webnovel

DASHER: THE DASHING DEVIL

"I will kiss you until you ran out of breath. I will kiss you until you'd scream my name, like you wanted me to kiss you forever. I will kiss you until you kiss me back. And then I won't stop." Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasala-salabit ang landas nina Donnie Marie at Dasher. Nasa isang misyon siya noon nang biglang humarang sa daan niya si Dasher. Iniligtas siya nito sa isang tiyak na kapahamakan ngunit kapalit naman niyon ay ang pagkatuklas nito sa kanyang sikretong katauhan bilang si Mystique Agent—isang private investigator. Sinukol siya nito sa isang blackmail at inatasang lutasin ang panghuhuli sa lunatic stalker nito. Sa pagsasama nila sa paghahanap sa stalker nito ay hindi niya inasahan na sa kabila ng kagaspangan ng ugali nito ay nagawa niya itong mahalin. Dahil rito ay natuto siyang magtiwala sa iba, natuto siyang aminin ang kanyang mga kahinaan. Ngunit dahil rin dito ay natuto siyang matakot—hindi para sa sarili niya kundi para sa taong mahal niya. Hindi niya pwedeng idamay sa masalimoot niyang buhay bilang isang si Mystique Agent ang payapa nitong buhay kaya kahit masakit ay kailangan niyang iwan ito. Ngunit makakaya ba niyang gawin iyon kung nabihag na nito ang buong puso niya?

EX_DE_CALIBRE · realistisch
Zu wenig Bewertungen
25 Chs

CHAPTER 5

DONNIE MARIE PUT on her Queen-of-the-Brave-Face and stared at him as if he just grew two horns and a tail. She cleared her throat and stared at him innocently...quivering silently.

"Excuse me, but do I know you?" she asked innocently.

His blazing eyes raked her body, leisurely, na para bang ipinapaalala sa kanya kung paano siya nitong tinignan noong dumaan siya sa harap nito doon sa restaurant. She blushed.

"Please don't tell me you don't remember me," he said in a fake hurt tone.

He was too clever to play dumb with him, she thought. "O-oh, I think I remember you now. You were at the restaurant last week, right?" sabi niya na patuloy pa rin sa pagmamaang-maangan. She was a good actress. And she hoped that she could pull it off with him.

"Yeah, I did see you at the restaurant," sarkastikong turan nito. "Ikaw yung nakita kong lumabas mula sa comfort room. Hindi ba?"

"Y-yeah, fancy meeting you here," she laughed nervously.

"Hindi ka nagulat dahil marunong pala akong magtagalog?" She froze. Bumalik ang balasik sa mga mata nito. "What an odd reaction you got there, lady. Maraming tao ang nagugulat kapag naririnig nila akong magtagalog," he said matter-of-factly.

Damn! Hindi niya naisip agad iyon. Oh, she was busted, big time! Napatingin siya sa likuran nito. How would she be able to get away from?

"What are you talking about?" mayamaya ay tawa niya. "S-siyempre nagulat ako."

"You can't get away from me, if that's what you're thinking," banta nito na tila nababasa ang tumatakbo sa isip niya.

"I h-have to go. My friends must be waiting for me now," medyo tarantang sagot niya.

"I won't let you go unless ipaliwanag mo sa akin kung bakit bigla kang nagtransform mula sa pagiging isang inosenteng estudyante sa pagiging isang sexy at napakagandang babae."

"Mukhang nagkakamali ka," iling niya. "Paano naman ako magmumukhang highschool student?" natatawang dagdag pa niya. "I'm too old, don't you think?"

"I don't remember telling that you disguised as a highschool student. Paano mo nalamang highschool student ang tinutukoy ko?" nakakaloko nitong tanong.

Her nervous laugh faded. "W-well..."

"You can change your hair, your clothes or the way you act. Hell, you can even change the color of your eyes. But you forgot to hide your marks, honey."

"M-marks?" nagtatakang ulit niya.

His eyes shot through her neck. She didn't have to spend a minute to realize what he was talking about. He grinned. "That is just one of your sexy marks. One on your neck, one at the back of your left shoulder..." Then his eyes went straight to her breast. Lumawak ang pagkakangisi nito. "And my favorite one," nguso nito sa nunal niya sa dibdib.

