(Kathleen Rosey's POV)
Nakatulala pa rin ako sa Kawalan dahil hindi namin mahanap si Hayden. Saan na kaya 'yun?
Tiningnan ko sina Crissa, bakit parang wala lang sa kanila ang biglaang pagkawala ni Hayden?
"Kathleen kumain ka na. Kanina ka pa tulala dyan, ano bang iniisip mo?" tanong sa'kin ni Micca at iniabot sa'kin ang isang hamburger.
Inilapag niya ang hamburger sa mesa. Tiningnan ko ang binigay niyang pagkain tsaka bumaling ng tingin sa kanya, ngumiti lang siya sa'kin habang kumakain.
"Wala akong gana. Alis muna ako." paalam ko sa kanya.
"Okay." sabi niya at kumain ulit.
Lumabas ako saka nagmuni-muni. I need to do something lalo na't wala rito si Hayden.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nawala. Siguro may nalalaman na siya tungkol sa school kaya siya nawala.
Napatingin ako sa rooftop kasi parang may nagtutulak sa'kin na umakyat ako doon. Kaya hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa na umakyat na rin ako.
Sobrang mahangin dito, ang sarap naman dito nakakawala ng stress. Pumunta ako sa gilid ng rooftop habang nagpapahangin, ang lamig naman dito.
Habang tumitingin ako sa baba, napako ang tingin ko sa isang puno, may nakita kasi akong nakatayo dun at parang nakatingin pa sa'kin. Kumurap-kurap ako at tumingin ulit sa baba at biglang nawala 'yung taong nakatayo run. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil guni-guni ko lang 'yun.
"Ang sarap dito, nakakawala ng problema."
Napalaki naman ako at napatalon ako sa gulat. Tang-ina? A-akala ko guni-guni ko lang 'yun pero hindi.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, nakauniform siya katulad sa'min. Pero, bat siya nagpapakita sa'kin?
"S-Sino ka?" tanong ko sa kanya.
Nakatingin pa rin siya sa baba na parang may iniisip at parang malungkot.
"Hindi na mahalagang malaman mo kung sino ako. Alamin mo sino ang dalawang traydor sa mga kaklase mo at hanapin mo na rin ang libro." sabi niya habang hindi ako nililingon.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Libro? Anong libro? Traydor? May tumatraydor sa'min? Sino naman kaya 'yun?
"May traydor sa amin? Saan ko matatagpuan ang librong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
Baka 'yung librong sinasabi niya ay 'yun ang makakatulong sa'min para makalabas kami rito.
Tumango naman siya bilang tugon. "Hanapin mo ang libro bago sumapit ang kabilugan ng buwan."
"Saan ko mahahanap ang libro? Anong mangyayari sa pagsapit ng kabilugan ng buwan?"
"Sa heart of the school mo matatagpuan ang libro. Ang kabilugan ng buwan ay ang araw na mamatay kayong lahat. Tulad ng nangyari sa'min." sabi niya at tumingin sa'kin.
"Bilisan mo ang paghahanap baka mahuli kayo." dagdag niya.
Kasabay nang malakas na pag ihip ng hangin ang pagkawala ng babae.
Anong sinasabi niyang 'Heart of school'? Saan ba 'yun?
(Someone's POV)
Sa wakas at malapit na ang inaasahan naming araw. Ang araw na kung saan ipapakita namin sa kanila kung sino ang malakas at kung sino talaga kami at 'yun na rin ang oras ng pagkawala nila sa mundong ibabaw.
"Malapit na pala ang kabilugan ng buwan." nakangising ani ng kapatid ko na nakadekwatro pa habang umiinom pa ng kape.
Wala akong parte kung may parte sila sa buhay ko. Kailangan naming gawin 'to para sa ikakabuti nung nangyari noon.
"Oo, malapit na ang hinihintay nating araw." sabi ko sa kanya at ngumisi.
Nakaupo ako sa sofa habang mataman akong tinitingnan ng kapatid ko.
"Sa tingin mo ate, hindi nila malalaman ang sekreto natin?"
Napangisi na lang ako dahil sa tanong niya. Parang wala naman silang paki-alam sa mga nangyayari sa kanila kasi puro lovelife lang naman ang inaatupag nila.
