webnovel

Do Not Shot Baby (Billiard Series 1)

Billiard Series One

Demonica_Rose · Teenager
Zu wenig Bewertungen
10 Chs

Billiard Five

SHAN VILLARIO]

Napa awang na lang ang labi ko ng marealize ko kung sino ang tinamaan ng sapatos ko. Napa halukip kip na lang si Arlan sa ginawa ko.

Binigyan ko naman siya ng humanda-ka-sakin-mamaya-look

Agad naman akong lumapit kay Rainier. Oo yung kapre este si Rainier yung natamaan ng sapatos!

"Shuta! Sorry!"sabi ko sa kaniya sabay dampot sa sapatos ko.

"Nabali ba yung ilong mo? May masakit ba?!"sunod sunod kung tanong. Hindi naman siya kumibi bagkus ay umalis lang na parang bang walang nangyari sinundan ko naman siya ng tingin at pupunta ata siya sa second floor nila Kuya James.

Agad ko naman binaling ang tingin kay Arlan na kasalukuyan na abala sa pag aayus ng bola. Sakto nakatalikod ito.

"Humanda ka ngayun sakin!"inis kung bulong sabay bato sapatos ko.

HEAD SHOT!!!!

Agad naman akong kumaripas ng takbo papaakyat. BUWHAHAHAHA nakaganti rin ako sa kaniya!

Habol hininga na naman ako ngayun. Putik nalimutan ko mataas pala tung hagdan nila kuya. Tutal nandito na rin naman ako ay naisipan kung maglibot libot muna.

Maya maya ay may narinig akong tunog. Tunog na may nagpipiano. "Saan galing yun?"takang tanong ko. Sinundan ko naman ang tunog na iyun hanggang nakarating ako sa dulo ng hallway at tumambat sakin ang malaking pinto.

Dahan dahan ko naman itong binuksan at laking gulat ko kung sino ang nagpapatugtug.

"Rainier...."sambit ko sa pangalan niya.

"Don't go tonight.."

K-kumakanta siya?

"Stay here one more time"kanta niya ulit.

Bat parang alam ko itong kanta na ito.

"Remind me what it's like"

"And let's fall in love one more time

I need you now by my side"

"It tears me up when you turn me down"

"I'm begging please, just stick around"

"I'm sorry, don't leave me, I want you here with me"nagulat na lang ako ng biglang may tumulo na luha sa mga mata niya.

Para akong nasasaktan sa nakikita ko. Parang nararamdaman ko yung pighati niya ngayun.

"I know that your love is gone"

"I can't breathe, I'm so weak, I know this isn't easy"

Kahit ako ay napaluha na lang.

"Don't tell me that your love is gone..."

"That your love is gone....."sabay ko sa kanta niya. Napalingon naman ito sa gawi ko ng kumanta ako.

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na lang sa loob. "What are doing here?"tanong niya habang pinupunasan ang pisnge niya. Kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa ko sabay abot ko sa kaniya.

"I don't need that"pagtataboy niya. Ibinalik ko na lang ulit sa bulsa ko yung panyo. Ikaw na nga pinapariham arte mo pa! Hmp batokan kita jan eh!!

"A-ang galing mo pala k-kumanta"kinakabahan kung sabi sa kaniya.

"Hindi ko kailangan ng papuri mo"sabay tayo niya. Akma niya ng hahawakan ang doorknob ng bigla akong magsalita.

"Naranasan ko na rin yan"sabi ko habang lumalakad papunta sa piano.

Naramdaman ko naman siyang huminto. "Naranasan ko na rin masaktan, malala nga lang"mapait akong ngumite sa kaniya sa upo at nagsimula ng tugtugin ang piano.

"Everybody's laughing in my mind"kanta ko.

"Rumors spreading 'bout this other girl"

"Do you do what you did when you did with me"

"Does he love you the way I can"

"Did you forget all the plans that you made with me?"

Kakanta pa sana ako ng biglang siyang magsalita.

"Stop..."he said.

"Why?"sabi ko.

"Just s-stop!"nanginginig ang boses niya saka padabog na sinirado ang pinto.

Napapikit na lang ako sa lakas ng pagkakasarado niya.

Maya maya pa ay bumaba na ako at naabot ang magkapatid na naguusap napatingin naman sila sa gawi ko saka tinawag ako.

"Oh galing ka sa taas?"tanong ni kate.

"Hindi galing ako sa bubong! Malamang galing ako sa second floor!"balang kung sagot. Saka umopo sa mahabang sofa at preteng umopo.

Nilibot ko ang tingin ko at nahagip naman nun si Rainier na tahimik na naglalaro kasama niya yung babaeng morena. Gulat naman akong tumingin ito sa akin at nag iwas naman ako ng tingin.

Sinalpak ko na lang ang earphone ko sa tenga ko at nakinig na lang ng mga tugtug ata saka ipinikit ang mga mata ko.

Maya maya ay may naramdaman akong umopo sa may tabi ko. Hindi ko na lang ito pinansin at nakinig na lang sa music.

Habang nakikinig ako ay parang may nagsasalita sa labas ng earphone ko. Iminulat ko naman ang mga mata at sa gulat ay napabalikwas ako ng upo.

"Teka lang kanina ka pa jan?!"gulat kong tanong sa kaniya. Mahinhin naman itong tumawa saka tumangon. Awit sanaol mahinhin tumawa ako kasi kala mo demunyon kung makatawa😀

Dahan dahan naman akong tumayo habang hawak hawak ang balakang ko. "Putik medyo masakit yun ha?"bulong ko at umayos ng upo.

"Sorry if i scared you"hingi niya ng tawag.

"Nah! Wala yun, tsaka nagulat lang ako kasi tumabi kasi sakin"i said.

"By the way I'm Chris Jean Sy"lahad niya sa kamay niya.

"Shan Ry Villario"pakilala ko saka nakipagshake hands sa kaniya.

"Bakas sa mga galaw niya na hindi niya pa nalilimutan yung babae"bigla niyang salita saka lumingon sa kinaruruonan ni Rainier.

Na pa 'Ha?' Na lang ako sa mga sinabi niya.

"Nothing, forget what i said"sabi nito saka bumalik na sa pwesto nila.

"Magulo yun ah?"bulong ko.

_______________________________:>