(Shana Mariel's POV)
Time: 4:00pm
Naglilibot ako ngayon sa may field, hindi ko muna sinama sila Beatrice kasi gusto ko munang mapag-isa.
May nakita akong parang maliit na gubat sa gilid ng field kaya pumunta ako roon. Curious lang ako kung ano ang nandoon.
Habang naglalakad ako, napahinto ako nang may nakita akong taong nag-uusap kaya nagtago muna ako sa isang malaking puno para making. Malay mo may pinaplano sila o ano pa man niyan.
"Sigurado ka bang walang nakakita sa'yo noong pinatay mo si Chanelle?"
Napalaki naman ang mata ko dahil sa narinig ko. Teka, sila ang pumatay kay Chanelle? Pero bakit? Kaklase namin sila, bakit-?
Ikinuyom ko ang mga kamao ko dahil sa narinig ko. Mga traydor. Hindi ko akalain na kaya nilang pumatay ng tao.
"Oo naman kaya lang parang may nakakita sa'kin nung dinala ko ang bangkay ni Chanelle sa isang puno."
Ano? May nakakita sa kanya? Sino naman kaya 'yun?
"Sinong nakakita sa'yo?"
"H-Hindi ko alam. Feel ko lang."
"ANO? Hindi ka kasi nag-iingat. Mananagot talaga tayo."
Sumilip ako mula sa pinagtataguan ko nang napalaki ang mata ko nang makita kung sino ang pumatay kay Chanelle.
Hindi maaari.
Pa'no naging sila? Ang babait nila pero pa'no nila nagawang pumatay ng tao?
Kailangang malaman ng iba 'to. Kailangan nilang malaman na may traydor sa'min.
"So, Sino na ang papatayin natin ngayon?"
Sino na naman kaya ang target nila?
"Secret, pero paano kung unahin muna natin 'yung isa dyan na nakikinig sa usapan?" sabi niya habang nakangisi at tumingin sa pinagtataguan ko.
"Lumabas ka na dyan."
Alam nila na nandidito ako. Kailangang makatakbo ako palayo sa kanila para ipaalam sa mga kaklase ko kung sino ang traydor sa'min. Tatakbo na sana ako ng may naradaman akong hinila ang buhok ng malakas kaya napa-upo ako.
Mga demonyo sila.
Tinangnan ko sila ng matalim habang sila naman ay nakangisi.
"Paano niyo nagawang pumatay?! Mga traydor!" galit na sabi ko sa kanila. Ngumisi naman sila bago sumagot.
"Alam mo. Kung mananahimik ka, sasabihin namin sayo ang dahilan." sabi niya at ngumisi.
Alam ko naman na pagkatapos nilang sabihin ang dahilan ay papatayin din naman nila ako.
"Kapag sasabihin din naman namin sayo ang dahilan, hindi mo rin naman maunawaan."
Ano? Hindi maunawaan? Napakunot naman ang noo ko.
"Ba't niyo ba kasi 'to ginagawa?!"
"Gusto mo talagang malaman?"
"Tatanungin ko ba ang dahilan kung hindi ko gustong malaman? Boba ka ba o boba ka talaga?"
Nakita kong napangisi siya at hinila ang buhok ko kaya napadaing naman ako sa sakit.
Taena.
"Ganito kasi 'yun, anak kami ng dating may- ari nitong paaralan."
Napakunot naman noo ko dahil sa sinabi niya.
Ano? Dating may-ari ng paaralan? So anong connect?
"Magkapatid pala kayo? Ano namang connect dun sa kayo ang anak ng dating may-ari nitong school? Ano bang nagawa naming kasalanan? Feel ko wala naman."
Napa-irap naman sila dahil sa mga tanong ko.
"Alam mo, masyadong kang maraming tanong. Oo, magkapatid kami. Tska, tumakas ka na habang may oras ka pa." sabi niya na hindi man lang sinagot ang mga tanong ko.
Tatakbo na sana ako ng may naramdaman akong hapdi sa likod ko.
Isang kutsilyo na nakabaon sa likod ko. Napa-upo ulit ako dahil sa hapdi. Hindi ko kaya 'to. Katapusan ko na ngayon.
"Not so fast, Dear. Ano ka sinuswerte? Matapos mong marinig ang lahat hahayaan ka namin makatakas? No way. Masisira ang matagal na naming plano pag nagkataon."
"M-Mga demonyo kayo." sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.
Ilang minuto na lang mawawalan na 'ko ng malay. Ang daming nabawas na dugo mula sa katawan ko.
