webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Teenager
Zu wenig Bewertungen
71 Chs

Dead 40: Final Chapter (Part 1)

Abegail POV

Naaawa na kami kay Mia. Dalawang linggo na siyang hindi lumalabas ng bahay. Minsan nga naririnig namin siyang umiiyak sa kalagitnaan ng gabi.

Hindi na siya yung Mia na kilala namin. Matapang at puno ng sigla.

Napabuntong hininga ako habang paakyat kami ni Christine sa taas upang puntahan si Mia para yayain na lumabas kahit alam ko na ayaw niya.

Mia POV

Dalawang linggo na kaming nanatili sa loob ng safe zone.

And as of now naging maayos rin ang pananatili namin dito. Para bang balik normal na ang lahat ngunit aminin ko man sa hindi, may kulang talaga.

Madalang nalang akong lumabas ng kwarto ko. Lalabas lang ako kapag kakain na. Wala akong ganang lumabas ng bahay, tinatamad na akong kumilos at hindi ko narin masyadong kinakausap ang iba.

"Mia, sasama ka ba saamin sa labas?" Tanong ni Abegail.

"Kayo nalang." Simpleng tugon ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Sige." Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit sa pinto para i lock ito ngunit napatigil ako ng may marinig akong nag-uusap sa labas.

"Ayaw niya talaga?"

"Oo, haist. Hanggang kailan ba magiging ganyan si Mia? Tayo na 'yung nahihirapan eh."

"Shhh, hinaan mo nga 'yung boses mo Abegail at baka marinig ka niya."

"Totoo naman eh. Alam ko naman na hindi parin siya naka move on dahil sa nangyari kay Aira pero hindi dapat ganun eh, kung gusto niyang mag move on hindi siya dapat nagkukulong . Bakit tayo? Hindi rin naman tayo nakamove on ah? Nagkukulong ba tayo? Nag mumukmok ba tayo? Hay naku! Tiyak na hindi magugustuhan ni Aira na nalulungkot tayo."

"Hay naku, tara na nga Abe."

Natigilan ako sa sinabi ni Abe.

Naging pabigat na ba ako sa kanila?

Ganun na ba ako ka out of place sa kanila?

I felt Guilty.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang kabuuan ko.

Napaka tamlay ng mga mata ko.

Napabuntong hininga ako.

Kailangan ko na sigurong kalimutan ang lahat.

Kailangan ko ng bitawan,

At magsimula ng panibagong buhay.

Pumasok ako ng banyo at sandaling naligo.

Nagmadali ako sa pagbihis at agad na lumabas ng silid.

Tumakbo ako pababa ng hagdan at saktong lalabas na silang lahat.

"Hintayin niyo ko!!" Sigaw ko dahilan upang mapabaling ang atensiyon nila saakin.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mata. Kaya ako na ang naunang pumutol sa awkward moment.

"Akala ko ba aalis tayo?!" Sigaw ko.

Nagulat naman sila sa pagsigaw ko.

"Ah--oo! An-andiyan ka na pala Mia! Kanina ka pa namin hinihintay! Oh ano tara!" Biglang singhal ni Lee.

Tsk. Baliw-____-

Pumasok kami sa elevator. Nakalimutan kong i clarify sa inyo. 'Yung bahay na sinasabi ko ay paramg condo. Hehehe.

Marami rin pala kaming nadaanang mga armadong bantay sa bawat sulok ng building.

Hanggang Fifth Floor lang ang gusali at nandon ang bahay.

Bumukas ang elevator ng makalapag kami sa Ground Floor.

Maiingay na mga tao ang bumungad saamin. Dikit-dikit ang mga gusali ngunit maganda tingnan.

Nagsimula na kaming maglakad.

"Ate Mia!!!!"

Napatingin ako sa tumawag saakin.

"DenDen!" Sigaw ko at agad na yinakap.

"Miss ko kayo Ate!" Atungal niya.

"Ako rin." Sabi ko at kumalas ng yakap sa kanya.

"Tara ate! Iniwan na nila tayo!" Sigaw niya. Huli ko na napagtanto na nauna na pala silang lahat at napag-iwanan na kami ni DenDen.

Agad naman kaming humabol sa kanila.

Napangiti nalang ako sa bawat madadaanan kong mga batang naglalaro tila ba walang alam kung ano ang lagay sa labas ng pader.

Agad kong winaksi sa aking isipan ang lugar na iyon at nagpokus sa lugar kung saan ako naroroon.

"Ate Aira nandon sila!"

Napabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni DenDen na ngayon ay nasa unahan at nakaturo sa isang mini park kung saan naroroon ang mga kaibigan ko.

Tumakbo ako palapit sa kanila, nadatnan ko silang nakaupo sa damuhan kaya tumabi ako kay Abe.

