webnovel

Chapter 3

Chapter 3

Uuwi na ako

"Hoy, babae!" Tawag sa 'kin ni Lyca.

Naglalakad kami ngayong paikot sa buong MOA, binibilhan nila ng mga magagarang damit si Yohan. Napansin kasi nila na tatlo lang at paulit-ulit ang suot niya. Tapos hinila pa nila kaming dalawa galing sa bahay papunta dito sa loob ng store na puro branded ang gamit! Nakakaloka!

Napakamot ako sa ulo ko bago humarap sa kaniya, "bakit na naman?" Inis kong sabi.

"Anong pangalan ni papabel mo?" Nginuso niya pa si Yohan.

"Yohan ngaaaa!" Gigil kong sagot.

"Ay, gigil na gigil? Malaki ba?" Biglang sulpot ni Sammy.

"Anong malaki?" Takang tanong ko.

"Yung ano!" Pasigaw na bulong ni Irene na sumulpot bigla sa likod ng ulo ni Sammy.

"Ang ano nga?!" Napapadyak na ako sa inis.

Bigla akong binatukan ni Katrina, "malaki ba yung tiwala?" Napakunot ang noo ko.

"O...o?" 'Di siguradong sagot ko.

"Ah... Marami ba?" Biglang tanong ulit ni Lyca.

"Ang?"

"Yung ano!" Sammy naman ngayon.

"Kanina pa kayo sa ano ha!" Asik ko sa kanila.

"Yung puti!" Napanganga ako.

"Anong puti?"

"Yung brief?" Biglang sabat ni Irene.

"Hindi!" Sabay na sigaw ni Sammy at Lyca.

"Eh ano nga?" Sabay na tanong din namin ni Irene.

Binatukan naman ni Katrina yung dalawa, "ibig nilang sabihin kung marami daw ba yung abs niya?" Napatango-tango si Irene pero napaisip naman ako.

Ilan nga ba yung nakita ko?

Lahat sila nakatutok sa akin habang hinihintay ang sagot ko, "ahm... dose," nagsilakihan ang mga mata nila.

"Dose?!" Sabay-sabay nilang sigaw dahilan na pagtinginan kami.

"Oo,"

"Nakita mo?!" Lyca habang nanlalaki ang mata.

"Owemji! Twelve pack abs!" Sammy sabay talon-talon.

"Nakakaloka! Ihhh!" Irene na kulang na lang magpagulong-gulong.

"Pwede na mahimatay," pagkasabi nun ni Katrina ay nawalan nga siya nang malay.

"Ay, nahimatay?" Sabi ko na lang habang pinagtutulungan nilang gisingin si Katrina.

~*~*~*~*~

Pauwi na kaming anim nang biglang nagsitunugan ang selpon naming mga babae. Binuksan ko ang selpon ko at binasa ang dahilan na tumunog ito.

"Owemji! Ngayong eight o'clock pala mag-g-gig!" Sigaw ni Sammy.

Lumapit sa akin si Yohan at kinuwit ako, "what's gig?" Tanong niya.

"Kakanta kami, banda kami eh," sagot ko habang naglalakad naman papunta sa bistro na dapat naming pag-gigan.

"Can I watch?"

"Sige lang," sagot ko habang patuloy na naglalakad.

Nang makarating kami ay agad na nagsilabasan ng bass at drums ang crew ng bistro. Alam nilang dadating kami kaya mabuti nang handa sila.

Pinaupo namin si Yohan sa isang stool sa pinakadulo dahil ayaw niya daw sa madaming tao, arte naman kala mo kung sino.

Prinsipe nga pala siya 'no?

Natampal ko na lang ang ulo ko sa inis. Nang umakyat ang emcee sa stage para magdada ay napatulala na lang ako.

Paano nga pala namin hahanapin yung babaeng mamahalin ni Yohan? Parang sa dinami-daming tao dito sa mundo saan ko mahahanap yung para sa kaniya?

Habang iniisip ko yung paghahanap sa babaeng mamahalin niya ay parang kumikirot ang puso ko, masikip ang dibdib ko tapos parang ang hirap huminga.

"... Let's welcome, Craze Out!" Sabay-sabay kaming tumayo at dumiretso sa stage.

Nagsimula nang tumugtog ng bass at drums sina Lyca, Irene at Katrina samantalang si Sammy ay nagpiano niya. Nagpapadyak ako ng paa hanggang sa magsimula na rin akong kumanta sabay pikit.

~*~*~*~*~

Cupid's POV

"Yohan." Maawtoridad na tawag ko sa kaniya.

Napalingon siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata, "you..."

"I'm here to warn you, you will have six years left, your running out of time boy," paalala ko.

"No! You said nine years!"

"Take it or leave it?" Namutla siya at napako sa sariling kinatatayuan.

"Why?" Nanghihinang tanong nito.

"Because you deserve to be punished." Yun lang bago ako tumalikod at pumasok sa madaming tao tapos naglaho sa hangin.

Nahanap na niya ang nakatakda sa kaniya, sana hindi ako pakialaman ng iba pang mga diyos at dyosa.

~*~*~*~*~

Analisa's POV

Pagkatapos naming magperform ay pinalakpakan kami at bumaba na rin ng stage.

Papalapit kami sa stool kung saan namin iniwan si Yohan nang mapansin naming wala siya doon.

"Hala! Na saan si pogi?" Tanong ni Irene.

Lumapit ako sa stool at napalinga-linga. May dumaan na bartender kaya tinawag ko, "psst, may nakita kang intsik dito na gwapo?" Tumango siya.

"Opo, ma'am may kausap rin siyang lalake kaganina, mukhang mayaman." Napakunot ang noo ko.

"Anong sabi daw?"

"Five years na lang daw itatagal niya, tapos hindi pumayag yung kasama niyo, bigla na lang umalis yung kausap niyang mayaman at nawala sa madaming tao bago siya tumakbo papalabas." Tinuro niya pa ang daan kung saan lumabas si Yohan.

"Sige-sige salamat," tumakbo na rin ako palabas at hinanap siya, "Yohan!" Tawag ko.

Na saan ka na?

"Yohan! Ano ba! Lumabas ka na hindi na nakakatuwa!" Pilit ko parin siyang tinatawaf, 'di ko na rin pinansin ang ibang dumadaan na napapatingin sa akin. "Yohan!" Biglang nabasag ang boses ko.

Doon ko lang namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Tumigil ako at humarap sa bistro na pinanggalingan ko, nandoon sina Lyca, Sammy, Irene at Katrina.

"G*ga, uwi na tayo." Naawang sabi ni Lyca.

"Ate gurl, sa tanang kag*gahan ng buhay ko, ngayon ka lang umiyak ng ganyan," sagot ni Sammy.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang humihikbi, yinakap nila akong apat.

"Babalik yun," sabat ni Irene.

"Paano?" Tanong ko.

"Kung alam mo lang ang nakikita namin, Lisa, 'di mo na kailangan mangamba." Mas lalo pa akong humagulgol sa komento ni Katrina.

"Tama na, papahingahin na natin si Lisa, pagod lang 'yan." Ngumiti silang apat sa akin at inakay ako pauwi.

Uuwi na ako bukas ng London. Uuwi na ako kapag hindi siya bumalik sa condo ko.