webnovel

Twelve

Dumaan ang ilang oras na naruon at nakaupo parin kami sa matayog na lugar na ito. Pinagmasdan ko lamang siya ngunit nakatitig lamang siya sa natatanaw ng kanyang mga mata at may malalim na iniisip. Marahil ay nagiisip sa kanyang gagawin sa pamilya niya.

Ilang beses ko ba rin siyang nakikitang bumubuntong hininga. Napatingin ako sa langit at mukhang magtatakip silim na nagbabadya narin ang malakas na buhos ng ulan.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagbabalak na sindihan ang kandila, ngunit kasabay ng pagsindi ko ng posporo ay ang pagdapo ng butil na tubig na galing sa langit. Umuulan na!

Tiningnan ko si Ria ngunit mukhang wala parin siyang balak na tumayo kahit na nababasa na siya ng ulan. Nataranta ako baka magkasakit siya?

Napatingin ako sa kandali na nasa aking bulsa ngunit wala akong makitang paglalagyan nito sa oras na sindihan ko. Puro damuhan ang nakapalibot saamin at wala ni kahit isang bahay kubo na malapit.

Napansin ko ang pagtayo ni Ria, basang basa narin ito ng ulan. Kahit ako ay basang basa narin. Napatingin ako sa langit.

Siguro ayaw mo lang talaga saakin pasindihan ang kandila.

Nagsimula na siyang maglakad ngunit sa hinaba haba ng nilakad namin, akala ko uuwi na siya ngunit nagtaka ako ng iniba niya ang direksyon nang pupuntahan. Pamilyar saakin ang daang tinatahak niya. Hanggang sa huminto siya sa bahay na kanina lang ay pinagmamasdan niya. Tumingin siya sa may Veranda at tuloy tuloy na bumagsak ang luha. Dito ako madalas na umuupo noon.

Hinayaan ko siya sa ganuong posisyon habang nakikita ko naman ang sarili ko na pumapasok sa bahay na naging waksi ng paglaki ko.

Wala parin itong pinagbago-ganuon parin ang pagkakaayos nito. Sa gilid ay makikita ang mga litrato namin ng kapatid ko, simula pagkabata hanggang sa nagbinata. Hinanap ko si Mom ngunit hindi ko siya makita. Sunod kong pinuntahan ang kusina namin, katulad ng dati-wala paring pinagbago nanduon parin ang pinggan at baso na palagi kong ginagamit. Napansin ko rin na nanduon si Manang, naghahanda ng hapunan. Napangiti ako ng maalala kung gaano ko siya nilalambing noon.

Sunod kong naidako ang paningin ko sa taas na kung saan ay naruon ang kwarto namin.

Dahan-dahan akong humakbang, sa unang pinto ay ang Master Bedroom, kwarto nila Mom. Binuksan ko ito at hinanap si Mom ngunit wala akong bakas niya na nakita.

Sunod na kwarto ay ang kwarto ng aking kapatid- pumasok ako sa loob at pinagmasdan ito.

Masyado paring makalat yung babaeng iyon, sa tabi ng kams niya ay naruon ang picture naming dalawa. Nagkukulitan, tinatago niya parin pala ito.

Napako ang mga paa ko sa huling kwarto-sa pinto pa lamang ay nagbabadya na ang luha na pumatak sa mata ko.

"You will always be remembered, We Love You" iyan ang letra at salitang nakaukit sa labas ng pinto.

Pagpasok ko pa lamang sa loob ay napansin ko na kaagad si Mom, nakatitig at umiiyak roon.

Ang kaninang pinipigilan kung luha ay tuluyan ng lumandas, hindi ko kayang ganito sila araw-araw sa tuwing wala ako. Ayokong makita silang ganito. Nasasaktan at hindi matanggap ang pagkawala ko. Isang taon na ang lumipas please Mom let go of me. Please be brave.

Napatayo ako at nagpunta sa lagayan ng aking mga libro-hinanap ko roon ang Journal at Sketch Pad ko. Pinilit kong hawakan iyon ngunit tumatagos lamang ang kamay ko.