"Hindi nila malalaman. Malalaman lang nila 'yan sa pagsapit ng kabilugan ng buwan. Tska puro lovelife lang naman inaatpag nila. Wala silang kaalam-alam kung ano nang mangyayari sa kanila. Tss." sabi ko at humigop ng kape.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag ngiti ng kapatid ko kaya lumingon ako sa kanya.
"Ate, may kilala akong sarap bitayin. Napakalandi kasi." sabi niya at napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Sino naman kayang malandi na sinasabi niya?
"Who?" tanong ko sa kanya.
Imbis na sagutin niya 'ko ngumisi lang siya sa'kin ng nakakaloko. Tss
"Anong gagawin natin sa kanya, ate?" tanong ng kapatid ko.
Sino naman kayang tinutukoy niya? Napangisi naman ako dahil sa naisip ko.
"Paano kung ipaparanas natin sa kanya 'yung nangyari kay Angelie. Ano sa tingin mo?"
"Tapos ano? Ako na naman ang maghahanap ng mga daga?" nagrereklamong sabi ng kapatid ko.
Napangiti naman ako nang maalala 'yun.
"Ano ka ba? Utusan na lang natin 'yung mga lalaking hinire ni Mommy para maghanap ng mga daga."
Napangisi naman ang kapatid ko dahil sa suhestiyon ko. At mas napangisi naman kami nang nakita namin ang tinutukoy ng kapatid ko.
"Kain na tayo." nakangiting aya niya sa'min.
"Ay sige lang. Busog na kami." sagot ng kapatid ko at nakangiti sa kanya.
"Okay, bye." paalam nung babae at umalis.
Napa-irap naman kami nang nakaalis na siya.
"I'm so excited." sabi ng kapatid ko at napangisi naman ako.
May pumasok na tao sa isipan ko. Hindi ko alam kung idadamay ko pa ba siya, pero wala akong magagawa dahil 'yun ang natatakdang gawin.
(Third Person's POV)
Nahihirapan ng husto si Hayden nang iginapos siya sa rehas, hindi man lang siya binigyan ng pagkain. Hinang-hina na siya dahil sa mga ginawa nila sa kanya, pero wala sa bokabularyo niya ang salitang 'suko'. Hanggang ngayon, pinipilit pa rin niyang nilalabanan ang gutom.
Wala itong emosyon na nakatingin sa kawalan. Gusto na niyang makalabas ngunit wala siyang maisip na paaran. Alam na niyang may nangyayari na sa labas, as usual.
Ipinikit niya na lamang ang kanyang mga mata para makapag-isip ng maayos para makawala sa rehas.
***
Tahimik na kumakain ang mga kaibigan ni Hayden. Bakas sa mukha ni Jeseryll ang saya dahil sa nangyari aa buhay niya.
"Guys, alam niyo ba kami na ni Jameson." pang-babasag ni Jeseryll sa katahimikan.
Matagal na niya itong gustong sabihin sa mga kaibigan niya pero humahanap lang siya ng tyempo.
Napangiti naman ang mga kaibigan niya maliban kay Kathleen na nakatingin sa malayo.
"Congrats." simpleng bati ni Crissa at ngumiti sa kanya. Nginitian niya naman pabalik si Crissa.
"Aba, siguraduhin mong seryoso 'yan sayo ghurl. Baka ikaw naman 'yung machuchugi sa huli." natatawang sabi ni Michael tsaka nagthumbs up.
"Dapat magparty tayo!" sabi ni Micca at tumayo.
Tumayo rin naman ang lahat maliban kay Kathleen na kaninang nanahimik, ngayon ay napintag sa narinig niya. Tumayo naman siya at tumingin sa kanila ng masama. Kasi sa mga oras na 'to pakiramdamam niya wala silang paki-alam sa mga nangyayari sa kanila at sa biglang pagkawala ni Hayden.
"ALAM NIYO? DAPAT SA MGA ORAS NA 'TO, HINDI DAPAT TAYO NAGSASAYA! DAPAT NAG-IISIP TAYO TAYO NG PLANO PARA MAKAALIS DITO! HINDI NGA NATIN ALAM KUNG ANONG MANGYARI SA'TIN BUKAS! AT HANGGANG NGAYON HINDI PA NA'TIN NAKIKITA SI HAYDEN. SANA MAN LANG TSAKA NA KAYO MAGPAKASAYA PAG NAKALABAS NA TAYO RITO, ANO?" pasigaw na sabi ni Kathleen.
