webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
90 Chs

Feelings

Pauwi na ng mga oras na oras na ito si Ricai at hinatid na rin sya ni Ms. Catalina sa penthouse kung san sila naninuluyan ni Chase.

"Miss!"

"Oh, Belj san ka galing?"

Nakita ni Ricai pag baba nya sa kotse ni Ms. Catalina si Belj na paki wari nya ay kararating lang din.

"Bakit di po kayo na sagot ng phone nyo?"

"Hmm? Lowbat na kasi ang cellphone ko sorry."

"Is there something wrong?" Sabi ni Ms. Catalina na nasa kotse at di pa pala nakaka alis.

"Ah, wa-wala naman po Madam. Magandang gabi po." Sagot ni Belj.

"Okay then, I will go ahead na. Rics, chat nalang okay?"

"Opo Auntie. Thankyou for today."

"Um. Good night."

"Ingat po kayo."

"Thanks."

At pag alis na pag alis naman ni Ms. Catalina sinabi agad ni Belj kay Ricai na may lagnat si Chase.

"What? Bakit di mo ko tinawagan?"

"Eh Miss... Kanina pa po talaga ako natawag sa inyo kaso wala pong sumasagot."

"Tsk. Sorry lowbat kasi ang phone ko. Anyways, nasan sya? Yung amo mo."

"Nasa room nya po ayaw nya po mag padala sa hospital eh buti nalang may dala po kayong medicine bag."

"Yeah. Halika na puntahan na natin ang makulit na yon."

"Opo."

At dali-dali ngang nag punta si Ricai sa room ni Chase at sakto namang katatapos lang nitong maligo at wala itong pantaas na kasuotan at ang suot lang nito ay ang towel na nakacover sa lower part of his body.

"AHHH!!!!"

"Mi-- Miss... Bakit? Ano pong nang... yare kay Si... Sir? Sir! Bakit po kayo naligo? May lagnat po kayo!" Sambit ni Belj na kinuha agad ang bathrobe ni Chase para isuot dito. "Miss pasensya na po kayo wala po sa sarili ang boss ko."

Nakatalikod ng mga oras na iyon si Ricai.

"You can turn around now Miss."

"Ahem... Ahm... Ho-- How are you? May lagnat ka raw? Sorry I..."

"Belj lumabas ka muna."

"Yes Sir."

"Ha? Be-- Belj dito ka muna."

"Mamaya nalang po Miss."

"Ha? Pe-- Pero kasi..."

"Sige po Miss."

Pag labas naman ni Belj naging awkward bigla ang paligid.

"A... Ahm... I... I'm going to open the window para may fresh air." Ang na uutal utal pang sambit ni Ricai at binuksan nya nga yung bintana pero pagbukas nya sobrang lamig ng hangin dahil nga nasa Baguio sila at gabi na rin ng mga oras na iyon.

Sa isip-isip ni Ricai "putek! Nag s-snow na ba sa labas? Napaka lamig!"

Dali-dali naman nyang sinara yung bintana "ha...ha... I think bukas ka nalang lumanghap ng fresh air. Ha... Ha... sige goodnight na sayo."

"Stop right there!"

Papalabas na sana ng room nun si Ricai kaso pinigilan sya ni Chase.

"H-- Ha?"

Nakaupo ng mga oras namang iyon si Chase sa kama nya.

"Come here!"

"H-- Ha?"

"I said come here! Or else I will add 1Million to your debt!"

"O-- Opo Sir andiyan na."

At wala na ngang nagawa si Ricai kung hindi lumapit kay Chase.

"Sit down!"

"Ah... Ahm... Okay lang I will stand..."

Di na nga natapos ni Ricai ang sinasabi nya dahil hinil sya ni Chase at napaupo sya sa lap nito.

"He-- Hey!!! Let me go!"

Bigla nalang niyakap ni Chase si Ricai "hoy!!!"

"Just give me 5minutes."

