webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
90 Chs

Force To Be With You

At hindi nga nakatiis si Ricai niyakag nyang kumain sa labas si Chase para naman mawala ang pagkalungkot nito.

"Where are we going ba?"

"Here we go!!! Ang ganda ng view di ba? Eto na kasing Tagaytay ang medyo malapit sa Manila na pwede tayong mag chill."

Tanaw sa restaurant na pinuntahan nila ang view ng Taal Lake.

"Wow!"

"See, sabi ko sayo mag eenjoy ka dito."

"Miss, ready na po ang foods." Sabi ni Belj.

"Really? Nice! Halika na Chase, kumain na tayo."

"Um."

At na upo na nga yung tatlo at mag katabi sila Chase at Ricai sa may kabilang side naman si Belj.

"Really? Sa ate mo ang resto na ito Belj?"

"Opo Senyorito kaya may discount po kayo ni Ms. Ricai. Hehe."

"Tsss! Bakit ngayon mo lang ako sinama dito? At mukhang sa nakikita ko mas nauna pang pumunta dito si Ricai."

"Ah... Eh kasi boss..."

"Syempre! Were brothers and sisters!"

"Huh! So ano pala ko sayo Belj?"

"Boss ko po kayo."

"Huh! Talaga ba? Eh mukhang ang amo mo na eh yang si Ricai."

"Eh... Boss naman fiancée nyo po si Miss."

"Pffft... Wag ka ng mag explain dyan. Kumain na nga lang kayo ang sarap ng bulalo tamang tama sa cold weather."

"Opo Miss yan po talaga ang specialty dito ang Bulala ng Tagaytay!"

"Oo nga napaka refreshing."

"Um. Boss, ako na pong mag tatanggal ng utak sa bone marrow."

"No need, I can handle para san pa at naging chef ako di ba?"

Nagkatinginan naman sila Belj at Ricai at para bang di naniniwala sa sinabi ni Chase.

Then after a minute ipinakita nga ni Chase ang talent nya sa pag tanggal ng utak dun sa bulalo.

"Woah!" Reaction nung dalawa kay Chase.

"So, what can you say guys?"

Napa thumbs up nalang yung dalawa at bilib na bilib kay Chase.

"Tsss! Wag nga kayo sobrang dali lang ng ginawa ko oa nyo."

"Haha... Pero di ko po alam na nakain po pala kayo ng ganyan. Parati po kasi kayo sa fine dining restos eh."

"Um. Si Don Chase kakain ng kinakamay na pagkain? Talagang magugulat ka brad."

"Tigilan nyo nga kong dalawa. Ricai, don't eat too much ang bloody pressure."

"Huh! Bata pa ko no!"

"Pero Miss, wala namn po yun sa edad ako nga rin po minsan eh pag na sobrahan na high blood rin po ako. Di ba Boss?"

"Um. And he stayed at the hospital for 2days."

"Weh? Pero mas bata ka sakin ano ba kasing pinagkakain mo?"

"Hehe... Pag po kasi nauwi ako dito napapadami po talaga ang kain ko."

"Ohhh..."

"Kaya ikaw, kung ayaw mong magaya diyan mag diet ka."

"Wow ha! Maka pag sabi ka ng mag diet parang ang taba ko ah!"

"Gusto mong sagutin ko yan?"

"Sapak gusto mo?"

"Ha... Ha... Miss chill lang po niloloko lang po kayo ni Senyorito."

"I know, pero may masayang bata. Di ba no?"

"Hehe... Opo Miss."

"Heh! But thanks sa inyo I appreciate it."

"Maliit na bagay." Anila.

"Haysss..."

"Eh anong plano mo? Di ka nalang mag papakita kay Don Arnulfo hangga't di ka niya naaalala?"

"Siguro... I don't know... But once na may ginawang kung ano si Ysmael habang wala ako sa mansion lintek lang ang walang ganti."

"Bakit ba parang galit na galit ka kay Mael?"

