(Hayden Zyrienne's POV)
I need to be strong. I don't care the people who's around me. Ayaw kong maulit ang nangyari noon. I don't want to bring back the past.
"To all the students in Death University. I will anounce some important matters." Tumingin ako sa speaker habang nakayukom ang kamao.
That bitch!
Pumasok na sa room ang mga classmate kong kagagaling lang siguro sa cafeteria.
"So, ngayon may bago akong naisip na laro para sa inyo. Why? Nakakapagod na kasi na laging isa lang ang namamatay sa isang araw at ngayon. Gusto ko nang marami para syempre madali ko agad kayong mauubos and sounds great, right? So, see that cards on the table."
Tumingin naman kami sa table na sinasabi niya.
" Ang cards dyan na pwede niyong bunutin. Kung ano 'yung nabunot mong card, 'yun ang maging kapalaran mo." dagdag niya.
That bitch! Gusto niya talaga kaming maubos!
"Oh? What are waiting for? Bunot na."
Kinabahan ang lahat dahil baka sila na ang isusunod. Kinakabahang lumapit sila sa table at tag-iisang bumunot ng mga card.
Kulay itim ang kulay ng harapan ng card. Bumunot ako at kulay pilak ang nkulay ng nasa likod ng card itim at may nakasulat rito at sinasabing.
'You can continue your day'
So, ibig sabihin mabubuhay pa 'ko.
Ano kayang nakasulat sa iba?
This fucking game was created by a crazy killer. She want us to kill by her own bare hands.
(Third Person's POV)
Bumunot ng card si Audrey. Ang nabunot niyang card ay kulay ginto. Binasa niya agad ang nakasulat dito ay ngumiti ng mapait.
Dito na magtatapos ang kanyang kapalaran. Alam niya na malapit na ang katapusan niya.
"Audrey, anong nakalagay sa'yo?" tanong ng kaibigan ni Audrey na si Daphne.
Ilang segundo niyang hinintay ang sagot ng kaibigan at tumingin ito sa kanya.
Nakita siya sa mukha ng kaibigan niyang si Daphne ang pag-aalala. Mapait man ang ngaing kapalaran ni Audrey pero kailangan niya itong tanggapin kasi alam niyang wala siyang takas dito.
"Daphe, sorry sa lahat ng ginawa kong masama sa'yo. Salamat at nakilala kita, naging kaibigan at para na ring kapatid. Paalam at patawarin mo ako."
"A-Audrey, a-anong sinasabi mo?" takang tanong ni Daphne sa kaibigan.
Hindi napigilan ni Audrey ang sarili niya na umiyak sa harapan ng kaibigan. Kaya niyakap ni Daphne ang kaibigan para patahanin.
"A-ano bang pinagsasabi mo, Audrey?" tanong ni Daphne at kumalas naman sa pagkayakap si Audrey at pinunasan ang sariling luha at huminga ng malalim bago magsalita.
"Ingat mo ang sarili mo at sayonara, Daphne at patawad."
Agad niyang binigay sa kaibigan ang nabunot niyang card at tumakbo siya ng mabilis palabas ng room.
Bumilog naman ang mata ni Daphne at napatakip sa bibig dahil sa nabasa niya sa card ni Audrey.
'Sorry but you're next.'
"Hindi maaari." sabi niya sa sarili habang pa rin makapaniwala sa nabasa.
"AUDREEEEY! SANDAAAALI! HUWAG MO 'KONG IWAAAAAN!" sigaw habang umiiyak.
Tatakbo na saan niya palabas ng room ngunit bigla itong sumara. Buong lakas niyang sinipa ang pinto pero bigo niyang mabuksan ito. Unti-unti siyang napasandal sa pintuan habang umiiyak.
"Hindi, hindi maaari." sabi niya sa sarili at lumapit naman sa kanya si Chanelle para damayan at patahanin.
***
Tumakbo palapit sa gate si Audrey habang umiiyak pa rin.
"Patawarin mo ko, Daphne." paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.
Tumigil siya sa harap ng gate. Sa ganitong kalagayan ay natanggap na niya ang kanyang kapalaran.
Unti-unting lumapit sa kanya ang lalaking nakamask na may dalang chain saw. Kaya saktong paglingon niya rito, pinagutan na agad siya ng ulo.
