webnovel

Chapter 28

Nang dumating ang room service na dala ang dinner nila ay kumain na sila ng hapunan, pagkatapos ay nanood ng TV. Nasa kalagitnaan na sila ng panonood ng humikab si Lexi. "Tulog na tayo, Lex." Aya ni Jake. "Ha? Bakit, inaantok ka na ba? Mauna ka na kung gusto mo." Sabi ni Lexi na halata ni Jake na medyo nag-aalangan dahil sa usapan tulog. "Sige na, matulog ka na sa kama. Dito na lang ako." Sabi ni Jake. "Sigurado ka?" Tanong ni Lexi. "Oo, sige na, bago pa mag-iba isip ko at baka ikaw pa ang patulugin ko dito sa lapag o baka naman gusto mo tabi na tayo." Nakangising sabi ni Jake. "Hindi. Sige, good night." Sabi ni Lexi sabay tayo mula sa sofa. "Good night lang?" Nakangiting tanong ni Jake. "Sabi ko nga pala kay Tatay tatawagan ko siya." Sabi ni Lexi. "Oo na, sige na, good night na." Sabi ni Jake at sinimulan ng ayusin ang mattress sa sahig. Si Lexi naman ay nahiga na sa kama. Dahil sa pagod sa biyahe ay nakatulog agad silang pareho.

Nagising si Lexi ng madaling araw dahil naiihi siya. Bumangon siya at nagulat pa ng makitang nakasandal si Jake sa may sofa. Magulo ang mattress at comforter na nasa baba, halatang hindi pa nakakatulog ng maayos ang binata. Pabagsak-bagsak ang ulo ni Jake. Hindi alam ni Lexi kung matatawa o maaawa ba siya sa binata pero bandang huli ay mas pinili niya ang maawa. Tiyak na hindi makakapag-concentrate ito mamaya sa convention kapag kulang ito sa tulog. Pagakatapos n'yang umihi ay nilapitan niya si Jake. "Jake..." Gising nito sa binata. Dahil sa hindi naman malalim ang tulog ng binata at nagmulat agad ito ng mata ng madinig ang boses ng dalaga. "Bakit, may problema ba?" Naalimpungatang tanong ni Jake. "Tara na sa kama. Doon ka na matulog." Sabi ni Lexi at hinila patayo si Jake. "Ok na ako dito." Sabi ni Jake. "Mahihirapan ka mamaya paghindi ka nakatulog ng maayos kaya 'wag ka ng mag-inarte d'yan." Sabi ni Lexi. "Eh paano ka?" Tanong ni Jake. Hindi kumibo si Lexi. Kinuha ang comforter at unan na nakalagay sa mattress at inilagay sa gitna ng kama. "D'yan ka, dito ako. Huwag na huwag kang lalagpas d'yan." Banta ni Lexi. "Antok na antok na ako kaya wala na kong lakas para gawin ang nasa isip mo kaya mahiga na tayo." Pagkasabi ni Jake ay nahiga na ito sa kama. Maya-maya lang ay nadinig na nga ni Lexi ang mahinang hilik nito. "Kawawa naman." Sabi niya sa sarili. Humiga na din siya at sandali lang ay nakatulog na din ang dalaga.

Kahit pagod ay sanay na si Jake na gumising ng maaga. Mag-iinat sana siya pero hindi siya makagalaw dahil may nakadagan sa kanyang mabigat na bagay. Pagmulat ng mata niya ay nakita niya na halos nakapatong na ang katawan ni Lexi sa kanya. Natawa siya sa itsura ng dalaga pero kasabay noon ay nakaramdam din siya ng kakaiba dahil sa posisyon nila. Pinagmasdan niya ang dalaga, inalis ang mga hibla ng buhok na nakalagay sa mukha nito. Bumuntong hininga siya at dahan-dahan inalis ang kamay nito na nakapatong sa dibdib niya. Kasabay nito, nagmulat na din ng mata si Lexi. "Morning." Sabi ng binata. Ngumiti si Lexi pero maya-maya ay kumunot ang noo nito. Tiningnan ang posisyon sa kama pagkatapos ay nagmamadaling lumayo kay Jake na pulang-pula. "Hindi ko alam na sobrang likot mo pa lang matulog." Nakangising sabi ni Jake. "Sorry." Mahinang tugon ni Lexi. "No problem, it's my pleasure na ikaw ang yumakap sa akin." Tuksong sabi ni Jake. "Maliligo na ako." Sabi ni Lexi sabay tayo at deretso ng CR para makaiwas sa kahihiyan. Hindi maiwasan ni Jake ang matawa sa itsura ni Lexi. Akala mo pusang tumakbo na lang bigla dahil may nakitang aso.

Pagpasok ni Lexi sa loob ng CR ay binatukan niya ang sarili. "Lexi del Rosario, ano bang kalokohan ang ginawa mo? Ha'ay!!!" Sabi ni Lexi na kinakausap ang sarili sa salamin at pagkatapos ay ginulo ang buhok. Matapos pagalitan ang sarili ay nagpasya na siyang maligo. "Isa ka talagang malaking tanga, Lexi!!!" Sabi ng dalaga sa sarili matapos maligo. Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan ni Lexi na magdala ng towel pati ng pambihis niyang damit.

