webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
90 Chs

Icecream

Hindi pa rin makapaniwala itong si Ysmael sa nalaman niyang... wala namang katotohanan.

"Hindi maaari I need to stop Ricai by falling inlove to Unle!!!!" Sambit ni Ysmael habang nasa kotse sya.

Sa mag kaparehong oras,

"At last we're here..." Sabi ni Brillant pagbaba nya ng sasakyan.

"Cymiel, pakibaba na lahat ng gamit don't forget the gifts." Ang sabi naman ni Xitian.

"Yes Boss."

"It's been a while since I went here."

"Kaya nga nalimutan mo na yung way eh."

Xitian bonked Brillant's head "sumasogot ka pa!"

"Shhh... titigilan nyo na nga yan... Xitian, lead the way marami ng tao ang nakatingin satin." Sabi ni Wram at napa tingin naman sa paligid nila itong sila Xitian at Brillant.

"Xitian?" Bungad naman ng Mama ni Ricai.

"Auntie Lai!"

Nagulat naman si Brilliant dahil di niya akalain na close pala talaga si Xitian sa nanay nitong si Ricai.

"Bro, kailan ka huling niyakap ng kapatid mo?" Tanong ni Brillant kay Wram.

"Gusto mong masapak?"

"Hahaha... May nakita kasi ako sa tiktok uso kasi ngayon ung forda and ferson. Laughtrip nga bro eh try mo mag download ng tiktok."

"Heh!"

"Guys, tara na!" Sambit ni Xitian at pumasok na nga sila.

Samantala,

"Ricai..." Ang sabi ni Chase kay Ricai habang nasa may hallway sila doon sa second floor.

Hinawakan ni Chase ang kanang kamay ni Ricai at sinabing "sasama ka parin naman sakin pag uwi di ba?"

"Ha?"

"Ricai!!!"

"Kuya Tian- Tian!!!"

Dali-dali namang bumitaw si Ricai kay Chase at sinalubong sila Xitian.

Ang sama ng tingin ni Chase kay si Xitian at ganoon rin ito sa kaniya habang habang yakap si Ricai.

"Ikaw munang bahala sa kanila anak.. Mag papahain na ako dito para makakain na ang mga bisita mo."

"Thank you Ma."

Nag pasalamat rin naman sila Xitian.

After that natahimik ang buong kapaligiran habang nakaupo ang mga kalalakihan doon sa may sala ng bahay nila Ricai.

"Are you guys... okay?" Tanong ni Ricai pagbalik nya dahil biglang may tumawag sa kaniya sa phone.

"Yeah..." Anila.

Magkakatabi sa isang sofa ay sila Chase, Belj at Arvin doon naman sa kabilang sofa sila Wram, Xitian at Brillant tapos biglang sumingit na rin itong si Ysmael na kausap pala kanina ni Ricai na nag pa sundo sa labas.

"What the?" Pagulat na sambit ni Ysmael.

"Ano yon Mael?" Tanong ni Ricai.

"Ha? Wa— Wala sabi ko nasan si Tita?"

"Ahhh... maupo ka muna tatawagin ko lang nag aasikaso kasi dun sa likod. Wait lang ha?"

"H— Ha???"

"Rics, sama mo na ko may kukunin din ako eh." Sabi ni Arvin.

Napalingon namang lahat ng kalalakihan kay Arvin at sa isip-isip nila "huh! Ano raw? Rics?!" At pwera lang kay Belj ang nasa isip niya ay "kung malalaman lang nila kung sino si Arvin di sila mag rereact ng ganyan. Hahaha..."

"What's funny?!" Mahinang sambit ni Chase kay Belj.

"Po? Nothing Boss. He... He..."

At iniwan na nga muna nila Ricai at Arvin sila Chase hindi naman alam ni Ysmael kung saan sya mauupo kahit may space pa dun sa kinuupuan kanina ni Arvin.

"Here. Dito ka na maupo." Sambit ni Brillant na tumayo at doon naman na upo sa inupuan ni Arvin.

"Oh. Thanks."

Chase smirked "bakit ba kasi nandito ang isang yan?" Sambit niya sa mahinang boses.

"Mukhang nautusan po s'ya ng daddy nyo na mag dala ng regalo niya sa mommy ni Ricai."

"Tsss!"

"Hi!" Bungad ni Brilliant kila Belj at Chase.

Hindi naman kumibo yung dalawa ng biglang energetic na sumulpot "happy birthday my dear Auntie... ehhhh? Ka— Kayo? Bakit kayo nandito?"