Hindi niya naisip na takpan ang kanyang mga nunal sa katawan. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na iyon ang magdadala sa kanya sa bingit ng pagkakatiklo. Isa pa, hindi na niya hinahayaang makadaupang-palad pa niya ulit ang mga naging bahagi ng misyon niya.

Minalas lang siya na sa dinami-rami ng pwede niyang makita ulit ay ito pa ang nakita niya sa bar na iyon. Isang pag-iinit sa magkabilang pisngi at paglunok lang ang naisagot niya sa mga sinabi nito. Hindi niya magawang makaisip ng panibagong palusot para rito.

"And I still have another way to confirm my hunch about your transformation."

Matapos nitong sabihin iyon ay bigla nitong hinablot ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla siya nitong yakapin. She caught her breath when she felt his warm but very firm body against her. Ang mga kamay nito ay mahigpit na pumulupot sa kanyang bewang at likuran, as if telling her that she should fit that way in his arms. Awtomatikong nakaramdam ng init ang kanyang katawan dahil sa pagkakadikit nilang iyon.

Last week, noong binuhat siya nito papunta sa kotse nito ay hindi niya masyadong naramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito, ngunit iba ang simpleng pagbubuhat sa pagyakap nito. It felt more intimate. Lalo na kung ganon kalapit ang mukha nito sa mukha niya. Lalo siyang nahindik nang bigla nitong isubsob ang mukha nito sa leeg niya. She gasped.

She felt his hot and wet lips against her neck. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman dahil sa kapangahasang ginawa nito. Her mind shrieked at his bold touch. Napalunok siya. Her throat suddenly felt dry when his lips slowly planted a soft and wet kiss on her neck. Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi tatlo...sa iba't ibang lugar pa! And then he sniffed her. Bigla niya itong naitulak palayo, but it was already too late.

"That..." he said in a hoarse voice. "...confirmed it. Hindi nagbago ang amoy mo. Naamoy kita noong binuhat kita para dalhin sa kotse ko kaya natitiyak kong ang amoy ng highschool student na dinala ko sa restaurant at iyang amoy mo ngayon ay iisa. Wonderluck is really a sweet scent. Paborito iyan ng isa mga naging ex-girlfriend ko."

She loved Wonderluck so much kaya naman simula noong highschool pa siya ay iyon na ang pabangong gamit niya. She accepted her defeat. There'd be no use denying her identity. Ngunit hindi niya mapapalampas ang ginawa nito. She shot him a glare.

"How could you do that? You pervert!" sigaw niya.

"I just needed to confirm it," ngisi nito.

"You kissed my neck! Naramdaman ko iyon dahil hindi lang isang beses, hindi lang dalawa kundi tatlong beses mong hinalikan ang leeg ko," nanggagalaiting akusa niya.

"Ganon ako umamoy eh, nanghahalik ng leeg."

"Bastos!" she hissed with a flushed face.

"Hindi mo maiiba ang topic dahil lang nag-iinarte ka sa ginawa kong pagsinghot sa'yo."

"You kissed my—"

"Is that a big deal?"

Napatingala siya at huminga ng malalim para makapagtimpi. Malapit na niyang bangasan ang mukha nito. How could she not make it a big deal? Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may nakadikit sa kanyang lalaki. Hindi na virgin ang leeg niya!

"You touch me again and you're dead. I mean it, you bastard!" she hissed.

"I can't promise you that. Hindi ko sigurado kung magagawa kong ilayo ang kamay ko sa katawan mo," he grinned like a prick. Muling dumampi sa katawan niya ang nag-aalab nitong tingin. Halatang inaasar siya nito.

"Ikaw na ang pinakamanyak na lalaking nakilala ko!"

Isang malagom na halakhak ang pinakawalan nito. In her eyes, the empty hallway suddenly turned into hell. At isang demonyo ang nasa harap niya—isang gwapong demonyo. She angrily pushed the dashing devil on the chest and walked passed him. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nahablot na nito ang kamay niya.

"Not so fast, sweetie. Hindi pa tayo tapos mag-usap."

"Bitiwan mo ako!" she wiggled.

"Hanggat hindi mo sinasabi kung bakit ka nagdisguise ay hindi kita pakakawalan."

