webnovel

Eighteen

Ilang araw na ang lumipas at kapansin pansin parin ang pagiiba sa behavior niya, maging ang kaibigan niya sa school ay nagtataka at nagaalala na din. Mas lalo na ang kanyang Ina.

Sinusundan ko siya habang nakayukong naglalakad. Kunot noo ko siyang tiningnan at sinundan ang tinitingnan niya.

Katulad noon marami paring nagkakarerang mga sasakyan ang dumadaan. Pedestrian lane.

Tinuon ko ang pansin ko sakanya ngunit mga naguunahang luha ang kapansin pansin sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras para gawin iyon. If I could just 1 another candle hindi ako magdasalawang isip na sindihan iyon at yakapin siya ngayon.

Nanatili siyang nakatuyo doon for almost an hour na wariy may gustong maalala. Tumabi ako sa tabi niya at sabay naming tiningnan ang spot na huli ako nalagutan ng hininga.

Napabuntong hininga ako. Kaya siguro siya ganito ay dahil gusto niyang maalala kung sino ang taong iyon, yes she know that I die because of her. But the only thing that she cant remember is who is that person. She cant remember my face.

Napatitig ako sakanya.

Makakaya mo kaya kung sino ako Ria?

Nakahinga ako ng maluwag nang magsimula na siyang maglakad paalis doon, mukhang may pumasok na ideya sa isip niya. Nagtataka akong sumusunod sakanya. Dinala niya ako sa Coffee Shop na palagi kong tinatambayan at dahilan kung bakit ko siya nakilala.

Binati siya ng cashier.

"Hi Mam Ria, yung dati parin po ba?" masiglang bati noong cashier sakanya. Ngunit hindi ito nakasagot.

"Hindi ako pumunta dito para umorder. I came here to see the album of your customer"

Napakunot noo ang cashier. "Ha? Mam para saan po?"

"May ive-verify lang ako" sagot niya.

Kahit nagtataka ang cashier ay nakuha niya paring sumunod. May kinuha lamang siya sa drawer at ibinigay na niya ang isang napaka-kapal na album kay Ria.

Tahimik na napaupo si Ria sa isang bakanteng upuan habang tumabi naman ako sakanya. Walang emosyon niyang inililipat sa iba ang pahina habang nanginginig ang mga kamay niya.

Alam kong naglalaro sa isip niya ang presensya ko, maybe its the time for him to settle all her thoughts.

Napatigil siya sa isang pahina, napatitig ako doon.

Nakikita ko na ang mukha ko na nakatitig sa babaeng nasa kabilang table. Napangiti ako ng bahagya. Kahit noon pa, gustong gusto ko na talagang pinagmamasdan siya.

"Unbelievable" bulong niya habang titig na titig sa larawan na nakahain sa harap niya.

Dumating ang server at binigyan siya ng tubig. Nakita ko din na sinilip niya ang piilture na naruon.

"Si Sir Troy po ba ang tinitingnan niyo Mam?"

Hindi nagawang tumingin ni Ria dahil sa sinabi noong server.

"Naalala ko noon kung gaano niya kagustong pumunta dito dahil sayo. He comes here everyday just to see you. Aalis lang siya kapag aalis kana. Sayang lang at wala na si-" Napatayo si Ria at namumugto ang matang tumingin sa server.

"Mam ok lang po ba kayo?" nagaalalang tanong nito.

Tumango si Ria. "Pwede ko bang hingiin ang picture na ito. Just this one ok lang ba?" hindi nkaimik ang server bagkus ay napatango na lamang siya dahil sa sinabi nito.

Mabilis niyang kinuha ang larawan at halos takbuhin na niya ang bahay nila makarating lang.

Pagkapasok sa loob ng kwarto ay nagmamadali niyang hinanap ang bagay na hindi ko alam kung ano.

Napatigil lang siya ng makita na niya ito. My sketch pad.

Pinaghambing niya sa larawan ang ang sketch pad.

Simula ng mga oras na iyon. I knew she already recognize me.