webnovel

DUNGEON ZERO [Tagalog]

The boy named Ziro Ifrich, A boy who destined to save there world from the demon lord. His father disappear because of unknown reason but, because of what happen his journey started and the truth has been revealed.

ZaiPenworld · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
22 Chs

Chapter 9

Chapter 9 - Badluck

ZIRO

Bago kami tumungo saaming pag-lalakbay ay dumiretso muna kami sa Palasyo para magpaalam sa Hari. Nasa magarbong kwarto ngayon ang hari na gawa sa ginto. Nakatalikod ito saamin habang nakatayo sa balkonahe ng kwartong ito. "Mahal na hari," panimula ni Riku habang nakaluhod kami sa pulang Carpet ng kawarto. "Sisimulan napo namin ang paglalakbay"

Humarap saamin ang hari habang may ngiti sa kaniyang labi. "Kung ako ang masusunod gusto ko na maging parte ka ng Arc knight pero alam kong hindi ka papayag, dahil alam kong ang ama mo ang uunahin mo," tumingin ito ng diretso saakin ngunit napaiwas din. "Sana sa pagbalik mo maging kasama ka namin upang iligtas ang bayan natin"

"Mahal na hari, wag po kayong mag-alala sa paglalakbay namin ililigtas namin ang mundong ito sa kamay ng mga halimaw" tumalikod siyang muli at tumingin sa bayan na tanaw mula dito.

"Aasahan kita, Ziro" napangiti nalamang ako. Sana ay mahanap ko si Ama, umaasa ako na mahahanap ko siya-namin.

Sa pag-alis namin sa bayan ay may bigat sa loob ko na nagsasabing huwag. Para bang mali na lisanin ko ang lugar na ito pero ang ama ko ay nasa lugar na malayo dito. "Riku saang lugar papunta ang daang ito?"

Tiningnan niya ang mapa niya at ng makita na niya ang hinahanap ay agad niya akong sinagot.

"Sa Rising Hugward Forest" isang ngiti naman ang sumilay kay Felisha. Siguradong gustong-gusto niyang makita ang pagbabalik ng ganda ng kanilang tahanan.

Ilang saglit lang ay nakarating nadin kami doon. Medyo malapit lang naman ito sa bayan namin kaya hindi kami masiyadong napagod. "Felisha," natigilan ako ng ngitian nuya ako at nagpuppy eyes. Ano bang problema ng mga babaeng kasama ko? "A-ahh diba taga dito ka naman? Kaya baka pwede mo kami dalhin sa daan palabas ng lugar na ito- ayy!" Nagulat nalamang ako ng bigla itong tumalon papunta sa malaking bato at nagpamewang.

"Ako si Felisha ay dadalhin si Ziro patungo sa tagumpay!" Tinuro pa nito ang kung saan na ikinakamot ko ng ulo.

"Hoy! Ako ang gagawa niyan!!" Reklamo ni Sora at umakyat nadin sa itaas ng bato at ginaya ang pose ni Felisha. Jusko, ano bang klaseng babae ang nakakasama ko?

Napailing nalamang si Sandro dahil hindi niya maintindihan ang mga babae, kahit ako ay hindi ko din maintindihan. Natawa nalamang ng mahina si Frey at Miya. Si Riku naman ay napasampal nalang sa noo niya dahil sa inaasal ng dalawa. "Ano ba kayo! Matatagalan tayo sa pinag-gagawa nyo!" Sumabog na sa inis si Sandro at nauna na sa paglalakad papasok ng gubat.

Muli nanamang hindi mapakali ang mata ko dahil sa ganda ng lugar. Ang dating gubat na nagmistulang Abo ay naging magandang kagubatan na binubuo ng iba't ibang klase ng halaman at naglalaguang puno. Ayos nadin ang mga tree house at ang mas nagpaganda pa ay ang mga alitaptap na nagliliparan.