"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo dahil unang una, wala ka namang kinalaman sa plano ko. Pangalawa, hindi mo dapat pinakikialaman ang mga bagay na wala namang kinalaman sa'yo at pangatlo, wala ka ng pakialam sa buhay ko o sa kung anuman ang gusto kong gawin!"

"May pakialam alam ako kasi idinamay mo ako sa pagpapanggap mo!"

"Nagpatulong lang ako sa'yo para makalayo sa mga humahabol sa akin at..." Natigilan siya at biglang napamura nang makitang napakangisi na naman ito. Crap! He was really good in baiting people. Nakakuha na naman ito ng impormasyon sa kanya nang hindi niya alam.

"So, bakit ka nila hinahabol?"

"Mind your own business! Bitiwan mo sabi ako eh!"

"How about we talk about it? Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa ginawa mo."

"Hinihintay na ako ng mga kasama ko," pagsisinungaling niya.

"Wala kang kasama," he said matter-of-factly. "So, let's talk."

Wala na siyang nagawa nang hatakin siya nito palabas ng club. Malapit na sila. She has to think of a way to get away from him. Pero mas dapat yata niyang pagtuunan ng pansin iyong paghawak nito sa kamay niya. He was Dasher Claus, for crying out loud! Natitiyak niyang lilikha ng komosyon at tsismis ang pagdating nila ng magkahawak-kamay.

Tumigil siya sa paglalakad. "W-wait..."

"Ano na naman?" naiiritang sikmat nito.

"Bitiwan mo ako. Pangako hindi ako tatakas."

"Kung hindi ka tatakas, bakit kailangan kitang bitiwan?"

"People will talk about us if they ever see us walking hand in hand! Hindi mo ba naisip yun?" nanggagalaiting paliwanag niya. "You are a Claus!"

"So, kilala mo pala ako?" nagdududang tanong nito.

"Correction, kilala na kita. Kanina ko lang nalaman na ikaw pala si Dasher Claus, courtesy of the girls who happened to be talking about you and your brothers in the restroom."

He smirked as he tightened his grasp on her hand. "Let's go!"

"Ayoko ko!" protesta niya.

"Wala akong pakialam kung pagtsismisan man tayo. It's not as if this would be the first time people would see me being with a girl. For your information, sanay na sila," he smirked.

She swore, she would've frozen on the spot when all eyes stared at them—lalo na sa magkahugpong nilang mga kamay—noong dumaan sila sa gitna ng maraming tao habang papalabas sila ng club. Kahit anong pilit niyang pagpiksi ay hindi siya nito binitiwan. Sa katunayan, sa bawat piksi niya ay mas humihigpit ang pagkakahawak nito.

Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla siyang napalingon sa babaeng kanina lang ang pinagmamasdan niya. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig nang mapansin ang kakaibang mensaheng sinasabi ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. It was as if she wanted to strangle her. Kung ganon ay si Dasher ang kanina pa nito tinitignan?

"Hey, Dash! Sino itong magandang babaeng kasama mo?" interesadong tanong ng isa sa mga kapatid nito. Tumayo ito at mabilis na humarang sa daraanan nila bago pa man sila makalabas. Nakilala niya ito bilang si Donder, the commercial model.

"She's just a fan," maangas na sagot ni Dasher.

Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Sasagutin na sana niya ito nang maunahan siya ng nang-aasar at natatawang komento mula kay Blitzen, kakambal ni Donder, na halatang hilig asarin ang kapatid nito. "Fan? Come on! Ano ka, artista?" tukso nito.

Dasher answered Blitzen's banter with a smirk. "I don't have to be in showbusiness to have a fan. In fact, wala pa ako sa showbiz ay marami na akong fans."

"Ang yabang!" sigaw ng isip niya.

"Alright, stop it, you twins. Bumalik na kayo sa mesa at pigilan ang iba pa na lumapit sa'min. We have to go. Huwag ninyo na akong hintayin. Babawi na lang ako next time," pangtataboy ni Dasher sa kambal. "Let's go."

Just like that, Dasher pulled her out of the club. Nalingunan na lamang niya ang kambal na Claus na umiiling at tumataa habang nakatingin sa kanila. Weird, she thought.

.