May bigla namang nag bonked sa kaniya "malamang Tasha, invited sila!"

"Tsk!"

"Hello sa inyo, ako nga pala ang kuya ni Ricai my name is...."

"Kuya Din!!!!" Sambit ni Ricai at binuhat pa s'ya ng kuya Din nyang tinutukoy.

"Kuya???" Sambit nila Chase pwera lang kay Tasha na nakatingin lang kay Xitian ang kaniya love of her life.

Napa facepalm naman si Belj at napabuntong hininga.

"."

At dahil dumating nga ang tinatawag ni Ricai na kuya Din parang naitsapwera na sila Chase at kahit itong si Xitian na kuya kuyahan rin naman ni Ricai.

Nakiupo naman si Tasha doon sa may sala habang kumakain sila Chase at yung iba pa.

"Hmm?" Reaction niya dahil ang sama ng tingin nila Chase habang kausap ni Ricai sila Din at Arvin. "Pffft... Chill lang guys, may asawa na si kuya Din malapit lang talaga si Ricai sa kaniya kasi bestfriend ng tatay nila ang tatay ni Ricai."

"Wait lang Ms. Tasha bakit po nila?" Tanong ni Belj.

"Ahhh... kasi mag kapatid sila kuya Din at Arvin."

"Ohhhh... kaya pala mag ka rhyme ang name Din and Vin."

Siniko naman ni Chase si Belj "manahimik ka na nga."

"Eh... Boss curious lang naman kasi ako bakit kayo ba hinde?"

"Heh!"

"And for Arvin close talaga sila ni Ricai kasi bff sila."

"Cough! I thought ikaw ang bff nya?" Tanong ni Xitian.

"Yah, pero si Arvin kasi ang una nyang naging bff nung mga bata pa sila until now."

"I see."

"Bakit naman curious ang isang taga pag mana ng Alta Gracia Empire sa whereabout ng "girlfriend" ko?" Sambit ni Chase na para bang may something ang kaniyang pagkakasabi.

Napatayo naman si Xitian dahil nag panting ang mga tenga nya sa sinabing iyon sa kaniya ni Chase.

"Anong sabi mo?!"

"Xitian..." Sambit ni Wram na tinitigan si Xitian na para bang pinipigilan itong magalit.

At nagkatitigan naman ng masama sila Chase at Xitian.

"Anong... nangyayare dito?" Bungad ni Ricai.

"Ha... Ha... wala naman besh okay naman kami dito. Di na boys?" Sumenyas sya sa mga ito na parang bang sinasabing "umayos kayong lahat nakakahiya."

"Yeah." Anila.

"See, ayos naman sila Besh."

"Ohhh...halika kayo dun sa may mesa mag blow na si Mama ng candle then picture."

"G ako diyan besh basta may picture."

"Tara na."

"Okie."

Nauna na nga yung girls at tumayo na din ang mga boys para sumunod at biglang nagka lapit naman sila Xitian at Chase sa hulihan.

"I'm not done with you!" Sambit ni Xitian.

"Huh! Bring it on! Hindi ako natatakot sayo!"

"Guys?" Sambit ni Ricai.

Bigla namang nag akbayan yung dalawa na parang di pinagbabantaan ang isa't isa kanina.

"Oo andiyan na... He... He..." Anila na may awkward na pag ngiti.

At the same time sa mansion ng mga Alcantara...

"Yes Boss, everything is ready." Sambit ni Dante kay Don Fernan na pinagbuksan pa ito ng pintuan ng kotse.

"Good lets go."

"Opo."

"Honey!!!" Pahabol na sambit ni Eulla.

Nilocked naman agad ni Don Fernan yung pintuan ng kotse.

Knock... Knock... Knock...

"Honey, isama mo ko!"

"Boss?"

"Lets go."

"Yes Boss."

At hindi nga pinansin ni Don Fernan si Eulla at umalis na.

"Honey!!!"

"Ohhh... kawawa naman ang isa diyan walang na pala kay Don Fernan." Sambit ni Lucy na para bang nag paparinig kay Eulla.

"Anong sabi mo muchacha?!" Susugurin sana nya si Lucy pero humarang si Felly.

"Subukan mong saktan si Lucy... hindi lang ako ang makakalaban mo. Alalahanin mong wala kang kakampi ngayon."

"Huh! So what? Ako parin ang pinakamataas sa inyo. Ako ang fiancée remember?"