"Ziro," muntikan na akong mapatalon dahil sa pagsulpot ni Frey sa tabi ko. Hindi ko inaasahang bigla nalang niya akong kakausapin lalo na't hindi naman ako interesadong tao. "Ano ba ang rason mo kung bakit ka naging adventurer?" Napakurap ako ng ilang beses dahil sa tanong niya pero agad ding napawi iyon at ngumiti.

"Rason? Naisip ko kasi, pagnaging adventurer ako katulad ni Ama ay mahahanap ko siya pero hindi ko inaasahang hahanapin ko siya sa malayong lugar," napatungo-tungo naman si Frey "eh ikaw?"

Tumungo ito at iniangat din agad. "Wala," Nagtataka akong tumingin sa kaniya, bakit wala? Lahat naman ay may rason "hindi ko Alam kung bakit, para bang isang laro na walang kasiguraduhan kung ano ngabang mangyayare sa susunod"

"Tama ka, parang isang laro na tayo ang manlalaro na kung saan may mga pagsubok na hinaharap. Pero ang bawat laro ay meron ding sulusyon sa bawat problema" napalingon ito saakin.

"Hindi tugma sa pinaguusapan natin pero may katwiran ang sinabi mo" napakamot nalamang ako sa ulo ko dahil tama siya. Wala ngang tugma sa pinag-uusapan namin

"Ahh Frey, bakit pala napaka sungit niyang ni Sandro?" Napatingin naman siya kay sandro na nasa unahan nila Miya. "Si Sandro? Ganiyan lang talaga siya kapag may problema. Pero maniniwala kaba na ang kahinaan ni Sandro ay," nagpalinga-linga muna ito bago ibinulong ang sasabihin niya. "Isang aso."

"Seryoso? Takot ba sya o mahilig?"

"Takot," Matipid nitong sagot. Napatingin naman ako kay Sandro habang hindi makapaniwala. Si Sandro? Takot sa aso? Seryoso?! "Ayaw mo maniwala? Panoorin moto"

Inayos muna nya ang boses niya bago sumigaw na hindi ko talaga inaasahan "Sandro!," napalingon naman si Sandro habang nakakunot ang noo "May Aso!!!" Nanlaki ang mata ni Sandro at dali-daling umakyat sa isang Puno.

"WAAH! NASAN!?" nagpalinga-linga ito at napatigil ng marealize na niloloko namin siya. Natawa naman kami pati si Riku ay natawa- wait si Riku natawa?

Napalingon ako kay Riku na tumatawa na ngayon ko lang nakita. Maganda pala siya kapag nakangiti. Hindi ko namalayang nakatingin napala saakin ang nakangiting si Riku. Kainis! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi ito yung feeling na natatakot ako, iba siya parang may kung ano sa tiyan ko habang nagtapat ang mga mata namin. "Hoy! Wag nyo na nga akong pagtripan!" Bumalik ako sa reyalidad dahil sa nakakarinding boses ni Sandro na nakababa na ngayon. Patuloy lang siyang inaasar nila ni Miya at Sora habang si Frey ay mahinang natawa.

"A-ahh tama na yan" nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit patuloy parin ang pagtawa nila. Hindi ko talaga inaasahang ang tulad ni Sandro ay takot sa Aso.

Sa 'di kalayuan ay tanaw ko na ang isang kahoy na tulay. Siguradong yun na ang daan sa labas ng gubat. "Malapit na tayo" nakangiting sabi ni Felisha. Isa din itong si Felisha, dati ay ang sungit niya saakin pero ngayon ay ang bait niya saakin at dikit pa ng dikit.

"Ziro sabi ni Freya ay maghihintay siya sa Life city," mahinang sabi ni Sora na nakatuon lang ang tingin sa daan. Napatungo-tungo nalang ako at tinuon nadin ang tingin sa Daan. Siguro eto na ang tamang panahon para tanungin siya. "Anong itatanong mo?"

