webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teenager
Zu wenig Bewertungen
303 Chs

Chapter 77: Sorry

Kahit mahirap sakin ang bumalik muli para dalawin sya. Pumunta pa rin ako. Ayokong magsisi sa huli. Gusto kong gawin ang lahat kahit pa ang magsakripisyo. Mahirap man ang naging sitwasyon ko o maging sya. Naniniwala pa rin akong may hangganan rin ang lahat ng ito. Alam ko naman na di tatagal ang ulan sa isang araw. Darating ang bahaghari pagkatapos nito.

"Bamby, pasensya na kahapon. Di namin alam na gagawin nya iyon sayo. Pinagsabihan na namin.. para magtino.." Doon lang nagising ang natutulog kong utak. Kanina pa ako dumating dito pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni ate. Nakatulala lang ako sa mukha nyang mahimbing na natutulog.

"Wala na po yun ate.." halos ganun lang ang lumalaba saking bibig tuwing dumadalaw dito. I wanted to say it all tungkol sa hinanakit at sakit ng loob ko sa kapatid nya pero hindi ko magawa. Nanghihina ako tuwing naririnig ang maingay nyang paghinga. Natatakot rin akong baka marinig nya. Baka imbes gustuhin ako. Kamuhian pa lalo nya ako. And I hate that.

Noong bumalikwas sya. Nagpaalam si ate na may bibilhin lang. Sina Tito at tita ay may nilakad na papeles para makatulong sa kanila sa mga bayarin. Nag-offer ako pero tinanggihan nila ako ng todo. "Babe, maghihintay pa rin ako hanggang sa pagbalik mo.." bulong ko sa kanyang gilid. Inayos ko ang kanyang kumot. Saka bumalik sa maliit na sofa. Tuwing bumabalik sakin ang nakaaraan. Kinakain talaga ako ng lungkot. Kung pwede lang balikan ang masasayang alaala?. Babalikan ko, maging masaya lang ulit kami katulad nung dati.

Pero di na yun ganun kadali. Lalo na ngayong ganito sya sakin.

"Wag kang susuko Bamby. Kaya mo yan.." pilit kong pinapalakas ang sarili para lang wag mawalan ng pag-asa. Iyon naman dapat ang gawin ng mga taong nahaharap sa mabibigat na pagsubok hindi ba?. Hanggat maaari, huwag susuko.

Noong bumalik na si ate. Kasama na nya si tita. Nag-usap kaming saglit bago ako nagpaalam sa kanila. Nagtext kasi si kuya na ililibre nya ako ng sine. Bored daw kasi sya. Dahil sa utang na loob ko sa kanya. Sa pagdala nya ng regalong di ko alam kung kinuha ba ni Jaden o hinde, ay umoo ako kay kuya. Kailangan kong maglibang upang wag mabaliw kakaisip sa mga nangyayari. Thinking, makes me feel I'm useless or worthless. I need some divertion to atleast relieve the pain in me.

"Balik ka pa ba ng ospital?.." he asked nung nasa loob na kami ng sinehan. Mabuti nalang action movie ang pinapanood namin ngayon. Alam nya rin palang makisama minsan.

"Bukas nalang.. baka magwala na naman pag nakita ako.." malungkot kong sabe. Ganito kasi ang nangyari noong isang gabing pinakiusapan ako ni tita na samahan si ate Cath. Nakahiga ako sa sofang maliit. Ginawa kong unan pa ang dalawang braso upang maging komportable ako. Habang si ate naman ay nagpaalam na bibili ng makakain. "Ikaw na naman!?.." nagulat talaga ako sa sigaw nya. Bigla akong napatayo ng di nag-iisip.

"Umalis kasi si ate Catherine, bibili lang ng pagkain. Babalik din mamaya." paliwanag ko. Wala na akong ibang maisip na sabihin. Gosh!. Be calm Bamby!.

"Wala akong pakialam.. umalis ka na.."

Kingina!. Paano ako kakalma sa ganitong trato nya?. It sucks!!..

Wala pang ilang segundo. Nag-init na ang mata ko. Umakyat lahat ng dugo saking ulo. Parang gustong sumabog na di ko mabigyan ng kahulugan. "Jaden, hindi mo ba talaga ako nakikilala?.." nanlalabo ang matang tumingin sa kanya. Nakaupo ito sa kanyang higaan. "Bamby lang naman pangalan ko. Bakit iyon pa ang nakalimutan mo?.." hinayaan kong mahulog ang mga luha saking mata. Bawat patak noon , ay mga salita na di kayang bigkasin ng nanginginig kong labi.

Matagal nya akong tinitigan. Inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo o hinde. Pinagbigyan ko ang aking matang tumitig sa kanyang mukha. Blangko pa rin ito.

Matagal bago sya umiling. "I'm sorry.."

Gumuho na naman ang mundo ko.

Di ko na napigilan pa ang mga binti ko papunta sa kanya. Kung magkakaawa lang ang paraan para pakinggan nya ako. I'll beg. I'll be for his love forever. "Sorry, wala akong maalala.." yumuko sya sa kanyang mga kamay. Kahit natatakot. Lumapit pa rin ako sa tabi nya.

"Handa kong gawin ang lahat. maibalik lang ang alaala mo..." kasama ako. Kinagat ko ng mariin ang labi dahi sa panginginig. My goodness!. Calm yourself down Bamby!.

Hindi sya tumango o umiling. Nakayuko pa rin sya ngunit nag-angat rin ng tingin nang matanto ang sinabi ko. Mababasa ang sinseridad sa kanyang mga mata. Humihingi ng tawad.

Di ko alam kung bakit mas lalong nag-unahan ang luhang bumaba saking pisngi nang humarap sya sakin sa unang pagkakataon mula ng magising sya. Parang may bahagi ng puso ko ang unti unting nabubuo. Dahan dahan nyang iniangat ang kanang kamay. I'm too stunned to even move backwards. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad saking pisngi. He's wiping out my falling tears. Lumakas ang talbog ng aking dibdib. Kulang nalang tumalon ito sa kanya. "Sorry, kung wala akong maalala.." he said while caressing my cheeks. Napapikit ako sa marahan nyang haplos. "I didn't mean to hurt you this way.. I'm sorry.."

Hinawakan ko ang kamay nya at hinaplos rin. Umiling ako at ngumiti habang umiiyak. Parang baliw. Well, I am crazy inlove with you.

"Try please babe.. I miss you.." bulong ko sa mainit nyang palad. Nagmamakaawa.

"I'm sorry.. wala talaga.." di na nya ako sinigawan nang sumunod na mga araw. Hinayaan nya na rin akong lumapit sa kanya't pagsilbihan sya. Na ikinagulat nang kanyang pamilya.

Masaya akong may development na samin. At umaasa akong, tuloy tuloy na iyon hanggang sa maalala na nya ako.

Somtimes, sorry is not always the end. It's the beginning of a new journey.