"Huh! Mael? Are you two that close?"

"So what?!"

"Okay... Okay... Tama na po yan nasa harap po tayo ng pagkain."

"Yang boss mo kasi!"

"Huh! Ako pa daw?!"

"Hep! Tama na po... Tama na... Maiba po tayo... Miss..."

"Hmm?"

"May magiging interview po kasi si Sir Chase sa Sunday sa isang tv show at gusto po nilang kasama kayo."

"Ha? Bakit pati ako?"

"Why? You're my fiancée after all. Gusto mo bang ibang babae ang kasama ko sa interview?"

"Do it! As if naman I care."

"Huh! Ano?! Gusto mo talagang ibang babae ang kasama ko?!"

Ricai sighed "alam, isinama ka namin ni Belj dito para marelax ka eh parang ang ending nito mag aaway lang tayo. Mabuti pang umalis nalang siguro ako."

"Sige! Yan naman ang gusto mo ang parating iwan ako sa ere."

"Boss..."

"Bakit? Yun naman ang totoo nung nakaraan kay daddy sya sumama iniwan nya tayo tapos ngayon ganyan? Bahala sya! Wala ako sa mood manuyo ngayon!" Then he walks out.

"Se-- Senyorito!!!"

"Hayaan mo sya."

"Pero Miss... Kaya po tayo nag punta dito para maging masaya si Sir Chase."

"Wala na tayong magagawa sa isang yan ma pride kasi masyado."

"Haysss... Sige na nga po dito na muna kayo at susundan ko lang po si Sir Chase."

"Sige na!"

"Pasensya na po Miss."

"Um."

Pag alis naman ni Belj syang lapit naman ng ate nito kay Ricai.

"Hi!"

Tumayo naman si Ricai at sinabing "hello po ate ni Belj."

"Ah, Stacey nalang upo ka pag patuloy mo lang ang pagkain."

"Um. Upo ka rin po."

"Ah, oo nakita ko kasi na umalis yung dalawa."

"Ahhh... Opo pasensya na po kayo sa commotion."

"Wala yun, pero okay ka lang ba?"

"Opo okay lang naman po sanay na ko kay Chase na laging wala sa mood."

"Actually, nagulat nga ako na may kasama syang babae."

"Hmm? Ano pong ibig nyong sabihin dun? Normal lang naman po na may kasamang babae ang mokong na yun. Tsss! Celebrity! Pwe!"

"Hahaha... Now I know kaya siguro na gustuhan ka ni Chase. Napaka totoo mo kasing tao."

"Nako, hindi naman po ayoko lang na pinaplastik ko ang mga kausap ko. Yun po kasi ang turo sakin ng nga magulang ko na mag pakatotoo sa lahat ng oras."

"Um. Tama naman kaya siguro pati si Belj ina-admire ka."

"Ah... Nako, sorry po at ako pa ang naging ihemplo ng kapatid nyo."

"Hindi naman, masaya nga akong nag bago na sya eh."

"Po?"

"Ahhh... Actually, hindi naman talaga kami totoong mag kapatid ni Belj. Pinsan nya lang ako sa side ng nanay nya pero samin sya lumaki. Broken family kasi si Belj."

"Ohhh... Kaya pala parang vibes na vibes po sila ni Chase nung una ko silang na kasama. Sobrang cold nila kung makitungo pero mas malala si Chase pa rin. Walang tatalo sa taong yon sa pagiging cold. Napaka pomer face!"

"Hahaha... Oo wala talaga pero na pansin ko di na sya yung Chase na nakilala ko kahit si Belj masaya pag nauwi sya di gaya non nung wala ka. Ah! Talaga namang pag bad mood si Chase ganun din yang si Belj."

"Oh? Talaga po?"

"Um. Kaya masaya akong na kasama ka nila. Kaya salamat sa pagintindi mo dun sa ugali nung dalawa lalo na kay Sir Chase."