Jusko! Nakalimutan ko mind reader nga pala ang babaeng 'to. "A-ah may gusto kaba kay Sandro?" Halos manigas si Sora sa kinatatayuan niya na parang bato ng itanong ko sa kaniya yon. Bat kopa ngaba tinanong ehh halata naman.

Hinila ko nalang siya dahil baka maiwan kami ng iba. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniya upang hindi siya maiwan lalo na't mabagal panaman itong babaeng ito.

SORA

Habang hawak ni Ziro ang kamay ko ay may kung ano akong nararamdaman. Parang bumabagal ang mundo ko sa mga oras nayon. Ano bang pakiramdam ito parang kasama ko si Sandro. Wala akong gusto kay Ziro pero bakit may nararamdaman akong kakaibang init sa katawan ko at dahil magkahawak ang kamay namin ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. "Z-ziro.." bulong ko pero halatang hindi niya naririnig.

Sa magandang momentong nangyayari ay nakaramdam ako na may nakatingin saakin. Nagpalingon-lingon ako at natapat iyon kay Riku na nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Ziro. Hindi ko man mabasa ang nasa isip niya pero alam kong nagseselos siya.

Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa kamay ni Ziro pero bakit ang higpit ng hawak niya?! Sasakalin ba niya ang kamay ko?!! "Ziro! Bitaw!" Natuon ang atensiyon ng mga kasama namin at ganon din si Sandro. WAAAHHH! MASAMA ANG TINGIN NIYA SAAKIN!!

"P-pasensya kana Sora" binitawan naman niya ako agad kaya tumakbo ako papalayo sa kaniya at tumabi kay Felisha na nasa unahan. Grabe natakot ako dun.

Lagot! Ano kaya ang naiisip ni Sandro nung nakita nya kaming magkahawa? Sinulyapan ko si Sandro at pilit na binabasa ang iniisip niya.

"Bakit kaya magkahawak ang kamay nila? May relasyon ba sila?!" Napaiwas ako ng tingin bigla dahil sa narinig.

Lagot na talaga! Iniisip niya na may relasiyon kami ni Ziro?! Waaahhh! Pahamak ka talaga Ziro!!

"Yieeee ang sama ng tingin ni sandro sayo ohh" nginusuan ko si Felisha na kilig na kilig. Anong nakakakilig sa pagtingin ng masama?!

"Ano namang nakakakilig don?!" Binangga niya ako ngunit mahina lang naman. Ngumiti siya at tinuon muli ang tingin sa daan "siguradong nagseselos siya"

"Selos? Ehh ikaw hindi kaba nagselos?" Biglang nagbago ang ngiti niya at napaltan ng malungkot na mukha. "Nagseselos, pero wala akong karapatan. Kaya anong karapatan ko para pakialaman siya sa kung sino man ang gusto niya?" Ngumiti ito ng bahagya at sumulyap kay Ziro na katabi na ngayon sina Frey at Miya. Siguradong inaasar na siya nung dalawa.

Sinulyapan ko naman si Creg na tahimik lang dahil wala namang nakausap sa kaniya. Nilapitan ko ito at hinawakan sa kamay upang akayin. "Bakit ayaw mong makipag-usap kay Miya?" Napanguso naman ito at hindi man lang nag-abalang tingnan ako.

"Baka sipain lang niya ako, ang sakit kaya nung ginawa niya saakin kanina" napangiti nalamang ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Meron siyang itim na itim na buhok at may asul na Mata. Maputi din ang balat niya na mas bumagay sa kaniya.  "Suyuin mo lang siguradong papansinin ka din nyan" nagthumbs up pa ako sa kaniya na ikinatawa niya.

"Ate ang cute nyo po!," Abay bolero din pala ang batang ito. Alam kona mang cute ako Hokhokhok. "Pero mas cute po si ate blonde" gumuho ang mundo ko ng sabihin niya iyon. So kailangan talaga harap harapan? Sasakalin ko talaga ang batang ito!