"Oh really? Bakit alam mo ba ang spelling ng fiancée? Tsss! Lucy tara na... baka mahawa pa tayo sa level ng utak ng isa diyan."

"Ikaw!!!!"

Naharang agad ni Felly ang kamay ni Eulla "don't you dare lay your hands on me or else..." ang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ni Eulla na namimilipit na sa sakit.

"Awww... bitawan mo ko!!!"

"Okay! Sabi mo eh." Then she forcedly let go of Eulla's hand.

"Aray!"

"Hindi ikaw ang Boss dito dahil para samin isa ka paring utusan na mapagpanggap!"

At iniwan nung dalawa si Eulla na nag mamaktol sa galit.

"Sigurado ka bang ayos lang na sagutin mo ng ganun si Eulla? Sya parin ang fiancée ni Don Fernan." Sabi ni Lucy.

"Don't worry hindi nya tayo kaya isa pa walang pakialam sa kaniya si Don Fernan. Nakita mo naman hindi sya pinansin nito."

"Kaya nga eh di kaya may bago na namang babae si Don Fernan?"

"Shhhh... wag kang maingay baka kung sino ang makarinig sayo alam mo naman ang patakaran sa mansion na ito. Hindi natin pwedeng pakialamanan ang personal na buhay ng mga amo natin."

"Sorry... pero kasi..."

"Halika na bumalik na tayo sa trabaho baka biglang bumalik si Don Fernan."

"O— Oo sige."

Mabalik sa bahay ng mga Villamor,

Nag simula ng magsi kainan ang mga bisita at ang lahat ay nasarapan sa luto ng mga tito ni Ricai at kabilang na nga rin sa nag luto ay si Chase.

"What? Si Chase ang nag luto?!" Pagulat na sambit ni Tasha matapos nyang kumain at andoon sila sa isang lamesang bilog kasama sila Chase, Belj, Arvin at Ricai.

"Yes Ms. Tasha si Boss po ang nag luto ng ilang dish sa mga nakahain. Di ba Miss?" Sagot ni Belj.

"Ehhhh????"

"Oo si Chase nga he knows how to cook isa pa chef naman talaga sya. Kaya ano namang nakakagulat doon di ba?" Sambit naman ni Ricai at doon nga sa kabilang mesa ay nakaupo naman sila Xitian na di na tinapos ang pagkain.

Napa smirked naman itong si Chase na para bang proud sa sarili na nakatingin pa kila Xitian at sa isip isip niya "ano kayo ngayon?! Tsss!"

"Bwiset!" Pabulong na sambit ni Xitian na ang samang maka tingin kay Chase at napansin naman iyon ni Din na kasama rin nito sa lamesa pati na rin sila Ysmael, Wram at Brilliant.

"Chill bro, hindi nyo makukuha si Ricai sa pagkain dahil di naman yan masyadong food lover pero she loved baking."

"Eh? Mahilig pala mag bake si Baby girl?" Sambit ni Brilliant na napalingon kay Xitian na ang sama ng tingin sa kaniya dahil nalimutan nyang ayaw nga pala nitong tinatawag ang Ricai nya ng iba na baby girl o baby sis. "I mean ni Ricai... Ha... Ha... Ha..." Dagdag pa niya.

"Hindi mo rin ba alam yon Bro?" Tanong ni Wram kay Xitian.

"Not really... I just know na mahilig siya sa cookies."

"Mahilig si Ricai sa pastries pero hindi ko akalain na mag ba-bake pala sya..." Opinyon ni Ysmael na di na napigilan ang sarili na mag salita kahit alam niyang awkward dahil di naman nya close ang mga kasamahan nya doon sa lamesa.

At dahil nga nasa labas ng bahay nila Ricai ang catering andoon rin sa ibang mesa ang o group ang ilang mga pinsan at kapitbahay nila. Napuna ng mga ito na mukhang may kaya sa buhay ang mga kaibigan ni Ricai lalo na nga itong si Chase na kilala sa Barrio De Espenzo na apo ni Don Arnulfo Alcantara na pinakamayaman sa kanilang barrio.

"Sa tingin nyo may relasyon yang si Senyorito Chase at si Ricai? Hindi ba mag kagalit ang pamilya nila dahil kinuha ng mga Alcantara ang lupain ng mga Villamor?" Sambit ng isang babaeng chismosa kasama ang kapwa nya mga chismosa rin.

