Dear Diary,
So ayun nga. Medyo natagalan na naman bago kita nasulatang gaga ka. Pasensya busy ako eh. I'm a very busy person ya' know. I don't have time for you - charoot! Syempre susulatan pa rin kitang hayuff ka. Kasi pagkatapos 'nung valentines, naging busy na kami sa school. Nagpaexam na 'yung mga lecturer kahit hindi naman namin naaral, potanis. Nakakapunyeta. Ang hihirap ng mga tanong. Saka syempre, graduating kaya puro praktis ang ginawa namin.
Magkukwento lang naman ako ng kagagahan ko dito no duh. Makinig ka huh?! Kahit na marami kang utoy makinig ka pa rin, potanis lang kapag di ka makinig.
Una kong ikukwento syempre nung Graduation namin noh. Sayang ka diary wala ka dun haha! Akala ko mag-i-speech ko hindi pala pisti! Tinawag pa ako sa harap mag-aalalay lang pala paking tape! Wala man lang akong nakuhang award diary! Sa ganda at talino kong 'to wala silang ibibigay na award sa'kin! Oh My God!
So ayun nga diary, haggard na haggard ako sa pag-aalalay sa mga guests. Hello? Mah gragraduate ako tapos ganito? My ghad! Potanis ba sila?
Tapos itong si Mimi naman kala mo kung gragraduate ng With Highest Honor! Kontodo make up ang gaga! Para siyang ililibing! Sarap ipasok sa kabaong ang gaga! Ang sabi lang sa'min sunday dress ang isusuot kase magtotoga. Etong dambulahang hippopotamus nag gown! Mas lalo lang akong nainis! Mukha siyang Ghost Bride diary! Nakatoga tapos gown?! Adik ba siya?! Nakakapang-init ng ulo to the point na namumula na yung mukha ko at nagmumukha nanaman akong adik.
Tingin pa siya ng tingin sa'kin.
Inggrata ka teh? Taenis na 'yan.
Inikutan ko nalang siya mata yung 360 degrees para bongga. Tapos pagdating naman ng Tribute at Graduation Song, nag-iyakan sila. Anong nakakaiyak?! Kala mo kung mamamatay ang mga gaga! Para namang hindi magkikita kita eh magkakapit bahay lang naman sila! Imposible rin na hindi sila magkita kita dito sa school kapag kukuha ng mga requirements! Nakakaloka! Ito pa si Mimi. Kung makangawa kala mo namatayan! Kumalat sa buong mukha niya yung eyeliner niya! Di ko malaman kung tao pa ba siya o hindi na. Sumasabay pa sa luha niya yung sipon niya. Buti sana kung malabnaw eh green na green nyeta!
Binigyan ko nalang siya ng ampalaya pero shinoot ko sa bunganga niya nang manahimik ang hippopotamus! Nakakirita yung boses niya! Sarap niyang hagisan ng hallowblocks, kutsilyo, ref saka papag. Nakakagigil talaga! Infairness sa'kin, nakapagdala pa ako ng ampalaya sa graduation day. Pero di ko na kukunin sa kanya yon. Yak. So gross. Baka mamaya may virus siya sa katawan na constaging, nakakahawa ba ganun.
On the good side naman, muntik ng malaglag yung panty ko diary. Hanggwapo ni Asphyx! Nekekekeleg enebe! Naka longsleeve siya na black and white tapos nakaslacks atsaka black shoes. Makalaglag panty mga bes! Magpapapicture sana ako sa kanya diary kaso si kumareng Mirna niyo atat umuwi! Nakakaasar! Kung hindi ko lang Nanay 'to nabalibag ko na! Choss! Hinila na kami ni Mumoy pauwi marami pa raw labahan sa bahay. My ghad!
Pagkatapos ng graduation, sunod ang semana santa. Hindi na naman kita nasulatan noon kasi nagpupunta kami ng simbahan ni Nanay na malapit lang sa nilipatan namin. Syempre dahil mabait akong tao, mukha pa akong anghel, syempre nagsimba ako.
Cherishing God's sacrifices for us.
Oh english yan, baka hindi niyo maintindihan i-google translate niyo nalang. Hindi ko alam kung tadhana ba talaga o sadyang malas lang talaga ako diary kase maski sa simbahan nandoon si Mimi. Buti na nga lang talaga at hindi siya nakapasok. Umuusok siya diary e. Nasa labas palang siya ng simbahan umuusok na siya. Mukha siyang barbeque na iniihaw. Ew. Kadiri. I do not know lang ha kung anong nangyayari sa dambuhalang hippo.
