"Bamblebie, tikman mo nga to kung masarap.." inilapag ni kuya Lance ang piniritong okra at talong saking harapan at may kasamang sawsawan na toyo at kalamansi.
Weekend ngayon kaya off ko. Kakaalis lang rin nina papa patungong East coast. May imemeet daw silang kaibigan doon. Di ko nila sinabi kung sino. Basta tinanguan ko na lamang sila sa mga bilin nilang nakapila.
"Ayoko.. busog pa ako.." pagsisinungaling ko. Wala ako sa mood kumain ngayon. At sa pinakita pa nyang pagkain?. Nawalan ako ng gana. Hindi sa ayaw kong kumain ng gulay. Sadyang may mga araw na wala talaga akong ganang kumain. Di ko nga alam kung bakit e.
"Sige na.. sabi kasi ni mama, gulay daw muna kainin natin ngayon.."
"Ikaw nalang.. ayoko.." iniatras kp yung isang platito ng gulay sa harap ko at iniuspg sa kanya. Nakasamlampak ang kanyang mga palad sa mesa at diretsong nakatingin sakin.
"What?.." tanong ko ng di mawala ang mata nya sakin. Tinarayan ko sya subalit di pa rin nagbabago ang kanyang titig.
Naiilang tuloy ako sa kung paano sya tumitig. Para bang binabasa nya ang laman ng isip ko na puro si Jaden lang naman.
Speaking of. Sobrang miss ko na sya. Kung pwede ko nga lang liparin ang kabilang bahagi ng mundo. Naku!. Matagal ko ng ginawa. Ah! I miss my boy!
"Anong kakainin mo kung ayaw mong tikman yan?.." sa haba ng paninitig nya sakin. Iyon lang ang sinabi nya.
"Ayos na sakin ang mangga.."
"Kaya ka di tumataba eh.." anya. Hinagod pa ang buo kong braso paakyat saking mukha. Damn! Ano bang ginagawa nya?.
Sa lumipas na buwan. Naging abala ako sa part time job ko. Sa fast food at sa isang grocery store. Ang hirap. Syempre, trabaho. Wala namang madaling trabaho hindi ba?. Lahat mahirap. Pero sakin naman. Hidni iniisip na mahirap sya. Lagi kong inuulit ang binioin sakin ni Jaden na, "Babe, ienjoy mo lang para di mahirap sa'yo." yan lagi ang pinapaalala ko saking sarili para di agad magalit sa mga customer na masungit.
Sa mga araw ding iyon. Laging tipod na ako kumain. Ayoko ng mga prito. Gusto ko yung may sabaw. Gulay man yan o karne. Basta may sabaw na hinihigop.
"Tumawag si mama. Kumain ka raw.." binalikan ako ni Kuya sa inuupuan ko. Nasa sala ako ngayon at nanonood lang ng movie.
Ang kulit. Ayoko nga!
"Later kuya.." iyon nalang ang isinagot ko para di na nya isumbong pa kay mama. Hindi naman ako payatot. Hindi rin mataba. Katamtaman lang ang aking katawan na lagi nilang sinasabing walang laman. Mga bwiset sila! E anong magagawa ko kung ganun nga ang hulma ng aking katawan. Kahit yata ilang kaldero pa ang kainin ko kung mabilis ang metabolismo ko, talagang di talaga ako tataba.
Lumipas ang oras at pareho na kaming nasa sala. Sina Kuya Mark pala. Bumalik na sila sa kanilang bahay. Dyan lang naman sa malapit.
"Kuya..." ang tahimik ng pinapanood namin kaya sigurado akong rinig nya iyon kahit mahina.
"Hmmm??.." tamad nyang tanong.
"Meron pa ba yung mangga sa ref?. Gutom ako.." sabay himas saking tyan. Kanina pa to maingay. Pakiramdam ko. Gutom ako pero ayaw ko yung nakitang ulam kanina kaya nawalan ako ng gana
"Hmmm..." sinabayan ko na ang pagtango nya. Tumayo ako't inilapag sa maliit na mesa ang cellphone ko. Kachat ko si Jaden. Ang dami nyang kwento. Di maubos ubos. Dumiretso ako sa kusina. "Pakikuha na rin yung nachos dyan. Salamat.." habol nya sakin bago ako nakatapak sa loob nito.
Mabilis kong binuksan ang ref saka kinuha ang manggang hilaw at bagoong. Isinara ko na iyon at hinila ang isang nachos na nakatagilid lang sa may drawer.
"Make it fast please!.."
"Fast your ass!.." bulong ko sa hiyaw nya. E di sya nalang ang kumuha kung nagmamadali sya. Kainis!
"Ang tagal mo naman?.." muling reklamo nya nang uupo na ako sa tabi nya. Kakatapos ko lang binalatan yung tatlong piraso ng mangga at pinaliguan iyon ng bagoong.
Di ko na sya sinagot. Basta inikutan ko nalang sya ng mata nung iniabot yung hinihingi nyang pagkain kanina pa.
"Mangga tas di ka kumain ng kanin?. Nice huh.." sarkastiko pa nyang sinita ang nilalantakan kong mangga.
"Ang sabihin mo, naglalaway ka lang. Wanna taste?.." alok ko ngunit lumayo sya ng ilang dipa lang naman sakin. Ang arti! Bakla!!!
"Ew!. Bat ba ang hilig mong kumain ng mangga na may bagoong?.. so gross.."
Suskupo! Kailan pa hindi naging masarap ang mangga na may bagoong?. Tsk! Ang weird nya talaga! As in weird/o!!
"Ang sarap eh. tikman mo kaya.." muling inilapit ko iyon sakanya ngunit tumakbo na sya paakyat ng hagdan saka nya ako pinaulan ng mga salitang di kp maintindihan dahil sa nilakasan ko ang volume ng tv.
"Hi babe.." sagot ko sa tawag ni Jaden. Kanina pa pala sya tumatawag. di ko naririnig dahil nakasilent ang phone ko.
"Anong kinakain mo?. Mangga na naman?.." tanong nya. Lagi kasing mangga ang nakikita nyang kinakain ko tuwing tumatawag sya. E sa gusto ko ng mangga e. Minsan pa nga. Umiyak ako dahil inubos ni kuya. Di sya bumili kaya buong gabi akong umiyak ng dahil lang doon. Ang weird ko lately. Pansin ko rin naman kahit ilang ulit pang sinisigaw sakin ni kuya Lance na ayaw nya raw ng amoy ng bagoong. Tsk! Bahala sya dyan! Di takpan nalang nya ilong nya. Di yung pinipigilan akong kumain ng gusto ko. Kaasar!
"Kumain ka ng gulay babe tsaka ng kain.."
"Kumakain naman ako babe.. sadyang gusto ko lang nito.." matagal syang nanood lang sakin bago nawalan na ng signal.
Gusto ko ng mangga at bagoong! Walang makakapigil sakin!