webnovel

12- Like a Demon

|Kristina|

Napangiti ako ng tuluyan ng mawala ang lahat ng pasa sa balat ko mula sa parusang natanggap namin mula sa mga assassins ng school na to. Assassins. Malayo sa ranking namin. Tsk.

Napailing ako habang nangingiti ngiti. Ilang araw ko rin yon tinapalan ng liquid poundation para hindi lahata e at atlas, tapos na putting-shit-rituals sa mukha ko.

Lumabas ako at hinanap si Dyena kung nakabalik na ba. Five days simula nung umalis siya palipad ng ibamg bansa para sa task na binigay ni Sie Yamoto, hindi pa rin nakakauwi si Dyena. Tinanong ko si Sir Yamoto yesterday kung kumusta na siya at sabi naman niya ay Successful naman daw ang lahat. Hindi niya nabanggit kung kailan babalik si Dyena. Inaalala ko lang ang Examine Test sa darating na linggo. Kailangan naroon kaming lahat para malaman ang levels namin lahat.

Hays. Anong level kaya ako? Lumakas kaya ako? Kahit papaano? Mapapantayan ko ba sila Eythan at Eros? Yung dalawang damuhong yon, nagkakagatan sa level. Halos naghahabulan lang sila. Tsk. Kailan ko kaya sila mapapantayan or mahihigitan?

"Di pa ba dumarating si Dyena?" Nakasalubong ko si Eythan kasama ang Elites niya sa likod. Si Warren lang ang nakaagaw ng atensyon ko sa Elites niya.

"Wala pa e, tagal umuwi" sagot ko at napailing.

Ilang araw ko ng napapansin, tahimik lang si Warren. Parang wala akong matandaan na hinanap niya si Dyena sa akin e. Puro lang si Eythan. Nangyari ba sa kanila?

"Warren, ikaw may alam ka ba?" Tanong ko

"Wala." Napansin ko ang paglayo ng paningin niya sa akin at pagbuntong hininga.

"Sige gotta go, may training pa kami." Kumaway sa akin si Eythan at umalis na sila. Mukhang naghahanda na sila para sa Examine Test sa darating na Linggo ah. Mukhang maglalaban na naman sila ni Eros sa level. Tss.

Hindi nila ako gayahin, easy lang. Kalma lang dito. Aba, kahit gusto ko silang higitan hindi ako mag aaksaya ng panahon para magpractice. Waste of time lang gagawin ko. Yung mga Elites ko, bahala na sila sa buhay nila. Malaki na sila. Kailangan nilang matutong tumayo para makatulong sa lipunan. Ay nako!

Napabuntong hininga ako ng mapagtanto ang lahat. Halos mamatay matay ako sa ginawa namin tatlo para kalabanin ang mga Elders. They are totally monsters! The hell! Mabuti nalang at natanggal namin ang validity ng rules kung hindi, sayang efforts.

Nang makaharap namin tatlo ang ilan sa elders, hindi ko alam kung ako lang sa amin tatlo ang nakaramdam ng takot. May mga edad na sila pero kung magpadama sila ng presensya parang nakakatakot labanan. Dapat nga advantages namin yon dahil matanda na sila pero hindi e, napahirapan nila kami sa isang three on two battle. Dalawa sa apat na elders ang lumaban at lamog na lamog kami. Totally monsters, e!

Kailan kaya ulit ako makakalabas ng academy? Gusto ko magpalamig sa malls.

May lumapit sa akin na isang soldier base on his polo's color,  "Ms Kristina, parating na daw po si Ms Dyena."

|Dyena|

"Good well job, Dyena." Pagkabukas ko ng office ni sir Yamoto ay si Kristina agad ang bumungad sa akin habang nakangiting binabati ako.

Ngumiti din ako at napailing.

"Alam kong kakayanin mo" sabi naman ni sir Yamoto "Have a seat," tinuro niya ang couch sa harapan ng table niya.

"How's the task? How's the feeling of killing someone?"

Maalala ko lang yon, nakokonsensya na ako. Hindi lang isa ang napatay ko. Marami sila.

"Sa umpisa lang yan Dyena, don't worry killing is not crime pagdating sa mundo natin. Killing is one of the needed of like us." Sabi ni Kristina at ngumiti pa sa akin.

"She's right, so, what can you say?"

Bakit ko nga ba nagawang pumatay? Napailing ako sa imaheng lumalabas sa isip ko.

"Hatred and sorrows are powers. They are yours control. All you have to do is turn them to strenght and use that strength to move forward." Makahulugan sagot ko at ngumiti pa sa kanila.

Hindi ko na dapat isipin yon. Sasakit lang ulo ko sa kanya.

"May problema ka ba, Dyena?" umiling ako kay Kristina

Tumayo ako at nagbow kay sir Yamoto "I have to go" lumabas na ako ng office at nilakad ang hallway.

