webnovel

Death University [BOOK 1]

Si Hayden Zyrienne Reduxes ay isang babae na naniniwala na walang magbabago sa kanya at hindi niya matatakasan ang madilim na mundo kung saan nakasanayan niya. Atensyon sa pamilya ang gusto niya kaso hindi sa kanya naibigay dahil sinisi siya ng mga magulang niya sa pagkawala ng kapatid niya. Not until, na mapunta siya o pumasok siya sa school na tinatawag na Death University. Sa pagpasok niya dito ay makakaharap niya ang bagong pagsubok na kung saan kailangan ang katatagan. Magagawa niya ba ang katatagan kahit na wala siyang pakialam sa paligid niya?

missHYchii · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
14 Chs

Kabanata 8

(Hayden Zyrienne's POV)

Bumalik ako sa room at sakto namang bumukas ang pinto at pumasok sina Kathleen. Nandito na rin ang ibang mga kaklase namin.

"Nandito ka na pala, Hayden." sabi niya at tumango naman ako.

"Punta muna tayo sa comfort room, please." aya ni Jeseryll na parang pinipigilan na niyang hindi maihi.

"Mukhang sasabog na. Tara na." natatawang sabi ni Crissa.

Sumama na lang ako sa kanila kahit labag sa kalooban ko. Natatakot daw kasi silang pumasok sa cr.

Pumasok kami sa cr ng may narinig kaming umiiyak na babae, hindi na lang namin pinaki-alaman baka may broken-hearted kaming classmate diba?

Aalis na sana kami ng cr nang biglang pumasok si Micca at nagmamadaling isinara ang pinto ng cr at nilock. Napansandal naman siya sa pinto habang hingal na hingal.

"Anong meron Micca?" tanong ni Kathleen.

"Hinahabol ako ng lalaking pumapatay." sabi niya at napapikit ng mariin.

Bakas sa kanyang mukha ang takot. Napatakip naman ng bibig sina Kathleen dahil sa sinabi ni Micca.

"Guys, kalma lang. Okay?" sabi ni Crissa habang pilit ding pinakalma ang sarili.

Ilang segundo pa ay may narinig kaming yapak galing sa labas. Dahan-dahan kaming umatras mula sa pinto. Nang biglang pilit na pinihit ng lalaki ang door knob.

"Tulong guys!" sabi ni Kathleen na naunang hinaharangan ang pinto.

Kaya tumulong na rin kami kasi masyadong malakas 'yung lalaking tumutulak sa pinto.

Taena, ano kaya ang susunod naming gagawin?

Lumingon-lingon ako nang nakita ko ang babae na laging nagpapakita sa'kin.

"Tulungan mo kami." mahinang sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin at tinuro ang malaking bato sa likod namin. Tama ilagay namin 'to sa baba ng pinto.

"Guys, tulungan niyo 'kong ilagay 'to sa paanan ng pinto." sabi ko kaya nagtulung-tulong naman kami na buhatin ang napakalaking bato para ipangharang sa pinto.

Pilit pa ring binubuksan ng lalaki ang pinto. Umatras kami ng konti mula sa pinto at napaupo dahil sa pagod.

Nilingon ko ulit ang babae ngunit hindi ko na siya muling nahagilap. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami magiging ligtas ngayon. Saka marami siyang naitulong sa'kin.

Bakit kaya lagi niya kaming tinutulungan?

Ilang oras na rin kaming nakatambay sa cr dahil sa lalaking 'yun.

Tumingin ako sa wrist watch ko. 7:12 pm na pala.

"Guys, check niyo kaya kung wala na siya." sabi ni Crissa.

Tumayo naman si Kathleen at inurong konti ang bato para sumilip sa labas.

Nilingon niya kami at umiling. Nakahinga naman kami ng maluwag dahil wala na ang lalaking pumapatay.

Trip niya lang sigurong patayin kami ano?

"Muntikan na tayo roon." sabi ni Jeseryll at huminga ng malalim.

"Mabuti nga naisipan mo ang bagay na 'yun, Hayden." sabi ni Michael at ngumiti.

Tumango lang ako bilang tugon.

Nang mabuksan namin ang pinto ay agad naman kaming lumabas. Habang naglalakad kami may napansin akong sulat sa pader. Nandun lahat ang mga pangalan namin.

Hayden

Crissa

Kathleen

Jeseryll

Micca

Mhia

Angelie

Loren

Rain

Maika

Charice

Tiffany

Shana

Beatrice

Allison

Alyssa

Diane

Daphne

Rhianne

Jane

Nicole

Audrey

Chanelle

Danica

Kyrone

Galvin

Jameson

Arth

Jerome

Justine

Jerald

Kenneth

Bryan

Richard

Tristan

Shawn

Lucas

Lucian

Kurt

Troy

Prince

Dwayne

Zamian

Azriel

Zanderick

Clyde

Christian

Michael

Para saan ba 'yan? Napakunot naman ang noo ko at hindi na lang pinansin.

