webnovel

Diary ng Dakilang Bitter (Walang Forever Believer)

Akirokyd · Teenager
Zu wenig Bewertungen
26 Chs

Bitter 22

Dear Diary,

Binaba ko na agad ang tawag at nagtungo na ako sa ospital, diary. Hindi na ako nakapagpaalam kay taong bagang dahil bigla akong sinalakay ng kaba nang malamang tungkol kay Clent ang dahilan ng pagtawag ni Asphyx.

Lakad takbo akong pumunta sa ospital, diary. Sa bawat pagtakbo ko, ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng puso ko. Tagaktak na rin ang pawis ko, diary. Mapepektusan ko talaga si Asphyx diary kapag nalaman kong nagloloko lang siya. Pero imposible namang lokohin ako ni Asphyx gamit ang kuya niya , 'no!

Nagtataka lang ako diary kung anong nangyari kay Clent? May komplikasyon ba? Bakit ba kasi nanginginig at parang naiiyak ang boses ni Asphyx kanina? Potanis na 'yan! Baka may masama nang nangyari!

Sunod-sunod na tanong ang tumatakbo sa isipan ko, diary. Nakikipagsabayan pa sa pagtakbo ko, potanis na 'yan! Bakit pa parang biglang lumayo ang distansya ng ospital at pet shop? Akala ko ba magkalapit lang 'to? Taenis!

Binilisan ko na lang ang takbo, diary para makarating ako agad sa ospital.

Nang makarating ako sa bungad, kahit nanhinihingal ay dire-diretso kong inakyat ang hagdan papasok ng ospital. Hindi dapat ako mag-aksaya ng oras. Kailangan ako ni Clent, diary. Nang tuluyan na akong nakapasok, tumakbo agad ako sa kwarto ni Clent at nadatnan ko sa labas si Asphyx na wala sa sarili at medyo maluha-luha pa.

"Asphyx! A-anong nangyari kay Clent?" Nag-aalala kong tanong. Nang marinig niya ang boses ko ay humarap siya sa'kin at nagsimula nang tumulo ang luha niya, diary. "Hoy! Anong nangyari?" Hinawakan ko ang mukha niya para mabalik siya sa sarili niya dahil parang wala talaga siya sa sarili niya. Potanis! Pinapakaba niya ako lalo!

"S-s-si K-kuya…" Panimula niya at hindi pa rin siya tumutigil sa pagluha.

"Ano nga? Letche naman oh!" Nagsimula na ring manubig ang maga mata ko, diary. "Anong nangyari, Asphyx?"

Wala pa rin akong nakuhang sagot, diary kaya kahit na kinakabahan ay binuksan ko ang pintuan kwarto ni Clent. Pinihit ko an busol ng pintuan, diary.

Bumungad sa'kin si Nanay at Tita Eli na magkayakap at umiiyak.

"Clear?"

"Clear."

Napako ang paningin ko sa isang doktor at tatlong nurse na nasa tabi ng kama ni Clent at may mga apparatus sa tabi. Kung hindi ako nagkakamali, defibrillator ang tawag doon. Duh diary alam ko 'yan 'no. Matalino yata 'to!

Ni-rerevive nila si Clent! Bakit? Anong nangyari?

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo sa kinaroroonan ni Clent.

"C-clent! Clent!" Pagtatawag ko sa pangalan niya, kahit na alam kong hindi niya ako naririnig. Hinarang naman ako ng isang nurse.

"Miss, hindi po pwede." Hindi ko siya pinakinggan at patuloy pa rin sa pagpupumiglas mula sa mahigpit niyang paghawak sa braso ko, diary. Potanis siya! Kapag ako nagkapasa mapepektusan ko 'yan sa eyeballs!

"M-milan! A-a-anak, hindi p-pwede!"

"Iha, h-h-hayaan mo na silang a-a-asikasuhin si Clent!" Tinatawag na rin ako ni Nanay at Tita Eli pero hindi ko rin sila pinakinggan. Parang bigla akong nabingi dahil hindi ko na pinapakinggan ang mga sinasabi nila.

"Milan, ano ba!" Tumulong na rin si Asphyx sa pagpigil sa'kin pero masyado akong malakas kaya naitulak ko sila palayo sa'kin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong lumakas, diary. Pero mas mabuti na'to para makapunta ako sa tabi ni Clent.

Matagumpay akong nakapunta sa tabi niya, diary. Tinuck-in kobsa tainga ko ang pesteng buhok ko dahil sagabal siya sa maganda kong mata , diary. Kinuha ko ang kamay ni Clent at inilagay iyon sa pisngi kong punong-puno ng luha, diary.

