webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teenager
Zu wenig Bewertungen
303 Chs

Chapter 26: Teased

Gabi palang, kinakabahan na ako. Anong gagawin kong talent?. Kakayanin ko kayang humarap sa napakaraming tao?. Mawawala ba ang hiya ko kung itutuloy ko ang pagsali?. Ang daming halo halong tanong ang gumugulo saking isipan. Puro balikwas ang nangyari sakin sa loob ng tatlong oras. Alas dose na ng madaling araw nang makaramdam ng antok ang diwa ko.

Maya maya. Tumunog ang walang hiyang alarm clock. Pikit mata ko itong kinapa saka pinatay. Tumalukbong at pumikit muli. Nasa kalagitnaan na ako ng paghulog sa malalim na tulog nang may malakas na kumatok.

Napapikit ako ng mariin sa pagbitin ng isa pang tulog.

"Wake up sleepy head. Baka malate ka sa praktis nyo.." boses ni kuya Lance ang narinig ko mula sa likod ng nakasaradong pintuan.

Yung kabang nawala pansamantala dahil sa himbing ng tulog, bigla nalang bumalik gamit lang ng isang pitik.

Kumakabog na ng mabigat ang aking dibdib sa bawat hakbang na ginagawa patungong banyo. Praktis palang ang gagawin namin mamaya pero parang ito na talaga yung araw na simula ng pagbabago ko. Not literally change. Siguro, dito lang mahuhulma ang confidence kong matagal nagtago.

"Bamby, hurry!. Kausapin ka raw ni Papa.." ang boses naman ngayon ni Kuya Mark ang kumatok. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Dumiretso sa deck na kinaroroonan ng computer at mga gadget.

"Good morning baby ko.." bumungad agad sakin ang mukha nyang balot na balot.

"Good morning Pa.." nguso ko sa bansag nya. Matanda na ako. Tapos 'baby'?. Grabe!. Di naman na ako hinehele ni Mama, bakit baby pa?.

"Ayaw mo ng baby?. Bakit anak?.. haha.."

"E kasi Pa, matanda na ako. Paano nalang kapag may nakarinig na kaibigan ko o ibang tao?.."

"Just like your crush?.. hmm?.." he just mouthed the word 'crush' para di marinig ni kuya Mark na abala sa kanyang laptop.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Eto yung part na pinakaayaw ko e. They always tease me about my special crush. Ugh!.

"Hindi po." maikli kong sagot. Walang maisip na ibang sabihin. Nahiya ako bigla.

"Narinig ko sa Mama at kuya Lance mo na kasali ka raw ng intrams?.." humigop sya sa kanyang baso habang umuusok pa ito.

"Yes po.." kinakabahan ako.

"Hmm.. nice to hear that. But you sure you want to join the pageant?." nag-aalala nyang himig. Alam kasi nilang lahat na sobra ang hiya ko sa ibang tao. Minsan pa sa kanila.

Tumango ako habang kagat ang labi.

"Okay then. Don't mind those creepy eyes that are watching you ha. Just enjoy the show. And show what my little Bamby got!. Understand?.."

Malaki ang ngiti ko sa mga sinambit nya. Binibigyan ako ng lakas ng loob. Salamat sa mga salita nya. Naging normal muli ang kabog ng dibdib ko.

"Thanks Pa. Love ya.."

"I love you more.." matapos nun bumaba na akong kusina at kumain. Hinintay pa ako ni Kuya Lance dahil hindi pa ako nakasapatos. Mabuti maganda ang gising ng loko. Di ako minadali. Sana rin maganda ang takbo ng buong araw ngayon. Lalo na at kasama ko pa sya. O my gosh!. Kaya ko ba to?. Kahit nasa paligid sya?.