(Hayden Zyrienne's POV)
Nagising ako nang may naramdaman akong kirot sa likod ko. Napatingin din ako sa paligid ng silid nang nakita ko ang mga kaklase ko na nakahimlay ang iba naman ay nagising na. Gagalaw na sana ako ng kirot ulit ang likod ko kaya nadaing naman ako.
Mga ilang minuto pa ay nagising na sila mula sa pagkatulog. So, pampatulog pala 'yung syringe na dala ng mga lalaki?
"Guys, lumabas kaya tayong lahat dito sa room? Para makalabas na tayo rito sa school?" dagdag niya.
Sumang-ayon naman ang iba sa kanya kasi lahat naman kami gusto ng makauwi.
Lumabas kami ng room at naisipang pumunta sa gate baka kung sakali makalabas kami rito. Napansin kong kami lang ang tao rito sa school at tsaka medyo madilim pa. Sana di na lang kami naglibot-libot dito.
Nang nakarating na kami sa gate, napansin kong may mga wire na nakakabit sa gate. May mga alambre rin tapos nakalagay ang malaking kandado sa malaking tanikala. Para kaming nakakulong sa isang napakalaking eskwelahan. Talagang nakakulong talaga kami rito. Nakatingin kami sa gate.
"Wala 'yan kanina." sabi ni Crissa. Umiling-iling pa. May point naman siya napansin ko rin ito kanina nung lalabas sana ako.
"Tama si Crissa, wala 'yan kanina." sang-ayon na sabi ni Kathleen.
Napatingin ako kay Kathleen at napatingin rin sa'kin. Ang tahimik kaya niya at magsasalita lang siya kapag nakakatulong o magsuggestions. Agad naman sumang-ayon ang iba. Sumang-ayon lamang sila kasi hindi nila napansin kanina.
Napatingin ako sa wrist watch ko na parang matagal na. Parang may mali rito sa wrist watch na 'to? Parang may something talaga na hindi ko mawari. Feeling ko may hindi maganda sa school na 'to, parang may something. Fvck this feeling.
Lahat na lang yata na napapansin ko ay may something na parang ewan.
Wala kaming nagawa kundi bumalik sa loob. Hindi sila makaakyat sa malaking gate ng school kasi nga dahil may nakakabit na mga wires. Pero kung makalabas man kami rito, hindi rin namin alam kung ano ang naghihintay sa'min sa labas.
Bumalik kami sa room. Wala kaming alam kung ano ang susunod na mangyayari.
Guessing game ba 'to? Kailangan mong hulaan kung ano ang susunod na mangyayari sa inyo? Mukhang pinaglalaruan kami rito. Kinapa-kapa ko ang sarili ko ngunit hindi ko makapa ang phone ko.
Teka saan na ba 'yun? Mga ilang minuto na ang nakalipas nang nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Pero walang makakain dito, walang ngang mga paninda rito at tsaka nawala rin ang mga gamit namin.
Paano ba kami mabubuhay dito?
Napasandal na lamang ako sa dingding at pilit na binabalik ang mga pangyayari simula nung may pumasok na van sa schhol. Kasi may napansin ako sa gate kanina noong tatakbo na sana ako papunta roon, hindi ko makita ang guard kasi kanina kasi nung papasok pa lang ako kanina may guard dito.
Umuwi na kaya siya? O baka may nangyari rin sa kanya? Malamang uuwi 'yun sino namang matinong tao ang tatambay sa isang paaralan na ganitong oras? Pero di ba may nagbabantay naman talaga na guard kahit ganitong oras?
Pero.
"Guys, cr lang kami." paalam ni Allison yata.
"Sige. Balik lang kayo at tsaka mag-ingat kayo." sabi ni Charice yata.
Ibinaling ko ang tingin ko sa isang sulok ng room. Walang maisip na paraan para makatakas rito. Nilibot ko ang tingin ko sa mga kasamahan ko nang nakita ko si Kyrone na nakakunot ang noo.
Ano naman kayang problema nitong asong 'to? Nang napansin siguro niyang tumitingin ako sa kanya, napatingin rin siya sa'kin kaya naman agad akong umiwas ng tingin. Baka sabihin pa niya na type ko siya?
May standard kaya ako pagdating sa lalaki. Pero kung ikumpara mo siya sa standards ko ay hindi pa siya nangngalahati. Hindi ako yung tipo ng tao na mabilis mafall. Wala rin sa vocabulary ko ang ma-in love, nakakasuka ang bagay na 'yan. May problema na nga tapos love life parin ang iisipin?
Nabigla kami nang pumasok si Alyssa yata na nagmamadaling pumasok.
"Guys, may sasabihin kami sa inyo." panimula ni Alyssa saka umupo at bakas sa kanyang mukha ang takot.
