webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teenager
Zu wenig Bewertungen
303 Chs

Chapter 40: Smile

Kahit nasa loob ng klase. Kinakabahan pa rin ako. Yung malawak na ngiti ko, hindi mapawi. Kahit may quiz, naglelecture ang guro, kahit may nagrerecite at hanggang matapos ang klase. Nakangiti pa rin ako.

"Ampusa gurl!. Ang ganda ng araw nang iba dyan. Di mawala ang ngiti.." pumagitna ako sa kanilang dalawa. Kakatapos naming maglinis. Nakaupo na kami ngayon sa gym. Inaantay si Kuya Lance. Oras na para umuwi.

"Kaya nga e. Ano kayang nangyari noh?.." kahit nasa pagitan nila ako, di nalang silang mahiyang ako ang topic nila. Ang bait nila. Sobra.

"Mga walang hiya!. Sinadya nyo ba yun?.." inis na pigil ko sa pagtatanong nila. Nagkatinginan silang dalawa. Palipat lipat lang rin ang paningin ko sa kanila.

"Anong sinadya?. Wag mo kaming sisihin gurl. Tadhana na ang gumawa ng kapalaran nyo. Malay ba namin.." ani Winly. Kinawayan pa ang mga estudyanteng pumapasok ng gym. Binabati isa isa. Kulang nalang mangumpanya.

"Jaden!.." sigaw nito sa taong nakatalikod. May hawak na dustpan at walis. Kakapasok nya ng gym. Kasama ng buong section nila.

"Bakit yun?.." lumapit ito samin. Kinurot ko ang tagiliran ng baklang madaldal ng palihim. Nagreklamo ito ng mahina.

"Ah. Ibabalik raw kasi ni Bamby yung note mo.." imbes tarayan ko si Winly. Nanlambot ang aking tuhod sa naging sagot nya.

"Hawakan mo na muna. Kunin ko nalang sa bahay nyo mamaya.."

Ah!..... Hell shit!. Pupunta sya ng bahay?. Lagi naman diba. Pero ngayon, feeling ko kakaiba. May something special.

"Ganun ba?. Sige.." damn! Di ko maiwasang mautal. Hanggang kailan kaya ako masasanay sa presnsya nya?. Haist Bamby!. Be still please!.

Malalim na ngitian ang nangyayari sa pagitan namin. Ngunit naputol na naman dahil sa may tumawag sakin.

"Bie!..." hell shit!. Sabi nang wag akong tawagin ng ganun e. Marami pa namang tao sa gym. Ampusa!.

"Pwede makitulog sa inyo mamaya?.." bungad nito saming harapan. As usual, maganda ang kanyang ngiti. Hay. Bat kasi umuwi pa to e?. Maganda naman sa Australia. Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy kung sino yung babaeng naging dahilan ng pag-uwi nya. Wala syang sinasabi o binabanggit man lang.

"Ah. Hehe.. Kay kuya ka nalang magpaalam.." kako. Eksakto namang dating ni kuya. Wala akong lakas ng loob sumang-ayon. Kaharap ko ang kryptonite e. Nanghihina ako.

"Ace, anong meron dito?.." si kuya. Parang ang linis pa ring tignan kahit tapos na ang buong araw ng klase. How to be you po?.

"Kuya, pwedeng makitulog sa inyo mamaya?. Umalis na kasi mga pinsan ko."

"No problem. Saan sila pumunta?.."

"Sydney.."

"Ha!?. Akala ko ba nag-aaral sila dito?.." gulat si kuya. Mas lalo ako.

""Masakit po kasi si tito. Kailangan sila ni tita duon para magbantay kaya ayun bumalik sila kahit ayaw talaga nila.."

Nagbuntong hininga lang si kuya.

"Sige. Daan tayo sa bahay nyo mamaya. Kuha tayo ng damit mo. Dun ka na muna sa bahay habang wala ka pang kasama.." kapag si kuya na ang nagdesisyon, wala na akong magagawa pa. Nanginig ang tuhod ko ng biglang pumihit patalikod si Jaden. Paalis na sa grupo namin.

"Jaden, basket tayo sa bahay.." tawag pansin nito kay Jaden. Tumango lang sya saka bumalik na sa paglilinis.

Pakiramdam ko, para akong isang yelo. Matigas kanina pero biglang natuanw ng bigla syang umalis. Damn!. Anong ibig sabihin ng reaksyon nya?. May meaning na ba ako sa kanya?.O damn!. How I wish!..