"Mas demonyo sila." sabi ng isa at sinaksak ako sa dibdib gamit nagkutsilyo, kaya napa-iyak naman ako dahil sa sakit. Marami na ring nagsilabasan na dugo sa bibig ko.
"Mga demonyo silang lahat." sabi ng isa pa at sinaksaksak rin ako sa dib-dib.
Unti-unting dumidilim ang paningin ko. "Patawarin niyo kami kung ano man ang ginawa namin sa inyo." mahinang sabi ko. Sapat na'yun para marinig nila 'yun.
Pero bago ko maipikit ng tuluyan ang mga mata ko, nakita kong tumulo ang luha nila. Alam kong napipilitan lang silang gawin 'to, kasi may magpipilit din sa kanila na gawin 'to.
At tuluyan ng dumilim ang paningin ko.
Time: 6:00pm
(Alyssa's POV)
Ang tagal naman ni Shana, sabi niya maglibot-libot lang siya sa field. Malapit na kaya ang oras at tsaka baka patayin siya ng lalaking nakamask dahil nasa labas pa siya. Saan na ba 'yung babae na 'yun. Pumasok na 'ko sa room nang tumunog ang Bell dahil hudyat na magbubunot na naman kami ng card.
Pumasok na sila Beatrice pero mukhang kumpleto na sila.
Wala si Shana.
Nasaan na kaya siya?
Lumapit kami sa table at tig-isa-isang bumunot ng card. Sana swerte ang mabunot ko, ayaw ko pang dito magtatapos ang buhay ko. Agad kong binasa ang nakasulat sa nabunot kong card.
'You can continue your day'
Nakahinga naman ako ng maluwag. Salamat, akala ko katapusan ko na ngayon.
"H-HINDI!" nagulat akong napatingin sa mga kaklase ko dahil sa sigaw.
Biglang lumabas ng room sina Zamien at Rain, mukhang sila na nga ang isusunod.
Until now, hindi ko pa din gets kung bakit lumalabas sila pag nalaman nila na sila pala ang isusunod. Wala namang sinabi ang killer na tumakbo na sila. As usual, hindi na naman kami makakalabas kasi nilock na naman ang pinto.
Umupo muna ako dahil kanina pa 'ko nakatayo at nang mga ilang segundo pa ay narinig kong bumukas na ulit ang pinto.
Ang bilis naman. Nagsilabasan na rin ang mga kaklase ko. Pero until now, nag-aalala pa rin ako kay Shana.
Saan na kaya siya?
(Hayden Zyrienne's POV)
Ngayon, alam ko na kung sino ang tumatraydor sa'min dahil doon sa nakita kong bagay sa bangkay ni Chanelle. Tss, ang galing naman niyang magpretend.
As usual, naglakad-lakad ako rito sa napalaking field. Habang naglalakad ako ay napahinto ako nang may nakita akong isang babae na nakatayo sa isang puno sa di kalayuan.
Naisipan kong lumapit sa kanya baka may maitutulong siya dahil lagi kasi siyang nagpapakita sa'kin at tumutulong.
Nang nakalapit ako sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-uniform siya na katulad sa'min, mataas din ang kanyang buhok hanggang beywang. Siya nga 'to.
"Mag-iingat ka. Yung akala mo ay kakampi ngunit nagkakamali ka." banta niya sa'kin.
Ikinuyom ko naman ang mga kamao ko. Alam ko na kung sino ang ipinapahiwatig niya. Hindi ko naman ka kampi 'yung taong 'yun kasi never pa akong nagkaroon ng kakampi.
"Tulungan mo kaming makalabas dito, unti-unti na kaming nauubos." sabi ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa'kin. Bakas sa mukha niya ang lungkot.
"Tutulungan kita, hanapin mo ang libro at alamin mo ang lahat." sabi niya.
Pero paano ko aalamin? Hindi ko alam kung sa'n ako magsisimula.
"Lahat? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at tumalikod sa'kin. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"At tsaka isa pa, ikaw lang ang makakatulong sa mga kasama mo. Hanapin mo ang traydor sa inyo." sabi niya at biglang naglaho.
Tama siya, hahanapin ko ang libro at ang traydor.
Pero, alam ko na ngayon kung ang tumatraydor sa'min at ang hindi ko alam ay sa'n ko mahahanap ang libro.
Naramdaman kong may humampas sa likod ko. Taena ang sakit. Pero bago ko pa masira ang mga mata ko. Nakita ko mismo kung sino ang tumatraydor sa'min. Tama nga ang ako na siya ang traydor.