Lumapit naman sa kanya ang iba naming mga kaklase.
"Ano?" mausisang tanong ni Jeseryll.
Naramdaman kong kumapit sa kamay ko si Crissa at halatang takot na takot din sa mga nangyayari. Tumingin sa amin si Alyssa. Ang tagal naman magkuwento ng isang 'to. Saka gaano ba kaganda ang sasabihin niya? Tss.
"N-noong pumasok kasi kami sa cr m-may narinig kaming babeng humihingi ng tulong, nang tiningnan namin ang mga cubicle...w-wala kaming nakitang t-tao." paliwanag niya. Natakot rin naman ang iba at iba naman ay umiiyak.
"Ang creepy." maarteng komento ni Tiffany.
Wala akong balak na magsalita. Sila na ang bahala dyan. Saka wala naman akong maitutulong sa kanila at tska gutom ako.
"Sa tingin niyo may mangyayari kaya na hindi maganda sa'tin?" seryosong tanong ni Crissa.
Mula pagkabata ay takot na siya sa mga multo kuno. Hindi nakakatakot ang mga multo ika nga nila 'matakot ka sa patay at huwag sa buhay' kasi ang tao ay may kayang pumatay, samantalang ang mga multo hanggang panakot lang ang makakaya.
Natahimik ang lahat dahil tanong ni Crissa.
"Huwag naman sana." sagot ni Jameson yata.
Bakit parang may kamukha siya, hindi ko lang masabi kung sino at napansin ko rin na panay tingin niya kay Jeseryll.
Ano kaya ang balak nito kay Jeseryll?
Sumandal ulit ako sa ding-ding at tiningnan ang wrist watch ko. 3 am na pala at hanggang ngayon wala pa rin kaming ideya kung bakit ikinulong kami rito. Sana kasi hindi na lang ako sumama sa kanila na maglibot, nabitin tuloy ako sa pinanood ko na vampire knight anime.
Taena kasi 'yung mukang asong ulol! Kainis. Sana kasi hindi na 'ko bumalik sa loob para tulungan si Micca, pero kaibigan ko buti ayos lang siya.
Nang mag 4 am na, lumabas ang ilan sa mga classmate ko dahil maghahanap daw sila ng makakain. Naiwan naman kaming sampu rito sa loob.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Arth yata.
Isa pa 'to, kanina pa 'to tingin nang tingin kay Kathleen. Palinga-linga sa amin nang sumagot sa kanya si Kathleen ay nakita ko ang bahagyang ngiti niya.
Ano naman ang nakakangiti doon? Siraulo.
"Hindi namin alam." sagot ni Kathleen sa kanya habang nililinis niya ang kuko niya at nagkabit-balikat.
Tumango lang si ungas pero nakita ko ang paghampas sa kanya sa balikat nung isang ungas.
Habang nakatunganga kami rito, hindi ko maiwasang isipin si Yaya Mariel. Kumusta na kaya siya? Nag-aalala na siguro 'yun sa'kin.
Nagulat kami dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Shana, yata?
"Guys, may pagkain sa cafeteria pumunta na kayo run kung gutom na kayo." ani niya.
Nakatingin lang ako sa kanya, tss. Wala akong balak na magsalita.
"Salamat, Shana" pasalamat ni Micca.
Gising na rin pala siya. Umupo naman si Shana sa katabing upuan.
Lumabas na kami ng room para pumunta sa cafeteria kasi gutom na gutom na kami. Nadaanan namin 'yung flagpole nang may napansin akong kakaiba roon.
"Crissa mauna na lang kayo sa cafeteria. Susunod lang ako-"
"Ha? Bakit? Saan ka pupunta?"
"Basta. Mauna na kayo"
"O-okay. Mag-ingat ka." sabi niya sa'kin.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Hinintay ko lang muna silang makaalis bago ako pumunta sa flagpole.
Nang tuluyan na silang umalis lumapit ako sa flagpole nang may nakita akong babaeng nakatalikod sa'kin. Pero alam kong hindi siya tao. Halata naman kasi sa tindig niya at kutis niya.
Siya kaya ang tinutukoy nila Alyssa?
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot dahil nakatalikod pa rin siya sa'kin.
Tatalikod na sana ako kasi parang hindi naman siya nakakatulong nang bigla siyang nagsalita at napatigil naman ako at nilingon siya ulit.
"Nanganganib kayong lahat. May mangyayaring hindi maganda kaya umalis na kayo rito. Mag-uumpisa na ang laro."
Laro? What does she mean? Naguguluhan ako sa sinabi niya.
"What do you mean? What kind of game?" tanong ko sa kanya kasi hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink sa utak ko ang sinabi niya.
Naglakad siya palayo sa'kin habang nakatalikod pa rin sa'kin. Akala ko nga magwawalk out siya.