Dahil nga yakap ni Chase si Ricai naramdaman nito ang init ng katawan ni Chase.

"A-- Are you okay? Ang init mo!"

"I'm fine. Just stay still and let me hug you kasalanan mo kung bakit ako nagka sakit kaya you need to care for me!"

"How come its my fault?"

"Just keep quiet and let me rest."

"Huh! Ano? Ano ko kama mo? Ikaw..."

At bigla ngang natahimik si Ricai dahil naawa syang bigla kay Chase na nakapikit na ng mga oras na iyon na para bang nakatulog na.

"He-- Hey... Tulog ka na ba? Hoy! You need to dry your hair."

"Mmm... I'm so weak can you dry my hair for me?" Sabi ni Chase na para bang batang naging clingy bigla sa nanay nila.

Ricai blushed and she felt so shy all of a sudden "o-- okay... But can you let me go?"

Niyakap naman ng mahigpit ni Chase si Ricai "no! Baka umalis ka na naman at iwan ako!"

Ricai sighed "di ako aalis! Paano ko tutuyuin ang buhok mo? I need to get the hair dryer."

Chase look at Ricai na para bang cute na bata na nag lalambing "promise?" he said.

Ricai gulped "ahem... Ye.. Yes... Promise."

"Okay."

At binitawan na nga ni Chase si Ricai.

Sa isip-isip naman ni Ricai habang kinukuha yung hair dryer "wagas! Kailan pa sya naging cute na parang 5years old? Grabe! Aatakihin ata ako sa puso kapag nag pa cute na naman sya ng ganun. Hindi ko sya kinakaya ang pogi nya lalo kapag may sakit sya!"

"Rics!"

"Ye-- Yeah... Andiyan na..."

"."

Mga ilang minuto pa ang nakalilipas nakatulog na nga si Chase habang tinutuyo ni Ricai ang buhok nito.

"Oh, Miss kamusta po si Sir?"Tanong ni Belj na nasa kitchen na nag luluto ng lugaw para kay Chase.

"He's okay. Nakatulog sua habang binoblow dry ko ang buhok nya. Nilagyan ko na rin sya ng cold patch."

"Oh... Mabuti po kung ganun ewan ko po ba dun kay Sir naligo eh may lagnat po sya."

"Okay lang yun para bumaba na din ang temperature nya. Nga pala, ako ng mag papainom ng gamot sa kaniya pag na gising sya. Wag na muna natin syang distorbohin let him rest. Okay?"

"Opo Miss."

"Sige, mag pahinga ka na rin pag tapos diyan."

"Pero... Babantayan ko po sya."

"Hmm? No need na tulog naman sya."

"Pero kasi po..."

"What's wrong? Is there something you want to tell me?"

"Ahm... Kasi po, kapag may sakit si Sir madalas po syang binabangungot. Tapos next nun kinabukasan wala na sya sa mood para po syang nag tatransform into monster."

"Ha? What do you mean?"

"Ahm... Mahaba pong kwento eh gabi na rin po mag pahinga na po ako na pong bahala mag bantay kay Bossing."

"No, you take a rest na ako ng bahala mag bantay sa Bossing mo."

"Po?"

"Don't worry he will be fine."

"O- Opo. Thanks Miss. Mas okay nga po siguro kung kayo ang kasama nya para mapanatag po sya."

"Um."

Samantala,

Nakabalik naman na sa hotel si Ms. Catalina at nagulat sya inaantay na sya ni Noli pero nagsawalang bahala lang sya at umastang okay lang ang lahat.

"Where have you been? Bakit di mo sinasagot ang phone mo?!"

"I'm tired, lets talk tomorrow."

Papasok na sana ng room nya si Catalina pero hinawakan ni Noli ang kamay nya para pigilan sya.

"Noli, pagod ako."

"Pagod? Bakit dahil kay Fernan? Ano? Kayo na uli?"

"Pinasundan mo ba ko?"

"Ano naman? I'm you fiancé at karapatan kong malaman kung saan o sino ang kasama mo!"

