webnovel

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
28 Chs

Chapter 15: Welcome

Dalawang linggo na ang makalipas simula ng mapagpasyahan kong manatili muna dito sa Ekbasis. Dalawang linggo nadin akong hindi pumapasok. Hindi ko alam ang idadahilan ko sa aking guro kung bakit ako dalawang linggong hindi nagpakita. Sadyang ayaw ko lang talaga muna pumasok. Isa din naman akong ordinaryong estudyante na marunong tamarin at hindi puro pag aaral lang ang ginagawa at hindi na naenjoy ang kanyang high school life

Kasalukuyan akong nasa Ekbasis at hinahanap si Felix dahil kanina niya pa ako tinataguan. Hindi ko malaman kung ano ang trip niya sa buhay

"Felix" tawag ko sa pangalan niya habang naglilibot sa kakahuyan. Kanina ko pa siya hindi makita

Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa kanya. Hindi mapakali ang mata ko para lang makita siya. Lagot siya sakin pag nagkataon. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko parin nakikita si Felix. Ni presensya niya nga ay hindi ko maramdaman. Huminto ako saglit saka naupo at sumadal sa isang puno. Naghabol muna ako ng hininga dahil sa pagod. Tumingin ako sa paligid. Pakiramdam ko ay kanina pa ako paikot ikot lang sa lugar

"Nasaan ka ba kasi?" napatanong na lang ako sa sarili. Kahit nakaupo ay imiikot padin ang paningin ko at nagbabakasakaling makita si Felix

Maya maya pa ay may narinid akong kaluskos sa hindi kalayuan. Kumunot ang noo ko saka tumayo para tignan kung saan ga;ing ang kaluskos na 'yon. Bukod sa mga puno dito ay wala nang ibang tao dito kundi ako lang. Biglang humangin ng malakas kaya gumalaw ang mga dahon sa puno

"Taga lupa" tawag sakin

Napalingon naman ako sa paligid dahil alam kong si Felix 'yon boses pa lang

"Dito sa taas" sabi pa nito

Napatingin ako sa taas at doon ko nakita si Felix na prenteng nakaupo sa isang sa sanga ng pun kung saan ako naka sandal kanina. Nanlalaki ang mata tinignan ko siya

"Pota bakit nandyan ka?!" natatarantang tanong ko. Hindi niya ako sinagot at sa halip ay pilyong nginitian lang niya ako. Nataranta ako lalo

"Bumaba ka nga dyan" utos ko habang nakatingala at nakatingin sa kanya

"Ayoko" maikling sagot niya. Napaface palm na lang ako. Itong kupal na 'to hindi ko alam kung ilang taon na at ganyan kung umasta. Isa pa 'tong kinulang sa buwan. Ang hirap pakiusapan. Nakakaubos ng pasensya

"Hindi ka bababa"

"Hindi"

"Anak ng--"

Lahat ata ng mura nasabi ko na. Talagang yari ka saking kupal ka kapag naabot kita

"Babalik na ako samin kung hindi ka bababa" panakot ko habang pinang didilatan siya ng mata

"Edi bumalik ka" sagot nama niya saka dinilaan ako

Please someone stop. I'm gonna slap this bitch

Inirapan ko siya saka nagsimulang maglakad palayo

"Bababa na ako!" narinig kong sigaw niya kaya nakangiting naglakad ako pabalik. Sakin ang huling halakhak depungal ka

Naabutan ko siya nagpapagpag ng damit. Huminto ako sa harap niya saka humalukipkip at tinaasan siya ng kilay

"Hindi ka naman mabir---Aaah!" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya ng hilahin ko yung tenga niya saka naglakad paalis sa kakahuyan. Huminto kami sa gilid ng water falls saka pabatong binitawan ko siya. Hinimas niya naman agad yung tenga niya

"Alam mo ba kung gaano kadelikado yung ginawa mo? Pano na lang kung mahulog ka don wala pa naman akong pamalit sayo" sinermonan ko agad siya

Naghihimas pa rin siya ng tenga saka nakangusong nakatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay

"Wag mo kong tignan ng ganyan dudukutin ko yung mata mo" harsh na sabi ko

"Ayoko ko na sayo mapanakit ka pala" sabi niya

Nagulat ako sa sinabi niya. Bitch what? Ako mapanakit?

"Excuse me?" hindi makapaniwalang sabi ko sabay pameywang

"Mapanakit ka" inulit pa niya saka ginaya ang ginawa ko at nameywang din

Lumapit ako ng isang hakbang saka pero takot na lumayo naman siya sakin

"Biro lang" sabi niya saka lumayo sakin. Takot na sigurong mahila yung tenga niya

Pagkatapos non ay bumalik na kami sa tree house. Pumasok muna siya sa loob habang ako naman ay naupo sa baitang ng hagdan para pagmasdan ang Ekbasis. Napabuntong hininga na lang ako habang tiitignan ang lugar. Maya maya pa ay naramdaman kong naupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon

"Taga lupa" tawang niya sakin

Napapikit na lang ako ng mariin. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na Aphrodite ang pangalan ko hindi Taga lupa" inis na sabi ko kanya habang hindi parin siya nililingon

"Noong nakaraang linggo, nung natapilok ka pababa ng hagdan. Bakit mo ako hinahanap?" sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ko

Napaisip ako. Bakit nga ba?

Ilang minuto din ang tumagal bago ko maalala kung bakit ko nga ba siya hinahanap ng panahong 'yon. Matapos kasi akong bulungan ni Felix ng kung ano ano malamang pinag titripan niya lang ako ay naghabulan kami tapos nakalimutan ko ng sabihin sa kanya ang pakay ko

Nilingon ko siya bago magsalita. "Yung mga dahon kasi sa Lignum Vitae ay nalalagas na" sabi. Nakitang kong dahan dahang nawala ang saya sa mukha niya

Timingin din siya sa malayo. "Hindi ko din alam. Wag mo na lang pansinin" yun lang ang sinabi niya

Ilang ilang pa akong namalagi don bago mapagpasyahang bumalik na samin. Katulad ng dati ay hinahatid padin ako ni Felix sa pinto. Kumaway siya sakin bago ako lumabas sa pinto

Palubog na ang araw nang makabalik ako samin. Patakbo akong bumalik sa aparment ko. Balak kong matulog agad pagbalik ko dahil nagpuyat ako nung nakaraan

Pagpasok ko sa apartment ko ay hindi ko inaasahan ay madadatnan ko. Parang biglang tinambol ang ppuso ko sa kaba. May bumara agad sa lalamunan ko para mahirapan ako magsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mmga oras na 'to. Hindi ko alam ang mga sasabihin ko. Hindi ko alam ag mga isasagot ko. Hindi na matigil ang ppuso ko at napakabilis ng tibok nito

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa sa sala at halatang iniintay ang pagdating ko. Tumayo siya ng makita ako. Naglakad siya palapit sakin kaya napaatras naman ako. Huminto siya sa harap ko at tinitigan ako

"Saan ka galing?"

"Tita..."