"C-clent? N-naririn-nig mo b-ba ako, ha? L-lumab-ban ka, please. L-lumaban ka…" Para akong tangang kinakausap siya diary kahit na impisibleng marinig niya ako. Kung titignan ako ngayon, para akong batang cute na inagawan ng pagkain ni Mimi.

Hindi ko kaya…

Napapikit ako nang mariiin, diary. Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha mula sa mata kong parang ilog ngayon dahil walang sawa sa pag-agos ng luha. Sigurado ako na pagkatapos nito, kung matapos man, mugtong-mugto ang magaganda kong mata, diary.

Habang nakapikit, napadasal na lang ako, diary.

Lord, huwag mo po muna siyang kunin, please? Extend mo pa po buhay niya. Bigyan mo pa po kami ng chance na makasama ang isa't isa, Lord. Parang awa mo na. Ngayon lang po ako hihingo sa inyo ng pabor, sana pagbigyan niyo po.

Pagdadsal ko habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Clent, diary. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako napadasal nang ganito katindi. Buong buhay ko, wala akong hiniling sa kaniya kasi masaya na ako sa kung ano ang mayroon ako. Pero ngayon, buhay lang ni Clent ang hinihingi ko sa kaniya… na sana humaba pa ang buhay niya… at sana dinggin niya 'to.

Habang nasa ganoong posisyon, hindi ko maiwasang mapa-isip at magalit dahil sa mga nangyayari. Napakadaya ng mundo! Napaka-unfair! Bakit ba ganito kalupit ang tadhana sa'kin? Sa'min?

Naging masama ba akong tao, diary? Naging masama ba ako? Oo, magaspang ang ugali ko at ma-attitude ako minsan, pero hindi naman yata sapat iyon na dahilan para maranasan ko lahat ng ito! Lahat ng pasakit na ito? Hindi ko 'to deserve! Hindi namin 'to deserve, diary!

Marami namang mas masamang tao diyan, diary pero… p-pero bakit kami? Bakit kailangan kami ang makaranas nito, diary? Sa dinami-rami ng mga taong masasama at halang anf kaluluwa sa mundo, bakit kaming mga inosente ang pa ang kailangang humarap sa ganitong mga pagsubok?

Nakakapotanis lang, diary!

Hindi ko kinikeri!

Hindi ko namalayang akap-akap na pala ako ni Asphyx, diary habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Gusto ko sana siyang singhut-singhutin pero barado ang ilong ko, diay. Next time na lang siguro.

Kumalas naman ako sa kaniya, diary at pinunasan ang luha ko gamit ang damit ko. Pasimple na rin akong suminga doon, dahil hirap na akong huminga, potanis 'yan! Minulat ko ang mga mata ko diary at nakitang pinapump nila ng oxygen si Clent, diary. Lumapit ako sa kaniya ay hinawakan ko ulit ang kamay niya, diary.

Dahan-dahang tinanggal ng doktor ang big-valve mask ventilation sa bibig ni Clent. Oh, alam ko na naman 'yan diary! Sabi sa'yo matalino 'to eh.

"Patient revived." Anunsyo ng doktor na nagpaluwag sa pakiramdam ko.

"Salamat sa Diyos!" Dinig kong sabi ni Nanay at Tita Eli.

Nang sabihin iyon ng doktor, hindi ko napigilan ang pag-agos na naman ng luha ko, diary dahil sa tuwa. Inilagay na rin ng doktor 'yung parang mask na konektado sa oxygen tank – oxygen mask ata 'yun, narinig ko sa doktor kanina – para sumuporta sa paghinga niya.

Kinausap naman ng doktor si Tita Eli at Nanay. Samantalang kami ni Asphyx ay nanatili sa tabi ni Clent na walang malay. Kinalma ko na rin ang sarili ko pero hindi ko pa rin binibitiwan ang kamay ni Clent.

Ayaw ko.

Hindi ko bibitawan ang kamay niya, diary.

---

Buong akala ko talaga kanina, diary mawawala na sa'kin si Clent. Akala ko mamamatay na siya. Pero mukhang dininig ni Lord ang dasal ko kanina. Pinagbigyan niya 'yung hiling ko. Malakas yata 'to sa kaniya, diary.

Hindi ko kakayanin kapag nawala ulit siya sa'kin, diary. Kahit ito na lang ang hiling ko sa nalalapit kong kaarawan diary. Sa ikadalawampung taong kaarawan ko, kahit ito na lang. Hindi ko na hihilingin na gumanda ako, kasi maganda naman na talaga ako, basta pahabain pa niya 'yung buhay ni Clent, okay na ako. Kahit wala nang magardong handaan o kaya bonggang party, 'yun na lang. Ibalato na sana sa'kin ni Lord 'yun.

