even stronger when I saw her smirk while looking at something or should I say someone. Nang tingnan ko kung sino ang tinitingnan niya, maraming tanong ang biglang pumasok sa utak ko lalo na ng makita ko ang reaksyon ni Pyrrhos. He looks shock. Yung reaksyong hindi makapaniwala na nakikita ang nakikita niya ngayon.

Adiya's POV

A blinding light envelopes my whole vision the moment my eyes open then I saw the clear sky.

"We're here" ani ng isang tinig. Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid ay napakunot noo ako. Where are we?

"Hey, you're awake" biglang bumungad ang mukha ni Elgorth sa paningin ko at ngayon ko lang napansin na karga karga niya ako, bridal style. Sinubukan kong umalis sa pagkakakarga niya ngunit pinigilan niya ako.

"Nah ah" pigil niya saka mas lalong hinigpitan ang pagkakakarga sa akin. Hindi ba siya nabibigatan?

"Where are we?" tanong ko nalang para itago ang hiyang nararamdaman ko. The way he carry me is kinda awkward.

"We're back in the nation" sagot ng pamilyar na tinig. Nang tiningnan ko kung sino ito ay hindi nga ako nagkamali. It's Pyrrhos with his friends and the whole family.

"Back in the academy? Why? What happened?" nagtatakang tanong ko.

"Let's go. You need to rest. Trevet, report what happened to the council. Firth, accommodate the family and Zephy, you take care of her. I have an errand to attend to" nagmamadaling utos niya at hindi binigyang pansin ang mga tanong ko saka siya naunang naglakad, hindi na hinintay na makasagot ang mga ito.

"Where are you going in this kind of situation Mr. Mysterious?" narinig kong bulong ng isang boses. Tumingin ako sa paligid at nasulyapan ko si Adiya sa unahan namin ni Elgorth na seryosong nakatingin sa likuran ni Pyrrhos. Mukhang ako lang din ang nakarinig sa bulong niya dahil walang pumansin sakanya. Okay? What just happened back then? Why are those two acting so weird?

*

Ilang minuto pa kaming naglakad bago tuluyang makapasok sa pad building. Mabuti nalang at hindi malayo rito ang portal na dinaanan namin at mismong sa ground kami ng academy nakalabas. We can't risk to step out from the portal then end up outside the academy. Mahirap na at baka may makakita sa amin.

Nang makapasok kami sa gate ng main building ng academy ay may mga nadaraanan kaming mga estudyante na napapatingin sa amin at mas lalong dumagdag sa hiya ko ang paraan kung paano ako buhatin ni Elgorth.

I grip Elgorth's shirt to get his attention. Nakita ko siyang yumuko. "Elgorth, ibaba mo na ako" utos ko sakanya.

"Not a chance" sagot naman niya. Matigas talaga ang ulo ng isang to. Hindi nalang ako umimik.

"Let's drop her off first" ani Firth.

"Can you just take me to my unit?" sabi ko sakanila. "Besides, I'm fine. I just passed out earlier and Zephy is with me" dagdag ko pa. Napatingin sakin si Elgorth. "Please?" I pleaded.

"Okay. Zephy, you take care of her. Pupuntahan ko kayo mamaya" sagot ni Elgorth.

"Thanks" pagpapasalamat ko saka ko siya nginitian ng bahagya. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa unit ko.

"Ibaba mo na ako" pakiusap ko kay Elgorth. He was hesitant for a second but I just smiled at him to assure him that I am fine. Bumuntong hininga muna siya saka niya dahan dahang binaba. Nang makatayo ako ay bahagyang umikot ang paningin ko kaya kumapit ako sakanya upang hindi ako matumba.

"Ang tigas kasi ng ulo eh" aniya saka inalalayan akong tumayo ng maayos.

"I'm fine. Nahilo lang ako bigla" sagot ko saka binuksan ang unit ko. Papapasukin ko na sana silang lahat ng magsalita si Firth.

"Hindi na kami papasok. Kailangan na nilang magpahinga. Let's go. I'll lead you to your unit" sabi niya. Hindi na ako umangal dahil alam ko namang tama siya. Masyadong maraming nangyari sa pamilya nila nitong mga nakaraang araw. At kung hindi dahil sakin siguro ay naroon parin sila sa mundo ng mga tao at masayang namumuhay.

"We'll visit you once we have enough rest" sabi ni tita Ellaine na may ngiti sa mga labi. Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Pupuntahan kita mamaya" turan naman ni Elgorth. Tumango ako pagkatapos ay naglakad na sila paalis habang kami naman ni Zephy ay pumasok na sa unit ko.

Pagkapasok ko ng unit ay nagulat ako ng makita ko ang aking mga magulang na nakaupo sa sala.

"Adiya" banggit ni mama sa pangalan ko saka sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Where have you been Adiya? We're so worried about you" mangiyak ngiyak na sabi ni mommy habang yakap ako.

"I'm so sorry mama" hingi ko ng paumanhin saka tumingin ako sa aking ama. His face held no emotion, as usual. I bet his angry and disappointed at me. Kumalas ako ng pagkakayakap kay mama saka ako humarap kay papa.

"I'm sorry papa" hingi ko rin ng tawad kay papa. I am ready to be scolded by him but to my surprise he didn't, instead he pulled me into a hug. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa kinilos ni papa. Papa barely shows affection towards me, though nag iisa nila akong anak, kaya naman nagulat at the same time masaya ako dahil sa ginawa niya.

"Pinag alala mo kami ng mama mo" sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.

"I'm really sorry papa. Promise, hindi na po ako lalabas ng nation" pangako ko sakanila.

"Dapat lang. Dahil kung hindi, itatali kita sa amin ng mama mo para hindi ka na makalayo" natawa nalang kami sa sinabi ni papa. Dad and his sense of humour.

"Zephyrine" banggit ni mama sa pangalan ni Zephy. "Po?" sagot naman ni Zephy.

"Thank you for fulfilling your promise" sabi ni mama sakanya. Promise? What promise? Nagtataka akong nagpalipat lipat ng tingin kay mama at Zephy.

"She promised to bring you back here safe and sound" sagot ni mama sa nagtataka kong tingin sakanila.

"Thank you, ija" pagpapasalamat naman ni papa kay Zephy, habang si mama naman ay niyakap si Zephy.

"Walang anuman po. Adiya is my sister kaya gagawin ko po lahat para sakanya" gusto kong maiyak sa mga salitang binitawan ni Zephy. She doesn't treat me like her bestfriend. She treats me like I am her sister.

"I am grateful that you are her bestfriend kaya pagpasensyahan mo nalang siya kasi matigas talaga ang ulo niyan" ani naman ni papa. I glared at them while pouting.

"Papa for all I know lahat ng tao matigas ang ulo" sagot ko sakanya.

"Aba't" malalaki ang matang sabi ni papa sa akin. Natawa nalang kaming apat. Now I wonder, siguro kung hindi ako bumalik ng nation, my life would be miserable, without my parents, without Zephy and without the things that I have right now.

"Anyway, I heard that there's a family who help you when you are at the outside world. I want to meet them so I could say thank you" biglang sabi ni mama. I just smiled just by thinking at that family.

"We should invite them for a dinner tonight" dagdag pa niya. Napangiti nalang ako. I am sure they will love that.

"Nice idea, hon. I'm sure they'll love that" sagot ni papa. We're thinking the same thing.

"I'll let them know, tita" turan naman ni Zephy. "Thank you" sagot ni mama.

I smiled at the sight infront of me. The decision of going back here in the nation is the best I ever made.