webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teenager
Zu wenig Bewertungen
303 Chs

Chapter 13: Coward?

Walang humpay na kantyaw ang ginawa sakin ng dalawa. Sinasabihan ng torpe, tanga at kung anu ano pang tawag sa taong duwag. Yun yung right word para sakin. Duwag. Naduduwag na naman sa kanya. Damn you Jaden!. Four fucking years yet you are still coward?. What a bull of crap!!.

"Kung hanggang ganyan ka nalang ng ganyan. Duwag. E talagang uunahan ka ng kapatid mo pre. Hahaha.." nakaupo na ulit sila. Tumabi sakin si Kian tapos umakbay. Bumalik naman sa dating upuan si Dave. Nakadekwatrong pang lalaki. Malaki ang ngiti.

"Ewan ko sa inyo.." iling ko sa mga payo nilang puro kabulastugan lang.

"Hinde. Seryosong usapan pare. Tayo lang naman ang andito. Ano ba talagang score?.." Ani Kian. Kalmado na ito. Di tulad kanina na mukhang nakahithit ng bawal na gamot. Baliw.

"Basta ang alam ko. Sya pa rin ang gusto ko. Wala ng iba. Kahit tumingin pa ako sa maganda. Sya pa rin ang pinakamaganda sa kanila...." sambit ko habang inisip ang maganda nitong mukha. Kahit saang anggulo, maganda sa kanya. Walang may pintas sa paningin ko.

"Wala na to pare. Talagang malalim na. Kaya pala di makamove on.. hahaha.." turo pa sakin ni Kian kay Dave. Umiiling lamang si Dave habang nakangiti.

"Kaya pala kahit magagandang babae pa ang iharap mo sa kanya. Walang epek. Haha.. tanginang Jaden.. Puro si Bamby ang nakikita kahit nasa malayo na. hahaha.." tawa rin ni Dave.

Ginulo lang ni Kian ang aking buhok. Lagi nila itong ginagawa dahil mas matangkad sila sakin. At ako ang pinakabunso sa kanilang lahat.

"Mahal mo na?.." sa ilalim ng pag-iisip ko. Tinanong ito ni Dave. Napakurap ako sa kawalan. Hindi alam ang isasagot.

Really Jaden?. Hindi mo nga ba alam ang sagot o ayaw mo lang aminin sa sarili mo?.

"Kumpirmado pare. Mahal na nya. Hindi nya kayang bitawan eh." dinig kong sambit ni Dave. Di ko makita ang ekspresyon nya dahil sa tinatakpan ni Kian. Binabasa nito ang mukha kong pilit iniwas sa kanya. Kay Klein ako tumingin. Wala na itong malay. Tulog na tulog.

"Wag kang mag-alala pare. Support kami dyan.." tapik lang nya sakin.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na ulit sila nagtanong. Nakuntento na lang sila sa nalaman mula sakin.

"Kuya eto oh.." sa gitna ng malalim na katahimikan namin. Lumitaw na ang kanina pa naming hinihintay.

Hinintay ko talaga sya. Gusto kong kumpirmahin kung totoo ba talagang kachat nya ito o hinde. Pero sa nakikita kong aliwalas ng mukha neto. Mukhang totoo nga.

"Here po.." sabay abot nya kay Kian ng tablet nyang kulay itim. Ito yung binili ni Mama na gift nya sa kanya nung pasko. Kung cellphone sakin. Yun rin yung kanya.

Hinawakan nga ni Kian yung tablet nya. Mabilis namang lumipat ng upuan si Dave. Kinarga nalang si Niko sa kanyang kandungan. Mas lalo rin naman akong dumikit sa kanila. Paa na ang gamit para maiduyan ang higaan ng pamangkin at huwag magising.

"Si Bamby nga to Niko. Ang galing ha.." puri pa ni Kian sa kanya. Sa profile picture na nakatingin.

"Hahaha.." humalakhak lang ang aking kapatid.

Damn!. Why so lucky Niko?. Can I have it instead?..

"Oo. Uuwi ako ngayon. See you soon Niko." basa pa ni Dave sa huling reply nya. Yung iba, ayoko ng sabihin. Naiinggit lang ako.

"Nak, patulong naman!.." mula sa labas. Biglang nagsalita si Mama. Agad akong tumayo at iniwan silang abala pa rin sa pagiiscroll.

Binuhat ko ang isang paper bag na pinamili nya saka dinala sa kusina.

"Hi po tita.."

"Hello po tita.." sabay na bati ng dalawa.

"Napasyal ang mga poging bata. Anong maipaglilingkod ko?.." nagtawanan pa ang mga loko. Tumayo ang tainga sa narinig mula kay Mama. Asa naman sila!.

Lumabas ako mula kusina. Humarap sa kanila. Nakatayo sila sa tabi ng tv habang pinapanood si Mama na inaayos ang kulambo ni baby.

"Tita, ipapaalam lang po sana namin si boy Jaden. May party po kasi sa bahay nila Lance.." paalam ni Kian. Tinignan ako ni Mama mula ulo hanggang paa. Nakapajama lang ako. Puting damit. At simpleng tsinelas.

"Kailan pa sila nakauwi?." tanong nya ng di inaalis ang mata sakin.

"Kagabi lang po tita." si Dave ang sumagot naman.

"Sinong kasama?." patuloy nito.

"Si Lance, Kuya Mark at si tita lang po. Tita."

"Ma pwedeng sumama?.." singit ni Niko. Pero hindi sya pinansin.

"Okay. Basta kung iinom wala ng uuwi ha. Kung maaari, dun na matulog."

"Sige po tita. Thank you po.." ngiti ng dalawa sa kanya. Inakbayan na nila ako.

"Thanks ma. Magpapalit lang ako.." mabilis akong umakyat at nagbihis ng pantalon at isang plain vneck na grey. Sinuot ang itim rin na sapatos. Tsaka bumaba na.

"Ma, naman. Sama na ako please.." kulit ni Niko sa kanya. Dinig hanggang sala ang boses nya. Nakatayo na sa pintuan ang dalawa. Nakapamulsa.

"Tara.. Ma alis na po kami.." paalam ko. Nagpakita agad sya samin.

"Ingat. Wag masyado sa alak Jaden. Kian, drive safely.." paalala nito samin. Kinawayan nalang namin sya. Alas singko na ng hapon at sigurado akong kanina pa kami dapat andun. Baka lasing na ang mga yun.