"Wala po yun si Belj naman po eh parang kapatid ko na rin po at masaya po ako kapag ako ang mas kinakampihan nya kesa sa boss nya."

" Sa palagay ko nga."

"Ahm... Pwede pong favor?"

"Hmm? Ano yon?"

"Ahm... Gusto ko po kasi pang mas makilala sila Chase at Belj kaya kung pwede po kwentuhan nyo ko about them."

"Oh... Yun lang ba? Sige pwedeng pwede... Pero kakailanganin natin dito ng maiinom ng makukukot para maganda ang ating kwentuhan. Nainom ka ba?"

"Ah, opo..."

Kahit hindi sanay uminom ng alak si Ricai ay naki ride on parin sya kay Stacey para sa pakikipag kaibigan at sa kwento tungkol kay Chase at Belj.

Samantala,

Nag punta sa isang spot sila Chase at Belj kung saan mas makikita yung view ng taal lake.

"Kaya siguro gusto mong umuwi pag day off mo dahil sa ganitong lugar no?"

"Ah... Eh... Opo Senyorito. Nakaka relax po kasi dito mahangin tapos ang sarap mag muni-muni kahit tambay lang dito. Nakakailang oras nga po ako dito eh ng ganito lang nakatunganga."

"Yeah. Do you think bumili na rin kaya ako ng lupain dito sa Tagaytay?"

"Talaga po?"

"Um. Hindi na rin naman ako bumabata isa pa gusto ko kapag nag 35 na ako dito na ako maninirahan."

"Po? Pero kayo po ang taga pag mana ng Alcantara. Ibibigay nyo nalang po ba yung posisyon nyo kay Ysmael? Tsaka paano po si Ms. Ricai?"

"Hindi ko alam."

"Po?"

"Alam mo walang permanente sa mundo kaya mag babago at mag babago parin ang mga bagay-bagay na kinagisnan natin."

"Ang lalim po nun Sir."

"Yeah. Mukhang pati pag sasalita ko na bago ko na rin gawa ni Ricai."

"Opo nga po eh kahit ako rin po. Kung hindi nyo sya fiancée baka..."

Ang sama naman ng tingin ni Chase kay Belj "baka ano?!"

"Ho? Ano... Ano po mag bff kami."

Chase bonked him "alam ko namang crush mo si Ricai dati pa."

"Po?"

"Wag ako! Kilalang kilala na kita Beljo. Alam kong bago pa man mapunta satin si Ricai eh hinahanga mo na sya."

"Eh.... Boss, sino naman po kasing di magkakaroon ng crush kay Miss? Una, napakabait nya po tapos mapagmahal sa pamilya dagdag points nalang po talaga yung beauty ni Miss."

"I agree, kaya kahit maraming girls na mas better sa kaniya sya at sya parin ang pipiliin ko kahit madalas di kami magka sundo. Kaya, give up already."

"Hehe... Opo, wala naman akong panama sa inyo. Tsaka, panatag na po akong sa inyo sya mapupunta kesa kay Ysmael."

"Speaking of him, anong balita sa mokong na yon?"

"Sa ngayon sabi po ng tauhan natin normal lang ang mga kilos nya towards Don Arnulfo."

"Oh really..."

"Pero Sir sumunod po siya sà Baguio."

"Eh? Then why didn't he approach Ricai?"

"Di ko po alam pero lately daw po naka tuon ang atensyon nito kay Felly."

"Say what?"

"Opo sabi po ng tauhan natin na parating gustong kasama ni Ysmael si Felly."

"Huh! Like father like son."

"Pero Sir, hindi lang naman po simpleng kasambahay nyo si Felly isa po syang matalino at mapagkakatiwalaan. At alalahanin nyo kinakapatid nyo rin po sya."

"I know, and Ricai likes her. So make sure na walang ginagawang kung ano sa kaniya si Ysmael."

"Opo Sir."

"Okay let's go back."

"Opo."

"Ah nga pala, sinabi sakin ni Ricai na nag text sa kaniya si Tasha ano na bang score sa kanila ni Xitian?"

