webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teenager
Zu wenig Bewertungen
303 Chs

Chapter 20: Truth or Dare

Bahagyang huminto ang lahat sa ginagawa nang makita ako. Kasama ni kuya Alex. I saw how kuya Mark's jaw dropped. Look now?. Kinindatan ko sya at umiwas na ng tingin. Nasa kabilang grupo kasi ito kasama ng isa.

"Bamby, kanina ka pa namin hinahanap. Bakit ngayon ka lang?." tumayo si Sofia at hinila ako sa pwesto nya dati. Pinaupo sa pagitan nila ni Jane.

Muli kong tinanaw sina kuya sa kabilang bonfire. Nagtatawanan na ang mga ito ngunit ang mata ng dalawa sakin. Hindi mawala. Damn!. Sa sutil ko. Ngumisi ako't binelatan sila. Mga unggoy na yun!. Kaya pala ayaw akong palabasin ha para lumaklak ng alak. Humanda sila

"Nakaidlip kasi ako.." pagsisinungaling ko. Mas dadami pa kasi tanong nila kapag sinabi kong ayaw akong palabasin ng dalawa. Alam mo na. Sabihing, sobrang strict nila. Kaya okay na yung one little lie to save the ass of the monkeys in a minute.

"Yun din yung sabi ng mga kuya mo kanina.." tinanguan ko si Jane saking tabi.

"Sali ka samin ha..Tuloy ang laro.." humiyaw si kuya Alex. Bakit sya andito?. Hindi ba sya umiinom?. Tsaka where is Veb?. Wala sya dito?.

Inikot nito ang bote sa gitna. Binilang ko kaming lahat. Nasa labindalawa. Pitong lalake at anim na babae. Sa kabila. Mga sampu ata.

"Iyon. Sofia your turn.. hahaha. " turo ni kuya sa kanya.

"Ugh!.. what?.." maarte nyang himig.

"Truth or dare?..."

"Truth.." Ang lakas ng loob nya. Kung ako yan. Hanggang dare lang. Nakakahiya kayang umamin. Suskupo Bamby!. Hanggang kailan ka ba mahihiya ha?.

"Sino sa kanilang apat ang gusto mo?.." diretsong tanong nya kay Sofia. Napalunok ako ng matinde sa tinuro nya. Oo nga. Di ko kilala yung mga tinuro nya. Nang magtama ang paningin naming dalawa nung lalaking makapal ang kilay. Umiwas agad ako. Damn!. Don't look into my eyes!. May nagmamay-ari na nyan

"Sya.." mahabang katahimikan muna ang lumipas bago sya nagkaroon nv lakas loob na tumingin sa taong tinuro nya. Katabi sya ni Alex. Nakatayo ang buhok nitong hinihipan ng hangin. Chinito. Manipis na labi at matangos na ilong. Makinis na balat. In short. Mukhang Chinese or Korean. Singkit eh.

Suminghap ang iilan. Pero kaming mga babae. Tahimik lang. Gosh!. Kinakabahan ako. Bakit ba?.

"What can you say Zico?.." he just looked at her intently bago kinuha ang bote. "I'm happy.." Yun lang at pinaikot na ang bote. Tumama naman ito kay Jane.

"Truth or Dare?.."

"Dare.." Ang lakas din ng loob gurl. Dare?. Suskupo!. Parang pinagsisihan ko ng lumabas pa. Goodness!.

"Kiss Elijah.."

"Game. No problem.." tumayo sya at nilapitan ang tinutukoy na Elijah. Black handsome. Shortest description for him.

Hahalik na sana sya sa pisngi ngunit nabitin sa ere ang kanyang labi ng idagdag to ni Zico. "On the lips.."

"Wh-what?!!.." Zico shrugged his brod shoulders at her. Wala syang nagawa kundi gawin ang iniutos sa kanya nang bilangan sya ng lahat. Nanood lang ako. Hindi sumali sa bilangan.

"Whoaa!.." nagsaya muli si kuya Alex. I don't know why. Pulang pula na nga pisngi ni Jane nung tumabi muli sakin eh. Kinantywan pa. Loko din.

The game went on.

Hanggang sa pinaikot ito ng nagngangalang Lucas. At eto na nga yung kanina ko pang ayaw mangyari. Huminto sa harap ko ang bibig ng bote. Damn it!. DAMN IT!!..

"Truth or dare?.." he asked huskily. Without blinking his eyes when our eyes met.

Gosh!!. Why is he looking at me like that?.

"Dare.." mahina kong sambit. Wala akong lakas dude. Inagos ng alon at tinangay ng malamig na hangin. Shit!..

Dumagundong ng kaba ang aking dibdib. Sana, hindi yung kagaya kanina ang ipagawa. God!. Di ko yun kaya.

"Take off of your jacket then put it on your lap.." natigilan ako. Yun lang ba?. Hindi ko to sinabi sa kanya. Basta sinunod ko na lamang ang gusto nya. Mabuti nalang. Kanina ko pa kasi to gustong gawin eh. Nahihiya lang ako. Inaayos ko palang ang jacket saking mga hita ng biglang may naglagay ng jacket saking balikat. "Shorts too short.." Nagtayuan mga balahibo ko ng bumulong pa to. My goodness Bamby!!!.... Breath. Nilamon ako ng hiya. Grabe!.

Sumipol ang boys. "Smooth!.." puri nila sa kanya. Nakipag-apiran pa.

"Idol!.." patuloy na puri ng iba ko pang pinsan sa kanya. Siniko ako nina Sofia at Jane. Tinutukso.

Di ko magawang ngumiti. Naiisip ko palang si Jaden. Napapailing na ako.

"Bamby!.." napaigtad ako ng marinig ang boses ni kuya Lance. Naglakad sya papunta sakin. "Bakit kuya?.."

"Tumawag na si papa. Pumasok na raw tayo.."

"Ang bilis naman bro?.." Ani kuya Alex sa kanya. Tumayo na rin. Agad kong inayos ang sarili bago tuluyang tumayo.

"Madaling araw na kasi. Kayo hindi pa ba kayo inaantok?.."

Humikab sya. Tinitigan ko lang ang kanyang mukha. Hulaan ko. Di tumawag si papa sa kanya. Nakita nya lang yung ginawa ni Lucas kanina kaya ganito sya. Nagmamadaling umuwi.

Nagsitayuan na rin ang lahat. Mukhang inaantok na. Yung nasa kabila. Mukhang may amats na rin. Nagkakantahan.

"Pasok na rin kami.." paalam ng iilan. Nauna na sila. Naiwan kami at yung apat na kasama ni kuya Alex pati sya na nakatayo. Weighing the heavy air around us. Ramdam nilang di normal si kuya. May tama na rin kaya siguro medyo galit ang boses.

"Mauna na kami bro. Tara na Bamby.." hinila pa ang palapulsuhan ko. Tuloy di ko naisauli yung jacket ni Lucas. Nginitian ko na lamang silang naiwan doon habang papalayo. Here we go again.