Gusto ko pang masulit 'yung mga panahong nalalabi sa kaniya. Ngayon na nga lang kami nagkita tapos ganito pa? Aba! Hindi naman ata tama iyon, diary!

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Clent, diary. Pinapalitan siya ng suwero kaya minabuti kong lumabas muna. Nasa loob din si Nanay, Tita Eli at Asphyx. Gusto ko nga sanang kausapin si Tita Eli tungkol sa sinabi ni Nanay, pero nagbago ang isip ko, diary. Ayaw ko munang dumagdag sa pasanin niya ngayon. Mas mabuti siguro kung naka-focus lang muna siya sa kalagayan ni Clent, saka na ang mga personal ma bagay. Mas mahalaga ngayon na mas pagtuunan ng pansin ang kondisyon ng anak niya.

Kwento sa'kin ni Asphyx kanina diary na kahapon daw, nang makauwi ako,  naging masama daw ang kondisyon ni Clent. Nagsuka daw siya ng dugo. Hanggang sa umabot daw iyon kaninang umaga. Inatake siya sa puso kaya kinailangang gamitan siya ng defribrillator. Hindi lang pala cancer ang sakit ni Clent, may sakit din siya sa puso.  Agad daw tinawagan ni Tita Eli si Nanay para pumunta dito. Wala naman silang ibang matatawag kundi si Nanay. Nang magseizure daw si Clent ay agad silang nagtawag ng doktor. Iyon din ang oras na tinawagan ako ni Asphyx.

Sabi ni Asphyx, natatakot daw siya para sa Kuya niya kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya. Umabot pa sa puntong napa-iyak siya. Hindi raw niya makakaya kapag nawala ang Kuya niya. Sino ba namang hindi, di ba diary? Sino ba naman ang gustong mamatay ang kakambal niya di ba? Nakasama niya sa sinapupunan ng Nanay nila sa loob ng siyam na buwan at kasama niya hanggang paglaki tapos mamamatay kang dahil sa letcheng potanis na cancer na 'yan? Kaya naiintindihan ko siya, diary.

Napatingin naman ako sa selpon ko diary at nakitang may mga missed call at texts na galing naman kay taong bagang.

Patay.

Hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kaniya kanina nang umalis ako. Pasado alas siyete na at malapit na ang closing ng pet shop. Hmp! Bahala siya diyan! Magpapaliwanang na lang ako sa kaniya kapag pumasok ako. Maiintindihan naman siguro ni Taong Bagang 'yun.

"Milan," Nag-angat ako ng tingin dahil narinig kong tinawag ako ni Asphyx na nakadungaw sa may pintuan.

"Bakit? May problema ba?" Umiling naman siya saka nagsalita.

"Nagising na si Kuya. Gusto ka raw niya makita." Ibinalik ko naman sa bulsa ko 'yung selpon ko saka pumasok sa loob.

Nang makapasok ako, nakita ko si Tita Eli na nakasandal at natutulog sa balikat ni Nanay na nasa sofa. Si Nanay naman nakapikit din. Ewan lang kung tulog siya. Nakakatuwa na sa kabila ng mga nangyari sa kanila ni Tita Eli, isinantabi niya 'yun para kay Clent. Mas nanaig pa rin ang pagkakaibigan nila, diary.

Dumiretso naman na ako sa kama ni Clent. Nakalagay pa rin 'yung oxygen mask sa ilong niya, diary.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya at hinawakan ang kamay niya. Nang maramdaman niya ang kamay ko ay dahan-dahan niyang iminulat ang mata niya at tumingin sa'kin. Nginitian ko naman siya at kahit na nahihirapan ay nagawa pa rin niya akong gantihan ng ngiti.

"Okay ka na ba?" Pagtatanong ko kahit na alam kong hindi siya okay. Tumango naman siya bilang sagot. Alam kong hirap na hirap na siya dahil sa sitwasyon at kondisyon niya ngayon kaya hindi na niya magawang magsalita pa.

"Magpagaling ka para sa'kin at para sa sarili mo…" Mahina kong usal sa kaniya, diary. Naramdaman ko namang humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"M-milan…" Agad naman akong napalingon sa kaniya nang masalita siya.

"May masakit ba sa'yo?" Umiling naman siya diary. "Eh ano?" Tanong ko ulit.

"W-will you let me f-f-fulfill my l-last p-p-promise to y-you?"

Kahit na nahihirapan, ay nagawa pa rin niyang magsalita. Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Huling pangako? Hindi pa ba nagawa ni Asphyx ang mga pangako niya sa'kin?

Napilitan akong tumango dahil alam kong naghihintay siya ng sagot. Bahala na diyan.

Ngunit ang mga sumunod niyang sinambit ay siyang nagpatigalgal naman sa'kin.

Kaya ko ba?

***