Syempre kung nandoon si Mimi, nadoon rin si Ricardo Kapahamakan Jr. Yung ex jowa kong kampon ni Hipolito ng Ang Probinsyano. Isa pa yan sa kinaiinisan ko, hindi matapos tapos my ghad! They're getting into my birds talaga! Potanis ulit.
On the good side ulit, kasama ko si Asphyx. Ewan ko ba dito, napakakulit! Laging nakabuntot sa'kin! Kulang nalang pati sa pagligo sumunod sa'kin! Masyado bang mahaba ang buhok ko? Masyado ba akong maganda para sundan ako? Myghad!
Pagkatapos ng semana santa nagsulputan na ho yung mga kandidato. Jusko po rudy! Napakaingay ng mga jingle nila! Kala mo naman kinaunlad ng Pilipinas yung mga music nila! Mangangampanya ngayon, pagkatapos ng halalan mawawala ng parang bula. My ghad! Magha-house to house pa diary. Aabutan pa kami ng flyers pangsunog rin kang naman namin.
Ang maganda lang dito diary, may datung. Mababalitaan na lang namin na may namimigay ng isang daan o kaya tatlong daan kaya sugod mga kapatid kami! My ghad! Nagmumukha akong mukhang pera! Slight lang naman.
Syempre mawawala ba naman si Asphyx? Lagi yang nakatambay sa bahay kaya laging naabutan. Kala nga ni nanay jowa ko, duh. I'm single but not ready to mingle. Hindi pa ako handang isuko ang bataan! Masakit! Pero kung si Asphyx, edi push, charot!
Nagtataka na nga ako kay Asphyx diary e. Lagi na siyang nandito sa bahay. Baka mamaya isipin ng mga kapitbahay jowa ko at ibinahay ko na! Mga kapitbahay ko pa naman napakatabil ng dila! Pasmado mga bunganga sarap ihian. Mas lalo na yang Nanay ni Mimi! Akalain mong ipinagkalat na sila na ng anak niya saka si Ricardo! Nakakaloka diary! Kala mo naman kung totoo! Nakakagigil! Sarap siksikan ng baga bunganga nila!
Isa pa 'tong si Asphyx, di ko malaman kung anong dahilan kung bakit laging nakasunod sa'kin sarap ipatokhang ang hayuff!
Pero hindi ko rin naman maiwasang hindi kiligin. Kente leng nemen eh. Hehe. Kase naman diary, do'n na siya kumakain sa bahay. Siya pa nagluluto. Feeling ko isa akong prinsesa hihi! Ang landi mo na.naman Milan.
Yan lang naman ang latest happenings sa napakaganda kong buhay. Ang pinagkakaabalahan namin ni Asphyx maghanap ng mapapasukang kweba - joke! Syempre university. Mag-aaral pa naman ako diary! Kahit ganito ako kabitter may pangarap naman ako diary! Di kagaya ni Mimi Miketong at Ricardo Kapahamakan Jr. na ewan ko ba kung may plano sa buhay yang mga yan! Maglampungan nalang sila jan! Sarap nilang ilubog sa kumunoy total dun naman tirahan ni Mimi! Doon ang homeland niya! Basta ako, gusto kong maging flight att-- flight-- ano na yun? Basta yung sa eroplano! Yun! Gusto ko maging ganun hihi!
Ang mahalaga may pangarap ako duh! Tsaka yun talaga gusto ko kase ang pangarap dati ni Klentong piloto. Kaya sabi ko noon sa kanya mag FA ako. Pero wala na yung gagong yun! Di ko alam kung san nagpunta ang hayuff. Ako nalang tutupad sa usapan namin!
Si Asphyx daw gusto niyang maging Piloto. Natuwa naman ako sa pangarap niya haha! Nakikita ko sa kanya si Klentong eh. Kahit wala si Klentong anjan siya. Oh diba san ka pa? Haha!
"Milan! Anjan ka sa kwarto mo?!" May narinig nanaman akong sigaw sa labas mg kwarto ko.
Panigurado diary si Asphyx nanaman. Jusko po rudy!
"Milan! Pag di mo 'to binuksan papasok ako jan!" Dagdag niya.
Nakakaloka diary "Oo na! Nyeta! Maghintay ka jan!" Sigaw ko.
Oh siya diary, sa susunod na lang ulit. May nangangailangan ng ganda ko choss!
Magandang dilag + henyo = Diyosa,
Milan.
***