"What a pretender." sabi ko bago nawalan ng malay.
(Crissa Marie's POV)
Kanina pa namin hinahanap si Hayden at si Shana at hanggang ngayon hindi pa namin sila nakta. Nasaan na kaya sila?
"Guys, try kaya na'tin maghanap dun sa maliit na gubat baka nandun ang isa sa kanila."
Sumang-ayon naman kami sa sinabi niya. Pumunta kami sa gubat kahit madilim. Habang naglibot-libot kami sa gubat ay napakunot ang noo ko nang may naamoy akong di kaya-aya.
"Guys, naamoy niyo ba ang naamoy ko?" tanong ko sa kanila. Inamoy naman nila tska napatakip sila ng ilong.
"Taena, ang baho. Parang amoy-patay." sabi nung isa kong kaklase.
Hindi kaya...
"Sinong may lighter dyan?" tanong ko sa kanila.
Iniabot naman sa'kin ng isa ko pang kaklase ang lighter niya at sinindihan ko ang nakita kong kandila.
Naglakad-lakad kami para hanapin kung sa'n nanggaling ang masangsang na amoy. Palapit kami nang palapit sa isang malaking puno ay mas malakas din ang masangsang na amoy na parang isang minuto na lang sasabog na ang tiyan ko hanggang sa nakita namin ang isang bangkay.
Isang bangkay ng babae. Nilapitan namin ang puno at napatakip kami ng bibig.
Si Shana.
Sino naman kaya ang gumawa nito kay Shana?
Hindi naman nakabunot ng card si Shana kahapon? Pero bakit pinatay siya?
"SHANA!" sigaw ni Alyssa at nilapitan ang bangkay.
Lumapit na rin si Beatrice at umiyak dahil sa pagkawala ng kaibigan niya.
"Kathleen. Nahanap niyo na ba si Hayden?" tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa'min.
Sigurado akong hindi pa patay si Hayden. Siya lang ang matalino at maparaan sa'min. Kahit ganun ang ugali niya kaibigan pa rin namin siya.
"Hindi." malungkot na sagot ni Kathleen.
Saan na kaya siya? Sana ayos lang siya.
(Hayden Zyrienne's POV)
Nagising ako dahil sa pagbuhos nila sa'kin ng malamig na tubig.
What the fvck.
"Wake up, Sleeping beauty." sabi niya at ngumisi.
Tumingin naman ako sa kanya at napa-irap. Tama nga ako siya ang traydor. Tang-inang babaeng 'to.
"Why are you doing this? Bitch"
Tumawa siya dahil sa tanong ko. Tss anong akala niya? Ikinaganda niya ba 'yan?
"Surprise, ang galing kong umacting? Hindi nila malalaman ang lahat kasi nakuha na kita." dagdag niya at ngumisi.
Ngumisi ako rin ako sa kanya. Are you fvcking sure?
"Kaya pala gusto mo kaming paaralin sa dito kasi may pinaplano ka. At tsaka sana hindi na lang kita tinulungan." sabi ko sa kanya habang nakakuyom ang mga kamao ko.
Masyado kasi siyang kinaibigan nina Kathleen. Fvck!
"Oo, ang talino mo pala. Hindi ko nga akalain na tutulungan mo 'ko. Alam mo bang na-touch ako doon?"
Ngumisi lang ako dahil sa sinabi niya. Maya-maya'y lumabas ang isang babaeng laging lumalabas sa screen.
Lumapit siya sa'kin at tinanggal ang maskara at nagulat naman ako.
"Ikaw muna ang bahala sa kanya, lalabas muna ako para makapag-acting, okay?" sabi ng traydor at lumabas na nga siya.
I know her!
"Ikaw?" tanong ko.
Ngumisi naman siya.
"Paano mo 'to nagawa sa amin?! Wala kaming ginawang masama sa'yo!" dagdag ko pa.
Sinamaan niya ako ng tingin at maya-maya'y ngumisi.
"Akala mo lang wala! Pero meron! Meron!" sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Akala ko mga inosente kayo! Yun pala mga demonyo!" dagdag niya.
Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya.
"Are you reffering to yourself? Kayo 'yung pumapatay tas kami pa ang demonyo? Bobo ka ba-"
"History repeat itself." sabi niya at napakunot naman ang noo ko.
Ano? What does she mean? Nangyari na 'to dati? Ano naman ang kinalaman ko rito?