"Pero ang sabi raw eh secretary lang daw ni Senyorito Chase yang si Ricai kaya andito."

"Pero sa tingin ko isa sa mga bisita ni Ricai ang kaniyang manliligaw nakita nyo ba yung dumating na tatlong kalalakihan ang dami nilang mga regalo may pa bulaklak pa."

"Nakita ko nga rin yung hiling dumating ang dami ring regalo hindi ba at isa rin yung Alcantara?"

"Oo si Ysmael Alcantara yan yung anak raw sa katulong ng yumaong anak ni Don Arnulfo."

"Oh... sya pala yon? Hindi ba ang balita hindi sya tinuring na apo ni Don Arnulfo kaya hindi ito kasama sa mansion. Anak kasi ng katulong."

"Ano naman po kung anak ng kasambahay?"

Nagulat yung nga chismosa pag lingon nila "Ri— Ricai..."

Ricai smile politely "nabusog po ba kayo?"

"O— Oo..." Anila na para bang nahihiya.

"Kumuha pa po kayo o gusto nyo po g ikuha ko kayo? Wala po kasi kaming "kasambahay" dito eh pasensya na po."

"Hi— Hindi kami nalang kukuha tsaka mga busog na rin naman kami. He... He... He..." Sagot nung isang chismosa at sumangayon rin naman yung iba.

"Sige po pag na gutom po kayo uli kumuha lang po kayo. Sige po puntahan ko lang po ang mga kaibigan ko."

Ngumiti naman sa kaniya yung mga chismosa na para bang niyang hiya "sige Ineng." Anila.

Ricai smiled and said before she go "nga po pala, sana yung regalo nyo po kay Mama hindi chika lang."

Natahimik naman yung mga chismosa "charizzz!!! Joke lang po wag kayo masyadong serious. Hehehe... Sige po. Ah, nga po pala yung katulong po o kasambahay matino po yung trabaho kaya wag nyo po sanang nila "lang" at least sila po may work kesa naman sa iba diyan... maingay lang wala namang ambag sa buhay ng iba." She smirked and left.

"Tayo ba yung pinariringgan nya?" Sabi nung isang chismosa.

"Aba, sure naman akong hindi ako yun may work ako baka kayo."

At nag turuan na nga ang mga chismosa habang tawa naman ng tawa si Ricai.

"Ricai? You okay? Why are you laughing?" Tanong ni Brillant.

Tumayo naman si Xitian para paupuin si Ricai "nothing kuya may mga "Marites" lang akong tinuruan ng leksyon..." she gestured to Xitian na sya na ang maupo.

"You sure?"

"Um."

"What is Marites?" Tanong ni Brillant.

"Bagong tawag sa mga modern chismosa. Right bebe?" Sambit ni Din.

"Yeah! Hehe... may mga epal na naman kasi kuya."

"Hahaha... parang di ka pa sanay dito satin."

"Kaya nga kuya kakainis lang po."

Sabay-sabay namang napatingin sila Xitian kay Ricai pwera lang kay Din "sinong kaaway mo?" Anila.

"Ehhh???"

"Hahahaha... wala syang kaaway chill lang kayo."

"Yeah... Hahahaha... wala kong kaaway. Ahm... Mael, halika saglit."

"Hmmm?"

At hinila na nga ni Ricai itong si Ysmael.

"He— Hey!!! Ricai?!" Pahabol na sambit ni Xitian.

"Bro, calm down maraming tao." Pabulong na sambit ni Wram at bumalik naman sa pagkakaupo itong si Xitian.

"Boss, san ka pupunta?" Tanong ni Belj kay Chase.

"Restroom."

"Ohh... Okay."

Alam ni Belj na hindi sa restroom ang punta ng Boss nya base sa reaction nito na mukhang seryoso.

Samanatala hinila ni Ricai papalabas si Ysmael malayo sa mga tao.

"Ha? Ako? Bakit? Bakit ako malungkot?"

"It's just that kapag kailangan mo ng kausap andito lang ako. Wag mong kakalimutan na parati mo akong kakampi."

"Ha?"

"Basta! Pag kailangan mo ng kausap o taga pag tanggol I'm here lang ha? Wag kang mahihiyang tumawag sakin."

"O— Okay?"

"Tara na bumalik na tayo?"

Kling... Kling... Kling...

"Oh... gusto mo ng ice cream?"

"Ahhh... namiss ko yan!!! Sige bili tayo!"

"Um. Manong!!! Pabili po kami."

