webnovel

Celestial Academy.

Isang paaralan sa gitna ng gubat. Isang paaralan na para lamang sa may kakaibang Kakayahan. Isang paaralan para lang sa taong may mahika. Isang paaralan na krimen ang magmahal Isang paaralan kung saan bawal ang talunan. Isang paaralan na kailangan kilala mo ang sarili mo. Do you know who you are? or what you are? Do you sacrifice your love than to your life? Si Celestina Cassandrina isang heartless brat pinalaki siya ng kanyang magulang na puno ng pagmamahal at halos lahat ng gusto niya ibinibigay ng kanyang magulang. Pero hindi lang ang kapalaran niya ay maging isang heartless bratinella princess. Ipinasok siya ng kanyang magulang sa isang paaralan na puno ng hiwaga at kapangyarihan. Ano kaya ang magiging kapalaran ng isang brat sa loob ng paaralan?

khaaassy · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
2 Chs

The beginning

CELESTINA'S POINT OF VIEW

Nandito kami ngayon sa isang paaralan, isang paaralang puno ng hiwaga at mahika, na dati akala ko haka haka lang at guni guni lang pero hindi, isa iyong totoo at ang totoo pa rito ay dito na rin ako mag aaral, sa paaralan na ito.

"Mom! Dad! Talaga bang papaaralin niyo ako dito?! Ayoko dito and besides napakalayo ng paaralan na ito !" pagmamaktol ko sa magulang ko. They decided na dito na daw ako magtapos ng pag aaral as if naman maganda ang offer ng school, and i don't think na magtatagal talaga ako dito i can find may own way para makatakas dito.

" Celestina wag mo na problemahin iyon, dito ka titira pansamantala hanggang makatapos ka at isa pa para iyan saiyo para hindi ka mapahamak ng sarili mong kapangyarihan " mahinahon na sabi ng mommy ko

When i was 8 years old nagpakita na kasi ako ng kakaiba. Noong una kala ko normal lang ang magpayelo ng bagay at magpalipad pero hindi pala. Hanggang may ipinagtapat sa akin sila mom and dad . Yeah may kapangyarihan din sila at i don't know kung meron pa and sila din daw ang founder ng school na ito.

Pumasok kami sa isang palasyo kung saan nandito ang mga bagong namumuno sa paaralan na ito. Hindi ko alam kung bakit hindi na si mom and dad ang namumuno dito. Siguro gusto nila ng normal at tahimik na buhay kahit naman ako yun din ang gusto ko.

"Welcome back Lady Adelina and Master Adriel " Sabi ng babae na sumalubong sa amin dito.

Tinanguan lang ni mom at dad yung maid. Tumingin naman ako sa buong paligid ng palasyo napakaganda at linis. Dito ba dati nakatira sila mommy at daddy? Paano nila natayo ang ganitong kagandang palasyo at paaralan.

"hello adelina and adriel welcome back" masayang bati ng isang may edad na babae. Siguro siya ang namumuno dito. She looks evil.

"Thanks erin " mom said sabay yakap nila sa isat isa.

"And this is our daughter Celestina Cassandrina " pagpapakilala ni dad sakin nagsmile lang siya sa akin. May naaamoy akong PLASTIC tss! I dont like her.

" Nice name huh! CELESTINA, CELESTIAL " sabi nung erin sabay tingin kay mom " pwede ko ba kayong makausap ?" sabi niya ulit. Hindi pa ba obvious sa lagay na yan na nag uusap sila tsss

" celestina mag uusap muna kami. Maglakad lakad ka muna " dad

" Ok dad" walang gana kong sagot .San naman ako pupunta nito?! naglakad na ako papunta sa pintuan ng palasyo na to.

"Miss celestina wag kang pupunta sa black forest" sabi naman nung erin hindi ko naman siya pinansin at lumabas na ako palasyo na yun. Ano kayang meron sa black forest na yun. All i know that black forest is a cake and its yummy.  Naglakad lakad lang ako hanggang sa makapunta ako sa Malawak na field nila. May mga taong nag pa'practice in their own magic. Hindi na ako nagugulat sa nakikita ko ngayon magic is everywhere in this academy, since when i was a child my parents always tell a story about this school and they always trained me with their magic also.

" ANO BA ?! KAYA MO BANG KONTROLIN YANG KAPANGYARIHAN MO?! " Sigaw nung lalaki doon sa tinuturuan niya. Ang sungit naman. Kala mo kung sino. Gawin ko kaya siyang yelo.

Naglakad lakad ulit ako. Maganda naman tong school ei. Puno ng hiwaga. Di mo aakalain na ganto pala ka ganda to. Pag nasa labas ka kasi parang abandonado na school.

"Who are you?!" Napatingin naman ako sa likod ko kung sino yung nagsalita. Yung lalaki lang pala kanina na masungit.

" Im Celestina Cassandrina may problema ba ? " pagtataray ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama at sabay smile na hindi ko gusto ang pag smile niya tss

" hindi ka man lang ba makikipagshake hand? Di ba ganyan naman pag nakikipagkilala?" seryosong sabi niya. Hindi ko alam kung bakit kusang inilahad ko ang kamay ko at kinuha rin niya iyon.