It's been days ng magbreak kami and still, I feel the stung of his words. Sobrang sakit. Parang ayoko ng huminga. Pero pathetic lang magpapakamatay ng ganon. Kung kami, kami talaga at the end. Pagtatapuin pa rin kami ng tadhana kung para kami sa isa't isa.

He said, hind niya ako iiwan. Pero anong ginawa niya? Maybe he have reasons that he can't explain. Sana alam ko yon para hindi ako nahihirapan ng ganito.

"Dyena" si Kristina. Hinabol pala niya ako.

"Bakit?" Huminto ako para masabayan niya ako

"Congrats. How could you do that?"

"That?"

"Killing"

Ah. May tumulong sa akin para magawa ko yon. He's great.

"Howw Hartune"

Hartune.

Parang narinig ko na yon somewhere, hindi ko lang maalala kung saan at kailan.

Mukhang nagulat siya sa sagot ko at tumango tango pa "Ah. Close kayo?"

Close nga ba kami? Nung inabutan niya ako ng panyo, tinalikuran ko lang siya e tsaka nung sa mission ko naman sinabi niya na isipin ko lang yung mga bagay na nakakasakit sa akin at magagawa ko na ang dapat kong gawin. Close na ba kami? Dalawang beses palang kami nagkikita.

"No" I said casually at nagpatuloy na sa paglalakad.

"He's hot although na he's demon also."

Yeah He's hot but a demon also? Hindi ko pa siya totally na nakakasama.

Di nalang ako umimik.

Umuwi ako sa unit room ko at nagpahinga. I feel tired.

Hinayaan kong kainin ako ng dilim nang makatulog.

|Zoe|

Naabutan ko siyang nasa harap ng laptop at nanunuod. Mukhang lumabas siya ng Academy nila ah.

I pointed the girl. Hindi kasi yon movie, recorded video kung titignan ang pagkakuha.

"My ex-girlfriend" Napatanga ako sa sinabi ni Warren.

She is beautiful.

"Bakit kayo nagbreak?"

Sa video, mukhang hindi ordinaryong babae yon kasi may hawak siyang baril. Tahimik niyang pinapasok ang isang mansyon.

Hinintay ko ang sagot ni Warren pero di na siya ulit nagsalita hanggang sa napamura nalang siya. Yung babae may kausap na lalaki. He's handsome. Ang hot pa niyang tignan. Si Howw.

After kausapin nung babae yung lalaki, naging seryoso yung babae. Parang nabalot ng galit yung mata nung babae after silang mag usap nung guy.

Nakarinig kami ng malalakas ng putukan ng baril sa background ng scene. Mukhang mapapasabak yung babae. At first puro minor lang yung inaasinta nung babae kaso kinakusap siya nung lalaki ulit at after that, para akong nakakita ng version girl ni kuya Eythan. She looks demon too. Headshot all over.

"She's demon also" I whispered after the end of movie. Daig pa nito ang mga action movie.

Tumayo na si Warren at umalis. Nakaiwan lang bukas ang laptop niya kaya napailing ako. He's still inlove, huh?

Inulit ko ang video at pinanuod ulit mula umpisa. Halatang hindi alam ng babae na may kumukuha sa kanya ng video. Great.

Mukhang baguhan si ate, mukha lang! But she can kill. Nice.

"D-mn" nagulat ako ng may magmura sa likod ko kaya agad akong napatayo dahil sa gulat.

Si tito Ezekiel pala.

Seryoso at napapailing siyang nanunuod sa video habang ako, naguguluhan dahil halatang interesado si tito dahil kumukha to ni tita Alys.

"She looks like Miracle. Even her moves and reflexes"

"May kapatid ba siya tito?"

Baka kapatid niya to.

"Yeah. Pero kilala ko silang lahat and that girl, nakita ko na siya sa mall dati." Lumambot ang tingin ni tito at parang inaalala ang lahat.

Yung taong mahal na mahal niya, parang nakita niya ulit sa katauhan ng ex ni Warren. Ano kaya pakiramdam non? Saya? Lungkot? Ano?

"Para ko siyang anak pero imposible... imposible talaga." Mapaklang ngumiti si tito bago umalis.

Nasasaktan ako para kay tito. Ramdam ko, bumalik ang lahat ng sakit dahil sa babaeng to.

|Ezekiel|

That girl. She's amazing. Nakikita ko sa kanya si Alys.

Minsan ko na siyang nakita at aaminin ko, gusto ko ulit siya makita. May something sa pagkatao niya. Gusto ko ulit mahawakan ang mukha niya, parang hawak ko lang si Alys.

Napabuntong hininga ako.

"Kung nasaan ka man, sana masaya ka." I closed my eyes and smiled on the beautiful sky.

~~