"Oh, so alam mo rin siguro na kasama ko si Ricai buong mag hapon?"

"Don't change the topic I'm talking about Fernan and you!"

Nag pumiglas si Catalina sa pagkakahawak sa kaniya ni Noli "don't be so full of yourself! Hindi ako natatakot sayo!"

"Ano?!"

"Ito ang tandaan mo, si Ricai lang ang mahalaga ngayon sa akin at hindi na ako papayag na mag kalayo pa kaming dalawa ng dahil kay Fernan o sa kahit sinong hahadlang. Kaya kung pinagiisipan mo ko ng kung ano, bahala ka na!"

Brag!

Pinagbagsakan na nga ni Catalina ng pintuan si Noli sa galit nya.

Di naman na kumibo si Noli at ininom nalang ang alak na hawak nya kanina.

"Uncle!"

"Wram? Why are you here?"

"Ah, sorry po kung di po ako nag sabi na pupunta kami dito."

"Kami? Who's with you?"

"Ah, sila Xitian at Brilliant po nasa lobby pa may client lang na ka meeting po. But, are you okay Uncle? Nag aaway po ba kayo ni Auntie?"

"Kanina ka pa?"

"Ahm... Hindi po kararating ko lang."

"Oh... Okay. Mag usap nalang tayo bukas inaantok na ko."

"Sige po Uncle good night."

"Yeah."

Pero ang hindi alam ni Noli narinig talaga ni Wram ang pinagusapan nila ni Catalina.

"I need to do an investigation bago pa mahuli ang lahat."

"Investigation? Sino ang papaimbestigahan mo?" Sambit ni Brilliant na kararating lang kasama si Xiatian.

"May ka galit ka Bro?" Sabi naman ni Xitian.

Nagulat naman si Wram sa biglang pag sulpot sa likuran nya nila Brilliant at Xitian.

"A--Ano? Kung ano-ano pinagsasabi nyo."

"Anyways, okay na yung deal bro galing ni Xitian."

"Tsss! Pinapunta nyo pa ko tapos naman na pala ang usapan."

Wram bonked Xitian "may problema ka? Bakit, sino na naman ang kasama mo at di ka namin ma contact? Sabi ni Cymiel di mo daw sya sinama kanina hindi ba ang bilin ni Uncle hindi tayo pwedeng umalis ng bahay ng tayo lang. Did you understand that?!"

"Sorry bro. It's just that..."

"Teka nga, bakit ba nakatayo tayo eh ang laki-laki ng sofa. Asan pal si Uncle at Auntie?" Sabi ni Brilliant.

"Late na, ano pa sa tingin mo? Malamang tulog na sila kaya wag kayo maingay!" Sagot ni Wram.

At naupo na nga yung tatlo sa sofa.

"Hmm? Bakit may alak dito? Nag inom sila Uncle at Auntie?" Tanong na naman ni Brilliant.

"Dami mong tanong! Xitian, ano yung sinasabi mo?"

"Ha? Ako?"

"Tigilan mo ko! Kilala kita kapag may tinatago ka. At bakit hindi mo sinasama mga bodyguard mo kapag may lakad ka? Gusto mo na bang mamatay?"

"Eh... Kasi Bro..."

"Wait, don't tell me may girlfriend ka na? At nililihim mo samin?" Sabi ni Brilliant.

Di naman naka kibo si Xitian.

"Wait, so meron nga? Teka, di naman si Ricai yan di ba? Kasi..."

"Heh!"

"Eh kasi Bro... Lam mo naman yang si Xitian."

"Sino yung babae? Alam nya ba kung ano at sino at ano ang pamilya natin?"

"Ah... Eh..."

"Ano?! Bakit ba puro ka ah... eh?! Bakit na buntis mo bang talaga?"

Napaisip si Brilliant sa sinabing iyon ni Wram kaya sabi nya "wait, don't tell me si ano? Oh My Gross!!! Bro!!! Bakit sya?!"