"Ahm... Sa ngayon, ganun pa rin po di makaalis ng mansion ng mga Alta Gracia si Ms. Tasha bantay sarado po ang lahat."

"Huh! Baliw na talaga ang isang yon. Tignan lang natin kung anong magiging reaction ni Ricai kapag nalaman nyang kinukulong nito ang bff nya."

"Bakit po di nyo pala sinasabi kay Miss?"

"There's no need. Hindi pwedeng parating nangingialam si Ricai sa kuya Xitian nya cause later on kapag kinasal kami hindi na sya pwedeng makipag communicate sa mga Alta Gracia na number 1 enemy naming mga Alcantara."

"Pero Sir, paano si Ms. Tasha? Balita ko po pakakasalan ni Sir Xitian si Ms. Tasha."

"Ano?!"

"Opo, ang balita po kasi yung ang napag desisyunan ng mga elders ng Alta Gracia."

"Huh! What the heck? Pero isang normal na citizen lang si Tasha. Ano bang iniisip ng mga yon?"

"Pero Sir, normal lang naman po yun dahil buntis na po si Ms. Tasha na kailangang panagutan ni Sir Xitian na sya ang ama nung bata."

"Pero ordinaryong tao lang si Tasha! Call that jerk kakausapin ko."

"O-- Opo sige po."

Pero hindi sumasagot si Xitain.

"Bwiset! Pumunta tayo ngayon sa mansion ng mga Alta Gracia."

"Po?!!!"

"Halika na!!!"

"O-- Opo."

At sa mansion nga ng mga Alta Gracia...

"I'm leaving." Sambit ni Xitian kay Tasha na naka higa noon sa kama at hindi sya pinapansin.

Knock... Knock...

"Bukas yan."

"Sir, ready na po ang sasakyan." Sambit ni Cymiel.

"Sige lalabas na ko."

"Sige po."

At nung lalabas na nga ng kwarto si Xitian lumapit sya sa nakahigang si Tasha.

"Wag kang mag papalipas ng gutom. Yung vitamins mo wag mo ring kakalimutang inumin."

Pero hindi sya pinapansin ni Tasha at tinalikuran lang sya nito.

Xitian sighed "just call me if you need something."

Pero wala paring kibo si Tasha sa kaniya.

"After a few days, our wedding will be..." Pero hindi nalang ipinaglatuloy ni Xitian ang sinasabi at umalis na.

Bumangon naman si Tasha at ibinato ang unan nya dun sa may pintuan.

"Plastic ka! Bwiset!" Pero after that pumunta sya sa may balcony para silipin si Xitian.

"Tsss! Formal na formal? Ano sya aattend ng kasalang bayan?"

Napatingin naman sa direksyon niya itong si Xitian kaya dali-dali syang nag tago.

Xitian smirked "silly girl."

"Sir?" Sabi ni Cymiel at napatingin sa tinitignan ni Xitian.

"Let's go."

"Opo Sir."

At pag alis nila Xitian syang labas naman ni Tasha "sighhhhh... Baby, umalis na ang daddy mo. Anong gusto mong gawin natin?"

At kinausap na naman nga ni Tasha ang baby bump nya.

"Tash!!!"

"Hmm?"

Hinanap si Tasha yung tumawag sa kaniya.

"I'm here, tingin ka sa taas mo."

"Oh? Brilliant? Ano namang ginagawa nya sa bubong? Baliw na ba sya?"

"Come here! Maganda ang view dito!"

"Sira ulo na, pati ako idadamay sa pag akyat don."

"Wag kang mag alala safe dito!!!"

"Huh! Safe? Sa bubong? Dati ba syang construction worker? Kulang ata ng turnilyo ang utak nito."

"Tash!"

"Bahala ka sa buhay mo!!!"

At pumasok na nga si Tasha sa room nila.

"Tash!!! Tasha!!!"

Lumabas ng kwarto si Tasha para sana kumain at nakita naman nya si Wram sa kitchen na may niluluto.