At lumapit na nga sa kanila yung mag sosorbetes.

"Wow!!! Namiss ko yung ganito wala kasi akong mabilhan ng ganito sa Manila."

"Hehe... minsan meron pero sure naman akong kapag meron nasa Condo o busy ka sa work mo. Sige na pili ka na ng flavor sagot kita."

"Nice! Okay kuya kahit ng 3 flavors nyo yun po ang akin sa sweet cone po ah. Hehe..."

"Sige po Ma'am."

"Padagdag po ng scoop ah. Haha..."

"Ikaw talaga. Manong, kung bibilhin ko po ang lahat ng yan magkano po?"

"Ho?"

"Eh??? Bibilhin mo?"

"Um. Naisip ko kasi mainit at birthday naman ni tita kaya maganda may icecream di ba noh Manong?"

"Kayo po..."

"Hala! Nakakahiya naman."

"Hindi yan ito man regalo ko na rin kay tita."

"Pero..."

"Sige na Manong ha? Ako ng bibili ng lahat ng sorbetes mo."

"Salamat po Sir."

"Huy... grabe ka naman... nakakahiya!!!"

"Okay lang yan maliit na bagay lang yan ito naman!"

"Tsk! Ikaw na ngang bahala pero salamat."

"Hehe... Welcome."

Iniabot naman ni Manong sa dalawa yung sorbetes nila.

"Thankyou Manong. Kayo nalang din po mag bigay sa mga bisita ah?"

"Sige po Ma'am."

"Manong eto po ang 5k kunin nyo na."

"Sir? Sobra po ito."

"No worries, kunin nyo na kuya."

"Pero Sir..."

"Manong, its better than to give than to receive kaya kunin nyo na po yan sige kayo di ko kayo babayaran. Hahahaha..."

"Maraming salamat po Sir."

"Welcome."

Ricai smiled and pinched Ysmael right cheek "ang bait naman."

Nahiya naman si Ysmael bigla "hehe..."

"Cough!" Bungad ni Chase na para bang wala sa mood.

"Cha— Chase!" Pagulat na sambit ni Ricai.

"Anong ginagawa nyo?"

"Ah! Halika, may icecream dito libre ni Mael pili ka na ng flavor na gusto mo."

"Hindi na..."

"Ha? Pero masarap ito tikman mo." Pinipilit nyang patikimin si Chase...

"Ayoko nga!" Tinabig nya yung icecream na hawak ni Ricai.

"Chase! Kung ayaw mo wag mo namang ganyanin si Ricai!"

"Huh! Oh? So, you're the best man here? Bakit magkano ba yang icecream na yan? I will triple the price!!!"

PAK!

Nagulat si Ysmael na bigla nalang sinampal ni Ricai itong si Chase "hindi lahat ng bagay sa mundo kaya mong bilhin! Yang sinayang mong icecream hindi mo ba na isip kung ilang oras at pagod ang ginugol diyan ni Manong? Tapos sasayangin mo lang dahil sa lintek na pride mo?!"

Hindi kumibo si Chase at umalis nalang.

"Tsss! Napaka spoiled brat nya! Tapos magagalit na naman s'ya sakin! S'ya naman kasi itong..."

"Mukhang... hindi mo ba alam na ayaw ni Chase sa icecream?"

"Ha? Anong... ibig mong sabihin? Hindi s'ya nakain ng icecream? Bakit may allergy ba s'ya or something?"

"Wala syang allergy, pero nung bata si Chase may naging bad experience s'ya sa icecream at ng dahil dun naging trauma na ito sa kaniya."

Hindi naman naka imik si Ricai sa sinabing iyon ni Ysmael sa kaniya dahil pakiramdam nya na sobrahan s'ya sa ginawa nya kay Chase.

"Nakulong kasi sa isang icecream factory si Chase at dahil nga dun muntik na syang mamatay mga ilang oras din kasi syang nanatili doon."

"What?"

"Um. Kinidnap kasi s'ya ng isa sa mga kaaway ng pamilya namin tapos simula nga ng pangyayareng yon sa tuwing may makakakita siyang kahit anong ref o icecream o kahit nga minsan makaramdam s'ya ng sobrang lamig nag papanic na sya. Buti nga ngayon okay na s'ya he can handle the pressure."

"Ah... Ahm... sandali lang ha?"

"Hmm?"

"May... May kailangan lang akong gawin."

At iniwan na nga ni Ricai si Ysmael...

"Ri— Ricai! Sandali lang!!!"