"Teka nga! Hindi ko maintindihan sino? At ano bang nangyayare?"

"Kasi Bro, nakabuntis nga ang lintek na yan di ba?"

"Ano?! Sino?! Saang pamilya galing yung babae? Sigurdo ka bang ikaw ang ama?"

May kinuha si Xitian sa bulsa nya at ipinakita sa dalawa "99.9%? Ikaw nga ang ama ng pinagbubuntis ni Tasha?!" Pagulat na sambit ni Brilliant.

Kinuha naman ni Wram yung papel at binasang mabuti "sino? Ta.. sha Amular? Si... Si Tasha nga? Totoo na ba lahat ng ito?!"

Nag nod si Brilliant at nabatukan naman ni Wram si Xitain.

"B-- Bro... Chill ka lang." Sabi ni Brilliant na inawat si Wram.

"Pati ba naman yung bata? Bff pa sya ni Ricai! Hindi ka ba nag iisip?"

"Hindi na bata si Tasha kuya!"

"Aba't na sagot ka pa?!!!"

Di naman makalapit si Wram kay Xitian dahil hawak ito ni Brilliant "bro, kumalma ka muna. Hayaan mo munang mag explain si Xitian tsaka baka magising sila Uncle."

"Bitawan mo ko, sasapakin ko yang pinsan mo!"

"Bro, calm down! Xitian, lumuhod ka na!"

Ang pag luhod kasi ay isang gawain ng pamilya nila Xitian kapag may ginagawang mali o kahit isa lang itong kasinungalingan.

"So-- Sorry kuya..." Sambit ni Xitian na nakaluhod na ng mga oras na iyon.

Binitawan naman na ni Brilliant si Wram dahil alam nitong kakalma na ang pinsan nya dahil nakaluhod na si Xitian.

Binuksan naman ni Wram ang bote ng alak at uminom.

"Br-- Bro...Kumalma ka naka luhod na si Xitian."

"Ku-- Kuya... Hindi ko naman sinasadya..."

"Huh! Ano?! Hindi sinasadya? Ano ka bata na kapag may ginawa ng kasalanan mag sosorry lang? Sira na ba talaga yang ulo mo?!"

"Pero maniwala kayo at sa hindi di ko talaga alam yung ginawa ko ng gabing na lasing ako."

Sasapakin sana ni Wram si Xitian pero pinigilan nya ang sarili nya "Brilliant, alisin mo yan sa harapan ko baka di ko talaga yan matansiya!"

"Pero kuya..."

Lumapit si Brilliant kay Xitian "hayaan mo na bukas mo na kausapin mainit na ang ulo nyan."

"Pero..."

"Brilliant!"

"O-- Oo eto na... Halika na baka pati ako masapak nyan."

Nang maihatid naman ni Brilliant si Xitian sa room nito binalikan nya si Wram.

"Tama na yan bro. Paborito yan ni Uncle baka hanapin nya yan. Kilala mo yon ayaw nyang pinapakialamanan ang mga pag mamayari nya."

Kinuha ni Brilliant yung bote ng alak at nilayo kay Wram.

"Tell me, alam mong si Xitian ang ama ng dinadala ni Tasha?"

"Ha? Ahm... Actually, hindi talaga bro well, parang oo pero parang hindi pero ngayon ko lang na sure na sya pala talaga ang ama nung pinagbubuntis ni Tasha. Kung tutuusin naman di na kagulat gulat yun dahil si Xitian ang naka una may Tasha."

"Ano?! Baliw na talaga ang isang yon!!!"

Susugurin sana ni Wram si Brilliant pero pinigilan sya nito "wala na tayong magagawa andun na eh. Kaya kumalma ka muna bukas nalang natin ito pag usapan."

"Alam na ni Ricai?"

"Hindi pa."

Wram sighed "baliw na talaga yang pinsan mo."

"Sinabi mo pa. Pero pinsan rin kita Bro at kapatid mo si Xitian."

"Heh!"