"Hindi naman siya cute!" Bulong ko pero mukhang narinig ni Creg. "Cute po siya, pero hindi lang talaga siya ngumingiti"

Tama siya, hindi nga ngumiti si Riku. Maganda sana siya kaso hindi sya ngumingiti. Napatingin ako sa isang mahabang kahoy na tulay na nasa harapan namin. Mukhang sira-sira na iyon kaya mahirap dumaan. "Felisha wala na bang ibang daan?" Tanong sa kaniya ni Sandro. Napailing nalamang si Felisha sa tanong ni Sandro.

"Mag iingat tayo baka masira ang tulay at mahulog tayo sa bangin na ilang metro din ang lalim." Babala saamin ni Felisha na sinang-ayunan namin.

Sakay-sakay sa likod ni Sandro si Creg habang si Miya ay nakasakay kay Ziro. Ang bait talaga ng dalawang ito pero hindi halata kay Sandro dahil napaka sungit.

"Sora wag kang mag-pabaya at baka mahulog ka!" Sigaw saakin ni Sandro na um-eco pa sa buong Lugar. Ang bunganga talaga ng lalaking ito napaka lake!

"Opo!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Napapalatak naman ito at nagpatuloy sa maingat na paglalakad sa tulay na umuuga na.

Isang maling hakbang lang namin ay Mahuhulog kami lalo na't mahaba ang tulay na ito. Kailangang pakiramdaman mo ang aapakan mo kung hindi ay mahuhulog ka sa bangin.

Napatigil kami ng makakita ng tao sa dulo ng Tulay. May hawak itong sulo at mukhang balak nyang sunugin ang tulay.

Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero alam kong nakangisi siya ngayon. "Paalam" agad nasunog ang tali na humahawak sa tulay at tuluyan na nga kaming nahulog.

"RIKU BAKIT KASI HINDI MO SINAMA SI YURI?!" reklamo ni Sandro habang bumabagsak kami. Siguradong ilang saglit nalang at babagsak na kami. Agada niyakap ng dalawang lalaki ang mga bata at iniharang ang likod upang sa pag-bagsak ay hindi sila masaktan.

Wala akong kakayahan ngayon upang iligtas sila dahil mahina na ang kapangyarihan ko. Wala talaga akong silbi!. "AHHHHHHHHHHHHHHH-"

THIRD PERSON'S

Walang kasiguraduhan kung ano man ang nasa baba ng bangin na iyon. Hindi alam kung ikamamatay o ikaliligtas ito. Ang taong sumunog ng tulay ay ang taong pinatawag ni Esther o mas kilala bilang Demon lord.

Gagawin niya ang lahat upang mag-hirap si Ziro sa paglalakbay at ganon din sa iba. Hindi niya balak patayin ang mga ito dahil papahirapan pa niya sila. "Hindi mo man lang pinag-isipan mabuti ang aksiyon mo pano kung mapatay mo sila?" Napatingin ng siya ng masama sa nagsalita at yun ang kanang kamay ni Esther na siyang nagsabi sa kaniya na kailangan siya ng pinuno nila.

"Wag kang mag-alala alam ko ang pinag-gagawa ko hindi tulad mo na pagmamatyag lang ang ginagawa" napairap nalamang ang babae dahil sa inasal nito. Siya ang nakakataas pero siya ang pinagsasalitaan ng ganiyan , kung hindi lang siya kailangan ay siguradong inihulog nadin ito sa bangin.

"Siguraduhin mo lang, sige aalis na ako. Magkita nalang tayo sa Life city" naglaho na ang babae kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin.

"ang Patapong iyon ay hindi na dapat naging kanang kamay ni Esther" naiinis nitong sabi. Dapat ay siya ang magiging kanang kamay ng demon lord pero dahil sa katayuan at kakayahan ng babaeng iyon ay natanggap ito bilang Kanang kamay.

Napabuntong hininga nalamang siya at nilisan ang lugar at pumunta sa susundo na pupuntahan ng grupo ni Ziro.