webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teenager
Zu wenig Bewertungen
303 Chs

Chapter 41: Boyfriend?

"Bamby, did Dilan called you?." si Lance ito. Tinanong ang kapatid na nasa kanyang tabi. Ako ang nakaupo sa likod. Nakikinig lang sa usapan nila. Nakikisabat kapag kailangan. Pinayagan nila kaming gumala pero hanggang hapon lang. Uwi na kapag alas sais na ng gabi. Gustong sumama ni Niko pero hindi pinayagan ni Papa. Kaya wala na naman syang nagawa kundi magmukmok sa gilid.

"Nope.. why?.." iritadong sinagot nito ang kapatid. Umayos ako ng upo. Sabay hagod na rin ng buhok. Di mawala kaba ko e.

"Tumawag sya kanina. Uuwi raw dito sa Pinas. He wants to visit you here.."

Nilingon nito ang kapatid na nasa kalsada lang din ang mata. Di sya matignan ng diretso. "Bakit daw?. Anong gagawin nya rito?.."

Sa labas ko nalang ibinaling ang tingin ng magtama ang mata namin sa salamin na nasa harapan. Kagat ang labing pinapanood ang mga taong naglalakad.

"He wants to talk to you. You know. He wants you two. Back together.." pumikit ako at mariing lumunok. Dilan? Di ba sya yung kinausap minsan ni Lance sa cellphone?. Kasama nya si Bamby sa graduation ball nila noon?.. Boyfriend nya?. Bat back together daw?.

Natahimik silang dalawa. Wala rin naman akong sasabihin kaya itinikom ko nalang ang aking bibig.

"Sabihin mo. wag na syang mag-aksayang pumunta pa rito. What's done was done.. periodt.."

"Too late lil sis. Baka bukas nasa airport na sya.."

"What!!?." bulyaw nito sa kapatid. Hindi na ako makahinga. Tama bang sumama ako sa kanila?. Awkward men!.

"Don't get mad at me. Pinagbawalan ko na ngang pumunta dito e. Nagpumilit pa rin.."

"Bakit ngayon mo lang to sinabi?. Goodness kuya?.. I hate him you know that.."

Itinaas ni Lance ang mga kamay ng ilang segundo. Sinasabing wala na syang magawa pa para doon. Umayos sya ng upo at naghalukipkip. Kita ko ang lahat ng galaw nya dahil diretso na sa daan ang mata ko. Hindi iniinda ang usapan nila.

"Ayoko ko syang makita. I hate him!.." patuloy nyang histerya.

"You hate him now but you lov--.."

"Kuya!??." mabilis nitong pigil sa nakakatandang kapatid. Napatalon pa ako dahil sa lakas ng kanyang tili. Ayokong isipin na may relasyon sila. Ngunit hindi na nya kailangan pang sabihin dahil halata na sa mga galaw at sinasabi nya at ng kapatid nya na nagkaroon nga sila ng relasyon ng Dilan na yun.

"Anong plano mo ngayon?. Di ka titigilan nun. Obsess sa'yo yun eh.."

"I don't know.." nanghihina nyang sagot. Nakita kong tinignan ako ni Lance sa salamin. Bago ibinalik sa daan ang mata.

"What about him?.."

"Whose him?.. ugh!. Kuya naman. Kinakabahan na nga ako eh.."

"Jaden.." nagitla akong sa narinig. Did Lance called me?.

Hay!. Susmaryosep Jaden!. Gising ka pa ba?..

Nilingon nila ako ng sabay pero agad naunang inalis ni Bamby ang singkitan nitong mata. "Ano si Jaden?.." mahina ngunit dinig na dinig ko. Wala sa sarili na naman akong lumunok. Bumuga ng hangin at nagkamot ng batok.

"Make him as your new boyfriend.." suhestyon ni Lance na nagpatigil saking huminga ng ilang segundo. Susmaryosep!. Anong sabi nya?. Di ko narinig ng malinaw e. Pakiulit bruh.

"It's your only way to escape that brat lil sis. Now, you choose?. Him or Jaden?.." nananaginip ba ako o totoo to?.

"Don't make me choose kuya.. You already knew what's on my mind and heart.."

"Hahahaha.. still him huh?.. he's so lucky. hmm. he is.. you still love him until then?.. tsk. tsk.. I know that.. of course.." tatango tango si Lance habang sinasabi ito. Mas lalo pa nya akong tinignan ng makaparada na sya ng tuluyan sa parking ng mall. Panay lunok lang din ang tangi kong nagawa sa mga oras na yun. Di alam ang isasagot sa binabalak nila.

Ano ba tong topic nila. Nakakabaliw mag-isip. Hindi ako makasabay. Ang tanging alam ko lang ay ang suhestyon ni Lance na maging boyfriend nya ako. Nay!. Kung panaginip man ito. Sana panghabang buhay na.