"Laro tayo!" Biglang sigaw ni DenDen.

"Anong laro?"

"Habulan!!"

"Taya!!" Sigaw ni DenDen pagkatapos abutin si Ace.

Agad naman kaming tumayo sa pagkakaupo namin at nagsimulang tumakbo.

"Kyaaaaaa!!!!" Sigaw ni Christine ng Abutin siya ni Ace.

"Lagot kayo sakin!!!!!" Sigaw niya habang hinahabol si Lee.

Humagalpak ako ng tawa ng madapa si Lee.

"Wahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahhaha!!!!" Malakas na tawa ko.

Langya! Hahaha. Subsob ang mukha eh!

"Taya!"

Ganun nalang ang gulat ko ng abutin ako ni Lee.

Sinamaan ko siya ng tingin at tsaka siya hinabol.

"Woy!! Walang balikan!" Sigaw niya habang tumakbo.

"Taya!!" Sigaw ko ng maabot ko siya.

"Taya!!" Balik niya rin saakin.

"Taya!!" Sigaw ko.

"Taya! Taya! Taya! Taya!" Walang humpay na nagtatayaan kaming dalawa, para kaming timang dito eh.

-_____-

"Ayieeeeeeeee!" Napatigil nalang kami sa biglang sigawan nila.

Bigla nalang namula ang mukha ko ng maintindihan kung bakit sila nag ayieee.

Namula hindi sa kilig kundi sa kahihiyan.

"Ahhhh! Lagot kayo sakinnnnnnn!!!!" Sigaw ko at hinabol silang lahat.

Ano bang iniisip nila!

Habol ako ng habol sa kanila at panay pagtawa lang ang ginagawa nila.

Lihim akong napangiti.

Hindi ko akalain na magagawa pa namin ang mga bagay na 'to, akala namin mamamatay nalang kami.

Masaya ako para sa kanila.

Masaya ako dahil kahit na marami na ang napagdaanan namin, nagawa pa nilang kalimutan lahat ng 'yon at maging masaya.

Napahawak ako sa tuhod ko ng makaramdam ako ng pagod. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naghahabulan dito. Ngunit sa huli ako parin ang taya.

"Ayaw ko na!" Sigaw ko habang sumalampak sa damuhan.

Nabaling din ang aking atensiyon sa mga batang naglalaro rin sa di kalayuan. Mas lalo akong napangiti ng mapansin kung gaano sila kasaya habang naglalaro.

Maya-maya'y nakaramdam ako ng pagtabi saakin.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Abe.

Ngumiti muna ako bago sumagot.

"Masaya lang kasi ako dahil masaya kayo." Sagot ko.

"At masaya akong unti-unti na tayong bumabalik sa dati nating buhay, kahit na marami ang nawala at nabago without minding kung ano ang nasa labas ng pader."

Napabuntong hininga naman siya.

"Oo nga, kailangan na nating magbagong buhay sa loob ng safe zone."

Nakita ko naman ang paglapit ng iba at nag form ng circle at nakaharap sa isa't isa habang naka indian sit.

"Oh, ano na ang pagpupulungan natin?" Tanong ni Vans.

"Nagpaplano kung paano ka maiaakyat sa pader at ihulog palabas ng safe zone!" Sigaw ni Christine at natawa naman kaming lahat.

"Grabeh!!"

"Guys, what if pasukin ang safe zone?"

Napatingin naman silang lahat saakin dahil sa biglaang pagtatanong ko.

"Pasukin? Pasukin ng magnanakaw?"

Tanong ni Vans

"Pwede din, pwede ding zombie diba? Hindi natin mapepredict kung ano ang mangyayari sa huli." -Ace

"Eh di lalabanan sila! Marami na tayong napagdaanan, ngayon pa ba tayo maduduwag?"-Lee

"We are a team guys, so we should fight as a team." Biglang saad ni Xander

"Hindi nating hahayaan na masira ang safe zone."- Christine.

"Oo nga!"-DenDen

"Lalaban tayo hanggang sa huli!"-Abe

"Yeah, we will never leave this safe zone no matter what." -Kyler.

"And whatever will happen,we will never leave each other." Sabi ko.

"One team?!" Sigaw ni Lee habang inilagay ang kamay sa gitna.

Inilagay naman namin ang mga kamay namin at sumigaw.

"One team!!!"

Kahit anong mangyayari, lalaban kami.

Napatingala ako sa langit.

"Aira, please be with us kahit wala ka na."

"Guys! Paunahan makabalik ng bahay!" Sigaw ni Lee at biglang tumakbo.

"Hoy andaya!!!" Sigaw namin at nagsimula na ring tumakbo.

I belive that,

"This is not the end, because this is just the beginning."

End of Dead Bodies