Nilagyan ng lalaki ng numerong 5 pugot na ulo ni Audrey.
***
Biglang bumukas ang pintuan ng room at walang ibang inisip si Charice kundi ang tumakbo para tingnan kung ano ang ginawa nila kay Audrey. Lalabas din sana ang lahat nang lumabas si Charice ngunit bigla ulit sumara ang pintuan. Napatakip naman ng bibig si Daphne habang nakikitang tumatakbo si Charice.
"CHARICEEEEE! WAAAAAAG!" sigaw niya habang umiiyak.
***
Napatigil si Charice sa harap ng gate sa hindi kalayuan nang may nakita siyang katawan sa harap ng gate.
Lumapit si Charice sa gate at nakita ang katawan ni Audrey ngunit hiwalay ang ulo. Napatakip naman ng bibig si Charice dahil sa nakita.
"Audrey." sabi niya habang umiiyak.
Mga ilang segundo pa ay may narinig siyang tunog ng chainsaw. Lumingon siya sa pinanggalingan ng tunog nang nakita niyang may isang lalaki na may dalang chainsaw na papalapit sa kanya.
Tumakbo agad ng mabilis si Charice para makalayo sa lalaki.
"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" sigaw niya ngunit walang nakarinig.
"AHHHH!" sigaw ni Charice.
Natapilok siya dahil sa pagtakbo. Pinilit niyang tumayo pero nabigo siya. Nagkaroon siya ng sprain kaya hirap siyang tumayo. Lumapit sa kanya ang lalaking nakamask na may dalang chainsaw.
"W-wag... w-wag niyo 'kong patayin, please. M-Maawa kayo, b-bakit niyo ba 'to g-ginagawa?" tanong ni Charice habang umiiyak at pilit na tumatayo.
"Pasensya na dahil napag-utusan lang." sabi ng lalaki at pinaandar ang chainsaw.
Nanlaki naman ang mata ni Charice.
"HINDI... HINDI... WAAAAAAAG!" sigaw niya hanggang sa tuluyan na siyang pinagutan ng ulo at inilagyan ng numerong 6 gamit ang blade.
Tumawa ng napalakas ang boses na nasa speaker.
(Hayden Zyrienne's POV)
Bumukas ang pinto at ang lahat naman ay nagsilabasan maliban sa'kin para hanapin sina Charice at Audrey.
Napasandal ako sa ding-ding nang maalala kong pa'no kami napunta rito.
Flashback
"Guys, sa Death University kaya tayong mag-aral? Exciting dun at tsaka ang daming poging lalaki." suhestiyon ni Micca habang kinikilig sa mga pinagsasabi niya.
Naghahanap kasi kami ngayon ng school na mapapasukan.
Death University? It sounds interesting huh?
"Maganda ba roon?" tanong ni Kathleen. Ngumiti naman ng malapad si Micca at sumagot.
"Kathleen, magsasuggest ba 'ko kung pangit 'yung school? Siyempre naman maganda at tska malaki." sabi niya habang nakangiti.
Siya lang naman ang nakaalam about sa school na 'yun. Hindi ko nga alam na may nag-exist pa lang ganun.
"Pero pa'no ba makapasok roon?" tanong ni Kathleen.
"Kailangan lang natin magbigay ng mga flyers para iimbitahan silang mag-aral sa DU. Pag marami tayong napapayag, maraming benefits ang makukuha na'tin sa school." ngiting paliwanag ni Micca.
"Ganun ba? Masyado namang simple ang kailangan nila. Sige game!" sang-ayon na sabi ni Crissa
Ang hilig nila sa libre kahit mayayaman naman sila. Why kaya? Tss
So ayon na nga namigay sila ng napakaraming mga flyers at nag-iinvite rin siya gamit ang facebook page or any social medias forms at hindi naman sila nabigo dahil maraming estudyante ang gustong mag-aral ngayon sa DU.
End of flashback
Napanbuntong-hininga naman ako dahil naalala ko 'yun. Ano kaya ang gagawin namin para matakas rito?
"Hayden, Kasalanan natin 'to."
