webnovel

Confess To You

uncrushyou · Teenager
Zu wenig Bewertungen
7 Chs

Chapter 1: Kdrama Pa

It was Saturday morning and I am having the time of my life. Just kidding.

I am watching my favorite anime and kdramas!

Nanunuod ako ngayon ng bagong K-Drama ng asawa kong si L, Meow the Secret Boy yung title. Nakakakilig! Nasa episode 8 na ako at mas nakaka-excite na ang mga nangyayari. Kagabi ko pa 'to nasimulan at hanggang ngayon ay wala pa akong tulog.

Nakadapa sa kama habang kaharap ang laptop. Parehong nakakalat ang mga junk foods, mga pagkain at inumin sa sahig at sa kama. Yan ang matatawag kong paradise!

"Anak! Lumabas ka muna ng kuwarto mo!" narinig kong kumatok si Mama sa pintuan ng kwarto ko.

Kahit naka-headphones ay rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ni mama. Buti at hindi naka-full volume.

"Ma! Sabi mo po pwede na akong manuod nang manuod?" Bungad ko sa kanya pagkabukas ng pinto.

Kinakamot-kamot ko pa ang ulo kong mukha nang pugad ng manok. Nakasimangot pa ako habang nakatingin sa kanya.

"Ano ba naman yang itsura mo, nak. May bisita ka at hanggang ngayon ay hindi ka pa naliligo?"

"Nanunuod po ako ng kdrama, Ma." sagot ko, nasa bewang ang dalawang kamay at humihikab pa.

"Pasensya sa istorbo, anak, pero may bisita ka nga. Nasa baba si Kenneth. Kanina pa—"

Namilog ang singkit kong mata.

"S-sino, Ma?" Nagkanda-utal kong tanong, gulat na gulat.

Namingi yata ako. Sinong Kenneth.

"Oh? Ba't parang gulat na gulat ka? Wala ba kayong usapan ni Kenneth? Si Kenneth Aguirre, nak. Papaalisi—" pinutol ko ang sasabihin ni Mama at natatarantang tinulak-tulak siya paalis sa harap ng kwarto ko.

"Ah, sandali lang, Ma. Aliwin mo muna yung bisita ko. Maliligo lang po ako. Mabilis lang 'to!" Siniraduhan ko siya ng pinto at kumaripas ng takbo papuntang banyo.

Hala! Anong ginagawa ni Kenneth dito? Hindi naman niya ako kilala ah? Oh my god!

Labinlimang minuto ay tapos na akong maligo at magbihis. Pero bago ako bumaba ay sinigurado kong mabango at fresh akong haharap sa kanya.

Pababa ako ng hagdan nang matanaw ko siyang nakaupo sa sofa ng sala namin at kaharap si Mama. Nag-uusap silang dalawa at seryosong-seryoso naman si Kenneth sa pagsagot sa mga tanong ni Mama.

Nandito nga talaga siya!

"Ma." Tawag-pansin ko kay Mama.

Bumaling sakin ang atensyon nilang dalawa at agad namang tumayo si Kenneth sa kanyang pagkakaupo.

"Oh, narito na pala si Dyana, hijo. Lika na, nak. Kanina ka pa hinihintay ni Kenneth." Baling ni mama sakin.

Naglakad na ako papunta sa tabi ni Mama at bumaling ang atensyon sa lalaking bisita.

"H-hi." Gusto kong kutusan ang sarili sa pagkakautal habang kaharap siya!

"Hi, Dyana." Bati niya.

Shit! Ang lalim talaga ng boses.

"Maiwan ko muna kayo, nak, hijo. Maghahanda lang ako ng merienda. Feel at home, Kenneth."

"Sige po, Tita. Thank you."

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya at nakatayo sa harap ko.

He has this intimidating aura. Pero kahit ganun, ang gwapo gwapo niya pa rin sa paningin ko. Makapal na kilay na bumagay sa napakaganda at napakalalim niyang mga mata, matangos na ilong na nililok ni Da Vinci, mahahabang pilikmatang dinaig pa ang akin, mapupulang labi na kay sarap halikan—

"Ahem." Ang pagtikhim niya ang nagpabalik sakin sa realidad.

It's so embarrassing! Harap-harapan ko siyang pinagnanasaan!

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginawa.

I composed myself and I managed to smile at him.

"Upo ka." Sabi ko sa kanya and he did. Naupo rin ako sa tabi ng solo seater sofa na inuupuan niya.

"Bakit ka nandito? I m-mean, it's not usual for you to be at my house kasi hindi mo naman ako kilala, diba? So.." nag-aalangan ko siyang nginitian. Gosh! Natataranta ako!

Seryoso niya pa rin akong tinititigan. At parang matutunaw na ako sa kinauupuan.

"The truth is..." Pabitin niyang sabi.

"The truth is?" Kyuryoso ko namang tanong. Hindi makapaghintay sa sasabihin niya.

"I want to court you, Dyana."

Nawindang ako sa sinabi niya.

Court? Basketball court?

"A-ano?" Tanong ko at hindi pa rin makapaniwala.

"I like you, Dyana. Matagal na. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magtapat sa'yo. Will you be my girlfriend?"

Gusto kong mahimatay. Totoo ba 'to? Si Kenneth Aguirre na Campus hearthrob, maraming babae ang nagkakagusto, ang pinakamatalino sa buong campus, ang crush ko ay gusto rin ako? Gusto niya raw akong maging girlfriend?!

Di ako makapaniwala.

"B-bakit? Ano... Paano? I mean, wait. You're asking me if I want to be your girlfriend?" Tumango naman siya habang mariing nakatitig sa akin.

Napatayo ako sa kinauupuan dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Gusto kong magsisisigaw.

"Of course! Yes! I want to be your girlfr—"

"Dyana Keith! Kanina pa yang alarm clock mo! Patayin mo na!" Naalimpungatan ako sa tinig ni mama mula sa labas ng kwarto.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang paligid ko. Nasa loob ako ng kwarto, nasa kama ang laptop at headphones, nakakalat sa sahig ang mga pagkain.

It was just a dream?!

Parang gusto kong maglupasay. Bakit? Bakit hindi na lang totoo? Ayun na sana e. Magiging boyfriend ko na sana ang ultimate crush ko na si Kenneth!

Kaya pala parang imposibleng mapadpad si Kenneth dito sa bahay. Una, hindi niya alam ang bahay ko. Pangalawa, malabong magkagusto siya sakin, at pangatlo, hindi niya alam na may isang Dyana Keith Solis na nag-e-exist sa mundo!

Sa huli ay pinatay ko ang nagwawalang alarm clock at inayos ang sarili.

Sa kakanuod ko 'to ng kdrama e. Ayan tuloy, napanaginipan ko si Kenneth.

Ang tanga mo, Dyana! Asyumera!

Ang lupit ng katotohanan. Sana totoo na lang ang panaginip na 'yon.               

🦋

uncrushyou