Napahawak ulit ako sa kandila, oras na ba para sindihan ang pangalawa? Pero- Sandali akong napapikit, pinunasan ang luha na pumapatak at nagfocus sa aking gagawin. Nagawa ko na ito noon hindi malabong hindi ko rin ito magagawa ngayon.

Ipinikit ko ang aking mata at nagdasal sakanya. Just this one. Please....

Napangiti ako ng biglang nahulog ang aking Journal at sketch Pad. Gulat na napatingin doon si Mom.

Sinimulan niyang buklatin ang unang pahina-ganun na lamang ang hagulhol niya ng makita niya ang kanyang sarili doon, masaya habang nagluluto ng hapunan saamin. Sa pangalawang pahina ay ang aking kapatid na nanunuod sa Sala. Sa pangatlong pahina ay ang kararating na si Dad, nakahimas sa kanyang batok habang si Mom naman ay kinukuha ang gamit nito. Sa pangapat ay ang Portrait naming pamilya na iginuhit ko. Tandang tanda ko na itong sketch pad na ito ang nalalabasan ko ng masasayang ala-ala. Kaya gusto kong ang sketch pad rin na ito ang magpasaya sakanila habang wala na ako.

Sunod na tiningnan ni Mom ang Journal ko. Napangiti pa ako ng kunti dahil dito nakapaloob lahat ng guhit ko kay Ria. Sa coffe shop.

Nakita ko ang pagngiti ni Mom. "Pilyong bata talaga" naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya at tsaka nagtungo sa Veranda, unang natuon ang atensyon niya sa isang babae basang-basa sa ulan at nakatitig kung nasaan siya ngayon.

Napakunot ang noo ko sa ginagawa ni Mom, pinaghahamping niya ang babae sa labas ng babae at ang nasa Journal ko. Matapos makasigurado ay mabilis na lumabas si Mom sa silid at nagtungo sa labas ng bahay.

Sinundan ko siya, buti na lang at tumila na ang malakas na ulan. Nagsimula naring humakbang si Ria paalis sa tapat ng bahay namin nang bigla siyang tawagin ni Mom.

Walang emosyon siyang napatingin.

"Po"

"Ija, basang-basa ka."

"Wala po ito" sagot niya.

"Pumasok ka muna sa loob" anyaya ni Mom.

"Naku hindi naman po. Malapit narin naman po ang bahay namin dito" sagot niya.

Natahimik si Mom at hindi malaman kung paano magsisimula. "K-kilala mo ba ang anak ko?"

"Po?"

"Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula, pero nakita ko kasi ito sa kwarto niya." iniabot ni Mom ang Journal ko sakanya.

Nagaalangan pa niya itong tinanggap. "I think it sould belong to you."

Hindi ko mabasa ang pinapakita niyang emosyon-nakatitig lamang siya sa Journal ko.

"Mukhang dati ka pa iginuguhit ng anak ko. Kaya mas mainam na ibigay ko ito sayo. Kung may tanong ka, sabihan mo lang ako. I should go parating na kasi Husband ko. I need to prepare."

Hindi na nagawang makaimik ni Ria habang titig na titig parin siya sa Journal na hawak niya. Dahan-dahan ang kanyang paglalakad habang binubuklat ang bawat pahina nito...

Napapikit siya na wariy dinaramdam ang lahat. Napatingin siya sa langit.

"Kung nakikita mo ako ngayon, bakit? Bakit ngayon lang. Matagal na kitang gusto-sobrang tagal na. Elementary pa lang ako. Bakit ngayon lang... Kung kailan wala kana."

"And you Lord, bakit ang lupit lupit mo saakin. Ang unfair mo. Siya na nga lang ang nagpapasaya sa buhay ko. Kinuha niyo pa. Why the world is so mean to me... Tao lang din naman ako. Lahat, lahat ng nakapalibot saakin ay magulo at mali, siya na nga lang ang tama kinuha niyo pa." napapikit ako at mabilis na kinuha ang kandilang hawak-hawak ko.

Ipinatong ko lamang ito sa gilid ng kalsada.

Kung ito talaga ang tamang oras na sindihan iyan, kahit bagyo pa ang dumating-hinding hindi mawawalan ng sindi ang kandilang iyan.