"OUCH!" sigaw ko sabay alis ng kamay ko sa pagkakahawak niya

" Ahahahaha talagang baguhan ka pa ha! Tatanga tanga ka pa" sabi niya habang tumatawa

Ako naman, tiningnan ko ang kamay ko, namumula sobra at masakit, buti hindi nasunog Sht! Bat di ko naisip na posible niya ako pasuin! Ang tanga mo celestina! Diba kanina nakita mo kapangyarihan niya APOY as in F.I.R.E! Tawa pa rin siya ng tawa, sa inis ko hinagisan ko siya ng matalim na yelo pero nakaiwas siya. Buti na lang tinuruan ako ni mom at dad kung paano gamitin ang kapangyarihan ko pero yung basic lang.

"Nice try huh! Next time miss huwag kang magtiwala sa kahit na sino" Sabi niya at tumatawa pa rin. Aalis na sana siya sa harapan ko pero hinarang ko siya, gumawa ako ng pader na yelo para hindi siya makaalis.

"It's payback time Mr. Hell boy" sabi ko sa sarili ko. Nanatili pa rin siyang nakatawa na parang wala lang sa kanya ang ginagawa ko .

" yan lang ba kaya mo miss?" maangas na tanong niya

gumawa ako ng matatalim na yelo at binato ulit iyon sa kanya pero mabilis siyang nakaiwas . Naiinis ako! naiinis ako sa tawa at kayabangan niya! i hate him!

" baka nakakalimutan mo miss apoy ako yelo ka . Sa atin na dalawa mas talo ka " sabi niya pa na naka evil smile . Oo alam ko wala akong laban sa kanya dahil apoy siya, i don't care! He will pay for this! Nagpaulan lang ako ng matatalim na yelo para patamaan siya pero unti unti na akong humihina dahil sa sobrang paggamit ng kapangyarihan ko at dahil hindi ko pa masyado gamay ang kapangyarihan ko.

My mom said na kapag pinasok nila ako dito hindi lang daw ito ang kaya ko marami daw ako matututunan dito at para daw malaman ko kung sino ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nila. Unti unti ng nanghihina ako at tuluyan ng bumagsak ako sa sahig. Hingal na hingal ako.

" yun lang ba kaya mo? Mukhang marami ka pa dapat matutunan miss sobrang hina mo pa kumparasa ibang baguhan dito para kang bata na naglalaro lang" seryosong sabi niya. Talaga bang nang iinis siya?!

" YOU WILL PAY FOR THIS! " i shouted to him

" how much? Miss Celestina? Umaasa pa naman ako na magiging malakas ang anak ng dating hari at reyna dahil kilala sila na isa sa pinakamalakas dito, I'm disappointed to their daughter" talaga bang iniinsulto niya ako?! At bakit niya tinawag na queen at king si mom and dad. Masyado na akong naguguluhan bat tinawag niyang queen at king ang parents ko? bat hindi to nasabi nila sakin? ang alam ko founder lang sila at sila dati ang namumuno. Hindi nila sakin nasabi na bakit sila umalis dito at piniling lumayo. At bakit tawag kanina ng maid ay Lady at master?pinilit kong tumayo kahit hinang hina na ako. Tiningnan ko si hell boy na kalmado lang at naka smile pa rin. I really hate his smile! at nakatingin sa akin. Napaka ungentleman niya! hindi niya ba ako tutulungan tumayo!

"thanks ha! salamat sa pagtulong sa pagtayo ko" i sarcastically said

" umaasa ka bang tutulungan kita? bakit pag may kalaban ka ba tutulungan mo siya ? " pang iinis niya. So kalaban ang tingin niya sa akin.

"sino ka ba ?!" irita kong tanong. Masyado nang madaldal itong lalaki na ito.

" Hindi ako nagpapakilala , sila ang kumikilala sa akin. And if i were you aalis na ko dito wag ka na pumasok dito masyado kang mahina para dito " sabi niya

" yeah maybe mahina ako sa tingin mo pero di ako gaya mo! bakla ka ! pumapatol sa mas mahina sa kanya at lalong lalo na sa babae !" sigaw ko sa kanya

tiningnan naman niya ako ng masama. Pero mukhang napasama talaga ako.

"gusto mo ba maging abo ?" seryosong sabi niya sabay pakita sa akin ng umaapoy na kamay niya at yung mata niya namumula.

" Bakit ? Sino bang tao ang gusto maging abo at mamatay ? Ha? " balik ko naman na tanong. Hindi niya ako matatakot sa apoy niya.

" Matapang ka ah, itago mo muna yang katapangan mo miss baka mamaya hindi mo kayanin. Tandaan mo Miss bawal ang mahina dito" seryosong sabi nya

Hindi naman ako nagpatinag sa sinabi niya. Bakit sino ba siya para sabihin iyon?

"I don't care Mr. Whatever your name is! "I shouted

"See you later miss at ano ang sabi mo kanina ? pumapatol ako sa mahina at babae ? Yeah i know na mahina ka pero hindi ka mukhang babae " sabi niya at sabay smile sa akin. Talaga bang iniinis niya ako! ako hindi mukhang babae?! para saan pa't naka neon pink dress ako!

" I WILL KILL YOU!" Galit na Sigaw ko ulit at bigla siya nawala. Nakakapang init ng ulo ang taong iyon! kung ganun lang naman ang mga tao dito mukhang magpapakamatay na lang ako at siguro mababaliw rin ako dito. Bumalik na ako sa palasyo, hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung lalaki kanina hays! nakakainis talaga !! Pagnakita ko ang lalaki na iyon sisigurasuhin kong luluhod siya sa harap ko!