"Oh, sorry po sa distorbo."

"Are you hungry?"

"Ah... Hindi naman po sige po."

"Don't leave!"

"Po?"

"Sit down I will get you a food."

"Pero..."

"Just sit down or else magagalit ako."

"O-- Opo."

At wala nangang patumpik tumpik eh naupo agad si Tasha sa takot nyang magalit sa kaniya si Wram.

"This is my special chicken soup."

"Oh... Salamat po."

"Um. Kain na."

"O-- Opo."

Naupo rin si Wram at kumain "so, how is it?"

"Ahm... Ang sarap po!"

"Really?"

"Opo, parang pang restaurant po ang lasa!"

"Tsss! Sinabi mo bang masarap dahil ako kasi ang nag luto?"

"Hi-- Hindi naman po sa ganun pero masarap po talaga for real!"

"Okay, okay... I believe in you. Sige na kumain ka pa."

"Opo."

"Ahm... Did Xitian tell you na he ain't go home for a few weeks?"

"Wait, what? Weeks? But he said he will gone for a few days."

"Oh... So you're concern ha?"

"Ah... Ahm..."

"It's okay I'm just testing you pero hindi sya uuwi siguro mga 4to 6 days or maybe good for a week."

"Can I ask po bakit?"

"Because of the elders."

"Your grandparents?"

"Well, is kinda same but not literally our mom and dad parents but more on counseling leaders like that."

"Para san po?"

"Aren't Xitian tell you that?"

"Hindi po eh sabi nya pagbalik nya nalang daw po."

"I see, maybe he doesn't want to worry."

"Hmm? What do you mean?"

"Ahm... I know you're aware that our family is not the level of your family worth. I mean..."

"Okay lang po naiintindihan ko na kumapara sa yaman ng pamilya nyo wala pa sa 1/4 ang samin."

"I didn't want you to get me wrong pero gusto ko lang na sabihin na may nakalaan na talagang babae para kay Xitian na ang mga elders ang pumili."

"Alam ko po, ganun din po ang mga napapanood kong teleserye na kapag mayayaman may arrange marriage para sa alliance sa business. Okay lang naman po na hindi ako panagutan ni Xitian dahil alam ko naman pong hindi kami bagay tsaka alam ko rin naman pong di niya ko gusto. He just keep pretending that he cares for me but it's for the baby. He don't want me to let go kasi akala nya baka ipalaglag ko yung baby pero naisip nya bang ako po yung babae at magiging mother ng baby na ito kakayanin ko po bang patayin ang magiging anak ko?"

"Ah... Yeah...But to be honest hindi ko rin alam kung bakit ka nya kinukulong dito. Pero sana wag kang magalit sa kaniya dahil ginagawa nya yan para sa inyo na rin. Alam mo ba kung ano ang gagawin ng mga elders kay Xitian? At kung bakit hindi sya makakauwi agad?"

"Po? Hindi po ba kakausapin lang po?"

"No... It's not that easy."

"Not that easy? Ibig sabihin po ba nun papahirapan po sya like initiation?"

Wram nod and said "it's because of you."

"Wh-- Why it's because of me?"

"Cause you're just an ordinary citizen that trap here." Bungad ni Chase.

"Cha-- Chase?" Pagulat na sambit ni Tasha.

"Sir! Hindi po kayo pwede dito!" Sambit ng isa sa mga bodyguard at dinakip naman ng dalawa pang kasamahan nito si Chase.

"Bitawan nyo ko! Tasha, sumama ka na sakin iuuwi na kita sa inyo hindi ka pwede dito."

"Ha?"

"Guard, ilabas nyo na yan!" Sabi ni Wram.

"Yes Sir."

"Bitawan nyo ko!!! Hindi nyo ba ako kilala????"

"Sa-- Sandali lang... Bitawan nyo sya." Sabi ni Tasha.

"No! Sige na ilabas nyo na yan."