Pagdating namin sa room ay naabutan naming natutulog na ang iba. Walang namatay sa'amin ngayong araw.

I need to know all the answers to all the questions that are bothering in my mind.

Fvck! But how? And why are they chasing Micca? Siya na ba dapat ang isusunod?

Time: 6:25am

(Kyrone Clein's POV)

Napatingin ako kay Hayden na nakatingin sa kawalan. Kakaiba talaga ang timpla ng mga babae. Napailing naman ako sa naiisip ko.

Wala akong kapatid na babae pero.

Kuya?

Meron. Dalawa lang kaming magkakapatid, pero biglang nawala si Kuya.

I don't know where we find him. Saan na kaya siya? Sa pagkaka-alala ko... pumunta siya sa girlfriend niya and 'yun lang at hindi ko na alam.

Napailing naman ako ulit. Ba't ko na naman bang naisip 'yun?

"Kyrone, court tayo? Tara." aya sa'kin ni Galvin.

Ilang minuto na rin kaming nasa court. Hanggang ngayon wala pa rin kamiing ideya kung pa'no makalabas dito.

"Sila Jeseryll." rinig kong sabi ni Jameson.

Napaface-palm naman ako sa isip ko.

'Ano 'tol? Puro na lang ba Jeseryll 'yang nasa utak mo? Mag-isip ka rin sana kung pa'no makalabas dito at anak ka ng kingina. Inlove na inlove. Patay na patay talaga 'tol? Sige ka 'tol, baka ikaw na 'yung susunod namamatay dahil dyan sa ginagawa mo. Anak ng shems.'

"Hi Kathleen." sabi ni Arth at kumaway kay Kathleen.

Lakas makabati. Torpe naman. Hindi nga niya kayang umamin kay Kathleen. Takot atang mareject.

Lumapit sila sa amin.

"Anong meron?" tanong nung isa (Micca) sa'min na may ngiti sa labi.

Si Hayden lang ang kilala ko sa kanila. Siya lang ang tao na kaya akong sungitan. Nakilala ko lang naman si Jeseryll dahil kay Jameson. Lagi niya kasing bukambibig si 'Jeseryll'.

"Tutal nagtipon-tipon tayo rito. Paano kaya kung mag isip tayo ng paraan kung paano makaalis dito?" sabi ng isang babae na Kathleen ata ang pangalan.

Sumang-ayon naman kaming lahat. Syempre, sino bang hindi gustong makalabas dito diba? Ano bang gagawin namin? Wala naman kaming naisip na paraan.

"Anong paraan ang gagawin natin?" tanong nung Crissa yata.

Nahuli ko naman si Galvin na sumusulyap kay Crissa kaya napailing naman ako.

Pati ba naman si Galvin ay naiinlove na rin?

Naging tahimik ang lahat at nag-isip-isip ng biglang...

"Hayden, crush kita." lakas loob na sabi ni Christian.

Napatingin kaming lahat sa kanya at natahimik.

Ano?

Kailan pa niya naging crush si Hayden? Sa bagay, masekreto si Christian. Siya lang ang kaibigan ko na hindi nagsasabi ng nararamdaman niya. Hindi katulad nila Jameson na lantaran.

Nabigla kami ng tumakbo palayo sa'min 'yung isang kaibigan nila Hayden.

Anong nangyari?

Baka may gusto siya kay Christian, kanina ko pa kasi siyang nakikitang sumusulyap kay Christian at ngumiti.

"Micca!" tawag nila sa kaibigan ngunit patuloy lang itong tumakbo palayo kaya hinabol na lang ito.

Buti hindi ko pa nararanasan ang buhay pag-ibig.

"Kasalanan mo 'to, Christian." sabi ni Kathleen at hinabol rin ang kaibigan niyang tumakbo.

Napayuko naman si Christian dahil sa nangyari.

"Christian, You hurt her feelings by simply confessing your feelings to me. You know what, stop your feeling towards me. You see? You hurt someone who are in love in you. Some pieces of advice. Stop crushing me, I can't crush you back." sabi niya habang nakatalikod sa'min at maya-maya ay umalis na siya at naiwan kaming tahimik.

She rejected Christian's feelings towards her for her friend.

Hindi ako interesado sa 'lovelife' at alam nila 'yun. Pero, ang sakit pa lang agad mareject?

Paano kaya kung may gawin ako at pambawi lang sa ginawa niya kay Christian?

Paano kaya kung gagawin ko ang lahat para mafall sa'kin 'yang Hayden na 'yan?

Napangisi naman ako naisip ko.

'Maiinlove ka sa'kin, Hayden and not now but soon'