"Hiding and chasing game." sabi niya at bigla siyang nawala.
Nilibot ko ang tingin ko pero bigo akong makita siya ulit.
Ano? Hiding? Chasing?
Ano ba talaga ang nangyari sa kanila? Dito ba sila pinatay?
Ang dami ko namang tanong pero walang makakasagot langya. Kailangan nga naming makaalis dito sa lalong madaling panahon. Umalis ako sa flagpole at dumiretso agad ako cafeteria.
Nagugutom na talaga ako at dinaig ko pa ang mga batang nasa lansangan. Sana masarap ang mga pagkain dito. Mapili pa naman ako sa pagkain.
Nang nakarating ako sa cafeteria. Hinanap ko agad kung san nakaupo si Crissa. Nang nakita ko na Crissa na takam na takam na kumakain kaya lumapit agad ako sa kinaroroonan nila.
"Hoy besh, Ba't ang tagal mo?" tanong ni Michael.
Feeling close? Hindi ako sumagot sa kanya. Ayaw ko sa feeling close. So, asa siyang sasagot ako. Imbes sa sagutin ko siya ay umupo na lang ako at nakikikain na rin.
Teka? Bakit iba ang lasa nito? Panis ba 'to?
(Kathleen Rosey's POV)
Alam kong may tinatago si Hayden ngunit ayaw niya lang sabihin. Okay lang sanay naman ako sa kanya na masekreto. Feel ko rin na may magyayaring hindi maganda dito.
Sa ngayon mukhang hindi naman mag-alala ang mga magulang ko lagi naman sila busy sa company. Nakalimutan nilang may anak sila. Kaya nga magkasundo kami ni Hayden na parehong walang time ang magulang sa'min.
"Kathleen, samahan mo ako sa cr. Please." aya sa akin ni Micca.
Kailangan pa bang kapag pumunta ka sa cr ay may kasama ka palagi? Tutal ay kaibigan ko naman siya.
"Sige." pagsang-ayon ko kay Micca.
Nagpaalam na rin muna ako kina Hayden. As usual tumingin lang siya at kumain. Kailan kaya siya magbabago?
Nang makarating na kami sa cr ng may narinig kami na isang iyak ng babae at humihingi ng tulong.
"Tulong, tulungan niyo 'ko."
Tumaas ang balahibo namin dahil sa narinig namin.
"K-Kathleen, narinig mo rin ba 'yun?" utal na tanong ni Micca.
Akala ko ako lang ang nakarinig.
"O-oo."
Pumasok kami sa cr para tingnan kung may tao ba talaga o guni-guni lang namin. Isa-isa naming binuksan ang mga cubicle ngunit bigo kaming makakita ng tao.
Siya siguro ang tinutukoy ni Alyssa, na may isang babae raw na nanghihingi ng tulong dito sa cr. Tumakbo kami ni Micca palabas ng cr dahil na rin sa takot at saktong tumunog ang speaker ng school.
"Pumunta kayo sa room na pinadalhan sa inyo."
Agad naman kaming sumunod kasi baka may importanteng sasabihin o makakalabas na kami rito.
Pumasok kami sa room, nandito rin pala ang lahat. Nagulat kami nang may screen na lumabas at nakita naming may lumabas na mukha ng babaeng mukhang manika. Kamukha niya si Anabelle. Kahit na hindi pa dumating ang halloween ang hilig manakot ng mga tao ngayon.
"May game tayo rito, ang kailangan niyo lang gawin ay sundin ang mechanics ng game. Una kailangan niyong magtago sa loob lamang ng sampung segundo. Pagkatapos ng sampung segundo, hahanapin kayo ng mga tauhan ko sa loob ng isang oras. Kapag hindi kayo nakita sa loob ng isang oras, edi congrats. Ligtas ka. Pero, kapag nahuli ka, goodluck na lang. Isa lang ang mahuhuli kada isang araw ang exciting di ba? So, let the game begin." sabi ng babaeng mukhang manika.
Game? Anong game na pinagsasabi nito? Mukhang hindi 'to maganda.
"Isa."
Nagsimula na siyang magbilang at dali-dali kaming lumabas ng room para makahanap ng mapagtaguan.
"Dalawa."
Agad kaming nasipagtakbuhan para makahanap agad ng mapagtaguan.
"Tatlo."
Saan kami magtatago?
"Apat."
Kung sa clinic kaya? Mukhang safe sa lugar na 'yun.
"Lima."
Agad kaming pumasok sa clinic at nagtago sa cabinet. Mabuti nga kasya kami.
"Anim."
"Pito."
"Walang mag-iingay" bulong ko sa kanila at tinakpan naman nila ang mga bibig nila.
"Walo."
"Siyam."
"Sampu."
"Time's up!'
Anong klaseng laro 'to? I don't like this kind of game.