"Pero kuya... Hindi po masamang tao si Chase kaya sana hayaan nyo pong kahit saglit makausap ko sya."

Naawa naman si Wram kay Tasha dahil nga hindi ito nakakalabas eh wala rin syang nakakausap galing sa labas.

"Tsk! Sya, sya... Bitawan nyo na yan pero diyan lang kayo sa sala mag uusap."

"Opo kuya salamat."

Ang sama naman ng tingin ng Wram kay Chase at sinabing "I'll be watching you!" Tapos iniwan nya na yung dalawa.

"Ano bang nangyayare? Bakit bigla kang napa sugod dito?" Tanong ni Tasha na isinama si Chase sa sala.

"First, how are you? Okay ka lng ba dito? Hindi ka ba nila sinasaktan?"

"I'm okay. But why are you here? Hindi ba may usapan na tayo? Sinabi mo ba kay Ricai ang bagay na ito?"

"Of course not! I'm here para sabihin na you can't marry that Xitian."

"Ha? Anong kasal?"

"Hindi ba sya ang ama ng ipinagbubuntis mo? At pumunta ngayon sa mga elders si Xitian, right?"

"Um. Pero bakit mo alam na pumunta sa mga elders si Xitian?"

"Syempre hindi lang naman sila ang mayaman ang angkan dito.Tsss! Ah, basta... Sumama ka na sakin ngayon din para hindi ka magsisi sa huli."

"Ha? Hindi kita maintindihan."

"Ganito, kapag pinakasalan mo si Xitian hinding hindi ka na makakalabas ng mansion na ito. Gusto mo ba yon?"

"Ayoko!"

"Kaya nga sumama ka na sakin habang maaga pa."

"Pero hindi pwede."

"Wag kang mag alala akong bahala sayo may mga tauhan ako sa labas na tutulong satin para makatakas ka dito."

"Hinde."

"Ha? Anong hinde? Akala ko ba ayaw mo dito? Hindi mo ba namimiss ang pamilya mo o kahit si Ricai? Miss na miss ka na nya."

"I know, pero kasi..."

"Ano? Hindi ka na makakawala sa kamay ng mga Alta Gracia kapag ikinasal ka kay Xitian. Kaya halika na sumama ka na sakin kung ayaw mong pagsisihan ito sa huli."

"Walang aalis ng mansion kung hindi ikaw Mr. Alcantara." Bungad ni Wram na inilayo si Tasha kay Chase "palabasin na ang outsider na yan."

"Bitawan nyo ko!!! Tasha! Makinig ka kapag hindi ka pa sumama sakin pagsisihan mo ito!"

"Ilabas nyo na yan!" Pagalit na sambit ni Wram.

At pwersahan ngang inilabas ng security guard si Chase ng hindi umaawat si Tasha.

"Tasha!!!"

"Anong nangyayare dito? Bakit andito si Chase?" Bungad ni Brilliant galing kung saan.

"Tasha, wag na wag kang makikinig sa mga sinabi sayo ng lalaking iyon. Ipapaliwanag lahat sayo ni Xitian ang lahat pagbalik nya." Sabi ni Wram kay Tasha na nakatanaw lang sa pinapaalis na si Chase.

"Ginugulo ka ba ng Alcantara na yon?" Sabi ni Brilliant.

"Brill, mag patawag ka ng pulis at..."

"No! Walang tatawag ng pulis hindi ako sasama sa kaniya dito lang ako hanggang sa dumating si Xitian!" Then she left.

"Tash!" Pahabol na sambit ni Brilliant.

"Let her be."

"Bakit ba kasi nakapasok ang isang yon dito?"

"Tinangka ngang itakas si Tasha."

"Ano?!"

"Tsk! Tawagan mo nga si Xitian sabihin mo umuwi sya agad dito wag na nyang paabutin pa ng isang linggo ang galit ng mga elders. Kung ayaw nyang wala na syang maabutang mag ina nya dito!"

"O-- Oo sige."