Nilingon ko kung sinong babae ang nagsasalita. Si Kathleen pala. Nakaupo siya habang nakayuko at nakalagay sa kanyang binti ang kanyang mga palad. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa mga nangyayari.
"Hindi naman natin alam na mangyayari 'to at tsaka hindi tayo ang pumapatay sa mga kaklase natin." sabi ni Jeseryll na kararating lang kasama nila Micca at Crissa at napansing wala si Michael.
Saan na kaya 'yung bakla na 'yun?
"Tama si Jeseryll, Kathleen. Hindi tayo ang pumapatay sa mga kaklase natin." sabi ni Micca at hinimas ang likod ni Kathleen at ngumiti.
"Guys, labas na lang kaya muna tayo para makapagpahangin." aya ni Crissa.
Kung sa bagay, kailangan ko nga 'yun para marefresh 'yung utak ko para makapag-isip ng maayos.
(Jameson Ashton's POV)
Nandito kami ngayon sa field. Dito lang muna kami tumambay at nag-usap-usap.
"Psst, Jameson... si Jeseryll." sabi ni Kyrone.
Ngumiti naman ako at lumingon.
"Jeseryll." tawag ko sa kanya nang dumaan siya malapit sa'min kasama ang mga friends niya.
Hindi ako torpe pero mabilis lang akong kiligin lalo na pagdating kay Jeseryll.
Ngumiti naman siya sa'kin nang tinawag ko siya.
Anak ng puts- napakagandang nilalang! Mukha siyang angel. Ang swerte ng maging anak ko dahil may nanay silang ubod ng ganda.
Parang bakla mang pakinggan pero, kinikilig ako.
"Anong kailangan mo sa kaibigan ko?"
Naputol ang pagpapantasya ko nang nagsalita 'yung baklang wagas nakatingin kay Jerome.
Nangigigil ako sa baklang 'to! Sarap ihagis sa sapa!
"Wala!" sigaw ko sa kanya. Nakita kong tumaas ang kilay niya at umirap.
"Huwag mo 'kong sigawan! Hindi ako bingi!" sigaw niya rin sa'kin at nagwalk-out.
"Pasensya ka na, Jameson. Badtrip kasi 'yun." paumanhin ni Jeseryll.
Tumango ako tsaka ngumiti.
Hindi ako makapaniwalang kinausap ako ni Jeseryll.
Ganito pala ang feeling 'no pagnaka-usap mo ang crush mo, parang ewan! Hindi ko masabi.
"Okay lang." sabi ko at nag-thumbs up.
Tumango si Jeseryll at umalis na.
Sobrang saya ko ngayon dahil nakausap ko si Jeseryll. BabyJeseryll, my precious cupcake with white icing with colorful sprinkles on top-
"May problema ba?" tanong ni Galvin sa kausap niya.
Nilingon ko naman kung bang kinakausap nitong si Galvin baka kung ano-ano na lang kinakausap niya. Napakunot naman ang noo ko nang nakita ang isang kaibigan ni Jeseryll na kasama niya kanina at walang mabakas na emosyon sa mukha nito.
Lumapit naman siya sa'kin.
"Jameson, right? Let me tell you this, don't you dare to hurt her feelings, you know who I mean right? If you're a damn playboy then don't flirt with her and don't make her as your toy. But if you dare, get ready for yourself because I'm gonna crushed you into pieces. Get it?" malamig niyang sabi. Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya.
Pagkatapos niyang sinabi 'yun, umalis siya habang ibinulsa ang kamay niya.
She's weird. Tsaka hindi ko naman talaga sasaktan si Jeseryll.
(Michael's POV)
Nakakainis! Nakakabad trip talaga 'yung mukha ni Jameson.
"Michael, makawalk-out, wagas." sabi ni Crissa.
"Ganyan talaga ang mga magaganda, nagwawalk-out." sabi ko at tumawa naman si Crissa.
"Nasaan si Hayden?" tanong ni besh Kathleen nang napansing wala si Hayden.
"Ewan ko." sagot at nagkibit-balikat.
Saan naman kaya nagsusuot 'yung babaeng 'yun?
Lagi na lang kasing nawawalan bigla. Siya na nga lang ang hindi ko masyadong nakakausap at ang ilap siya sa mga tao.
Ano kaya ang problema niya?