Napatayo naman ang mga ibang mga kaklase nila at nakachismis din sa kanila at ang mga kaibigan naman ni Kathleen ay nabigla dahil ngayon lang nila nakikitang ganito kagalit si Kathleen kasi bihira lang magalit si Kathleen.
"Sorry, Kathleen." malungkot na sabi ni Jeseryll at hinihimas ang likod ni Kathleen.
Nabigla rin naman ang lahat ng padabog na ibinaba ni Micca ang baso at hinarap si Kathleen.
"ALAM MO KATHLEEN! PABAYAAN MO NA YANG SI HAYDEN. WALA NAMAN 'YONG MAITUTULONG SA'TIN TSAKA HINDI NIYO BA NAPAPANSIN? PALAGI LANG SIYANG TAHIMIK AT WALANG KIBO. KAPAG TAYO BA NAWAWALA, HAHANAPIN NIYA BA TAYO HA! DIBA HINDI?! AT TSAKA MASAMA BANG MAGING MASAYA PARA KAY JESERYLL?! EH KAIBIGAN RIN NAMAN NATIN SIYA!" sigaw niya kay Kathleen.
Umaawat naman sila Michael pero hindi talaga sila maawat.
"AKALA KO, MAIITINDIHAN MO ANG NARARAMDAMAN NI HAYDEN! PERO NAGKAMALI PALA AKO. SABAGAY GANUN ANG TINGIN MO KAY HAYDEN NO! SIGE! MAGPARTY KAYO!" sigaw niya at padabog na umalis.
"Susundan ko lang siya." Paalam ni Crissa at agad na sinundan si Kathleen.
Pipigilan na sana siya ni Micca pero mabilis siyang nakalayo.
(Kathleen Rosey's POV)
Napansin kong nagbago ang ugali ni Micca simula nung umamin si Christian kay Haden.
Pero hindi naman 'yun excuse para balewalain si Hayden, diba? Alam naman niyang walang pag-asa si Christian kay Hayden.
Akala ko naiintindihan niya ang ugali ni Hayden but I'm wrong.
Napatigil ako nang nakaakyat na 'ko sa rooftop. Ang sarap kasi ng hangin dito. Tumingin lang ako sa kawalan, hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Napapikit naman ako ng mariin at huminga ng malalim.
"Bakit wala siyang pakialam kay Hayden? Kaibigan rin naman niya si Hayden." sabi ko kay Crissa.
Nakita ko kasi sa peripheral vision ko na sumunod siya sa'kin. Napabuntong-hininga naman siya.
"Kathleen, nabigla rin ako sa sinabi niya kanina. Alam ko na kapag tayo ang nawawala, paniguradong hahanapin din tayo ni Hayden. Kahit na hindi nababakas sa mukha niya." sabi niya habang nakatingin din sa malayo.
May punto si Crissa. Ito na siguro ang tamang oras para sa sabihin ko sa kanya nang mga nalalaman ko. Alam ko namang makapagkatiwalaan siya. Alam ko na hindi siya ang tumatraydor sa'min.
"Crissa. Alam mo ba kung saan ang heart of the school?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo niya. Sana naman may ideya siya diba? Para mapadali na 'yung misyon ko, bago pa mahuli ang lahat.
"Hindi. Bakit?" naguguhalang tanong niya.
Humarap ako sakanya at tsaka siya tiningnan ng deretso.
"Kailangan nating malaman kung ano o saan ang puso nitong eskwelahan para na natin ang libro ng Death University." paliwanag ko sa kanya.
Napalaki naman ang mata niya at tumitingin-tingin sa paligid baka kung sakali may makarinig sa'min.
"Totoo bang may libro ang Death University? Paano mo nalaman?" pabulong na tanong niya.
Tumango ako saka tumitingin-tingin sa paligid baka may makarinig.
"Hindi na mahalaga kung sa'n ko nalaman 'yun basta ang importante mahanap na'tin 'yun bago pa mahuli ang lahat."