Nang pumasok si Lexi sa CR ay tumawag na si Jake sa information para magparoom service na lang ulit ng pagkain. May breakfast naman sa convention pero ayaw na niyang pumila ng pagkakahaba-haba kaya minabuti niyang kumain na muna sila bago bumaba. Pagkatapos niyang tumawag ay tumingin siya sa CR. "Ang tagal naman maligo ng babaeng 'yun." Sabi niya sa sarili. Maya-maya pa ay nadinig niya na tinawag ni Lexi ang pangalan niya.

"Jake." Tawag ni Lexi. Lumapit si Jake sa pinto ng CR. "Bakit?" Tanong ni Jake. "Ahm, pwede bang paki-abot ng towel ko saka damit?" Sabi ni Lexi na kung makikita ni Jake ay pulang-pula na kala mo hinog na kamatis. Nangiti naman si Jake at kinuha ang trolley bag ni Lexi. Binuksan niya ito at humanga siya sa pagkakaayos ng mga gamit ng dalaga. "Alin dito?" Tanong ni Jake. "Yung navy blue na pants." Sagot ni Lexi. "Pants lang?" Tanong ni Jake sa sarili. Nakabilot ang pantalon kaya pagkuha ni Jake dito ay hindi niya nahawakang mabuti kaya natanggal ang pagkakabilot at bumagsak ang isang T-shirt kasama ang bra at panty ni Lexi. Nagulat si Jake kaya dali-dali niya ulit inayos ang damit na kala mo walang nangyari. "Lex, eto na." Tawag ni Jake. Pagbukas ng pinto ay naamoy agad ni Jake ang mabangong shampoo na sinamahan pa ng amoy ng sabon pampaligo na ginamit ni Lexi. May nabuhay na naman kay Jake gaya kanina. "Asan?" Tanong ni Lexi. Unang inabot ni Jake ang pantalon pagkatapos ay ang towel na hindi muna niya binitiwan agad dahil nakaisip ng kalokohan. "Jake, bitiwan mo na!" Asik ni Lexi. "Lex..." Sabi ni Jake. "Ano? Amina kasi. Giniginaw na ako." Inis na sabi ni Lexi. Napalunok si Jake sa sinabi ng dalaga. Ipinilig niya ang ulo sa naisip kaya bigla niyang binitawan ang towel na isang pagkakamali. Dahil akala ni Lexi ay hawak pa din ni Jake ang towel ng mahigpit kaya bigla niya itong hinila na naging dahilan para maout of balance siya at madulas. Nadinig ni Jake ang kalabog ni Lexi sa loob kaya dali-dali siyang pumasok. "Lex!" Sabi ni Jake pero isang sigaw ang sumalubong sa kanya.

"Sinong may sabing pumasok ka dito!?" Galit na tanong ni Lexi na mangiyak-ngiyak sa sakit ng pwet at siko niya. Naitukod niya kasi ang siko pagbaksak niya. "Sorry, sorry." Sabi ni Jake sabay talikod. "Nakakainis ka!" Sabi ni Lexi na pinilit tumayo pero bumagsak lang ulit dahil sumakit ang kamay niya na kadugtong ng sikong tumana sa sahig. "Sorry na, sorry na." Muling sabi ni Jake. Nadinig niya ang impit na daing ng dalaga. "May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ng binata. "Yung siko ko, ang sakit." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Lexi. Haharap sana si Jake pero sumigaw ulit si Lexi. "Lex naman, baka kailangan nating dalin yan sa doktor." Sabi ni Jake na alalang-alala. Habang tumatagal ay tumutindi ang kirot ng siko ni Lexi. Nagsisimula na ding lamigin ang katawan niya. "Pumikit ka at huwag kang didilat hanggang 'di ko sinasabi." Sabi ni Lexi. "Ok." Sagot ni Jake.

Dahan-dahan lumakad si Jake palapit kay Lexi. Hindi alam ni Lexi kung matatawa ba o magpapatuloy sa pag-iyak dahil sa itsura ni Jake na pakapa-kapa sa hangin. Bumuntong-hininga si Lexi. "Jake..." Sabi ni Lexi. "Dumilat ka na. Pareho lang tayong mahihirapan." Sabi ni Lexi. Pagdilat ni Jake ay tumambad sa kanya ang katawan ni Lexi. Nakita niya na kahit namumula ang mukha nito ay nakangiwi dahil sa sakit na nararamdaman. Isinantabi ni Jake ang paghanga sa nakita. Kinuha agad niya ang towel at ibinalot kay Lexi. Dahan-dahan binuhat ni Jake si Lexi at dinala sa kama. Napa-aray si Lexi ng tamaan ni Jake ang siko niya. "Dadalin na kita sa ospital." Sabi ni Jake. Bubuhatin na muli sana ni Jake ang dalaga pero pinigilan ni Lexi ito. "Magbibihis muna ko saka kaya ko ng lumakad. Yung siko ko lang talaga ang masakit." Sabi ni Lexi. "Ok." Sagot ng binata.

Namumula silang pareho dahil tinulungan ni Jake magbihis si Lexi. Ingat na ingat si Jake sa pagbibihis kay Lexi. Una ay dahil baka may fracture si Lexi at pangalawa, baka isipin ni Lexi na nagtetake advantage siya sa kanya. Habang binibihisan niya ang dalaga ay hindi siya tumitingin sa katawan nito kaya minsan ay hindi maiwasan na nagtatamana ang mga balat nila. Parehas silang bumuntong hininga pagkatapos ng bihisan at parehas din silang tumawa ng tumingin sila sa mga itsura nila.